Share

Chapter 70.3

last update Last Updated: 2025-05-20 22:29:02

SA EMERGENCY ROOM nila Giovanni idineretso ang bata kung saan ay nakumpirmang may acute pneumonia nga ito. Nang makapasok doon ay hindi na pinayagan ang dalawa na makapasok pa sa loob. Hinintay na lang nila na lumabas ang doctor na tumitingin sa bata. Panay ang lakad ng pabalik-balik ni Rosafe habang pinapanawan ng kulay ang mukha. Alalang-alala siya sa bata na baka kung ano ang mangyari. Ilang beses na rin niyang sinulyapan ang mukha ni Giovanni. Tinatantiya kung pwede niya ba itong kausapin o hindi. Ilang beses niya pa iyong ginawa. Nagbabakasakaling pansinin siya nito at kausapin kapag nakita nito ang ganun niyang hitsura. Umaasa rin siyang aaluin at bibigyan nito ng lakas na maging matatag sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak.

“Pasensya na sa abala Mr. Bianchi—”

Itinaas ni Giovanni ang kanyang isang kamay upang pigilan ang babaeng magsalita. Wala siya sa mood makipag-usap lalo na at iniisip niya ang reaction ni Briel na iniwanan niya sa kanilang mansion sa kabila ng mariin niton
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristy Coronel Higue
baliw din tong rosafe na to..kapal ng mukha ipa ako ang bata kay gio..hoy rosafe umayos ka ha,kalbuhin kita jan eh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 72.1

    SI GIOVANNI NA ang kusang nagbaba ng tawag. Ipinarinig niyang hindi siya natutuwa sa pang-iistorbo nito na halatang walang pakialam kung totoo ba ang sinabi ng secretary niya na may sakit din ang anak niyang si Brian. Oo na, bastos na siya pero rinding-rindi na siya sa ginagawa nitong pananakal sa kanya na daig pa niya na siya ang ama ng bata. Iyon ang naging kapalit ng kabaitan niya. Kung simula pa lang ay hindi siya nagpakita ng interes, nanahimik sana si Rosafe. Hindi siya nito kinukulit na para bang kinakaya lang siya nitong utus-utusan ng gustong mangyari gamit si Ceska. Muli pa siyang napahilamos ng mukha nang maalalaa ang mukha ng kanyang anak noong puntahan niya. Silang mag-ina dapat ni Briel ang kanyang inaatupag at hindi ang kung sinong mag-ina na abusado. Tama ang sinabi ni Briel sa kanya na makasarili siya. Maramot siya pagdating sa kanyang mag-ina. Pinahinto niya ang sasakyan sa isang toy store na kanilang nadaanan upang bilhan ng laruan ang kanyang anak na pasalubong.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.4

    LANTARANG PINANDILATAN NA ito ng mga mata ni Briel na naging dahilan upang umatras si Giovanni at bigyan ng distansya ang kanilang halos maubos ng pagitan. Ilang sandali pa ay naging mariin at nanlilisik na ang pagkakatingin ng mga mata ni Briel sa kanya. Hindi naman ito iniwasan ni Giovanni na halatang desidido na labanan iyon kung iyon lang ang paraan upang umayos ang pakiramdam ng babae na kanyang nasaktan. Naputol ang kanilang titigan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Giovanni na tungkol iyon sa kanilang negosyo. Kinakailangan niyang umalis upang magpunta sa kanyang office. Hindi naman iyon pinansin ni Briel na pinapakitang wala pa rin siyang pakialam kung anuman ang gawin na nito. Nanatili siyang nakatayo, nakapameywang na hindi inaalis ang paningin kay Giovanni na kulang na lang ay tadyakan na niya nang mawala na sa kanyang harapan. Mabuti na lang at napigil niya.“Pwede kang matulog sa sofa dahil alam ko namang napuyat ka. Ang mga nurse na ang bahala kay Brian, ibibilin ko

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.3

    NAGDADABOG NA BINUHAY na ni Briel ang gripo upang banlawan ang towel na kanyang hawak. Sumunod si Giovanni sa kanya nang lumabas na ng banyo matapos iyong pigaan. Namumula na ang mga mata ng lalaki dahil pakiramdam niya ay ibang babae ang kausap niya ngayon. Hindi na ito ang babaeng sobrang mahal siya at nauunawaan siya noon. At sobrang kinakalungkot niya na iyon.“Gabriella naman, please pakinggan mo ako—” “Maraming beses ko na iyang ginawa. Noon!” singhal ni Briel sa sobrang sama ng loob, “Bulag ka ba para hindi iyon makita? Nagawa ko pa ngang isakripisyo ang trabaho ko hindi ba? Hindi ko dapat iyon ginawa eh! Hindi dapat ako ang sobrang nag-e-effort sa'yo. Sayang! Ang unfair mo. Ako ang babae kaya dapat ako ang sinusuyo gaya ng ginawa ng kapatid ko noon sa pamangkin mo. Wala eh, nagmana yata ako kay Kuya Gav at feeling ko ay ako ang lalaki sa atin.” Sumasabog na ang puso ni Briel ngunit kailangan niyang hinaan ang boses upang huwag magising ang anak. Ayaw niyang marinig nito ang

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.2

    NAPAHILAMOS NA SA kanyang mukha si Giovanni habang nakatayo lang doon. Nanunuyo na ang lalamunan niya habang nanuot sa kanyang mga kasu-kasuan ang sinabing litanya ni Briel na dama niya ang matinding galit. Hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot pa. Maluwag na tinanggap niya iyon kahit na alam niya sa kanyang sarili na may pwede siyang isagot. Para matahimik na lang sila at hindi na mas humaba, pinili niyang itikom ang bibig. Minimal invasive surgery lang naman ang ginawa kay Brian kung kaya halos isang oras lang ay nagawa na nitong makalabas ng operating room. Bagama’t minor lang iyon, para sa bata ay masakit pa rin ito. Nang makalabas siya ng silid ay mababakas sa mukha niya ang panghihina. Nang makita ang kanyang ama na naroon at naghihintay, napuno na ng luha ang mga mata niya. Humikbi na siya at itinaas na ang kamay kung saan nakalagay ang karayom ng dextrose. “D-Daddy…” Nagkukumahog na lumapit si Giovanni sa kanyang kama na para bang ang makita ang anak sa ganung ka

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.1

    PINILING TAWAGAN NA ni Giovanni ang kanyang secretary na nauna ng pinapapunta niya ng hospital. Una itong dumating sa kanya na siyang unang nahanap ang kanyang mag-ina. Sinalubong siya nito sa labas ng hospital na sa gitna ng malamig na klima ay namumuo ang pawis nito sa buo niyang mukha. Halatang halos kakarating lang din niya ng hospital noon.“Sa wakas narito ka na, Mr. Bianchi!” Napag-alaman ni Giovanni mula sa kanyang secretary na may appendicitis ang anak nilang si Brian at kailangan itong operahan agad. Naisip niya na kaya siguro tumatawag ang kanyang ina.“Si Brian?” halos hindi lumabas iyon sa bibig niya habang magkasabay silang naglalakad. “Nasa operating room pa po, Mr. Bianchi. Ongoing pa rin ang surgery.” Nadatnan niya ang ina, si Briel at Victoria sa labas ng operating room. Nakaupo ang dalawang matanda habang si Briel ay palakad-lakad na halatang hindi mapalagay kung ano ang gagawin. Nang matanaw siya ng ina ay agad na itong napatayo upang ratratin na ng bibig niya s

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 70.4

    MATANDA NG DALAWANG taon si Ceska kay Brian ngunit nanatili silang tinatago ni June na nangako na oras na matapos ang kanyang project ay hihiwalayan ang asawa nito at pipiliin na sila. Iyon nga lang nangyari ang aksidente at namatay silang mag-asawa na ikinagalit na ni Rosafe. Humanap siya ng masisisi at natagpuan niya ang tungkol kay Giovanni na akala niya swerte siya. Sa isip ni Rosafe ay makukuha niya ang atensyon ni Giovanni dahil magui-guilty ang lalaki dahil may anak sila ni June. Responsable ang lalaki kung kaya naman hindi siya doon nag-aalinlangan na paulit-ulit ipaalala sa lalaki kung anong nangyari na alam niyang magiging epektibo kung palagi niyang sasabihin. Maaawa ito sa kanilang anak ni June.Pagdating nila ng ward ay muling nakatulog ang bata at umaga na ito nagising. Hindi umalis doon si Giovanni kahit na ilang beses na sumagi sa kanyang isipan na baka pag-uwi niya ng mansion ay nakaalis na ang kanyang mag-ina. Kailangan niyang mahintay na magising si Ceska upang masi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 70.3

    SA EMERGENCY ROOM nila Giovanni idineretso ang bata kung saan ay nakumpirmang may acute pneumonia nga ito. Nang makapasok doon ay hindi na pinayagan ang dalawa na makapasok pa sa loob. Hinintay na lang nila na lumabas ang doctor na tumitingin sa bata. Panay ang lakad ng pabalik-balik ni Rosafe habang pinapanawan ng kulay ang mukha. Alalang-alala siya sa bata na baka kung ano ang mangyari. Ilang beses na rin niyang sinulyapan ang mukha ni Giovanni. Tinatantiya kung pwede niya ba itong kausapin o hindi. Ilang beses niya pa iyong ginawa. Nagbabakasakaling pansinin siya nito at kausapin kapag nakita nito ang ganun niyang hitsura. Umaasa rin siyang aaluin at bibigyan nito ng lakas na maging matatag sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak.“Pasensya na sa abala Mr. Bianchi—” Itinaas ni Giovanni ang kanyang isang kamay upang pigilan ang babaeng magsalita. Wala siya sa mood makipag-usap lalo na at iniisip niya ang reaction ni Briel na iniwanan niya sa kanilang mansion sa kabila ng mariin niton

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 70.2

    NAPUNO PA NG sakit ang mukha ni Briel habang nakatingin kay Giovanni na halatang naguguluhan sa mga nangyayari. “Hindi ako naniniwala na wala ka ng magiging pakialam sa mag-inang iyon in the future. Tandaan mo, sobra-sobra ng panahon ang binigay ko sa iyo dahil ang buong akala ko ay magbabago ka na, magiging totoo ka na. Pero ano? Heto na naman tayo, bigo na naman ako. Sarili ko lang ang pinapahirapan ko nang dahil sa lintik na pagmamahal ko sa iyo eh! Nang dahil sa lintik na pangarap kong bigyan ng buong pamilya ang anak natin. Nakakapagod ka na talaga, seryoso ako!”Walang imik na napalunok na lang ng laway si Giovanni habang nakatingin ang mga mata sa mukha ni Briel. “Mali na naman ang desisyon ko na umasang nagbago ka na at this time kami na ang uunahin mo. Hindi rin naman pala!”“Give me some time to deal with it—” “Na naman?” Walang humor ng natawa si Briel sa sinagot ni Giovanni sa napakahabang litanya niya. “Ilang panahon pa? Tumanda na ako ng ilang taon kakahintay sa’yo.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 70.1

    MARAHAS NA IPINADYAK ni Briel ang kanyang isang paa kung saan ay natamaan ang isang paa ni Giovanni na dahilan upang mabitawan siya nito. Itinaas na nito ang isang paa na parang napilay, ininda niya na ang sakit na idinulot noon. Sinamantala ni Briel ang pagkakataong iyon upang makatakas ngunit agad din siyang nayakap ni Giovanni sa beywang.“Bitawan mo sabi ako! Katawan ko lang ang gusto mo! Paulit-ulit na lang tayo sa ganitong scenario! Ayoko na, Giovanni! Tapusin na natin ‘to! Nakakapagod ka na. Sobrang pinapagod mo na ako, hindi lang ang katawan ko pati ang isipan ko!”Unti-unting lumuwag ang yakap ni Giovanni kay Briel na para bang natauhan sa kanyang mga narinig. Kinuhang pagkakataon iyon ni Briel na agad lumabas ng silid upang balikan ang kanilang anak na mahimbing pa rin ang tulog. Problemadong naiwan si Giovanni na hindi pa rin makaalis sa mga salitang binitawan ni Briel at isinampal pa sa kanya. Nanghihina siyang napaupo ng kama. Nasapo na ang mukha gamit ang dalawang palad.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status