Share

Chapter 94.1

last update publish date: 2025-06-28 22:38:19

HINDI NA SUMAGOT si Giovanni na hinubad na ang suot niyang roba na basta inihagis sa may pintuan ng banyo. Walang hirap na isinandal na niya ang katawan ng tulalang si Briel sa pader malapit sa sink at siya na ang nagkusang kunin ang isang binti nito at iyakap na sa kanyang beywang. Pareho silang napapikit nang muli nitong magawang maipasok ang kanyang sarili sa loob ni Gabriella na mahina ng napadaing habang mariing kagat ang labi upang hindi tumakas ang kanyang mga munting daing. Sa loob mism
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maricel Pacia
buti nman Briel pinagbigyan ng kasayahan ang mga ninyo at pati rin ang sarili ninyo ni Giovanni happy kming nga readers ...️...️...️
goodnovel comment avatar
Kristine luv Villanueva
nakakatuwa n masaya n si Brian at Gia thank u ms a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 14.3

    WALA SA VOCABULARY ni Bene na husgahan ang kasintahan na mayroong masamang pina-plano, pero nagtataka na siya. Kanina, nais lang nitong malaman ang name ng hotel at room number niya sa valid na rason. Tapos ngayon, gusto nitong pumasok na sa loob? Hindi naman marahil totoo ang namumuong hinala sa kanyang isipan sa naging aksyon nito. Huwag niya lang biglang sabihin na gusto niyang matulog sa room niya, hindi na siya mangingiming marahas na tumanggi dito. Hindi rin iyon pwede. Kasasagot lang nito sa kanya tapos ay ganun na agad sila? Mapapasama siya kapag nagkataon doon.“Come on, Bene…” padyak pa ni Gia ng kanyang mga paa. “Promise, behave lang ako. Wala akong masamang gagawin.”Walang nagawa si Bene kung hindi ang pagbigyan ang kasintahan. Nauna ng tumakbo papasok sa loob ng silid si Gia matapos na mabuksan niya ang pintuan noon at i-gesture na maaari na siyang pumasok sa loob. Padapa na siyang excited na tumalon sa malaking kama na nasa gitna ng suite na kinuha ni Bene. Hindi niya n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 14.2

    BATID NI GIA na pagod ang kasintahan sa byahe, pero anong magagawa niya ayaw pa niya talagang umuwi. Natatakot din siyang matulog tapos malaman na lang kinabukasan na nakababa na naman si Bene at hindi na naman natupad ang kanilang usapan na pupunta ito ng kanilang mansion upang makipagkita sa kanyang mga magulang. Hindi sa wala siyang tiwala sa nobyo noon. Nag-aalala lang siya na baka iyon na naman ang sumalubong sa kanya pagdilat ng mga mata niya.“Pero, Gia madaling araw na. Saka kailangan ko na ‘ring magpahinga para maaga akong pumunta bukas ng mansion niyo.”Natameme si Gia na umayos na ng upo. Kailangan niyang intindihin ang nararamdaman ni Bene, pero hindi niya mapigilan na ipilit ang kanyang gustong mangyari. Kailangan na makagawa siya ng paraan na hindi nito paghihinalaan.“Okay, pumapayag na ako but in one condition, Bene.”Biglang nangunot ang noo ni Bene sa binanggit na iyon ng nobya. “One condition? Ano naman iyon?” Hinawakan na ni Bene sa kanyang baba si Gia upang ihar

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 14.1

    MABILIS NA BINAGO ni Gia ang kanilang topic. Ayaw niyang umiyak. Ayaw niyang sobrang maging seryoso ang tono ng kanilang usapan ni Bene. Naroon sila upang magsaya. I-well spent ang oras na magkasama silang dalawa ni Bene na dapat noon pa nila malayang nagagawa kung naging malinaw lang sa kanila ang lahat ng maaga. Iyon ang kanyang nais gawin.“Alright, sabi mo ‘yan ha?” Mabilis na dinampian ng halik ni Bene ang labi ni Gia na bahagyang napaawang nang matapos iyon. “Of course, Gia. Pagkatapos ng trabaho ko, sa iyo na ang lahat ng oras ko.” Namumula ang magkabilang pisngi ay malambing ng niyakap ang isang kamay ni Gia sa leeg ni Bene. Hinalikan ng nakaw sa pisngi ang lalaki. Natawa lang si Bene sa ginawa niya. Taliwas iyon sa pinakita niyang pagiging agresibo kanina. Sa labi siya nito agad hinalikan at hindi sa pisngi. Marahil ay maraming tao sa paligid kung kaya naman nahiya bigla ang nobya.“Ang tapang mo kaninang halikan ako sa labi tapos ngayon sa pisngi lang?” hindi napigilan ni

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.4

    SA SINABING IYON ni Gia ay hindi na napigilan ni Bene na mamula ang leeg paakyat sa kanyang magkabilang tainga. Iyon ang nagiging reaksyon ng katawan niya kapag kinikilig siya at bumibilis ang tibok ng puso. Aaminin niya, kilig siya sa simpleng banat na salita ni Gia. Iba ang dating sa kanya ng mga papuri kapag nanggaling ito sa mismong bibig ni Gia.“Tama na ang papuri, Gia. Magkakasakit na ako sa'yo niyan ng hydrocephalus.”Ang tinutukoy ni Bene ay ang sakit na literal na paglaki ng ulo ng isang tao. “Bwisit ka talaga!” halakhak ni Gia na na-gets agad kung ano ang nais na ipahiwatig nito.Matapos dalhin ng waiter ang card na ginamit pangbayad ay magkahawak ng kamay na silang lumabas ng resto. Walang pakialam sa paligid kung may makakilala man sa kanilang dalawa. Maraming tao ang pakalat-kalat sa daan. Iyong iba ay piniling sa labas mag-celebrate ng New Year, manood ng fireworks na naka-set sa iisang lugar. Nilakad lang nina Gia at Bene patungong Melvin Jones Grandstand, malapit iyo

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.3

    ILANG SAGLIT NA tumingin sa kabilang direksyon ang mata ni Gia upang tingnan kung parating na ang order nila. Ganun din ang ginawa ni Bene na hindi na muling nagsalita. Napapahiyang inayos na rin niya noon ang upo. Saglit na sinulyapan si Gia na ang buong atensyon ay nasa counter pa rin ng kainan. Batid niyang nililibang lang ng babae ang kanyang sarili.“Tell me Bene, bakit mo nga ba ako nagustuhan?” makahulugang tanong ni Gia nang muling lingunin ang kaharap.“Kailangan bang may dahilan?”“Hindi naman, pero curious lang ako. Bawal na bang ma-curious ang gaya ko? Gusto ko lang malaman ang thoughts mo.”Tumikhim si Bene upang gawing klaro ang tunog ng kanyang boses. Sa pakiramdam niya, mukhang kakailanganin niya ng mahabang pasensya ngayong kasintahan na niya si Gia. Iba ang trip nito, may panahon na masyado itong hyper. Malayo rin ang agwat ng edad nila na isa sa mga factor na kakailanganin niyang mag-adjust. Paniguradong may mga pagkakataon o araw na magkakainitan sila at hindi magk

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 13.2

    SI BENE ANG nag-order ng kanilang pagkain. Tinatanong lang niya si Gia kung gusto niya ito. Panay tango at iling ang ginawa ng dalaga habang maligaya ang mga matang tinitingnan lang si Bene habang umo-order. Sa kanyang paningin ay lalo itong naging gwapo. Magkaharap sila nito sa lamesa kung kaya naman kitang-kita niya ang kabuohan ng mukha niya. Mula sa gupit nitong tama lang sa hubog ng kanyang mukha. Habang nakatingin kay Bene, naisip ni Gia na ganun pala ang pakiramdam na alagaan ng taong minamahal niya. Sobrang saya ng puso niya. Sa labis na saya ay parang anumang oras ay sasabog iyon. Hindi lang iyon, nagdulot din iyon ng pakiramdam na parang maiiyak siya sa labis na kaligayahan.“May gusto ka pang idagdag, Gia?”Umiling si Gia. Nakangiti pa rin ang kanyang labi. Umayos na siya ng upo. Tiningnan na siya ng waiter na nasa gilid lang.“Wala na. Tama na iyon.”“Dessert?” suggestion ni Bene dahil ang huling natatandaan niya ay mahilig kumain ng matamis at malamig si Gia.“Ayoko, masy

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 77.2

    HINDI LINGID SA kaalaman ni Atticus na humiram sa kanyang asawa ng pera si Ian. Alam niya ang dating sitwasyon ng dating kaibigan. Inaasahan nga niyang sa kanya ito lalapit, ngunit mas pinili ni Ian na sa kay Gabe dumaing. Ipinagkibit iyon ng balikat ni Atticus lalo na nang tingnan niya ang mga ana

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 67.1

    SA KATUNAYAN, ALAM ni Atticus na hindi naman talaga ganun ang nangyari. Haya and Hunter were well taken care of. Gabe loved them very much, otherwise she wouldn't have come to him for their sake. Magiging makasarili na lang sana ang babae at hindi iisipin ang kanyang mga anak. But the thought of he

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 72.4

    NOONG SUMAPIT ANG araw ng Sabado, sinimulang tawagan ni Gavin ang mga anak upang pumunta ng villa nila sa Batangas. Maging ang anak na panganay ng kapatid niyang si Briel ay kanyang idinamay. Aniya, mas marami ay mas masaya. Muli pang naging maingay ang villa nila ng asawang buong linggo ay napakat

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.3

    BUMITAK NA SA isang maligayang ngiti ang labi ni Atticus at bumitaw na sa kanyang pagkakahawak sa kamay.“Sorry,” bitaw ni Atticus sa kanyang isang kamay at muling inihawak iyon sa manibela. “Gusto ko lang naman malaman.”“Masyado ka namang tsismoso.” When they arrived at the venue, Atticus parked

    last updateLast Updated : 2026-04-03
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status