BOOK 2
The Stunning Wife of Governor Bianchi
Gabriella Dankworth and Giovanni Bianchi Story
BLURB
Sa edad na thirty-five, isang kahibangan para kay Governor Giovanni Bianchi ang makipagrelasyon sa isang babaeng bata sa kanya ng sampung taon. Hindi lang iyon, ang pinakamalalang eskandalo pa dito ay bunsong kapatid ito ng asawa ng kanyang pamangkin. Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa kanya? Mahilig siya sa bata? Hindi lang sa kanya kundi sa pamilya rin ng dalaga. Sobrang nakakahiya kung itutuloy pa ni Giovanni ang nararamdaman para kay Briel. Subalit, paano niya pipigilan ang sarili kung kada makikita niya ang pamilyar at mapanghalinang mukha ni Gabriella Dankworth ay nakakalimutan niya ang malaking agwat ng edad na naghihiwalay sa kanila at ang tanging naiiwan sa malanding utak niya ay ang mga eksena ng gabing nagiging isa ang mga katawan nila? Alam nilang pareho na mali, isang katangahan at kasuklam-suklam sa mata ng karamihan ngunit paano ba nila mapipigilan ang kanilang mga katawan na para bang matagal ng magkakilala?
Mapanindigan pa kaya ni Governor Bianchi ang prinsipyo niyang pinanghahawakan na kailanman ay hindi siya papatol sa liberated, spoiled brat yet stunning in beauty na bunsong anak ng mga Dankworth?
Paano kung nagbunga pala ang kanilang kalandian este pagmamahalan?
Magagawa kayang panindigan ng Governor sa mata ng mapanghusagang lipunan ang kanyang mag-ina? Paano kung kailan handa na siya, saka naman siya tatanggihan ng tinatangi niyang si Gabriella?
SINAMANTALA NI GIOVANNI ang komosyong nilikha ng kanyang apo sa pamangkin na si Gabe upang pumuslit sa naturang party. Pabulong na nagpaalam siya sa inang si Donya Livia na may kailangang puntahan ng mga oras na iyon nang sa ganun pagkatapos ng party ay hindi siya nito hanapin. Hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ni Bethany tungkol kay Briel na lumayas umano ito na dalawang taon na ang nakakalipas. Habang siya kampanteng namumuhay, hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan pala nito. Ang buong akala pa naman ng Governor ay umalis ito ng bansa, iyon ang pagkakaalam ng dalaga sa kanya at syempre iyon din ang sinabi nito noong huling usap nila kaya naman pinaniwalaan niya. Ang kamalian lang niya ay masyado siyang naging kampante at hindi man lang nag-check ng immigration kung totoo bang lumabas nga ito ng bansa. Pinabayaan niya lang ang dalaga dahil ng panahong iyon ay abala na rin siya.‘Nasaan ka, Briel? Nasaan ka ng dalawang taong iyon? Huwag mo sabihing napariwara ka dahil
ISANG DIPA ANG layo nila sa bawat isa pero amoy na amoy ni Giovanni ang alak sa hininga ng dalaga na hindi niya alam kung matalas lang ba ang pang-amoy niya o talaga lango ito sa alak. Malakas din itong uminom ng alak, iyon ang na-obserbahan niya kay Briel sa loob ng ilang araw nitong pananatili sa mansion nila bago pa ang kasal ng kanyang pamangkin. Iyon ang isa sa turn off niya sa mga babae. Ayaw niya sa babaeng umiinom ng alak o sa babaeng mahilig pumarty. At sa tingin niya party girl ang babae lalo na sa paraan ng pananamit nito. Sinong matinong babae ang magsusuot ng hanggang kalahati ng hitang skirt sa malamig na lugar? Siya lang ang nakilala niyang babaeng ganun.Napapitlag ang Governor na marahas idinilat ang mata nang mag-preno ang driver. Nais nang mapamura sa pagkaudlot sa nakaraang binabalikan. “What the hell are you doing? Tulog ka na ba?!” “S-Sorry po, Governor Bianchi, may aso pong biglang tumawid ng kalsada.” kabadong wika ng driver na biglang namutla sa hitsura ng G
PARANG NAPAPASONG NAPALAYO si Giovanni kay Briel ngunit hindi ito bumitaw sa hawak nito sa leeg niya. Nanlaki pa ang mga mata ng Governor nang awtomatikong humigpit ang yakap ni Briel sa kanya at idinikit pa ang katawan niya na parang bigla siyang naging lango sa alak. Hindi lang iyon, naramdaman niya ang paglapat ng malambot na labi nito sa balat sa leeg at init ng dampi ng hininga na tila ba may nasindihang apoy sa ibabang parte ng kanyang katawan. Idagdag pa ang kiskis ng malaki nitong hinaharap.“Excuse me, Miss Dankworth?!” marahas na alog niya sa katawan nitong mabilis inilayo upang hindi nito marinig ang mabilis na dagundong ng kanyang puso. “Pinagloloko mo ba ako, Gabriella?!”Ilang beses niyang inalog pa ang katawan ng dalaga na hindi niya alam kung nakatulog ba sa mga bisig niya o ano dahil nakapikit na ang mga mata nito.“Nasaan ba si Giovanni?” naulinigan ng Governor ang boses ng ina na halatang hinahanap na siya. “Nasa silid niya po, Donya Livia…”“Umakyat na? May mga bi
ILANG MINUTO NA ang lumilipas kung kaya naman ay panay ang buntong-hininga ni Briel habang panaka-naka ang tingin sa unahan ng mahabang pila kung saan siya nakatayo na para bang hindi man lang umuusad. May dala naman siyang payong pero hindi niya kaya ang alinsangan ng panahon. Tumatagaktak na ang pawis sa kanyang mukha na kung magtutuloy-tuloy pa ay baka dehydration ang abutin ng katawan niyang hindi pa rin sanay na mabilad. Kung hindi lang kinulang ang pera niyang dala, hindi sana siya magtitiis na pumila ng mahaba sa lintik na fruit tea stand na iyon para sa batang kasama. Gusto niya kasing mabigyan nito ang batang akay niya at kanina pa nakangiti sa kanya. Nakokonsensya naman siya kung aalis sila sa pila at hindi na iyon itutuloy. Iyon na nga lang ang kasiyahan nito kada lumalabas sila, pagbabawalan niya pa? Hindi niya naman alam bakit humaba ang pila. Last time naman hindi. Lihim niyang sinisi ang mga vlogger na nagpakalat ng balitang masarap ang fruit tea doon. Kung pwede niya l
NAPAPALATAK NA SI Briel nang makitang napapahiya na ang hipag sa inaasta ng pamangkin niya ngayon, napakamaldita talaga. Ang isipin na mana ito sa kanyang Kuya Gav ay parang gusto niya ng pagtaasan ang mag-ina ng kilay. Kumibot-kibot naman ang bibig ni Bethany sa tanong ng anak, halatang pilit kinakalma ang sarili. Para bang ilang minuto pa itong nawala sa kanyang sarili na napatingin na ulit sa mukha ni Briel na nakatingin sa kanya.“Saka ko na sa’yo ipapaliwanag, Gabe. Basta Tita mo siya kaya dapat Tita ang tawag mo sa kanya anak.” malumanay pa nitong saad, pilit na kinokonekta ang mga mata sa batang parang malaki pa rin ang pagdududa.“Kapatid mo ba siya Mommy o kapatid siya ni Daddy para maging Tita ko? Yes or no lang naman, Mommy.” Bahagyang natawa si Briel na salit-salitan na ang tingin sa mag-ina. Positibo nga siyang mana ang pamangkin sa kanyang Kuya Gav sa kagaspangan ng ugali. Galing talaga ito sa genes ng kapatid. Hindi ba sila magkamukha ng Kuya niya? Walang makikitang si
HINDI PINANSIN NI Briel ang nakita niyang sakit na dumaan na naman sa mata ng hipag. Awa? Lungkot? Pagkagulat na ganun na siya? Hindi niya mahulaan at wala siyang pakialam pansinin. Another nakakagulat nga naman iyon ulit. Dati wala siyang pakialam sa mga leftover na pagkain, pero ngayon para makatipid ay inuulam pa nila ang tira-tira lang kasi okay pa naman at para hindi na rin masayang. Nababawasan ang savings niya tapos ay walang pumapasok.“Sige, sama na lang kami ni Gabe sa tinutuluyan niyo ngayon.”Kinuha ni Briel ang anak sa hipag at binitbit ng muli ang kanyang mga dala. Sinubukan pa ni Bethany na tulungan si Briel na ganun na lang ang pagtanggi. Dumaan pa ang sakit sa mukha ng hipag sa ginawang iyon ni Briel na ang tanging gusto lang naman ay ang tulungan siyang pagaanin ang dala niyang mga pinamili sa palengke kanina.“Kaya ko, dalawang taon ko ng ginagawa ito.” tawa niya pa upang pagaanin ang kanilang pagitan ni Bethany.“Briel…”“Please, Bethany. Hindi mo kailangang maawa
HUMIGPIT PA ANG hawak ni Briel sa tangkay ng eco bag kung saan natanggal niya na ang lahat ng mga pinamili sa narinig niyang kuryusong tanong ng hipag. Iyong iba nga doon ay inaayos na lang niya sa tamang mga lalagyan nila nang paulit-ulit upang magkunwari na busy siya at hindi na matanong. Useless lang kung itatanggi pa niya sa hipag ang lahat-lahat gayong buking na rin naman siya nito. Ano pang itatago niya? “Hmm, nalaman ko lang na buntis ako pagkatapos naming maghiwalay. Hindi niya rin alam na may isang Brian sa buhay namin at wala akong planong ipaalam dahil hindi niya rin naman ako pakakasalan. Okay na ako na kaming mag-ina lang, Bethany. Ayos na rin ako sa ganitong set up namin.”Saglit na natahimik ang hipag ni Briel sa sagot niya. Ni hindi na ito nagsalita na tumagal ng ilang minuto. Nag-iisip marahil ng sasabihin sa kanya. Nahiling niya rin na sana huwag na itong umalma. Ngunit mali siya nang muli itong magpahayag ng saloobin na hindi na nagugustuhan pa rito ni Briel.“Bri
MUNTIK NG MAKALIMUTAN ng dalawa ang tungkol sa mga batang kasama na parehong nakatingin sa kanilang banda dahil sa pag-iyak. Problemado ang mukha ni Gabe na namumula na rin ang mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakatayo na ito at nakababa sa sofa na inuupuan niya kanina.“Gabe, hindi kami nag-aaway ng Tita Briel. Happy lang kami na muling nagkita. Okay? Happy kami.”“Pero umiiyak kayo ni Tita Briel, Mommy. Lumuluha. Happy pa rin po ba kapag umiiyak?”Sabay silang nagpunas ng luha habang natatawa sa tanong ni Gabe. Bumalik si Bethany sa sofa at kinarga na ang anak. Hinaplos naman sa ulo ang anak ni Briel na ilang sandali pa ay nilapitan na rin ng kanyang ina upang kargahin na rin. Sa bandang huli ay hindi pa rin si Briel nakumbinsi ng hipag na sumama sa kanilang mag-ina pauwi ng villa. Pinanindigan ni Briel na hindi sila sasama sa kanila.“Pangako, hindi ko sasabihin sa Kuya mo na nakita kita. Kayong mag-ina dito. Pero ibigay mo sa akin ang phone number mo para kapag nagaw
GANUN NA LANG ang naging gulat ng mag-asawang Dankworth nang bumungad si Giovanni sa bulwagan ng kanilang mansion nang hindi man lang nila natunugan ang gagawin nitong pagpunta. Paakyat na sana ang mag-asawa sa ikalawang palapag upang matulog na nang matigilan dahil nakita nila ang dating Governor sa pinto at akay ang kanyang anak. Sa likod nito ay kabuntot nila si Briel. Noon lang naunawaan ng mag-asawa na marahil kaya nasa labas ang mag-ina ay hinihintay ang pagdating ng dating Gobernador.“Oh? Kailan ka pa bumaba? Bakit hindi ka nagsabi?” maligayang salubong ni Mr. Danworth na malapad na agad ang ngiti sa kanyang future na manugang, “Gabriella, pababa pala si Giovanni di mo sinabi sa amin?” “Ah, susunduin ko lang po ang mag-ina ko.” alanganing sagot ni Giovanni na tiningnan na si Briel ng may kahulugan, humihingi siya ng tulong na magpaliwanag sa kanyang mga magulang. Mukhang hindi kasi alam ng kanyang mga magulang ang kanyang plano kung kaya nais niya itong magsalita. “Isasama ko
AGAD NA NATAMEME si Giovanni sa mahabang naging litanya ng kanyang pamangkin. Tama nga naman ito, marami sa mga sinabi nito ang pwede nilang gawin ni Briel nang matapos na ang kanilang problema. Pinag-isipan niyang mabuti ang suggestion na iyon ng kanyang pamangkin na inukopa ang buong araw niya na tanging iyon lang ang iniisip. Nang makapagdesisyon ay hinagilap niya ang cellphone at sinubukan niyang tawagan si Briel. Nakailang tawag na siya ng video call sa social media account nito ngunit hindi naman siya sinasagot. Ring lang iyon nang ring. Nakokontak niya ito kung kaya alam niyang hindi naman siya nito blinock. Baka kasi iyon ang case kung kaya hindi mag-konekta ang kanilang linya. Ganun din sa pagtawag niya sa phone number ng babae na kanyang sinubukan, hindi niya ito makontak. “Bakit?” tanong niya na mas nagulo pa ang isipan kung bakit ganun, ni hindi nito mabasa ang chat niya. Agad niyang naisip kung inilagay ba ang number niya ng fiancee sa blacklist. Makailang beses niya pa
SUMAMA PA ANG hilatsa ng mukha ni Briel. Kung pwede nga lang turuan ang kanyang puso, matagal na niyang ginawa iyon ay ibinaling ang kanyang pagmamahal kaso nga lang ay hindi. Masyado niyang naibuhos kay Giovanni ito.“Sana nga Mommy, sana ka-edad ko na lang dahil paniguradong mas mabilis silang kausap hindi niya kagaya! Mabilis din magdesisyon. Hindi ko kailangang maghintay hanggang sa mamuti ang mata ko. Hindi niya ako papaasahin lang.” Hindi makapaniwalang napakamot na lang ang Ginang sa kanyang ulo. Kilala niya ang anak. Hindi niya ito mapipilit sa mga bagay na alam niyang ayaw nitong gawin. Magkakasira lang sila. Hindi naman niya matawagan si Donya Livia upang sabihin ang pagiging pasaway ng anak nito. Bubulabugin pa ba niya ang matanda? Hindi na lang siya kumibo pa at hinayaan na lang niya ang anak sa kung ano ang gusto nitong gawin. Matanda na ito. Alam na niya ang tama at mali.“Papasok na ako. Kayo na muna ang bahala kay Brian kasi half-day lang naman ang pasok niya. Pinapa
BUMIGAT PANG LALO ang pakiramdam ni Giovanni sa mga akusasyong binabato sa kanya ni Briel kahit na totoo naman ang lahat ng iyon. Naiintindihan niya rin kung saan ito nanggagaling. Aminado siyang siya rin ang may mali. Nahigit na niya ang hininga nang makita niyang maluha na si Briel nang dahil sa sama ng loob. Nanlilisik na ang mga mata nitong muli siyang sinulyapan na kung nakakamatay lang ay kanina pa sana siya doon nakabulagta at nangisay.“Alam mo? Hindi mo kami tunay na mahal ng anak mo! Palagi ka na lang ganyan. Lagi kang hindi available pagdating sa aming dalawa!” umiiling na patuloy na bintang ni Briel kay Giovanni na nakatayo pa rin at matamang nakatingin sa kanya, parang inugatan na ang kanyang mga paa sa kung saan nakatayo dahil hindi na siya makaalis doon. “Dahil kung mahal mo at mahalaga kami, willing kang talikuran ang lahat para sa aming mag-ina. Hindi mo iyon makakaya di ba? Dahil palaging mahalaga ang negosyo sa’yo. Mahalaga ang iba kumpara sa aming dalawa ng anak mo
KASALUKUYANG WALA DOON ang mag-asawang Dankworth kung kaya naman silang mag-anak lang ang kumain ng sabay-sabay ng lunch. Matapos noon ay tumambay na silang tatlo sa kwarto ni Briel. Nilaro ni Giovanni si Brian nang nilaro kung kaya naman nang mapagod ay mahimbing itong nakatulog. Pagkakataon na sinamantala ng dating Gobernador na bumawi kay Briel. Hindi naman na doon nagpatumpik-tumpik pa si Briel na isang haplos lang ni Giovanni sa kanyang mga hita na may kasamang malalim na mga halik, tuluyan na naman siyang nawala dito sa ulirat. Muling pinagbigyan ang kagustuhan ni Giovanni na angkinin ang kanyang sarili na pareho rin naman nilang na-enjoy.“Hindi ako natutuwa na pinapaghintay mo na naman ako. Kami.” paglalabas ni Briel ng kanyang saloobin matapos na ayusin ni Giovanni ang nakabalot na comforter sa kanilang walang saplot na katawan na nasa ilalim nito. “Narinig mo?” Gumalaw ang adams apple ni Giovanni at lumalim ang hinga na hindi nakatakas sa pandinig ni Briel. “Alam ko naman
NAPANATAG NA ANG loob ni Briel sa kanyang narinig. Namasa pa ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa labis na galak. Hindi maikakaila na excited na siya sa araw ng gagawing pagbaba ni Giovanni kahit na hindi pa man lumilipas ang isang araw mula ng kanilang pagkikita. Parang ang tagal na ng huli sa paraan ng kanilang pag-uusap na dalawa.“Sabi mo iyan ha? Baka paasahin mo na naman ako.” “Hindi ko iyon gagawin.” malambing na sagot ni Giovanni upang bigyan ng assurance si Briel sa kanyang sinabi. Hindi na rin nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil sa paglalim ng gabi. Bukod doon ay nakaramdam na rin sila ng antok. Ang marinig iyon ni Briel ay naging kampante ang kanyang puso at nagdesisyon na hindi na lang mag-isip nang kung ano hanggang makababa ng Maynila si Giovanni. Nang sumapit ang araw ng pagbaba nito ay nakatanggap si Briel ng tawag mula sa kanya. Ganun na lang ang panghihina niya nang malamang hindi umano ito matutuloy na bumaba. Iyon na nga ba ang mali at negatibong iniisip niya
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gusto