LOGINFirst Chemotherapy ko na ngayon maaga akong ginising. Hindi dahil sa sakit ko kundi dahil sa takot na nararamdaman ko kahit alisin ko ito sa isip ko hindi nawawala.
Alam ng katawan ko ang mangyayari kahit hindi pa nagsisimula. Parang may parte sa akin na gustong tumakbo, pero wala na akong lakas para gawin 'yon. Hinawakan ko ang dibdib ko, marahan. Hindi ko alam kung para pakalmahin ang sarili ko o para tiyaking nandito pa ako. "Today," bulong ko sa sarili ko. Ngumiti ang nurse habang inaayos ang IV line. Sanay na siya sa ganitong eksena. Ako—hindi parang bumalik ako nung bata pa ako umiiyak ako tuwing tinuturuan ako ng injection kahit nandoon at katabi ko si mommy. "You can visit your baby before we start," sabi niya. Tumango ako agad. NICU, Before the Chemo Dinala nila ako sa wheelchair ayokong umupo pero hindi na kaya ng katawan ko. Pagpasok ko sa NICU, naroon siya ang munting anghel ko. Ashley. Mas malakas na ang hinga niya ngayon. Mas steady. Mas...buhay. "Hi," bulong ko. Hindi ko alam kung naririnig niya ako, pero nagsalita pa rin ako. Gusto kong maalala ng katawan ko ang tunog ng boses ko kapag wala na ako. "Sorry kung iiwan muna kita sandali," bulong ko. "Pero babalik ako. Promise." Hinawakan ko ang maliit niyang kamay. Sa sandaling 'yon, pumasok sa isip ko ang tanong na matagal ko nang iniiwasan, Paano kung hindi na ako bumalik? Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako takot mamatay para sa sarili ko. Takot akong mamatay habang may naghihintay. "Please," bulong ko, hindi ko alam kung kanino. "Kahit konti lang na oras pa." Sa Chemo Room bumalik ang alaala noong bata pa ako huminga na lang ako ng malalim para kay Ashley. Malamig. Tahimik. Pinaupo nila ako sa reclining chair at kumot sa tuhod—IV sa braso. Tinitigan ko ang bag ng gamot habang unti-unti itong bumababa. Ito na 'yon. Ito ang lalaban sa cancer at sabay na sisira sa akin. "Tell us if you feel anything," sabi ng nurse. Tumango ako. Sa unang ilang minuto, wala. Parang wala lang. Tapos—Biglang sumakit ang ulo ko. Nahilo ako bigla parang may apoy sa loob ng ugat ko. Dahan-dahan pero tuloy-tuloy. Huminga ako nang malalim at pinikit ko ang mata ko. Para sa kanya, paulit-ulit sa isip ko para kay Ashley. Naramdaman ko ang luha sa gilid ng mata ko, pero hindi ko hinayaang bumagsak. Ayokong umiyak dito. Ayokong matakot nang malakas. Habang tumatakbo ang gamot sa katawan ko, pumasok sa isip ko ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Hindi ko pa siya napapaliguan. Hindi ko pa siya nahahalikan sa noo nang walang gloves. Hindi ko pa siya naibinulongan ng mga kantang kinanta sa akin ng nanay ko. Biglang sumagi ang mukha ni Ash sa isip ko. Paano kung hindi niya ako mapatawad? Paano kung mas matindi ang galit niya kaysa sa masasayang alaala naming dalawa? Tapos si Axelle. Makikita ba niya ang anak ko? Malalaman ba niya kung bakit ako umalis? Humigpit ang hawak ko sa gilid ng upuan. Hindi pa ako pwedeng mamatay na may mga tanong. Hindi pa. Pagkatapos ng ilang oras, natapos din parang binugbog ang katawan ko mula loob at palabas. Nang dalhin nila ako pabalik sa kwarto parang lumulutang ako. Hindi ko alam kung dahil sa gamot o sa pagod. Sumuka ako. Umiiyak ang sikmura ko nanginginig ang kamay ko. "Normal reaction," sabi ng nurse habang inaayos ako. Normal. Parang ang dali nilang sabihin nang mag-isa na ulit ako, napatingin ako sa salamin. Maputla. Payat. Parang hindi na ako 'yong babaeng umalis ng Pilipinas. Hinawakan ko ang buhok ko. Ito na ba ang simula ng pagkawala ko? Umupo ako sa kama nang dahan-dahan. At doon—doon ako umiyak hindi dahil sa sakit. Kundi dahil sa posibilidad na hindi ko makita ang unang hakbang ng anak ko. Ang unang salita niya at ang unang pagkakataon na tatawag siya ng Mama. Kinagabihan, dinala nila ulit ako sa NICU mahina pa rin ako pero gising. "Hi, baby," bulong ko. Tinignan ko siya nang matagal parang sinusubukan kong iukit ang mukha niya sa puso ko. "Kung sakaling mapagod ako," bulong ko, "Ikaw ang dahilan kung bakit babangon ulit." Hinawakan ko ang dibdib ko. "Hindi pa ako aalis," pangako ko. "Hindi pa ngayon." Sa labas ng salamin nakita ko tahimik ang paligid. Pero sa loob ko may laban na nagsisimula pa lang at sa unang pagkakataon mula nang umalis ako hindi na ako nag-iisa. - Hindi pa man ako nakakaalis ng music studio matapos ang rehearsal, tumunog na ang cellphone ko. Message from Mom. Kailangan kong kunin ang mga naiwan na gamit ni ate Elle sa mansyon nila ng bayaw ko. Hindi na bago sa amin ang ganitong request pero ngayon, may iba na at may pilit tinatakpan ng pag-intindi. Ilang linggo na rin kasing umiikot ang chismis—si Kuya Ash at isang actress. We tried to understand him. Pero kasal pa rin siya sa ate ko. That was the line we couldn't cross. Diretso akong umalis ng network at nagpunta sa mansyon. Pagdating ko roon, may sasakyan na sa loob ng mansyon. So, nandito ka, sabi ng isip ko at dinala mo na talaga siya rito. Pagpasok ko sa gate— "Ops!" Nabangga ko ang isang babae. Elegant. Tall. Familiar ang mukha—si Sherylle. Pero ngayon, nandito siya sa loob ng bahay ng ate ko. Nagka-tinginan kaming dalawa sumeryoso ang mukha nito. "At sino ka?" tanong niya nang malamig ang boses. "Paano ka nakapasok?" Mahinang tinulak niya ako palayo. Bago pa ako makasagot— "Axelle?" gulat na tanong ni Kuya Ash. "Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko siya tinignan agad diretso ang tingin ko sa kanya at hindi sa babaeng katabi niya. "Kuya, may pinakukuha si mommy dito gamit ni ate." Tumahimik bigla si kuya at walang imik ang babaeng katabi niya. "Magkakilala kayo?" tanong ni Sherylle, biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. "Oo," sagot ni Kuya Ash. Walang pag-aalinlangan. "Sinong ate?" singit ni Sherylle, kunot ang noo. "Anong gamit ang sinasabi niya?" Real wife, gusto kong sabihin. Pero ngumiti lang ako—pilit. "Kaibigan namin siya," sabat ni Ate Jinchi papasok sa eksena na parang may dalang bagyo. Tinignan niya ako at alam niya. "Anong kukunin mo?" tanong ni Kuya Ash. "'Yong naiwan niyang gamit." "Wait," singit ni Ate Jinchi. "Umupo muna tayo ngalay na ako." Umupo siya sa sofa, pinagpag muna bago tuluyang umayos. "You're Alexie and Emman Villa's daughter, right?" tanong ni Sherylle, sinusukat ako mula ulo hanggang paa. "Yeah." Huminga ako nang malalim. "Kuya, aakyat muna ako." "Saan?" sabat ni Sherylle agad wala kang alam at wala kang pakialam. "Sa taas," sagot ko, diretso. "Obviously." Hinawakan ni Kuya Ash ang braso ko. "Axelle—" Tumingin ako sa kanya. "I respect you," sabi ko ng mababa pero malinaw. "But think about how she would feel when she finds out. For three years, you didn't wait. You didn't even make sure she was okay." Tumahimik siya. Bago pa ako tuluyang maka-alis humarang si Sherylle. "Anong sinasabi mo?" "Sumama ka na lang sa amin," biglang sabi ni Ate Jinchi. "Invited kayo." "Birthday ni Kech," dagdag ko. "Invited ang pamilya namin." At iniwan ko silang dalawa. Binuksan ko ang kwarto nina ate Elle at Kuya Ash. Hindi nagbago nandoon pa ang wedding picture nila. Ang mga framed photos. Ang mga gamit ni ate natawa ako bigla itanggi man ni kuya sa amin alam kong mahal niya pa rin si ate. Mahal mo pa rin siya, bulong ng isip ko kay Kuya Ash. Kahit may iba ka na. Kinuha ko ang mga gamit ni ate—maingat. May iniwan akong kaunti. Hindi ko kayang ubusin lahat. Pagbaba ko nasalubong ko pa ang kasambahay nila hinihingal ako sa bigat ng dala kaya tinulungan ako. "Ate Jinchi, sabay na tayo," sabi ko. "Sige," sagot niya. Bago kami tuluyang umalis humarap ako kay Kuya Ash. "Sana hindi mo na 'to ulitin," sabi ko ng seryoso. "At sasabihin ko kina mommy at daddy ang naabutan ko." Hindi siya sumagot. The Party Sa taxi, tahimik kami ni Ate Jinchi. "Okay ka lang?" tanong niya. "Iniisip ko lang," sagot ko, "Kung may ginawa ba si kuya na hindi nagustuhan ni ate at kung bakit siya umalis." "Mahal ni Ash ang ate mo," sagot niya agad. "Kaya nga sila nagpakasal nang maaga." Tumango ako. "Ate...nabanggit ba sa inyo 'yong sakit ni ate noon?" Saglit siyang natahimik. "Alam namin na nagkasakit siya pero hindi sinabi kung ano." "Ayaw nang balikan ng magulang ko," sagot ko. "Muntik na naming mawala si ate." Tumahimik kami. Pagdating sa bahay ng Swellden, abala na ang lahat. Nagbihis ako gamit ang isa sa mga damit ni ate—sakto pa rin sa akin. Dumating ang mga magulang ni Ate Jinchi, pati ang lolo't lola nila. Mandarin, English, Tagalog—halo-halo ang usapan na naririnig ko. Then— Dumating ang kotse lahat napalingon sa sasakyan. "Happy birthday, bro!" Si Kuya Ash na kasama si Sherylle. Tumahimik bigla ang mga tao naka-upo sa upuan. "How are you?" tanong ni Daddy ng seryoso kay kuya Ash nang kausapin. "I'm fine, daddy," sagot ni Kuya Ash inakbayan ang babae. "Who is she?" diretsong tanong ni Daddy. "My girlfriend," sagot ni Kuya Ash. "Sherylle." Walang kumibo isa sa pamilya ko at pamilya ni kuya Ash. "Hi po," mahina ang boses ni Sherylle. Hindi siya pinansin ng magulang ko. "Ash," seryosong sabi ni Tito Chie. "Mag-uusap tayo mamaya." "I'll just take her home—" "No," putol ni Tita Jia. "Driver ang maghahatid sa kanya." Tumahimik bigla si Sherylle—Ibang-iba sa kanina sa kilos niya sa mansyon nina ate at kuya. "Okay lang ba sa'yo, hija?" tanong ni Tita Jia sa kanya. "Opo," mahina niyang sagot. Pero halata—hindi. Nang magsimula ang usapan ng pamilya— "Ni zhen de yao chexiao nimen de hunyin ma?" tanong ng lola ni kuya Ash. "Ni yijing bu ai ni de qizi le ma?" (Are you really annulling your marriage?) (Do you no longer love your wife?) Hindi sumagot si Kuya Ash. Tahimik ang lahat. "Ginisa na ang brother-in-law mo," bulong ni Mommy sa akin. "At tama lang." "Mali man siya," bulong ko pabalik, "Wala siyang alam sa dahilan ng pag-alis ni ate." Tumingin sa akin si Ate Jinchi. Ngumiti ako sa kanya hindi ko pa pwedeng sabihin ang totoo. Hindi pa ngayon. – After the Party Ash's POV Hindi ako umiinom hindi dahil ayaw ko kundi dahil ayokong may masabi akong hindi ko na mababawi. Tahimik ang paligid matapos ang party. Unti-unti nang nag-uwian ang mga bisita ng kapatid ko. Naiwan ang mga taong dapat kong kaharapin, at ang mga tanong na matagal ko nang tinatakbuhan. Ramdam ko ang bigat ng mga mata sa akin. Hindi ako makatingin kina Daddy Emman at Mommy Alexie mas lalong hindi sa lolo at lola ko. At higit sa lahat hindi ko kayang tignan ang direksyong iniwan ni Elle. Wala siya rito pero parang siya ang pinakamalakas na presensya sa buong lugar. "Hon," mahina niyang tawag habang hinihila ang manggas ng coat ko. "Uuwi na ba tayo?" Tumango ako. Pero bago pa kami makalakad— "Ash," tawag ng boses ni Daddy. Hindi sigaw. Hindi galit. Mas masakit sa nakita ko kay daddy ang dismayado. "Stay," sabi niya, isang salita lang pero parang utos ng buong pamilya. Napatingin si Sherylle sa akin. "Driver will take you home," sabat ni Mommy Alexie, malamig ang tono. Wala akong nagawa. Hinawakan ko ang balikat ni Sherylle. "I'll call you later," bulong ko. Hindi siya umimik tumango lang ng tahimik. Parang unang beses kong nakita ang takot sa mata niya. Habang papalayo siya may parte sa akin ang gustong sumunod. Pero mas malakas ang parte ng sarili kong alam hindi ko na pwedeng takasan ito. Nang tuluyan nang mawala si Sherylle sa paningin namin isinara ang pinto. At doon nagsimula ang katahimikan. Hindi 'yong awkward silence. Kundi 'yong katahimikang parang may hinihintay na umamin. "Umupo ka," utos ng lolo ko. Sumunod ako. Parang bata na pinauupo sa harap ng principal. "Apo," mabagal na sabi ng lola ko. "Kasal ka pa ba?" Oo. Isang salita lang sana. Pero hindi ko masabi. "...Yes," sagot ko rin sa wakas. "Then why is there another woman?" tanong niya nang diretso at walang paligoy-ligoy. Napayuko ako. Hindi ko alam kung alin ang uunahin—ang sagot, o ang paghinga. "She left," sabi ko, pilit. "Walang paalam—Walang dahilan." "Tinanong mo ba kung bakit?" singit ni Daddy Emman. "O hinintay mo lang na mapagod ka?" dagdag ni Mommy Alexie. Tumahimik ako. Dahil alam kong kahit anong sagot—kulang. "Tatlong taon," sabi ni Daddy, mahina pero nakita ko ang pait na ngiti. "Tatlong taon kang naghintay?" "Sa simula," sagot ko agad. "Hinintay ko siya, dad araw-araw." At totoo 'yon. Bawat umaga, iniisip kong babalik siya. Bawat gabi, umaasang may message. Pero ang hindi ko sinabi dumating ang mga gabing tumigil na akong umasa. "At kailan ka tumigil?" tanong ng lolo ko. Hindi ako sumagot. Dahil alam nilang lahat ang ibig sabihin ng katahimikan. Hindi ko sinasadyang banggitin ang pangalan niya, pero lumabas pa rin sa bibig ko. "Kung alam ko lang kung nasaan siya..." "Baka hinahanap ka rin niya," sabi ng lola ko. "Pero hindi ka niya makita dahil may iba ka na." Masakit. Pero tama. Napapikit ako. Sa isip ko, bumalik ang isip ko kwarto namin. Ang mga larawan. Ang mga gamit niyang hindi ko kayang alisin. Kung mahal ko pa siya, tanong ng isip ko, bakit may iba?Huminga na lang ako nang malalim kaya ayaw niyang sumama ako dahil sa mag-ina niya.Bakit kailangan niyang itago sa akin?Maluwag ako sa kanilang magkapatid kaya kinausap ko ang anak ko nang kaming dalawa lang."Anong dahilan mo para itago mo sa akin ang tungkol sa mag-ina mo, anak?" tanong ko naman sa kanya alam niyang maluwag ako sa kanilang magkapatid."Hindi ko rin alam, eomma kung bakit ko nagawang itago ang luwag mo sa amin ni hyung kahit 18 pa lang ako nagkaroon ng relasyon wala kang reklamo sa akin ang bilin mo lang sa amin kung handa na ako sa isang responsibilidad humayo ako at umalis ako sa pamamahay natin buhayin ko ang magiging pamilya ko nung panahon na 'yon hindi ko ginawa nag-focus ako sa study at after that sa work," sagot naman sa akin ng anak ko.(Mommy) (eldest brother)Kaya nga bakit?"Bakit, anak?" tanong ko naman sa anak ko nang balingan ko naman siya ng tingin.Walang sagot mula sa kanya huminga na lang ako ng malalim. Pinagsabihan ko na lang siya at napag-desi
Ngayong nag-iisa na ako sa buhay feeling ko kailangan kong hindi maging pabigat sa anak ko. Nakakahiya naman magpapa-bigat pa ako tumutulong ako sa business nila kahit naka-upo na lang ako sa wheelchair.Maraming nagbago sa nakalipas na taon naging mas moderno ang galawan ng lahat na dati hindi naman."Eomma, yeogi eotteohge jinae?" bungad ng anak ko hinalikan niya ako sa noo ko nagpunta siya sa bahay.(Mom, how are you doing here?)Nilabas nila ako nang dumating ang anak kong bunso walang trabaho ngayon ang anak ko. Masaya ako na nakikita kong walang iniisip na problema ang mga anak ko ganito sana sila habangbuhay."Gwaenchanh-ayo. jigeum jigjang eobs-eo? oneul il eobs-eo?" banggit ko naman sa anak ko.(I'm fine, don't you have a job now? Don't you have work today?)Eomma, jigjang geumandwoss-eoyo. geogiseo wonsuleul mandeul-eossgeodeun-yo. jega siljighaess-eul ttae munjega saeng-gigi jeon-e geumandul gyehoeg-ieossneunde dahaeng-ieoss-eoyo." sagot ng anak ko sa akin.(left my job, mo
Makalipas ng ilang taon, nakapagtapos ang anak ko sa pag-aaral bumalik siya dito sa Korea para mag-trabaho nung nakausap ko ang asawa ko pumayag siya na tapusin na lang ng anak namin ang pag-aaral niya ang bilin lang at huwag gagawin ng anak namin ang lumala ang sakit niyang HIV sa katawan. Hindi namin siya pinigilan na magmahal normal ito at hindi mapipigilan. Nakahanap ng matinong tao ang anak ko tinutulungan siyang gumaling sa sakit niya hindi man kaagad tanggap ng pamilya ng partner niya ang relasyon nila wala silang magagawa matatanda na rin ang mga batang ito.Sumama sa kanya ang partner niya naninirahan sila ngayon sa Mullae-dong masaya sila ngayon na nagsasama. May balak sila mag-adopted ng baby pero parehas namin sinabi ng asawa ko na magpa-surrogate sila at maghanap ng babaeng magdadala ng baby nila."Eomma, sa United State namin planong magpa-surrogate nagtanong-tanong na rin ako sa mga kakilala kong nakatira doon mahal lang talaga dahil sa mga proseso $15,000-$60,000 sa ag
Kinausap ko muna nang masinsinan ang asawa ko pagkatapos niya pagsabihan ang anak namin."Kitty, now that you know about the mistake he made with the wrong person, let's let him learn from his mistake." sabi ko naman sa kanya nilayo ko siya sa anak namin nagpunta kami sa kusina ng mansyon ng pamangkin ko.Humingi ako ng medicine kit sa kasambahay nasalubong namin."What's my fault?" pahayag niya hinawakan ko ang pisngi niya at umiling kaagad ako sa kanya.Alam niya ang pag-iling ko na wala siyang kasalanan iniisip niya karma ito ng buhay niya."You did nothing but let us accept our son's personality he just made a mistake and it's not his fault the mistake is like yours, kitty It's not your fault and it's a mistake to love your ex-girlfriend your son is a person who knows how to love, he just made a mistake that person has a contagious disease, If he loves, he will accept him completely. No matter what happens now." bulalas ko sa kanya nilalagyan ko ng betadine ang gasgas sa kamay niy
Tahimik lang ang mag-ama ko sa unahan habang magkakasama kaming apat sa Venice Grand Canal Mall namamasyal kaming apat ngayong araw. Walang klase ang anak ko sa school kaya nagkaroon ng oras na makasama namin siya.Nakamasid naman ako sa kanilang dalawa katabi ko si manang. Hindi pa sila nag-uusap mula nang magkita silang dalawa ilang linggo nakakalipas. Kausap ng anak ko ang kapatid niya kasama namin si manang at ang bodyguard ng asawa ko.Naiiling na lang ako sa nakikita ko hinayaan ko muna silang magsaya bago magbago ang mood nilang dalawa kapag nagsimula na sila mag-usap tungkol sa problema namin."Ajik baegopa ji anha?" tawag pansin ko sa mag-aama ko tumaas naman ang kilay ko sa pag-lingon nila na parang nagtataka pa ang mukha.(Are you not hungry yet?)"Eomma, jigeum jom jwi apayo." angal naman ng bunso kong anak naka-simangot ang mukha nito sinaway ko lang dahil nag-aasta nang batang paslit.(Mom, I'm already tired.)"Geurae, appa? Ajik wonhaji anayo?" tawag pansin ko sa asawa
Nagulat ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa asawa ko nasa airport na silang dalawa ng bunso kong anak. Nabigla ako nang tawagan niya ako para sunduin ko silang dalawa hindi ko naman alam may plano sila. "Eomma!" tawag sa akin ng anak kong bunso. (Mommy!) Kasama ko ngayon si manang para sunduin ang mag-ama ko may kasamang bodyguard ito para sa kaligtasan niya sa mga crazy fans. Niyakap ko na lang ito nang mahigpit at hinalikan ko sa labi ang asawa ko sa harapan ng mga taong nagsusundo sa mga kamag-anak. Nag-renta ako ng sasakyan at isang kakilala ni manang ang nagmamaneho para sa amin. Nilagay na sa loob ng sasakyan ang mga maleta nauna akong sumakay sumunod ang anak kong bunso at ang asawa kasama ang bodyguard. Nasa unahan naman nakaupo si manang hindi nakasama ang anak kong panganay dahil nasa school pa ito. Sinabihan ko ito na maagang umuwi dahil darating ang appa niya hindi ko na binanggit na kasama ang kapatid niya. (Daddy) Umuwi na kami sa condo kumuha ako ng ano







