Share

The Stolen Romance: 12

Hindi pa rin makapaniwala si Thelma na niloloko siya ng mag-inang akala niya ay lumambot na ang puso ng mga ito sa kanya. Hindi rin siya makapaniwala na pati ang anak niyang walang kamalay malay ay balak pa nitong gamitin para lang sa sarili nitong mga hangarin.

"Napakasama nila anak," bulong ni Thelma at muling napahagulgol.

Malalim na ang gabi at nalahanda na rin ang mga isang bag na mga damit ni Thelma para sa paghanhanda niyang pagtakas.

Hinintay niyang matulog ang lahat ng mga tauhan sa bahay bago pa man siya tumakas.

Maingat siyang dumaan sa kusina upang doon dumaan ngunit bigla na lamang bumukas ang ilaw at nakita niya si Morissa na nakatitig sa kanya at sa bitbit niyang bag.

"Thelma!? Saan ka pupunta? Ba't may dala kang bag?" sunod sunod na tanong nito. Base sa itsura nito ay pumunta ito sa club kung saan ganoon din ang ayos nito noong pumunta sila doon.

"A-Ah, M-Morissa. A-Ano kasi..."

"Ano!?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya habanh siya ay naghahanap ng maayos na s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status