Share

The Stolen Romance: 5

Agad napakapit si Thelma sa pinto ng kwarto niya nang makaramdam siya ng hilo. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang wirdo nang pakiramdam niya. Kakatapos pa lang niyang mag-walis sa labas, mag dilig ng mga halaman, maglaba at mag-luto ng hapunan ng kanyang mga amo at ngayon lang siya ulit nakapasok sa kwarto niya, sa eksaktong ala sais na ng gabi. Nauna na rin siyang kumain para hindi na niya makaharap ang mga amo, o para hindi na siya kumain ng mga tira-tira pa ng mga ito.

Prutas lahat ang kinain niya na nakapagpa-taka sa kanya dahil sa hindi niya ginagalaw ang mga prutas na nasa ref pero halos maubos niya na ang mga ito. Siguro ay dahil sa sobrang gutom na niya ay ang mga ito ang nagustuhan niyang kainin.

"Siguro sobra lang ang pagod ko," wika niya at hinimas himas ang ulo habang papasok sa kwarto.

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng maka-one night stand niya ang isang 'di kilalang lalaki at bumalik na siya ulit sa pagsisilbi sa kanyang mga amo.

Sandali siyang nahiga nagba-bakasakaling kumalma siya at maging maganda ang pakiramdam niya pero hindi inaasahan na makaktulog siya.

Kakarating lang ni Morissa sa bahay nila at mabilis niyang inalis ang sandals niya. Galing siya sa kompanya ng Magical Scent Company kung saan naroon ang kanyang lalaking pinaka-hahangaan simula nung makilala niya ito sa University na kanyang pinapasukan. 

"He really doesn't want to see me!? Tsk! In his dreams! I wouldn't even surrender, Cohen!" inis niyang binalibag ang sandals sa malinis na sahig at tinapon ang sarili sa mahabang sofa.

Naisipan niyang tawagin si Thelma para humingi ng tubig kaya agad siyang sumigaw para tawagin ito,"Thelma! Thelma! Thelma, where are you? Can you get me a water?" Malakas na wika niya pero tanging pag-echo lamang sa buong silid ng sariling boses ang narinig niya."Thelma!?" Napatayo na siya sa galit at nag-ngi-ngitngit ang mga ngiping nag-martsa papunta sa kwarto ni Thelma. Nakita niyang naka-awang ang pinto ng kwarto ni Thelma kaya agad siyang pumasok at doon ay sumabog na siya sa galit ng makitang nakahiga lang ito.

"You bitchichay! Ang lakas ng loob mong mahiga! Nandito ka para pagsilbihan kami hindi para matulog-tulog lang!" Sigaw nito na umalingawngaw sa loob ng maliit na kwartong iyon ni Thelma.

Agad napabalikwas si Thelma na naging sanhi upang malaramdam siya ng parang babaliktad ang kanyang sikmura kaya agad siyang tumakbo papuntang pinto para lumabas pero agad siyang hinila ni Morissa sa buhok kaya napatigil si Thelma at napa-d***g sa sobrang sakit ng pagkakahila ni Morissa sa kanyang buhok.

"Where are you going? Did I already tell you to leave?" nanggi-gigil na turan ni Morissa.

"H-Hindi Morissa, m-masama lang ang pakiramdam k- Ahhh!" Napadaing ulit siya sa sakit ng hilahin ulit ni Morissa ang buhok niya.

"What bitch!? I don't care about what you feel! Just give me a water or else...lalampasuhin ko ang mukha mo sa sahig! Naiintindihan mo ba!?" Sigaw ni Morissa nang sandaling ilapit niya ang bibig sa tenga ni Thelma.

"K-Kuha ako pero te-teka-" hindi na ni Thelma naipagpatuloy ang pagsalita ng makaramdam na naman siya ng pagbaliktad ng kanyang sikmura kaya agad siyang napaluhod at sumuka sa harap ni Morissa.

Wala mang lumalabas na kung ano sa bibig ni Thelma pero pakiramdam niya ay sobrang dami niyang gustong ilabas.

"What are you doing!? Ewww! You're disguting, bitch!" Turan ni Morissa pagkatapos ay dali-daling binitawan ang buhok ni Thelma. Maarte itong humakbang palabas ng kwarto ni Thelma at huminto ng makalayo kay Thelma ng isnag dangkal.

Hindi malaman ni Thelma ang gagawin niya dahil para na siyang mamamatay sa sobrang sama ng pakiramdam. Biglang napasigaw si Morissa ng makita niyang humandusay sa sahig si Thelma. Nanlalaki ang mga mata ni Morissa at mabilis na tumakbo papuntang kusina para uminom ng tubig.

"I didn't kill her! I did nothing to her! Why is she acting loke that?" Hindi mapakaling asik ni Morissa at unti-unting sinilip ang nakahandusay pa rin na katawan ni Thelma.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon nito, namh makalapit siya ay agad niyang sinipa sinipa ng marahan ang katawan nito pero hindi ito gumagalaw.

"Oh my God! Is she dead!? Oh mu God! What do I have to do!? Cellphone!? Cellphone, yes the cellphone," nalilito nitong wika pero napatigil siya sa pag dial ng may maalala siya.

'Hindi pwedeng malaman ni Dad na nahimatay siya, baka patay na si Thelma,' wika ni Morissa sa isip niya.

Nanginginig ang kamay niyang pawisan at tumingin sa direksyon ni Thelma." Guess, I have no choice."

"Ang bigat mong bwisit ka!" Reklamo ni Morissa ng hilahin niya ang dalawang kamay ni Thelma papuntang pinto. Nakapatong ang magkabilaang kili-kili ni Thelma sa braso ni Morissa na pilit isinasakay si Thelma sa kotse niya."Argh!" Inis na asik ni Morissa nang sandaling malagay niya sa passenger's seat ang walang malay na si Thelma.

Naisip niyang dalhin si Thelma sa isang hospital kung saan mayroon siyang doctor na kakilala niya kaya nagsimula na siyang magpaharurot ng sasakyan nang hindi nilalagyan ng seatbelt si Thelma. 

Mabilis na nakarating si Morissa sa hospital at agad naman siyang nagtawag ng staff sa hospital para dalhin si Thelma sa doctor na binaggit niya. Agad niyang ipinark ang kotse sa parking lot ng hospital at nagmamamdaling pumunta sa kwarto kung saan dinala si Thelma.

"What happened to her?" Agad na tanong niya kay Dr. Kora na nasa tabi ni Thelma. Tumayo ito at ngumiti kay Morissa kaya nagtaka siya na dahilan para magkasalunungan ang mga kilay nito kasabay ng pagkunot ng noo.

"Nothing to worry, Moris. She's fine. She just need to rest, since she's 2 weeks pregnant," malawak ang ngiting wika ni Dr. Kora pagkatapos ay umalis na sa kwartong iyon. Naiwan si Morissa na para ng mahuhulog ang panga sa pagkakanganga dala nang pagkabigla sa ibinalita sa kanya ni Dr. Kora.

"B-Buntis ako?" wika ni Thelma na nagising dahil sa pagpasok ni Morissa.

Agad siyang tinapunan ng tingin ni Morissa at wala sa sariling napatango pero nagulat na lamang si Thelma nang bigla itong humalakhak.

"My gash! I didn't know na magbubunga ang pakikipagtalik mo sa isang lalaki! What's worse is you don't even know him. Tsk, tsk, tsk," naiiling na wika ni Morissa habang nakamaang sa kanya si Thelma."Poor girl. Kapag nalaman ni Dad na buntis ka, hah! Baka palayasin ka na 'nun sa pamamahay niya. Hay buhay nga naman," natatawang wika ni nito.

"M-Morissa, paki-usap. Huwag mong sabihin sa kanya. Nagmamaka-awa ako," wika ni niya. Agad siyang bumangon at hinawakan ang braso ni Morissa na agad naman nitong ikinasigaw.

"Yuck! Don't even dare lay your dirty hands on me, maraming germs na ang kumakapit sa iyo. Baka mahawaan pa ako ng germs ng kalandian mo noh!" Nakangiwing wika nito habang pinagpag ang damit na suot niya.

"Nagmamaka-awa ako, Morissa. Please," wika niya. Ramdam na niya ang gilid ng mga mata niyang umiinit dahil sa nagbabadyang bumuhos na luhang naipon kani-kanina lamang.

"Bakit ko hindi sasabihin 'yun, aber? Dad will notice anyway. Tsaka mahirap itago 'yan noh. Kung hindi ka lang kasi lumandi-landi at nanahimik ka lang sa isang tabi hindi ka na nabuntis. It's your fault not mine," wika nito na agad ikina-inis ni niya pero nanatili lang siyang kalmado.

"Baka nakakalimutan mo, Morissa. Ikaw ang nag-pilit sa akin na sumama sa 'yo. Pinilit mo rin ako na sumayaw sa gitna ng sayawan at painumin ng paulit-ulit," wika niya nang hindi kumukurap. Nakaramdam ng pagkabigla si Morissa at malakas na natikman ni Thelma ang masakit na sampal galing sa mabigat na kamay ni Morissa.

"You dare! Baka ngayon hindi pa rin sumisiksik sa mind mo na Dad...doesn't...care...about...you! Whatever you say against me? Dad will never believe you," duro nito sa noo niya habang hawak-hawak pa rin niya ang namumula at mahapding pisngi. 

"Matagal na, Morissa. Nakatatak na sa isip at kahit sa puso ko. Alam ko na," wika niya.

"That's good! Now, okay, I won't tell Dad, but if you didn't leave the house before your tummy becomes big, i'm sorry not sorry but you can't blame me for that," wika nito at mabilis na nag-flip ng buhok nito sa harapan niya pagkatapos ay tinalikuran siya. Malakas na kumalabog ang pinto ng kwarto na kinaroroonan niya at kasabay 'nun ay ang pagbagsakan ng mga luhang kanina niya pa naipon sa gilid ng mga mata niya. Kasabay ng mahinang hagulgol na pinakawalan niya.

NAKARATING siya sa bahay ng alas otso na ng gabi dahil iniwanan siya ni Morissa sa hospital. Nabigla pa siya ng marinig sa cashier na binayaran na pala nito ang hospital bills niya dahil sandali lang naman siya 'dun.

Nakita niya sa garahe ang kotse ni Morissa at sa tabi naman nito ay ang itim na kotse ng kanyang Ama kaya agad siyang nagmadaling pumasok.

Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang sinalubong ng isang malakas na sampal na dumapo sa pisngi kung saan ay kanina ay nakatikim na rin ng sampal galing sa kayang step-sister. Nanlalaki ang mga mata niyang dumapo sa kanyang ama na tila umuusok na ang ilong sa sobrang galit sa kanya at sa mga titig nitong matalim na ipinupukol sa kanya. Dumapo rin ang tingin niya sa step-sister niya na ngayon ay nasa sofa at nakangisi habang naglilinis ng kuko nito.

'Hindi kaya sinumbong niya ako kay Papa? Akala ko hindi niya ako isusumbong,' wika niya sa isip at bumalik ang tingin sa ama.

"You really go out again!? Sino nagsabi sa 'yo na umalis ka hah?" Her dad roared na muntik na niyang ikabingi.

"P-pa-"

"Don't call me, Pa! I don't have a daughter like you!" Duro nito sa kanya."Where did you go? Bakit ginabi ka huh!? Lumandi ka na naman ba? Nakipagkita ka ba sa lalaking nakilala mo sa bar, huh!? Hindi ka man lang marunong mahiya!" Malakas na wika nito sa harap niya.

"Pero pa-"

"Pasok! Hindi ka pa talaga natuto, ano!? I already locked you in your room.but now you're doing it again? Talagang wala ka talagang kadala-dala ano?" Galit na wika nito.

"Told ya!" Mapang-asar na wika ni Morissa nang sandaling lapatan niya ito nang tingin.

Mabilis siyang pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto. Napasandig siya sa pinto at dahan-dahang napa-upo. Niyakap niya ang kanyang dalawang tuhod gamit ang kanyang mga braso. Humagulgol lang siya ng humagulgol pero pilit niyang hindi kumawala ang tunog ng hikbi niya dahil ayaw niyang ipakita sa kanila ang pag-iyak niya. Natatakot siyang pagtawanan ng mga ito. Nasanay na siyang umiyak ng walang nakaka-alam, walang nakaka-kita, at walang nakakarinig.

Pinalo-palo niya ang tyan niya dahil sa galit na nararamdaman niya sa ngayon. Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang galit na dala-dala niya ngayon.

Kung magbubuntis man siya ay ayaw niyang matuloy kung ganitong buhay rin lang ang kakagisnan nito. Hindi niya kilala ang ama ng magiging anak niya, hindi rin siya tanggap ng ama niya, wala rin siyang maisusustento dito kaya mas mabuti pang mawala na lang ito.

Pero... Patagal ng patagal ay nagiging marahan na ang pagpalo niya sa tyan niya dahil sa sumagi sa isip niya. Walang kasalanan ang magiging anak niya. Natatakot lang siya sa kung anong posibleng mangyari dito sakaling manganak siya sa poder ng pamilyang ito na hindi siya tinatrato ng tama.

"THELMA! Thelma, ano ba!? Male-late na ako sa trabaho pero hindi ka pa rin nakaluto ng pagkain? Bwisit na batang 'to, palayasin mo na nga sa pamamahay natin 'yan, Mauricio, nag-iinit lang ang ulo ko," nanginginig sa galit na wika ni Devyn sa asawa.

"She's not yet awake?" seryosong asik ni Mauricio.

"Hindi pa eh. Gutom na ako," nakangusong wika ni Devyn sa asawa.

Mabilis na lumapit si Mauricio at malakas na kumatok sa pinto."Thelma! Hindi ka ba babangon!?" 

Pupungas-pungas na napa-bangon si Thelma at agad na tumakbo papunta sa pinto.

"Napasarap ata ang tulog mo? Baka nalakalimutan mo that you have an important job in this house. Hindi porke't may-ari ako ng isang restaurant ay hahayaan mo na ako ang magluto dito? Kaya kong paglutuan ng masasarap ng pagkain ang asawa at anak ko pero nandito ka na rin naman ikaw ang gagawa 'nun because that's what you supposed to do," wika ng ama niya. Tumango tango na lamang siya haang nakapikit pa ang mga mata niya. 

Sobrang naging mahimbing ang tulog niya at ramdam niya ang pagkamaga ng mga mata niya dahil sa pag-iyak niya kagabi. Palagi rin naman siyang nagigising ng maaga pero hindi niya maindindihan kung bakit nagising siya ngayon na gising na ang mga kasama niya sa bahay gayong dati naman ay siya pa ang nauuna sa mga ito.

"S-Sir, w-wala na pong mga groceries tsaka byernes na po, oras na rin po sa p-pamamalengke," wika niya ng sandaling pigilan niya ang ama niya sa pag-alis nito na malapit na sana sa pinto at ini-aayos ang neck-tie nito.

"Ilan ba ang kailangan sa pamamalengke?' Tanong nito sa kanya perp umiling lang siya. Inis naman na isinuksok ng ama ang wallet sa bulsa at kumuha ng dalawang libo sa wallet pagkatapos ay mabilis na tinalikuran siya at sumakay na ng kotse nito.

"Ingat pa," mahina niyang usal habang nakatingin sa papalayong kotse ng kanyang ama.

"Ibigay mo sa akin ang sukli niyan. Naghahanap ka lang ng paraan para kupitan ang amo mo eh. Bigay mo sa akin mamaya ah, at ibibigay ko sa mga pulubi, mas may pakinabang pa sila sa 'yo," wika ng step mom niya."Morissa! Where are you!?" Sigaw nito.

Napadaing si Thelma at napa-upo ng sandaling banggain siya nito pagkatapos ay nginisihan lang siya at dumiretso na sa kotse nito kung saan naroroon ang ina nito.

Umayos na lamang siyang umupo at napapikit ng samdaling tumama sa mukha niya ang sinag ng araw.

"Katulad ng araw, patuloy pa rin akong aahon. Maghahanap ako ng paraan, anak. Sana tulungan mo 'ko. Ipapangako ko sa 'yo na hindi mo mararanasan ang lahat ng ito sa hinaharap," wika niya habang hinihimas ang kanyang tyan at nakatuon ang kanyang tingin sa asul na kalangitan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status