Share

The Stolen Romance
The Stolen Romance
Author: MissAriaaaa

The Stolen Romance: 1

"Wala kang magagawa, Thelma. Ayaw mo man o gusto ay sasama ka sa akin. Maging ako, ayaw kitang kunin, pero dugo ko pa rin ang nanalaytay sa iyo," wika ni Mauricio Ferrer habang naka-pandekwatrong upo sa isang gawa sa kawayang upuan at sinisindihan ang tubo ng sigarilyo na hawak nito.

"Pero...mas gusto ko po rito," wika ni Thelma pero bumuga lamang ng usok ang kanyang ama at matalim na tumitig sa kanya.

"Huwag ka ng magmatigas! Gusto ng ina ko na kunin kita dahil kung hindi ay hindi niya ako mamanahan," walang emosyong saad nito at huminga ng malalim at tumayo na sa pagkaka-upo nito."Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita ipapakilala bilang anak ko. Mamumuhay ka sa mansyon bilang isang katulong, 'yun ang kasunduan namin ng lola mo. Wala dapat maka-alam na may anak ako sa labas dahil masisira ang imahe ko at ng mga Ferrer, naiintindihan mo?" Pahabol na saad nito kay Thelma pero wala lang siyang imik at marahang napatango.

Kung siya ang papiliin ay mas mabuting nandito siya mag-isa sa bahay na iniwan sa kanya ng namatay na ina dahil kaya niyang mabuhay mag-isa dito.

Bukid lamang ang kinaroroonan nila at mababait rin ang mga kapit-bahay nila na mahihingian niya ng tulong sa oras na kailangan niya. Pero ngayon na sumulpot ang isang lalaking sinasabing ama niya na hindi niya alam na buhay pa pala ay kinukuha siya para buhayin siya pero bilang isang katulong ng legal na pamilya nito.

Nag-impake na lamang siya ng kakaunting gamit niya sa maliit na basket at hindi niya nakalimutan dalhin ang nag-iisang litrato ng kanyang ina. Napahawak siya sa kwintas na hugis bilog at may naka-ukit na pangalan ng ina niya na nakasabit ngayon sa leeg niya para kumuha ng lakas ng loob.

'Ma, gabayan mo ako. Sana 'wag ka ng mag-alala pa sa akin kung nasaan ka man.' wika niya sa isip niya at sumunod na sa kanyang ama na nasa loob na ng sasakyan nito at kanina pa siya hinihintay.

ILANG TAON ang lumipas na nanilbihan nga si Thelma sa legal na pamilya ng kanyang ama at patuloy din niyang tinitiis ang mga mahihirap na utos ng kanyang step-mother at step-sister na animo'y tuwang-tuwa na makita siyang nahihirapan.

"Dad, pwede ba akong pumunta sa bar?" Malambing na wika ni Morissa sa kanyang ama na ngayon ay nasa harap ng telebisyon at nanonood ng isang soccer game habang nagkakape. Sa tabi naman nito ay ang kanyang ina na nakalingkis sa braso ng kanyang ama.

"Bente anyos ka na Morissa, pero hindi ibig sabihin na pwede ka ng pumunta sa kung saan-saan lalo na't hindi mawawala ang mga alcohol drinks doon," wika ng kanyang ama na nakatuon pa rin sa telebisyon. Napabusangot naman si Morissa at nakangusong tumingin sa ina para magpatulong sa pagpapaalam dito.

"Payagan mo na, Hon. Dalaga 'yan si Morissa, let her enjoy her life while she's still young," pangungumbinsi ng ina nito at hinilig ang ulo sa balikat ng asawa.

"Isa ka pa, Devy. Kinukunsinti mo pa ang anak mo kaya lumalaki ang ulo," seryosong tugon ng kanyang ama pagkatapos ay tumayo na."Matutulog na ko, walang lalabas."

"Dad!" Asik ni Morissa at napapadyak."Isasama ko po si Thelma para may magbantay sa akin kung sakaling malasing man ako," wika pa rin ni Morissa na ikinahinto naman nito at napatingin sa kwarto ni Thelma.

Samantalang napa-igtad naman si Thelma na nakikinig sa pinto ng kanyang kwarto dahil sa sinabing iyon ni Morissa.

'Bakit niya ako isasama? Panigurado na hindi ako papayagan ni Papa.'

Napahingang-malalim naman ang lalaki at tumingin sa kanyang anak na para ng iiyak sa pagmamaka-awa na hingin ang permiso niya. Dahil sa sobrang lambot ng puso niya para sa kanyang anak ay tumango na lamang siya dito na ikinapalakpak naman ni Morissa dahil sa tuwa.

"Yey! You're my best Dad!" Masiglang wika ni Morissa at tumayo para pantayan ang ama at yakapin ito nang mahigpit.

"Oo na! Tama na 'yan! Basta siguraduhin mo na uuwi kayong hindi susuray-suray dahil malilintikan kayo sa akin. Lalo na si Thelma," wika nito habang inaalis ang mga braso ni Morissa na nakayakap sa kanya at ma-awtoridad na binigkas ang huling pangungusap.

"Sure, Dad!" Nakangising sagot ni Morissa sa kanyang ama.

"Sige na, Thelma. Sama ka na sa 'kin habang pinayagan kang lumabas ni Dad! Maraming boys 'dun at drinks! Magpa-party tayo 'dun!" Masayang saad ni Morissa habang kinukumbinsi si Thelma na sumama sa kanya.

Malayo sa nakagisnan niyang trato nito ang pinapakita nito sa kanya ngayon. Dati-rati ay kahit sa party ng kaibigan nito ay hindi siya iniimbita man lang o sinasama dahil nahihiya raw ito na makasama siyang isang katulong lang at anak pa sa labas. Pero ngayon natutuwa siya na makitang parang sobrang gusto nitong sumama siya. Marahil ay nakapg-desisyon na ito na baguhin ang trato sa kanya dahil kahit papaano ay magka-dugo o magkaptid pa rin sila dahil iisa lang ang ama nila.

"Sasamahan kita, Morissa," nakangiti niyang saad sa kapatid na lumawak ang ngiti at nagtatalon dahil sa tuwa dahilan para mapa-kumpas sa ere ang kamay niyang hawak-hawak pa rin nito.

"Heto ang suotin mo," wika ni Morissa habang inia-abot kay Thelma ang isang itim na backless at isang skirt na puti na sobrang ikli. Napangiwi naman si Thelma dahil hindi siya kumbinsido sa isusuot niya pero nakita niyang nawala ang ngiti ni Morissa dahil sa nakita nito ang naging ekspresyon niya kaya napatango na lang siya at alanganing ngumiti habang kinuha ang binigay ni Morissa.

Lumawak ang ngiti Morissa nang sandaling tanggapin niya iyon at napapalakpak," Great! Now, i'm going to get dress and we're ready to go!" Puno ng energy na saad nito kaya napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ito palabas ng maliit niyang kwarto.

Rinig ang malakas na beat ng musika sa loob ng isang bar at may nakatayong dalawang matipunong lalaki sa entrance nito. Nahihiyang hinihila ni Thelma ang kanyang skirt na sa sobrang ikli ay hindi siya mapakali sa pag-aalalang biglang bumuka ito dahil sa hangin. Naramdaman niya ang biglang paghigit sa kanyang balikat ni Morissa kaya napa-angat ang tingin niya rito.

"Ba't para kang tuod maglakad?"

Taas-baba siyang pinasadahan ng tingin ni Morissa. Magkasalubong na ang mga kilay na nakapamewang ito sa harap ni Thelma habang ini-eksamin ang postura niya. Bahagya si Thelma na nakayuko at nakahawak sa laylauan ng skirt niya.

"A-Ah kasi, Morissa, h-hindi ako sanay ng g-ganito ang suoy lalo na't parang m-maraming tao sa l-loob," alanganing saad niya at nahihiyang napakamot sa batok.

"Nukaba! You're so pretty kaya! Kesa naman mag-ala madre ka dito, right? Mas nakakahiya kaya 'yun like ewww that's so...  old fashion, duh!" Maarteng saad nito at may pagkumpas pa sa hangin ng kanyang kamay.

Para sa kanya mas okay na rin ang mala-madre kesa ganito ang suot niya pero ayaw niya ng mag dahilan pa dahil ayaw niyang magalit pa sa kanya ang kanyang step-sister.

"Girls!" Tili ni Morissa nang makita ang mga kaibigan nito na nagpapakapalan ata sa amount ng make-up na nilagay sa kanilang mga mukha.

"Omg! Buti na lang you are here...," saad ng isang may violet na highlight sa buhok at nakataas kilay na tumingin kay Thelma."Uh who's that? Your friend?" Nakangiwing tanong nito habang nakangiwing tumuro sa direksyon ni Thelma.

Binulungan naman ito ni Morissa na naging dahilan para sabay na maghalak-hakan ang dalawa.

"Oh, hi! Nice to meet you!" Masayang wika ng isang may pinakamapulang labi sa grupo at nilahad ang kamay kay Thelma. Napangiti naman siya at tatanggapin na sana ag kamay pero agad na iniiwas ng babae ang kamay at nakopagtawanan na sa ibang babae kabilang na si Morissa na walang pakialam sa ginawa sa kanyang pamamahiya ng kaibigan nito.

"Tara, Thelma! Let's party!" Pasigaw na saad ni Morissa upang pantayan ang lumalakas na musika at inagap nito ang kamay niya habang pormal ang pagkaka-upo niya sa isang sofa at pinanonood ang mga nagsasayawan sa harap ng stage na tila mga lasing na at nalulunod na sa musika na pumapailanlang sa bar na kinaroropnan nila.

Nalulula na rin siyang pagmasdan ang mga umiilaw na disco light na sumakop sa buong lugar na kinaroroonan niya. Sobrang dilim na ng paligid at tanging nakilala na lamang niya si Morissa dahil sa boses nito.

"Morissa, kayo na lang!" Pasigaw niyang tugon pero bigla lang bumusangot si Morissa pero pansamantala lang iyon dahil lumawak ang ngiti nito at nag-offer sa kanya ng isang red wine pero mabilis siyang tumanggi kahit na hindi pa siya nakatikim noon ay alam niyang nakakalasing iyon."Ayaw kong uminom, Morissa. Kailangan may umalalay sa 'yo pauwi dahil baka mapagalitan tayo ni Papa!" Wika niya.

"Kaya nga kita sinama para mag-enjoy hindi para bantayan ako na parang bata! Huwag ka ng tumanggi, Thelma! Sulitin mo na 'to habang pinayagan ka ni Dad!" Sigaw ni Morissa at namumungay na ang mga mata dahil sa kanina pa ito umiinom habang nagsasayawan.

Napatingin siya sa kopita na hawak nito at alanganin pa ring tumingin kay Morissa na ngumiti lang sa kanya at muling inalok ang hawak nito.

"Dali na nangangalay na ang kamay ko!" Reklamo nito. Agad niya namang kinuha ang kopita at s******p ng kaunti.

Tinikom niya ang kanyang bibig at tinikman-tikman pa ang natira sa labi niya.

'Matamis pero medyo mapakla?'

Inulit niya pa ang paglagok pero sa pagkakataong 'yun ay parang nasanay na siya sa lasa at hindi napansing naubos na niya ang isang kopitang wine.

Nakaka-tatlo na siya pero ramdam niya na ang pagkahilo kaya napahawak siya sa kanyang ulo at napa-pikit.

"Let's dance!" Hila sa kanya ni Morissa pero namangha siya sa sarili dahil parang kusang pumayag ang katawan niya at hinayaan si Morissa na hilahin siya.

Nang makarating sila sa sayawan ay nakatayo lang siya habang paminsan-minsan ay naa-out balance dahil na rin sa mga bumabangga sa kanyang nagsasayawan.

"Come on! You have to dance, don't just stand there!" Sigaw ni Morissa at pinalibutan siya ng mga ito kasama ang mga kaibigan nito. Hindi na niya alam pero kusa ng gumalaw ang katawan niya at sinundan ang beat ng musika sa mga indayog niya.

Akala niya ay hindi niya matitikman ang ganito kasaya sa buhay niya. Pakiramdam niya ay malaya siya at isang normal na babae, habang umiindak siya.

Marami rin siyang nakasayaw na mga lalaki at hindi na rin niya alam ang ginagawa niya dahil sa paminsan-minsan ay inaabutan siya ng ilan pang kopita ng alak ni Morissa at ng mga kaibigan nito.

Sa pagkakataong 'yun ay nawala na sa katinuan ang isip niya, alam niya lang ay sumayaw at makisayaw sa makakaharap niyang babae o lalaki. 

"You're so wild in the dance floor, Milady," isang bulong ng malalim at nakakakilabot na boses ang pumukaw sa kanya na dahilan para manindigan ang mga balahibo niya sa batok at parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya.

Umatras siya ng isang hakbang dito pero hinapit lang nito ang bewang niya hanggang sa maramdaman niya ang mainit na haplos nito sa likod niya dahil tanging backless lamang ang suot niya kaya damang-dama niya ito.

"Si-sino ka?" Bulong niya rito pero nanlalabo lang ang paningin niya dahil sa nakakahilong disco light na nasa paligid.

"I'll be your knight, tonight, Milady," pabulong na wika nito sa medyo gasgas na nitong boses. Na-amoy niya rin ang hininga nitong kahit na amoy alak ay hindi masangsang sa amoy at bagkus ay sobrang bango pa rin.

"H-Hindi kita kilala," wika niya na pasimple niyang itinulak palayo sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang hawak nito sa bewang niya.

Nanlalaki ang mata niya ng mabilis na ginagap nito ang kanyang mga labi na ikinapalag niya. Pero dahil sa kalasingan ay bigla lang siyang nawalan ng lakas at nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na dulot ng halik na iyon.

Napansin niya ang ilaw na biglang nag-flash sa may side nila pero hindi niya na iyon inintindi.

Maraming pumasok sa isip niya dahil sa nangyayaring iyon sa kanya o kung anumang ginagawa sa kanya ng lalaking nagnakaw ng una niyang halik.

"Ano bang nangyayari sa katawan ko, bakit pakiramdam ko ay tuluyan ng naging alipin ang labi ko sa taong 'to!?' Sigaw ng isip niya.

A/N:

Book cover was made by Knightlahots. Thank you!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status