“Damn… aray, ang sakit,” mahina at pigil na daing ni Chloe Sue habang natutulog, kita sa kunot ng noo niya ang kirot. Napapakislot ang katawan niya sa bawat saglit.
“Eh 'di titigilan ko nalang to?” malamig at medyo inis na boses ng isang lalaki ang biglang narinig niya. Bigla siyang napabalikwas. Gulat at klarong-klaro ang boses na ‘yon ay hindi panaginip. At doon niya na-realize kung ano ‘yung naramdaman niya kanina. Wait lang. HUH? Limampung taong gulang na siya. Matanda na siya at sensual pa rin?! Ano bang nangyayari?! Napamulat si Chloe ng tuluyan at agad tumingin sa lalaking nasa ibabaw niya. Matangos ang ilong, matitigas ang panga, at ‘yung kutis? Makinis pa sa future niya, mukhang teenager lang. “Sino ka?!” halos mapasigaw siya, sabay hablot ng kumot at binalot agad ang sarili. Pero sa paggalaw niya, may sumilip sa peripheral vision niya, yung abs nung lalaki, like legit may mermaid line pa. ‘Di naman sa sinasadya pero nakita niya and now she’s dying inside. “Oh my God,” bulong niya, habang literal na umiwas na ng tingin. “Since ayaw mo rin naman, at kaya mo pang magpakamatay para lang maiwasan ’to…” Napalunok ang lalaki, pero ang boses niya matigas pa rin, malamig at parang wala siyang karamdaman. “Edi kalimutan na lang natin, Chloe. Wala naman palang saysay ’tong pinipilit ko.” Sandaling natahimik ang kwarto. Walang ibang maririnig kundi ’yung mahinang tunog ng pagsinghap niya at pilit kinakalma ang sarili. Tumayo ang lalaki na mabigat ang kilos, tapos umupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ’yung military jacket niya at pinagpag ng bahagya, tapos isinukbit sa balikat niya. “Wala naman sigurong mawawala kung hindi na lang kita istorbohin, ‘di ba?” dagdag pa niya na hindi tumitingin kay Chloe. “Mula pa noon, parang ayaw mo naman talaga sakin.” Saka lang naramdaman ni Chloe na may hapdi sa dulo ng dila niya. Nalasahan niya ang dugo, dugo niya. She didn’t even realize she bit her tongue habang… basta. Habang mahigpit pa ring nakabalot sa kumot, napa automatic tingin siya sa likod ng lalaki. At doon siya natigilan. As in, freeze. Kasi kung tama ang tingin niya, ‘yung suot nung lalaki? Military uniform pero luma. As in sobrang luma. Mukha pang galing 30 years ago. "You..." Hindi pa man niya tuluyang makita nang malinaw, nakabihis na ‘yung lalaki. Tumayo ito, binuksan ang pinto at mabilis na lumakad palabas. Napatingin si Chloe Sue sa suot nitong military boots, at doon biglang may kumurot sa kutob niya. Napatingin siya sa kumot na nakabalot sa katawan niya, makapal ang tela nito at medyo magaspang pero halatang mamahalin. Kulay maroon at may burdang ginto’t pilak sa gilid, may disenyo pa ito ng ibong Adarna at mga rosas na parang kinuha pa sa luma’t tradisyonal na kasalang Pilipino. Tipong ‘yung ginagamit sa mga kasal ng mga lola’t lolo noon. Napapikit siya sandali at natulala. She jolted again at bigla siyang napabangon, halos matapilok pa sa pagmamadali. Dumiretso siya sa kung saan niya naaalala na may switch pala. Pagbukas ng ilaw, mabilis siyang tumingin sa paligid. Tama nga siya at nasa lumang bahay ng pamilya Benjamin siya. At hindi lang basta kwarto, wedding room setup talaga. May mga pulang palamuti, at ‘yung perpetual calendar sa pader? Maliwanag ang pula ng petsa, lalo pa’t tinamaan ng 40-watt bulb. October 1, 1981. Napalunok siya. Ito ‘yung mismong araw ng engagement niya noon, eighteen years old pa lang siya nun. Napaatras siya nang ilang hakbang, tapos naupo sa sofa na tulala pa rin. So ibig sabihin… Patay na siya. Tapos ngayon, bumalik siya. Bumalik siya sa gabi ng engagement banquet, more than thirty years ago?! Yung lalaki kanina, si Yohan Benjamin? Yung fiancé niya na namatay sa gera pagkatapos ng party na ‘to? Noong bandang dulo ng 1981, sobrang aligaga ang sitwasyon. Ang pamilya Benjamin, takot na baka ipadala agad si Yohan sa battlefield. Kaya kahit bagong-engaged pa lang sila, pinatulog na sila sa iisang kwarto. Apat na beses lang yata ni Chloe nakita si Yohan noon, kaya hindi niya kabisado ang itsura. Tapos kanina ay madilim din, kaya hindi niya agad na-recognize. Napakurot siya bigla sa braso, masakit at namula ‘yung parteng kinurot niya. So hindi to panaginip. Kinuha niya ang lumang takure sa lamesa at nagbuhos ng tubig sa enamel cup, tapos ininom agad na kahit may usok pa. Pagpasok pa lang sa bibig niya, "ACK!" Napadura siya ng kusa sa sobrang init. "Aaray!" Napatayo agad si Chloe at pinunasan ang nabasang damit. Pag-angat ng ulo niya, bumungad ang sariling repleksyon niya sa antique mirror. At halos mapaatras siya. Si Chloe. Pero ‘yung younger version niya, mas maamo pa ang mukha, oval-shaped, flawless pa, pero ngayon ay namumula at namamaga ang bibig niya dahil sa paso. Cherry red lips, literally. Doon lang siya tuluyang naniwala. Na totoo 'to. Buhay siya ulit. May Ama nga talaga. Sa nakaraang buhay niya, limang buwan mula sa gabing ‘to, May 1982, namatay si Yohan sa battlefield. At kahit kailan, hindi na nahanap ang katawan niya. Ang daming nangyari sa loob lang ng limang buwan. Mga pangyayaring tuloy-tuloy na nagtulak kay Chloe Sue na gumawa ng pinakamaruming desisyon sa buong buhay niya. Pinakasalan niya ang nakababatang kapatid ni Yohan, si Chase Benjamin. At doon nagsimula ang bangungot niya, nang tuloy-tuloy ng mahigit tatlumpung taon. Hanggang sa dumating yung huling gabi niya. Nagpakamatay siya. Klarong-klaro pa rin sa isip niya yung huling eksena bago siya mamatay. Masakit pa rin hanggang ngayon. Pero, buti na lang. Binigyan siya ng pagkakataon ng Ama para itama ang lahat. At ang gabing ‘to? Ito na ‘yung simula ng pagbabago ng kapalaran niya. Nakaupo na si Chloe sa sofa, tahimik lang siya pero naka alerto. Dahan-dahan niyang sinuyod ng tingin ang buong kwarto, pamilyar siya, pero parang naiba rin. Alam na alam niya kung anong araw lalaban si Yohan. At ngayon? Pwede na niyang bigyan ng babala si Yohan bago pa mangyari ang aksidente. Colonel na si Yohan ngayon. At battalion commander pa. Sa edad na sixteen? Halos wala kang makikitang ganon sa panahong ‘to. Kung maililigtas niya si Yohan mula sa aksidente limang buwan mula ngayon, sigurado, sisikat ‘to. At kahit sabihin mong mamatay pa rin siya sa laban, dahil mataas ang ranggo ni Yohan, makakakuha ang pamilya niya ng benepisyo: ₱10,000 pesos na pension, at isang maliit na two-storey house. Kung hindi lang si Chloe naging duwag dati. Kung kinuha lang nila agad ang marriage certificate. Kahit naging byuda siya pagkatapos, maayos sana ang buhay niya. Ngayon na naiisip na niya 'to? Ang tanga-tanga niya talaga noon. Pero hindi na siya ‘yung Chloe na ‘yon. Dahil ngayon, may second chance siya. Kahit hindi sila ikinasal ulit, mabubuhay siya ulit nang maayos at pwede siyang yumaman sa sariling diskarte. Panahon ‘to ng ginto. Ang daming pwedeng pagkakitaan. At hindi na siya magpapa-apak. Sa loob lang ng ilang oras, para bang nagpaikot na ng tatlong buwang plano si Chloe sa utak niya. Alam na niya ang pros and cons. Napag-isipan na rin niya kung anong mga posibleng mangyari. Tumayo siya ng tuwid at lumapit sa kama, at binuksan ang kumot. Walang bakas ng kahit anong kaguluhan. Wala rin siyang nararamdamang discomfort sa katawan. Ibig sabihin, napigilan niya ‘yung nangyari kanina. Pero sa dati niyang buhay? Natuloy ‘yon. Nangyari talaga ang first night nila ni Yohan. At sa panahon ngayon? Yung ginawa niyang pagtatangkang magpakamatay para lang itaboy si Yohan sa wedding night? Malaking kaguluhan 'yon. Sobrang nasaktan siguro si Yohan. Kaya kailangan niyang bumawi. At ngayon na 'yon. Kailangan niyang hanapin si Yohan. Kahit galit pa ‘yon, kailangan niyang suyuin. Pasuot na siya ng damit nang may biglang kumalabog at biglang pagbukas ng pinto. “Sino ‘yan?!” Nagulat siya bigla at napalingon saglit pero agad na tumalikod ulit, abalang isara ang huling dalawang butones ng damit. “Ako.” Mahinang sagot ng pumasok na halatang nag-aalangan. Paglingon niya, nanlaki ang mata niya. Si Chase. Si Chase Benjamin. Ang nakababatang kapatid ni Yohan. Sandaling natulala si Chloe, pero agad ding tumalikod at kinumpleto ang pagsasara ng kwelyo. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa seryoso ang tono. “Bakit, ayaw mo bang andito ako?” Lumalapit na si Chase, medyo pasuray-suray na ang lakad. Amoy alak din. Lasing na ang loko. Lumingon si Chloe kay Chase at agad lumayo ng dalawang hakbang para may distansya sa kanya. “Chase, malinaw na lahat ‘no’n bago pa magsimula ang party,” matigas niyang sabi. “Sabi mo nga ayaw mo sa kuya ko.” May ngiting may halong sarkasmo at inggit sa mata ni Chase. Tahimik lang si Chloe at parang hindi makasagot. Sa labas ng kwarto, sa may hallway may isang taong tahimik na nakatayo. At 'yon ay walang iba kundi si Yohan. Kadarating lang niya bitbit ang gamot para sa sugat sana sa dila ni Chloe. Tahimik lang siyang nakatingin sa loob ng kwarto, gamit ang likod ng translucent na bintanang may hamog at tanaw talaga niya ang dalawang tao sa loob.Ilang hakbang pa lang ang layo ni Chloe mula kay Yohan. Nag-isip muna siya sandali, tapos saka niya pinangahasan ang sarili. Lumapit siya ng marahan at hinawakan ang laylayan ng polo ni Yohan at mahina niyang tinanong, "Anong gusto mong kainin? Kabisado ko ‘tong area na ‘to.""Kumain na ako kanina pa. Ikaw, anong gusto mo?" Mahinahong sagot ni Yohan.Hindi na nagdalawang-isip si Chloe at hinila na niya ito papatawid ng kalsada.Pagdating nila sa maliit na karinderia na suki na niya, agad siyang kinilala ng may-ari. "Uy! Dinala mo na ang bago mong nobyo rito , ah?"Ngumiti lang si Chloe, pero hindi na nagsalita. Tinapunan ng tingin ng may-ari si Yohan, na parang sinusuri, matangkad, maayos ang postura, gwapo, at naka-uniporme pa. Katabi niya si Chloe na parang ibong pipit sa laki ng agwat nila. Bagay na bagay silang tingnan.Ang importante, mukhang disente si Yohan. Hindi tulad nung lalaking kasama niya dati, may itsura rin pero mukhang may tinatagong kalokohan."O, anong order niyo
Nang makita ni Carlo ang ekspresyon ni Yohan, agad siyang kinabahan. “Naku po…” bulong niya sa sarili, habang pinapahid ang pawis na biglang bumalot sa noo niya.Alam niyang sumabit ang asawa niyang si Sunshine sa sinabi nito. Malinaw na hindi alam ni Yohan ang tungkol sa nakaraan nina Chase at Chloe. Kung dito pa mismo sa harap ng mga kapitbahay sila magkakagulo, hindi lang kahihiyan ang kapalit, mawawalan pa ng mukha ang pamilya Benjamin.Medyo nauutal pa na lumapit siya kay Yohan, at marahang hinawakan ang braso nito.“Yohan… hijo, sandali lang…” panimula niya na parang may pag-aalangan.Pero bago pa siya tuluyang makapagsalita, si Chloe na mismo ang nagsalita sa reserve pero kalmadong boses.“Ako na ang nagsabi kay Yohan kagabi. Tungkol kina Chase at sa akin. Hindi ko na itinago.”“Ha?” halos sabay-sabay na nasambit nina Carlo at ng iba sa paligid at napakunot-noo sa gulat.Alam ni Chloe na darating din ang araw na mabubunyag ang lahat. Sa dami ng nakakaalam ng lumang issue, impo
“Ano ka ba naman. Siyempre, welcome na welcome ka rito!” Agad na bumati si Carlo, sabay abot ng kamay ni Yohan. “Tuloy ka, tuloy ka!” Hindi niya inaasahan ang pagdating ng binata. Ang buong akala ni Carlo, nalaman na ni Yohan ang kung anong nangyari at baka nais nitong bawiin ang kasunduan sa kasal nila ni Chloe. Kaya’t ngayon na nakatayo ito mismo sa harap ng pintuan nila, parang hindi siya makapaniwala. Kasunod ni Yohan ang driver ng pamilya Benjamin at isa pang adjutant, parehong may dala-dalang malalaki at maliliit na pakete, halatang mga regalo. “Teka lang, dumalaw ka na nga, bakit kailangan mo pang mag-abala sa ganito karaming regalo?” ani Carlo, na napakamot nalang ng batok, mukhang nailang din pero may halong tuwa rin naman. “Kaunting pasalubong lang po para kay Tita Francine, at para na rin po sa inyo ng asawa nyo,” magalang ang sagot ni Yohan. “Maaga pong pumanaw ang mama ko, kaya kung may kakulangan sa asal o gal
Karamihan sa mga gamit na ibinigay ng tiyahin ni Chloe bilang dowry sa kanya, puro mumurahin at halos gamit na.Halimbawa na lang, ang tela ng bedsheet na kasama sa dowry, ang halaga nito sa palengke ay nasa ₱240 per meter lang. Pero kinausap na ng tiyahin niya nang palihim ang tindera at sinabi sa ina ni Chloe na ang presyo raw nito ay ₱1,040 per meter. Syempre, hindi halata ng ibang tao ang kaibahan ng tela.Para mas makatipid pa, ibinayad nito ang mga sobrang ticket para sa bigas, langis, at tela ng pamilya niya bilang handling fee sa tindera, kaya’t pumayag ito sa raket. At ‘yung ibang gamit? Mas lalo pang kaduda-duda.“Auntie,” simulang salita ni Chloe habang iniaangat ang dalawang relos na nasa ibabaw ng mesa, “ito bang mga relos, kayo raw ang bumili sa mall, hindi ba? Pero tingin ko, hindi ito binili ni Mama.”“Oo, at napakamahal n’yan!” agad na sagot ng tiyahin niya na may kunot sa noo. “Alam mo ba kung sinong nagbibigay ng magkapares na branded na relos bilang dowry ngayon? S
Makalipas ang kalahating oras, bumaba si Chloe mula sa traysikel sa may bungad ng isang makipot na eskinita, bitbit ang isa niyang maleta. Napatigil siya sandali. Tiningnan ang pamilyar na kalye sa harap niya, ang eskinita kung saan siya halos lumaki, mahigit sampung taon niyang dinadaanan, pero ngayon parang napakalayo na. Parang ibang buhay na ang lahat. Mag-aalas otso na ng umaga, kaya abala na ang mga tao sa pagpasok sa trabaho. Sakto namang lumabas ang kapitbahay nila para bumili ng almusal at napansin siyang nakatayo sa kanto, mukhang pagod at may alikabok pa ang suot nito, tapos may dala pang maleta. “Chloe? Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ng kapitbahay. Kalat na kasi sa buong barangay na engaged kahapon si Chloe Sue kay Yohan Benjamin. Kahit mga tsismosa sa tindahan, alam na agad. Matagal nang nakikitira si Chloe at ang nanay niyang si Francine sa bahay ng tiyohin niyang si Carlo. Halos sampung taon 'din 'yun. Tapos bigla na lang may lumitaw na ‘childhood fiancé
Sa itaas ng kwarto, hindi na hinintay ni Chloe Sue na mahawakan pa siya ni Carolina. Mabilis niyang pinaikot ang braso nito at itinulak palayo. Napaatras si Carolina at natumba sa sahig. Napasinghap naman ito. Nakawala rin agad si Chloe mula sa pagkakahawak ng isa pang katulong. Nagkatinginan ang dalawa, hindi nila alam kung ano ang nangyari. Pakiramdam nila, parang dumulas lang si Chloe mula sa kamay nila, parang linta na hindi mahawakan. Hindi rin inaasahan ni Leona ang lakas ni Chloe. Napanganga siya sa gulat. Hindi kasi nila alam, sanay si Chloe sa mabibigat na trabaho. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kanyang ina sa bukid. Hindi siya 'yung tipikal na maarte’t marupok. Isang buhos ng pataba na may daang kilo? Parang kayang-kaya niya. At higit sa lahat, noong nakaraang buhay niya, dumaan siya sa matinding training. Parang mission impossible, pero may twist. Walang sinabi ang ilang katulong sa lakas niya ngayon. Pinagpag ni Chloe ang alikabok sa kamay niya, saka ngumit