Share

Ch. 2: Drunk

Author: Aria Stavros
last update Huling Na-update: 2025-07-10 17:59:04

“Ayaw mo namang pakasalan ‘yung kuya ko, ‘di ba ‘yan mismo ang sinabi mo?”

Matalim at matigas ang boses ni Chase Benjamin habang dahan-dahang lumalapit kay Chloe Sue, na tila ba iniiwan ng hangin sa bawat hakbang ng lalaki.

Muling umatras si Chloe, pero naramdaman niyang tumama na ang likod niya sa sofa. Wala na siyang aatrasan.

“Lasing ka lang, Chase. Umalis ka na.” Seryoso ang tono ng boses niya, malamig at halos walang emosyon, pero may panginginig sa ilalim nito.

Sa totoo lang, totoo naman. Araw bago ang engagement party, siya mismo ang lumapit kay Chase. Pero hindi para makiusap o magpaliwanag, kundi para tuldukan ang kahit anong koneksyon sa pagitan nila.

Ang sabi niya noon? “Magiging magkapatid tayo sa papel. Kaya simula ngayon, magpanggap tayong hindi na tayo magkakilala.”

Pero isang taon na rin mula nang una silang magkakilala doon sa may reservoir. Kasama niya ang mga kaklase niyang naliligo sa ilog. Tuwang-tuwa pa siya noon. Hanggang sa nagkaroon siya ng pulikat. Bigla na lang siyang kinapos ng hininga at nalunod, halos mamatay na siya nun.

At sa pinaka-critical na sandali, dumating si Chase. Matangkad, gwapo, over confident na parang eksena siya sa pelikula. At ‘yung jeep na naka-park sa gilid? Saktong mayabang at obvious na anak ng may posisyon sa gobyerno.

Parang naging crush niya agad. Hindi man niya inamin noon, pero nahulog siya kaagad.

“Ako, lasing?” Ngumisi si Chase, pero hindi ito masaya. May halong pait, pagtutukso at inggit. Sabay turo sa pinto.

“Eh bakit mo pinalayas ‘yung kuya ko? Kasi hanggang ngayon, ako pa rin ang mahal mo, ‘di ba?”

Lalo siyang lumapit, at unti-unting lumalabo ang tingin ni Chloe. Hindi sa luha, kundi sa takot at pagkadismaya.

“Chloe..” Bumaba ang boses ni Chase, halos pa-bulong na.

“May chance pa tayo. Alam kong hindi ako naging tama sa’yo dati pero, aayusin natin ‘to, please.”

At doon siya lumapit pa lalo. Inabot ang kamay niya at hinawakan siya at pilit na yakapin.

Sa labas ng pinto, sa may madilim na hallway, nandoon pa rin si Yohan Benjamin nakatayo. Tahimik lang na nakamasid. Hawak pa rin ang maliit na bote ng gamot para sa sugat sa dila ni Chloe.

Sa likod ng frosted glass ng bintana, tanaw niya ang mga anino, kung paano ang pagsasalubong ng dalawang taong dapat matagal nang wala nang koneksyon.

Napalapit siya at napakapit sa doorknob. Handa na sana siyang pumasok. Pero bago pa siya makagalaw nagulantang siya sa sigaw.

“CHLOE SUE, NABABALIW KA NA BA?!”

Sigaw ‘yon ni Chase, mula sa loob ng kwarto.

Itinulak niya kaunti ang pinto para masilip ang loob. Si Chloe ay nakasiksik na sa mismong kanto ng kwarto, parang pusa na takot na takot sa ano mang gawin sa kanya. May hawak na siyang gunting at duguan ang kamay. At nakatuon sa hita ni Chase.

“Subukan mong hawakan ako ulit, Chase, papatayin kita.” Iba na ang tingin niya kay Chase, matatalas at malalim, parang apoy na hindi mo maapula.

Halos nanginginig ang kamay ni Chloe, pero buo na ang kanyang loob.

Si Chase naman ay napaurong. Napahawak sa kanyang hita na duguan, nasugatan dahil sa saksak ni Chloe.

Isang maling galaw pa kanina, at baka tuluyan na siyang mawalan ng pagkalalaki. Napatitig siya kay Chloe, hindi makapaniwala. Ang babaeng dati’y akala niyang mahina, ngayon ay parang demonyo na magalit.

At doon siya tuluyang natauhan. Paano nangyari ‘to? Hindi ba’t si Chloe Sue, noon pa man ay halos lumuha ng dugo para kay Chase? Wala rin siyang ibang ginawa kundi ibigay ang lahat, oras, pagmamahal at pangarap.

Tapos ngayon? Parang ibang tao si Chloe na kasing lamig ng bakal kung makatingin.

"Magiging asawa na ako ng kuya mo, Chase!" Galit na galit ang tono niya.

"Kung maulit ‘to, mag-ingat ka na baka mawawalan ka na talaga ng ari!" Matalim ang titig niya habang hawak-hawak pa rin ang gunting, ang talim nito halos madidiin na ulit sa balat ni Chase.

Sa dati niyang buhay, tumagal pa ng ilang taon bago tuluyang narealize ni Chloe kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya pinakasalan ni Chase.

Hindi dahil sa pagmamahal. At lalong hindi para sa pangarap. Ito ay dahil sa green card. Gusto lang nitong makalipat sa Amerika at makapanirahan doon. Ginamit lang siya para maging stepping stone. Wala siyang halaga para kay Chase, maliban sa pagiging shortcut.

At kahit noong araw na dinukot ang anak nilang si Ariel, anak niyang ipinaglaban kahit matanda na siya, wala si Chase sa tabi niya.

Nasaan siya noon? Nasa piling ng babae niya. Masaya kasama ang anak ng babae nila, nagsi-celebrate ng birthday habang ang anak nilang si Ariel ay naghihirap dahil nakidnapped ito at pinagsaksak. At dahil hindi naagapan agad, na-infect ang katawan ni Ariel. Sunod-sunod ang organ failure. Ang doktor, wala nang pag-asa na ibinigay, ultimatum agad.

Tatlong taon. Tatlong taon siyang lumaban. Pero dumating din ang araw. Sabi ng doktor, bulok na ang isa sa mga baga ni Ariel. Kaya ilang buwan na lang ang itatagal nito, naka-ventilator pa. Kung pahahabain pa ang buhay niya, puro sakit na lang ang aasahan ng bata.

At doon, napagpasyahan ni Chloe na panagutin ang mga kidnapper na nakaligtas sa kaso. At bago pa dumating ang ika-sampung kaarawan ni Ariel, kasama niya itong umalis sa mundo.

Pagmulat nalang ng mata niya, andito na siya ulit ngayon. She was reborn. Buhay pa si Yohan. Wala pa siyang anak. At hindi pa tuluyang nasisira ang buhay niya.

Pero sa huling sandali ng anak niya, Habang yakap-yakap niya ang katawan nitong halos buto’t balat. Naririnig pa rin niya ‘yung mahinang tinig ni Ariel.

“Mama…”

Kung ganun, Mas gugustuhin pa niyang hindi na lang siya nagkaanak. At ngayon, binigyan siya ng Ama ng pangalawang pagkakataon.

At kung hindi siya baliw, hinding-hindi na niya hahayaang makalapit pa ulit si Chase sa buhay niya.

"LAYAS!" Halos idinikit na niya ang gunting lalo kay Chase, ang malamig na talim nito ang nagpaatras sa lalaki.

“Okay! Okay! Huwag kang magwala! Aalis na ko!” Suko na si Chase at napaatras ng ilang hakbang, pero pagliko niya, tumitig siya pabalik kay Chloe.

Pero ‘yung titig ni Chloe sa kanya? Nakakakilabot. Punong-puno ng galit at pagkasuklam. 'Yung tingin ng isang taong niloko, ginamit, at binasura. At kahit na dati, pakay lang talaga ni Chase ang relasyon nilang dalawa, ngayon napalunok siya. May kaunting guilt na sumuntok sa dibdib niya, dahil sa tingin pa lang ni Chloe, para na siyang hinatulan.

Hindi na nagawang umimik ni Chase. Ni utot, hindi siya naglakas-loob. Tahimik siyang tumalikod at lumabas ng kwarto.

Pagkaalis na pagkaalis ng anino nito sa may hallway, doon lang nakahinga si Chloe Sue. Parang may bumunot ng bakal sa dibdib niya.

Pero may kaba pa rin siyang naramdaman. “Baka bumalik pa ‘yon, at ma dido na talaga ako ” Agad siyang lumapit sa pintuan para i-lock ito.

Pero bago pa niya maisara ang pinto, may nasilip siyang anino sa may dulo. Si Yohan Benjamin, nakatayo at nakatago sa dilim ng hallway. Tahimik na parang nag-aabang lang. Hindi pa siya umaalis. Dahil hinintay pa niyang tuluyang makaalis si Chase.

At nung paatras na siyang bababa ng hagdan, may boses na pumunit sa katahimikan.

“Yohan!”

Napahinto si Yohan. Dalawang segundo lang, pero sapat na para umigting ang tensyon. Paglingon niya, nakita niya si Chloe. Lumapit ito sa kanya ng dire-diretso. Parang wala lang nangyari. Parang hindi lang nito tinutukan ng gunting si Chase.

“Bakit ka nandito?” Tanong ni Chloe, na pa-inosente, pero nagliliwanag ang mga mata. Parang tuwang-tuwa talaga siyang makita ito.

Si Yohan naman, matagal na tumitig dito.

Tahimik na parang kumplikado ang tingin.

Sa totoo lang, may napansin na siyang kakaiba kina Chloe at Chase nung engagement party. At kung tutuusin, plano na niya sanang hayaan na lang. Pumikit sa katotohanan at huwag nang pakialaman.

Pero ngayon? Parang walang warning at sinaksak ni Chloe si Chase, gamit ang gunting. 'Yung mabilis at diretsahan, tila walang pagdadalawang-isip.

Na-realize niya tuloy, nakita kaya siya ni Chloe sa labas ng pinto? Ginawa lang ba nito ang lahat, para sa kanya? Anong gusto nitong palabasin? Anong balak nito?

“Para sa sugat ko ‘yan, ‘di ba?” Sabay tingin ni Chloe sa boteng hawak ni Yohan. Isa itong gamot, pangpahinto ng pagdurugo at paghilom agad ng sugat.

Napatingin si Yohan sa hawak niya at medyo nahiya.

“Maglagay ka muna ng gamot. Mamaya ka nalang isasama ng driver papuntang ospital,” sagot niya sa matigas ang boses. Parang gusto niyang umiwas sa usapan.

At bago pa siya mapigilan, tumalikod na siya.

“Yohan, teka...sandali lang!” Mabilis na pag pigil ni Chloe, halos naging instinct na niya. Akala nga niya lalapitan siya nito, pero siya pala ang lalapit.

Napahinto si Yohan.

“Bakit?” Tanong niya.

Hindi niya alam kung anong sasabihin. Si Chloe, medyo magulo pa ang hitsura. Hindi pa nakabotones nang maayos ang kwelyo ng damit. Sa pagmamadali niya, bumukas pa lalo.

At sa isang iglap, napatingin si Yohan. Deretso sa leeg niya at sa loob ng kwelyo. At kung anong nakita niya sa loob, tahimik siyang napalunok. Kinunot nalang niya ang noo at napaiwas ulit ng tingin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 10: Dumpling

    Ilang hakbang pa lang ang layo ni Chloe mula kay Yohan. Nag-isip muna siya sandali, tapos saka niya pinangahasan ang sarili. Lumapit siya ng marahan at hinawakan ang laylayan ng polo ni Yohan at mahina niyang tinanong, "Anong gusto mong kainin? Kabisado ko ‘tong area na ‘to.""Kumain na ako kanina pa. Ikaw, anong gusto mo?" Mahinahong sagot ni Yohan.Hindi na nagdalawang-isip si Chloe at hinila na niya ito papatawid ng kalsada.Pagdating nila sa maliit na karinderia na suki na niya, agad siyang kinilala ng may-ari. "Uy! Dinala mo na ang bago mong nobyo rito , ah?"Ngumiti lang si Chloe, pero hindi na nagsalita. Tinapunan ng tingin ng may-ari si Yohan, na parang sinusuri, matangkad, maayos ang postura, gwapo, at naka-uniporme pa. Katabi niya si Chloe na parang ibong pipit sa laki ng agwat nila. Bagay na bagay silang tingnan.Ang importante, mukhang disente si Yohan. Hindi tulad nung lalaking kasama niya dati, may itsura rin pero mukhang may tinatagong kalokohan."O, anong order niyo

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 9: Chocolate

    Nang makita ni Carlo ang ekspresyon ni Yohan, agad siyang kinabahan. “Naku po…” bulong niya sa sarili, habang pinapahid ang pawis na biglang bumalot sa noo niya.Alam niyang sumabit ang asawa niyang si Sunshine sa sinabi nito. Malinaw na hindi alam ni Yohan ang tungkol sa nakaraan nina Chase at Chloe. Kung dito pa mismo sa harap ng mga kapitbahay sila magkakagulo, hindi lang kahihiyan ang kapalit, mawawalan pa ng mukha ang pamilya Benjamin.Medyo nauutal pa na lumapit siya kay Yohan, at marahang hinawakan ang braso nito.“Yohan… hijo, sandali lang…” panimula niya na parang may pag-aalangan.Pero bago pa siya tuluyang makapagsalita, si Chloe na mismo ang nagsalita sa reserve pero kalmadong boses.“Ako na ang nagsabi kay Yohan kagabi. Tungkol kina Chase at sa akin. Hindi ko na itinago.”“Ha?” halos sabay-sabay na nasambit nina Carlo at ng iba sa paligid at napakunot-noo sa gulat.Alam ni Chloe na darating din ang araw na mabubunyag ang lahat. Sa dami ng nakakaalam ng lumang issue, impo

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 8: Return visit

    “Ano ka ba naman. Siyempre, welcome na welcome ka rito!” Agad na bumati si Carlo, sabay abot ng kamay ni Yohan. “Tuloy ka, tuloy ka!” Hindi niya inaasahan ang pagdating ng binata. Ang buong akala ni Carlo, nalaman na ni Yohan ang kung anong nangyari at baka nais nitong bawiin ang kasunduan sa kasal nila ni Chloe. Kaya’t ngayon na nakatayo ito mismo sa harap ng pintuan nila, parang hindi siya makapaniwala. Kasunod ni Yohan ang driver ng pamilya Benjamin at isa pang adjutant, parehong may dala-dalang malalaki at maliliit na pakete, halatang mga regalo. “Teka lang, dumalaw ka na nga, bakit kailangan mo pang mag-abala sa ganito karaming regalo?” ani Carlo, na napakamot nalang ng batok, mukhang nailang din pero may halong tuwa rin naman. “Kaunting pasalubong lang po para kay Tita Francine, at para na rin po sa inyo ng asawa nyo,” magalang ang sagot ni Yohan. “Maaga pong pumanaw ang mama ko, kaya kung may kakulangan sa asal o gal

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 7: Fake

    Karamihan sa mga gamit na ibinigay ng tiyahin ni Chloe bilang dowry sa kanya, puro mumurahin at halos gamit na.Halimbawa na lang, ang tela ng bedsheet na kasama sa dowry, ang halaga nito sa palengke ay nasa ₱240 per meter lang. Pero kinausap na ng tiyahin niya nang palihim ang tindera at sinabi sa ina ni Chloe na ang presyo raw nito ay ₱1,040 per meter. Syempre, hindi halata ng ibang tao ang kaibahan ng tela.Para mas makatipid pa, ibinayad nito ang mga sobrang ticket para sa bigas, langis, at tela ng pamilya niya bilang handling fee sa tindera, kaya’t pumayag ito sa raket. At ‘yung ibang gamit? Mas lalo pang kaduda-duda.“Auntie,” simulang salita ni Chloe habang iniaangat ang dalawang relos na nasa ibabaw ng mesa, “ito bang mga relos, kayo raw ang bumili sa mall, hindi ba? Pero tingin ko, hindi ito binili ni Mama.”“Oo, at napakamahal n’yan!” agad na sagot ng tiyahin niya na may kunot sa noo. “Alam mo ba kung sinong nagbibigay ng magkapares na branded na relos bilang dowry ngayon? S

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 6: Gossip Neighbors

    Makalipas ang kalahating oras, bumaba si Chloe mula sa traysikel sa may bungad ng isang makipot na eskinita, bitbit ang isa niyang maleta. Napatigil siya sandali. Tiningnan ang pamilyar na kalye sa harap niya, ang eskinita kung saan siya halos lumaki, mahigit sampung taon niyang dinadaanan, pero ngayon parang napakalayo na. Parang ibang buhay na ang lahat. Mag-aalas otso na ng umaga, kaya abala na ang mga tao sa pagpasok sa trabaho. Sakto namang lumabas ang kapitbahay nila para bumili ng almusal at napansin siyang nakatayo sa kanto, mukhang pagod at may alikabok pa ang suot nito, tapos may dala pang maleta. “Chloe? Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ng kapitbahay. Kalat na kasi sa buong barangay na engaged kahapon si Chloe Sue kay Yohan Benjamin. Kahit mga tsismosa sa tindahan, alam na agad. Matagal nang nakikitira si Chloe at ang nanay niyang si Francine sa bahay ng tiyohin niyang si Carlo. Halos sampung taon 'din 'yun. Tapos bigla na lang may lumitaw na ‘childhood fiancé

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 5: Sandalwood box

    Sa itaas ng kwarto, hindi na hinintay ni Chloe Sue na mahawakan pa siya ni Carolina. Mabilis niyang pinaikot ang braso nito at itinulak palayo. Napaatras si Carolina at natumba sa sahig. Napasinghap naman ito. Nakawala rin agad si Chloe mula sa pagkakahawak ng isa pang katulong. Nagkatinginan ang dalawa, hindi nila alam kung ano ang nangyari. Pakiramdam nila, parang dumulas lang si Chloe mula sa kamay nila, parang linta na hindi mahawakan. Hindi rin inaasahan ni Leona ang lakas ni Chloe. Napanganga siya sa gulat. Hindi kasi nila alam, sanay si Chloe sa mabibigat na trabaho. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kanyang ina sa bukid. Hindi siya 'yung tipikal na maarte’t marupok. Isang buhos ng pataba na may daang kilo? Parang kayang-kaya niya. At higit sa lahat, noong nakaraang buhay niya, dumaan siya sa matinding training. Parang mission impossible, pero may twist. Walang sinabi ang ilang katulong sa lakas niya ngayon. Pinagpag ni Chloe ang alikabok sa kamay niya, saka ngumit

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status