Sa itaas ng kwarto, hindi na hinintay ni Chloe Sue na mahawakan pa siya ni Carolina. Mabilis niyang pinaikot ang braso nito at itinulak palayo. Napaatras si Carolina at natumba sa sahig. Napasinghap naman ito.
Nakawala rin agad si Chloe mula sa pagkakahawak ng isa pang katulong. Nagkatinginan ang dalawa, hindi nila alam kung ano ang nangyari. Pakiramdam nila, parang dumulas lang si Chloe mula sa kamay nila, parang linta na hindi mahawakan. Hindi rin inaasahan ni Leona ang lakas ni Chloe. Napanganga siya sa gulat. Hindi kasi nila alam, sanay si Chloe sa mabibigat na trabaho. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kanyang ina sa bukid. Hindi siya 'yung tipikal na maarte’t marupok. Isang buhos ng pataba na may daang kilo? Parang kayang-kaya niya. At higit sa lahat, noong nakaraang buhay niya, dumaan siya sa matinding training. Parang mission impossible, pero may twist. Walang sinabi ang ilang katulong sa lakas niya ngayon. Pinagpag ni Chloe ang alikabok sa kamay niya, saka ngumiti kay Leona. “Tita, bakit hindi na lang ikaw mismo ang mag-eskandalo sa labas? Mas maganda, isama mo na rin ang pulis.” Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Tama ka nga naman. Kung ilang dekada ang nakalipas, siguro matagal na akong nilublob sa pig cage. Pero ang anak mong si Chase, na nang-aabuso? Aba, hindi rin ligtas.” “Kagabi, sinamantala ni Chase na wala ang kuya niya sa kampo, pinuntahan ako sa kwarto, binuksan nalang 'yung pinto kahit hindi siya iniimbita. Dis-oras ng gabi, akalain mong may balak palang masama. Kaya ayun, nasaksak ko sa hita at anong nangyari, dinala nyo sa ospital, natahi pa. Kung lumabas ang balitang ‘yon, lalo na sa graduation ceremony niya, tingin mo, anong mukha ang ihaharap n’yo sa mga tao?” “Eh, saan ko ngayon ilalagay ang mukha ko, Tita Leona?” Tatlong henerasyon na ang Benjamin family sa serbisyo militar. Lahat mataas ang ranggo. Kapag nabalita ang iskandalong ‘yon, tiyak na kahihiyan ang aabutin ng buong pamilya. "Ikaw... ikaw ang nang-akit kay Chase kagabi!" pasigaw na bulyaw ni Leona, nangingitim na sa galit ang mukha niya. “Talaga? Gusto mong ilabas sa publiko? Sige, ipakalat natin, ako pa ang tutulong sa inyo.” Matapang ang tono na pagkakasabi ni Chloe. “Tingnan natin kung sino talaga ang mananagot.” "Magpakatawag ka ng pulis kung gusto mo. Wala akong pakialam. Pero sigurado ako, walang makakaligtas sa gulong 'to." Kahit sabihin pa ni Leona na siya ang umakit, hindi na alintana ni Chloe. Wala siyang pakialam sa iniisip ng matandang 'to. Ang buong akala ni Leona ay madali siyang yurakan, isang simpleng babae lang na pwedeng tapak-tapakan. Hindi niya akalaing ngayon, isa na siyang leon na may pangil. Hindi makaimik si Leona. Tulala siyang nakatingin kay Chloe, nanginginig pa sa sobrang inis. Hindi na rin siya pinansin ni Chloe. Mas importante pa ang lalakarin niya kaysa makipagtalo sa katulad ni Leona. Tumalikod nalang siya at walang imik na inayos ang mga mahahalagang gamit niya, mga alahas, ilang piraso ng damit, at ang mga dinala niyang regalo sa kasal. Lahat nilagay niya sa isang maletang kasama ng iba pang regalo. Pagkatapos, humarap ulit siya kay Leona. Napatingin si Chloe Sue sa sandalwood box na hawak ni Leona, saka mahinahong tinanong, “Pwede ko na bang kunin ulit 'yan?” Habang nagsasalita, inabot na niya ito para kunin pabalik. Pero mabilis na iniatras ni Leona ang kahon at itinago sa likod niya. “Akin 'to! Pag-aari 'to ng pamilya Benjamin!” Sa gitna ng agawan nila, biglang bumukas ang kahon. Kasunod noon, isang malakas na sigaw ang binitawan nito. “Ay putek!!!” sigaw ni Leona at napaurong sa gulat. “Ma’am!” Mabilis na tumayo si Carolina mula sa pagkakabagsak at lumapit sa kanya. Tinignan ang kamay ni Leona at agad na napakunot ang noo. “Susmaryusep, ang daming dugo sa palad n’yo ma'am!” “Anong nangyari?” tanong ng isa pang kasambahay. “ang kahon na 'to, parang sinumpa at nangangagat!” namumutlang sigaw ni Leona habang nanginginig ang kamay, tinuturo ang kahon na ngayon ay nasa sahig na. Dahan-dahang yumuko si Chloe at pinulot ang kahon, at sinilip ang loob nito. Mabuti’t hindi nabasag ang laman nito na gintong kalapati na may mutyang berde sa tuka. Mahalagang-mahalaga ito. Naalala niyang sa dating buhay, ang kalapati na ‘yon ay nabenta sa auction ng halos 60 million. Isang kayamanang hindi matatawaran. Kaya kahit hindi na sila magkakatuluyan ni Yohan, alam niyang ito ay dapat lang ibalik sa tunay na may-ari, hindi sa mga katulad ni Leona. Hindi siya makatulog kagabi. Iniisip niya ang lahat ng nangyari noon. Naalala niyang maraming mamahaling bagay sa mga regalo niya ang inangkin ni Leona. Kaya’t nagising siya sa kalagitnaan ng gabi at palihim na naglagay ng mga matutulis sa loob ng kahon. “Pasensya na,” ngumiti siya nang matamis. “May mga matutulis akong nilagay sa loob, pang-iwas lang sa magnanakaw na katulad mo.” Itinaas pa niya ang kahon at ipinagaspas sa harap ni Leona. Napaatras ang matanda sa takot. Tahimik na inayos ni Chloe ang lahat ng gamit niya at tinulak ang maleta palapit kay Leona at mariing sinabi, “Akala mo ba, Tita, na iniiyakan ko pa ang reputasyon?” “Inosente ako, pero walang mga naniniwala. At ang dali ko ring siraan. Kung ganito rin lang, aalis na lang kami ng mama ko at mamumuhay sa ibang lugar. Hindi ko kailangang magpakasal kung ganyan lang trato nyo sa akin.” “Kung gusto n’yong tuluyan ang kanselasyon ng kasal, pakiusap, sabihin niyo kay Uncle Benjamin at kay Yohan na pumunta sila sa bahay ng pamilya Sue at harapang pag-usapan 'to.” Kung naniniwala si Yohan Benjamin sa mga kasinungalingang pinapalaganap ni Leona at Chase, ibig sabihin lang non, hindi siya karapat-dapat pagkatiwalaan ni Chloe. Matapos ang huling linyang iyon, lumabas na siya ng bahay ng Benjamin na hindi man lang lumingon. Pagdating sa labas, nakakita siya ng isang traysikel at doon na sumakay. Inayos niya ang maleta sa likod at handa nang umalis. Doon lang natauhan si Leona. Napalunok ito sa kaba at nagsisigaw, “Dinala niya lahat ng gamit niya! Anong sasabihin ko kina Leandro at kay Yohan?! Bilis! Habulin niyo! Kunin n’yo ang maleta!” Nagmadali sina Carolina at ilang kasambahay papalabas ng gate. Bago pa sila makalabas ng gate, isang malaking military truck na kulay berde, parang sa army ang naka-park sa tapat ng gate. Sa loob nito ay nakaupo si Yohan Benjamin sa likod. Pagkakita sa mga humahangos na palabas, bahagyang lumingon si Yohan mula sa bintana ng sasakyan. Agad na natigilan ang mga tauhan, parang na-freeze sa kinatatayuan nila. Bumukas ang pinto ng sasakyan. Bumaba si Yohan na malamig at parang nakakatakot ang ekspresyon. “Bakit parang may sunog? Saan kayo pupunta nang nagkakandarapa?” tanong niya, seryoso ang boses na tinitingnan silang lahat. Walang may nakasagot. Nagsiyukod halos ang mga kasambahay, takot na takot sila tumingin, habang si Carolina ay halos hindi rin makatingin sa kanya.Ilang hakbang pa lang ang layo ni Chloe mula kay Yohan. Nag-isip muna siya sandali, tapos saka niya pinangahasan ang sarili. Lumapit siya ng marahan at hinawakan ang laylayan ng polo ni Yohan at mahina niyang tinanong, "Anong gusto mong kainin? Kabisado ko ‘tong area na ‘to.""Kumain na ako kanina pa. Ikaw, anong gusto mo?" Mahinahong sagot ni Yohan.Hindi na nagdalawang-isip si Chloe at hinila na niya ito papatawid ng kalsada.Pagdating nila sa maliit na karinderia na suki na niya, agad siyang kinilala ng may-ari. "Uy! Dinala mo na ang bago mong nobyo rito , ah?"Ngumiti lang si Chloe, pero hindi na nagsalita. Tinapunan ng tingin ng may-ari si Yohan, na parang sinusuri, matangkad, maayos ang postura, gwapo, at naka-uniporme pa. Katabi niya si Chloe na parang ibong pipit sa laki ng agwat nila. Bagay na bagay silang tingnan.Ang importante, mukhang disente si Yohan. Hindi tulad nung lalaking kasama niya dati, may itsura rin pero mukhang may tinatagong kalokohan."O, anong order niyo
Nang makita ni Carlo ang ekspresyon ni Yohan, agad siyang kinabahan. “Naku po…” bulong niya sa sarili, habang pinapahid ang pawis na biglang bumalot sa noo niya.Alam niyang sumabit ang asawa niyang si Sunshine sa sinabi nito. Malinaw na hindi alam ni Yohan ang tungkol sa nakaraan nina Chase at Chloe. Kung dito pa mismo sa harap ng mga kapitbahay sila magkakagulo, hindi lang kahihiyan ang kapalit, mawawalan pa ng mukha ang pamilya Benjamin.Medyo nauutal pa na lumapit siya kay Yohan, at marahang hinawakan ang braso nito.“Yohan… hijo, sandali lang…” panimula niya na parang may pag-aalangan.Pero bago pa siya tuluyang makapagsalita, si Chloe na mismo ang nagsalita sa reserve pero kalmadong boses.“Ako na ang nagsabi kay Yohan kagabi. Tungkol kina Chase at sa akin. Hindi ko na itinago.”“Ha?” halos sabay-sabay na nasambit nina Carlo at ng iba sa paligid at napakunot-noo sa gulat.Alam ni Chloe na darating din ang araw na mabubunyag ang lahat. Sa dami ng nakakaalam ng lumang issue, impo
“Ano ka ba naman. Siyempre, welcome na welcome ka rito!” Agad na bumati si Carlo, sabay abot ng kamay ni Yohan. “Tuloy ka, tuloy ka!” Hindi niya inaasahan ang pagdating ng binata. Ang buong akala ni Carlo, nalaman na ni Yohan ang kung anong nangyari at baka nais nitong bawiin ang kasunduan sa kasal nila ni Chloe. Kaya’t ngayon na nakatayo ito mismo sa harap ng pintuan nila, parang hindi siya makapaniwala. Kasunod ni Yohan ang driver ng pamilya Benjamin at isa pang adjutant, parehong may dala-dalang malalaki at maliliit na pakete, halatang mga regalo. “Teka lang, dumalaw ka na nga, bakit kailangan mo pang mag-abala sa ganito karaming regalo?” ani Carlo, na napakamot nalang ng batok, mukhang nailang din pero may halong tuwa rin naman. “Kaunting pasalubong lang po para kay Tita Francine, at para na rin po sa inyo ng asawa nyo,” magalang ang sagot ni Yohan. “Maaga pong pumanaw ang mama ko, kaya kung may kakulangan sa asal o gal
Karamihan sa mga gamit na ibinigay ng tiyahin ni Chloe bilang dowry sa kanya, puro mumurahin at halos gamit na.Halimbawa na lang, ang tela ng bedsheet na kasama sa dowry, ang halaga nito sa palengke ay nasa ₱240 per meter lang. Pero kinausap na ng tiyahin niya nang palihim ang tindera at sinabi sa ina ni Chloe na ang presyo raw nito ay ₱1,040 per meter. Syempre, hindi halata ng ibang tao ang kaibahan ng tela.Para mas makatipid pa, ibinayad nito ang mga sobrang ticket para sa bigas, langis, at tela ng pamilya niya bilang handling fee sa tindera, kaya’t pumayag ito sa raket. At ‘yung ibang gamit? Mas lalo pang kaduda-duda.“Auntie,” simulang salita ni Chloe habang iniaangat ang dalawang relos na nasa ibabaw ng mesa, “ito bang mga relos, kayo raw ang bumili sa mall, hindi ba? Pero tingin ko, hindi ito binili ni Mama.”“Oo, at napakamahal n’yan!” agad na sagot ng tiyahin niya na may kunot sa noo. “Alam mo ba kung sinong nagbibigay ng magkapares na branded na relos bilang dowry ngayon? S
Makalipas ang kalahating oras, bumaba si Chloe mula sa traysikel sa may bungad ng isang makipot na eskinita, bitbit ang isa niyang maleta. Napatigil siya sandali. Tiningnan ang pamilyar na kalye sa harap niya, ang eskinita kung saan siya halos lumaki, mahigit sampung taon niyang dinadaanan, pero ngayon parang napakalayo na. Parang ibang buhay na ang lahat. Mag-aalas otso na ng umaga, kaya abala na ang mga tao sa pagpasok sa trabaho. Sakto namang lumabas ang kapitbahay nila para bumili ng almusal at napansin siyang nakatayo sa kanto, mukhang pagod at may alikabok pa ang suot nito, tapos may dala pang maleta. “Chloe? Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ng kapitbahay. Kalat na kasi sa buong barangay na engaged kahapon si Chloe Sue kay Yohan Benjamin. Kahit mga tsismosa sa tindahan, alam na agad. Matagal nang nakikitira si Chloe at ang nanay niyang si Francine sa bahay ng tiyohin niyang si Carlo. Halos sampung taon 'din 'yun. Tapos bigla na lang may lumitaw na ‘childhood fiancé
Sa itaas ng kwarto, hindi na hinintay ni Chloe Sue na mahawakan pa siya ni Carolina. Mabilis niyang pinaikot ang braso nito at itinulak palayo. Napaatras si Carolina at natumba sa sahig. Napasinghap naman ito. Nakawala rin agad si Chloe mula sa pagkakahawak ng isa pang katulong. Nagkatinginan ang dalawa, hindi nila alam kung ano ang nangyari. Pakiramdam nila, parang dumulas lang si Chloe mula sa kamay nila, parang linta na hindi mahawakan. Hindi rin inaasahan ni Leona ang lakas ni Chloe. Napanganga siya sa gulat. Hindi kasi nila alam, sanay si Chloe sa mabibigat na trabaho. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kanyang ina sa bukid. Hindi siya 'yung tipikal na maarte’t marupok. Isang buhos ng pataba na may daang kilo? Parang kayang-kaya niya. At higit sa lahat, noong nakaraang buhay niya, dumaan siya sa matinding training. Parang mission impossible, pero may twist. Walang sinabi ang ilang katulong sa lakas niya ngayon. Pinagpag ni Chloe ang alikabok sa kamay niya, saka ngumit