Share

Ch. 4: Bullied

Author: Aria Stavros
last update Huling Na-update: 2025-07-10 18:01:47

“Commander Benjamin.” May mahinang kumatok sa pinto, dalawang beses lang pero malinaw at may bahid ng pagmamadali.

Napasinghap si Yohan. Pinilit niyang panatilihing kalmado ang tono ng boses, kahit halatang may bigat sa dibdib.

“Anong meron?”

“May nangyaring emergency sa kampo, Sir. Kailangan daw po kayo agad.” Ang boses ng adjutant sa labas ay may halong kaba rin.

Sandaling katahimikan.

“Sige. Mauna ka na. Susunod ako.”

Tahimik lang si Chloe. Wala siyang imik, pero damang-dama ang bigat ng eksenang ’to. Sa unang buhay niya, ganito rin ang nangyari.

Kasagsagan ng unang gabi nila, tulog siya sa pagod, puno ng damdamin at kaba. Paggising niya, wala na si Yohan.

Ngayon, inuulit lang ng tadhana ang eksena. Tiningnan niya si Yohan, at bagama’t wala siyang sinasabi, ang mata niya ay punong-puno ng pagsusumamo.

Kinuha na ni Yohan ang military cap na nasa mesa at tinapik ang kwelyo ng uniporme at inayos ang sarili sa harap ng salamin. Sanay na sanay na siya na parang araw-araw na lang itong nangyayari.

Bago tuluyang lumakad papalabas, tumingin siya kay Chloe at mahina ang pagkakasabi niya. “’Pag napag-isipan mo na lahat, tumawag ka sa kampo.”

Walang halik na naganap sa kanila at wala ring yakap. Walang katiyakan. Like mas priority ang duty first.

Napakagat-labi si Chloe at pilit pinipigil ang emosyon niya. Pero bago pa man niya hayaang makalabas si Yohan, mahina na siyang nagtanong. “Babalik ka ba bukas?”

Huminto si Yohan at bahagyang lumingon kay Chloe. “Depende sa sitwasyon.”

Alam ni Chloe na posibleng hindi. Kaya pinilit niyang makipag-usap. “May sasabihin ako. Importanteng-importante lang. Pwede ba kitang puntahan sa dorm mo?”

Napatingin si Yohan sa kanya ng seryoso. “Huwag kang pupunta kung hindi urgent. Alam mo naman, mabilis kumalat ang tsismis sa kampo.”

At doon na siya lumakad palabas at tahimik na isinara ang pinto na walang lingon.

Naiwang nakatingin si Chloe sa saradong pinto, na parang may bahaging tinakpan na naman sa puso niya. Parang isang pagkakataon na muling tinapon sa hangin. Huminga siya ng malalim.

“Tangina, Chloe…” sabi niya, halos pabulong lang din sa sarili. “Ba’t ka ba naging gano’n dati?”

Kung hindi lang siya nag-inarte noong engagement party, kung hindi siya nagpaka-prideful at nagpaka-bulag kay Chase, baka hindi pa siya titigan ni Yohan na parang isa siyang estrangherong hindi kilala.

Sa nakaraang buhay niya, ilang araw mula ngayon, pinadala si Yohan sa isang classified na island para sa special training. At pagkatapos nun? Dalawang beses na lang sila magkita.

Una, mabilisang pagkikita lang, wala pang isang oras. Pangalawa, nung muli silang nagsama sa kama, sampung araw matapos ang unang gabi.

Sampung araw. ’Yon lang ang panahon na meron sila bago sila tuluyang pinaghiwalay ng tadhana.

✧✧✧

Kinabukasan. Madaling araw pa lang, pero malinaw na ang liwanag mula sa bintana. Nakatitig lang si Chloe sa kisame, gising na gising. Ni hindi siya nakatulog kahit saglit.

Tahimik siyang bumangon, inayos ang buhok at nilingon ang paligid ng kuwarto. Wala na ’yong kaba o takot niya. Ang nasa mga mata niya ngayon ay determinasyon.

“Kung binigyan ako ng pagkakataon ulit…” mahinang bulong niya sa sarili, “hindi ko na sasayangin ’to.”

Kailangan munang bumalik ni Chloe Sue sa bahay ng pamilya Sue para kunin ang isang mahalagang bagay bago siya dumiretso sa kampo militar para hanapin si Yohan Benjamin.

Katatapos lang niyang maghilamos at magbihis nang may sunod-sunod na katok sa pintuan.

"Sino 'yan?" tanong niya habang pinilit silipin sa bintana kung sino ang nasa labas.

"Miss Sue, ako po ito. Pinadala po ako ni Ma'am para dalhan kayo ng dalawang palanggana ng maligamgam na tubig," sagot ng babae sa labas, magalang ang tono nito.

Agad niyang nakilala ang boses, ito ay si Carolina, ang matagal nang tagapamahala sa bahay ng pamilya Benjamin.

Sa nakaraan niyang buhay, bumaba lang siya para mag-agahan, pero ngayon si Carolina pa mismo ang pinadala para maghatid ng tubig? Imposibleng simpleng pag-aalaga lang ito.

"Sige po, sandali lang. Magbibihis muna ako," tugon niya na may halong kaba.

Makalipas ang dalawang minuto, binuksan niya ang pinto. Pagkabukas pa lang, bumungad agad sina Carolina at Leona, ang madrasta ni Yohan Benjamin, at ina ni Yuri Benjamin. Matigas at madiin ang titig ni Leona, parang bigla nalang siyang sasabog kapag pinitik mo.

May ilan pang kasambahay na nakatayo sa hallway, tahimik lang na nanonood.

Nang makalapit si Leona, agad siyang sumugod kay Chloe at sinampal ito ng buong lakas.

Pero handa si Chloe. Mabilis niyang sinalag ang sampal gamit ang kanyang braso. Ramdam niya ang hapdi ng pagkakakalmot ng mga kuko ni Leona sa balat niya.

"Walanghiya kang bata ka! Pumapalag ka pa ha?!" sigaw ni Leona habang muling nagbanta ng isa pang sampal.

Umiwas si Chloe, kalmado lang siya pero matalim ang naging tanong niya, "Tita Leona, anong ginagawa n'yo?"

"Huwag ka nang mag-innocente! Ayaw sa’yo ni Yohan kagabi, tapos ngayong umaga ikaw pa ang may ganang takutin ang anak ko gamit ang gunting?! Si Chase, nasa ospital ngayon. Kapag may nangyari sa kaniya, ikaw ang mananagot!" galit na galit na sigaw ni Leona.

"Si Chase ba mismo ang nagsabi n'yan sa inyo?" balik-tanong ni Chloe, hindi na siya nagpapakita ng takot.

Hindi sinagot ni Leona ang tanong. Sa halip, tumalim pa lalo ang mga salita niya. "Makinig ka, Chloe Sue. Wala ni isa sa mga anak ko ang gusto ka. Si Yohan, tinanggihan ka na. Ang anak ko? Lalong hindi papatol sa isang babaeng kagaya mo! Noon, mga babaeng kagaya mo dapat itinatapon sa ilog, nilulunod sa pig cage!"

Napatingin si Chloe sa paligid. Wala manlang umaawat sa kanila. Ang mga kasambahay? Nanonood lang na parang marites sa sa kanto.

Pero hindi na siya 'yung dating Chloe. Ngayon, iba na siya. Tahimik siyang tumingin kay Leona ng matatag, diretso lang at parang apoy na hindi kayang patayin.

Hindi sanay si Leona sa ganoong tingin mula kay Chloe. Noon, palaging nakayuko ito. Takot siya at palaging umiiwas ng tingin. Pero ngayon? Tumindig si Chloe, lumapit ng isang hakbang. Hindi siya nagsalita, pero sapat na ang titig niya para umurong si Leona ng bahagya.

Sa mga mata ni Chloe, may paninindigan na siya. Parang may galit at may panata, na hindi na siya muling yuyuko. Na babawiin niya ang lahat ng nawala sa kanya.

At si Yohan Benjamin? Siya lang ang lalaking mamahalin niya. Hindi ang lalaking muntik na sirain ang buong buhay niya.

Mariin lang na nakatitig si Chloe Sue kay Leona. Noong nakaraang buhay niya, alam niyang galit na galit sa kanya ang madrasta ni Yohan, si Leona. Wala itong ginawa kundi pahirapan siya sa lahat ng aspeto ng buhay mag-asawa.

“Nasabi mo na ba ang lahat ng gusto mong sabihin?” tanong ni Chloe matapos ang ilang sandaling katahimikan, kalmado lang ang boses niya na mas lalong ikinainis ni Leona.

“Anong palagay mo sa'kin? Tanga?”

Napangiti si Chloe. “Iiwan ko pa ba 'yung fiancé ko na isang battalion commander na may malinaw na kinabukasan, at ano? Pagkatapos papatulan ko lang ‘yung tambay sa compound na ni hindi makapagtapos ng kolehiyo? Sa tingin mo, may ganun ba'ng sira ang ulo?”

Namula sa galit si Leona. “Walang hiya ka—!”

“Wala na akong oras sa mga satsat mo!” sigaw ni Leona. “Kayong lahat, pumasok na at ilabas ang gamit niya!”

“Sabihin n’yo sa buong pamilya Benjamin kung anong kababuyang ginawa niya kagabi. Kayong mga Sue, kalimutan n’yo na ang kasalang ’to!”

Nagmamasid lang si Chloe sa mga kasambahay habang nagsimulang maglabasan ng gamit. Hindi na siya pumalag. Sa halip, umurong siya ng kaunti, binigyang daan ang mga tauhan ni Leona.

Ano pang silbi ng paliwanag, kung alam naman niyang wala ni isa sa kanila ang maniniwala sa kanya? Lalo na’t si Leona mismo ang nagpasimuno ng gulo.

At isa pa, halatang planado na ang lahat. Hindi na niya kailangang makipagsabayan pa sa kababuyan na ginagawa niya.

Pinagmasdan niya lang ito habang kinakalat ng mga tauhan ang gamit niya, mula sa kaunting damit na dadalhinniya, hanggang sa mga regalong kasunduan na bigay ng pamilya Benjamin.

Isa sa mga iyon ay ang mga lumang bagay na minana pa raw ni Yohan Benjamin mula sa kanyang lola sa tuhod. Halaga pa lang nito, lampas-lampas na sa karaniwang alahas.

“Dahan-dahan! Huwag kayong baboy! Ibalik lahat ng ’yan kay Young Master Yohan!” bilin ni Carolina sa mga kasambahay habang bantay-sarado ang kilos nila.

Sa gitna ng kaguluhan, tumambad sa kanila ang isang sandalwood box na pinakintab at inukitan ng mga sinaunang sagisag ng kasaganaan. Nang bumukas ito, lumantad ang isang gintong kalapati, nakatayo sa ibabaw ng pulang telang seda, at may mutyang berde sa tuka na parang alay para sa isang kasal ng dugong bughaw. Nagtama ang mga tingin nina Leona at Carolina, at sabay-sabay silang lumapit, halatang batid nila ang bigat ng kahulugang taglay ng regalo.

Ito ang pinakaprecious sa lahat ng regalong bigay ng mga Benjamin kay Chloe. Sa nakaraang buhay ni Chloe, ito rin ang mismong alahas na agad kinuha ni Leona sa kanya ng walang paalam, napaka walang hiya talaga.

Maingat na lumapit si Carolina kay Leona habang hawak ang sandalwood box. Inabot niya ito nang may paggalang, pero halatang sabik si Leona na buksan at silipin lalo ang laman.

Bago pa man niya maangat ang takip, nagsalita si Chloe Sue ng malamig ang tinig at may halong pang-uuyam, “Ibabalik kay Yohan daw?”

Napangisi siya, saka binigkas ang mga salitang pang-uuyam, “Para lang kayong naghagis ng karne sa aso.”

Biglang nanigas ang mukha ni Leona.

Dahil tinamaan na siya ng subrang galit. “Sino'ng tinatawag mong aso, ha?! Wala ka talagang modo! Ganyan ba ang tinuro ng nanay mo, isang babaeng walang kwenta na di marunong magpalaki ng anak?!”

Tiningnan lang siya ni Chloe, walang bahid ng emosyon. “Kung gusto mong murahin ako, sige lang. Pero 'wag mong idamay ang mama ko rito.”

Sa hindi malamang dahilan, tila kinilabutan si Leona sa titig na 'yon. Parang... iba na si Chloe. Noon, sa tuwing makakasalubong niya ang dalaga, halos hindi ito makatingin ng diretso, laging tiklop ang buntot tulad ng nanay nito.

Pero ngayon? Tahimik na lumapit si Chloe, mabagal lang pero matatag ang bawat hakbang. Napaatras si Leona nang hindi namamalayan.

“A-anong balak mong gawin?!”

Noong nakaraan niyang buhay, halos kainin na siya ng buhay ng mag-inang ‘to. Kahit pumanaw na ang mama niya, hindi pa rin tumigil si Leona sa paglalait dito.

Pero ibang usapan na ngayon. Sa buhay na ‘to, wala nang kahit sinong makakapag-apak sa kanila.

Ngumiti si Chloe, pero hindi ito yung maamong ngiti. “Paki-abot nga po ng kahon. Alahas 'yan na bigay ni Yohan sa pamilya Sue. Akin na po ’yan.”

At saka siya tumingin diretso kay Leona. “At kung sino man ang gustong angkinin ’yan para sa sarili niya, tatawagin ko pa rin siyang aso. Kahit magpakilala ka pa nang bongga, tiya.”

Namula sa galit si Leona at napasigaw na talaga ng lubusan. “Anong pinagsasasabi mo?! Inaayos ko lang para hindi mo basta-basta mailusot ‘yan! Hindi mo puwedeng ilabas ’yan dahil kanselado na ang kasal!”

“Alam na ba ni Yohan na kanselado na?” tanong ni Chloe, puno ng ngiti ang mga mata.

“Sa ginawa mong kababuyan kagabi, sa tingin mo gugustuhin ka pa niya?” sagot ni Leona habang nagmamalinis. “Kung may kaunting hiya ka pa sa katawan, umalis ka na lang! Huwag mo na kaming piliting ipahiya ka sa buong compound!”

Pagkasabi niya noon, lumingon siya sa mga kasambahay. “Anong tinatayo-tayo n’yo riyan? Ilabas ‘yang babae kasama ng mga basura niya! Para makita ng mga kapitbahay kung gaano kababa ang ugali ng babaeng ‘to!”

Agad lumapit si Carolina at isa pang malaking lalaki. Hinawakan nila si Chloe sa magkabilang braso, tila baga lalampasuhin na palabas.

Samantala, sa ibaba naramdaman ng adjutant ni Yohan Benjamin na may mali sa itaas. Agad siyang aakyat sana nang pigilan siya ni Yohan.

“Sir?” gulat ng adjutant.

“Sandali lang,” ani Yohan sa malamig ang boses.

“Pero Sir, ang dami nilang kasama. Hindi ba’t delikado para kay Miss Chloe?” alalang tanong ng adjutant nang makita ang walang pakialam na anyo ng kanyang commander.

“Malapit lang naman tayo, ‘di ba?” sagot ni Yohan. “At isa pa…”

Tumingin siya sa itaas, seryoso pa rin ang mukha. “Magiging asawa ko na si Chloe. ‘Pag may tinangka si Leona na masama sa kanya, subukan lang niyang galawin kahit isang hibla ng buhok niyan.”

Tumigil siya, at muling nagsalita, “Hindi si Chloe ang klase ng babaeng madaling sumusuko. At sigurado ako, may plano siya.”

Nagpakawala ng isang malamig na ngiti si Yohan. “Mas gusto kong panoorin kung paano siya lalaban.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 65: Rich future

    Pero bago pa makapagsalita si Chloe, umusog na si Yohan sa unahan niya, diretsong paharang kay Winona. Masyado nang malapit si Winona. Hindi siya magtataka kung bigla itong umatake. “May pwede pa ba akong gawin na kahit ano sa itsura kong ganito?” napangisi si Winona, na may halong pait. “Mukha ba akong may lakas pang manakit?” Pagkasabi niya nun, tinaas niya ang tingin kay Yohan. “Kuya Yohan, bakit mo pa ako pinapunta rito?” Hindi sumagot si Yohan. Imbes, tumingin siya kay Adjutant Lu. Sumaludo si Lu, saka inulit nang malinaw para marinig ng lahat: “Kanina, sinabi ni Mrs. He na pumunta siya sa lumang bahay ngayong hapon. Sinubukan daw niyang kumbinsihin si Miss Winona na umalis at umiwas, pero ayaw raw niya. Nag-usap sila nang mahigit sampung minuto, na silang dalawa lang.” Napa 'oww' naman ang buong hall. Parang biglang walang kumurap. Parang ang klaro naman nun na pinagplanuhan nila. Tumingin si Winona kay Yohan nang mariin. “Since alam mo naman na ako ang may utos… bakit m

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 64: Poverty

    "Come over as soon as you're ready," sabi ni Chloe, sabay tango. Pagbalik niya sa tabi ni Don Lancaster, marahan itong nagtanong, "Dumating na ba sina Francine at Jin?" "Oo, nandito na po. Na-delay lang kanina," sagot ni Chloe. "Good," huminga nang maluwag si Don. Malakas ang bagyo sa North City, malamang hindi makakauwi si Yohan ngayong gabi. Pero marami ang inimbitahan para sa gabing ito. Kung hindi dumating sina Francine at Jin, baka isipin ng tao na may alitan ang dalawang pamilya. Hindi niya iniintindi ang mga tsismis ng iba. Pero si Chloe, bata pa. Hindi pa sanay sa mga ganyang pang-uusap ng tao. Maya-maya pa, dumating na sina Francine at Jin sa main table. Saka lang tuluyang gumaan ang loob ni Don. Nasa kalagitnaan na ng banquet nang humingi ng mikropono si Mr. Edu, isa sa pinaka-importanteng elders ngayong gabi. Maikli niyang ipinaliwanag ang biglaang snowstorm sa North City. Kakapasabi niya lang na malamang hindi makakauwi si Yohan sa oras, nang nagsimula na ang bulun

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 63: God of wealth

    “That’s right!” nakangiting sabi ni Mrs. He, pero halatang may tusok ng pang-aasar sa boses nito. “Otherwise, baka isipin ng lahat na ang sungit mo naman!” Ramdam ni Chloe na bawat salitang binibitawan ng babae ay may halong panlalait. Hindi siya sumagot; binuksan lang niya ang wallet at sinilip ang laman.Kaunti na lang, mga ilang daang piso na lang ang sukli sa loob. Mukhang malaki na ang talo ng babaeng dapat niyang pinalitan.Dalawang beses lang siya nakapaglaro ng mahjong noon, bata pa siya. Ngayon, halos hindi na niya maalala ang tamang galaw. Medyo mabagal siya kumilos kumpara sa tatlo pang kasabay.Ilang ulit siyang sinulyapan ni Mrs. He, tapos bahagyang ngumisi, parang nananadya. Halatang wala siyang balak tumulong; gusto lang niyang mapahiya si Chloe.Maya-maya, tumawa nang malakas si Mrs. He at tinapik ang mesa. “Panalo na naman ako! All the same color! Naku, Chloe, ikaw talaga ang suwerte ko, little god of wealth!”Ngumiti lang si Chloe kahit halata ang pamimilit. “Sabi k

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 62: Homecoming

    Pagdating ni Chloe sa downtown, mabilis niyang kinuha ang mga gamit na kailangan niya bago tumuloy sa isang maliit na tindahan sa Silangan ng Cebu City, isang lumang shop na kilala sa pag-aayos ng mga antigong gamit. Buti na lang, bukas pa ang tindahan. Naalala ni Chloe ang matandang may-ari nito, bihasa sa pagre-restore ng mga antigong bagay. Minsan na siyang nakapunta rito noon, at nang pumasok siya, halos walang pinagbago ang loob ng tindahan, pareho pa rin ang ayos ng mga istante, pati ang mga lumang palamuti. Pagbukas ng pinto, tumunog ang maliliit na wind chime. Napalingon ang matandang lalaki sa likod ng counter. Ngumiti si Chloe at lumapit, sabay abot ng jewelry box sa kanya. “Manong, maaari po bang ipaayos ito? Kailangan ko sana ngayon din kung kaya.” Binuksan ng matanda ang kahon, tumingin saglit, saka marahang nagsalita. “Ito ba, gusto mong ipalagay itong ginto sa mga basag na bead ng imperial green?” “Oo po,” mabilis na tugon ni Chloe, sabay tango. Pinagmasdan

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 61: Important

    “Within a week,” malamig pero may ngiting sabi ni Yohan, “gusto kong makita sa dyaryo ang balita tungkol sa pagkansela ng engagement ng pamilya n’yo at ng mga Sanchez.” Tumahimik naman ang buong kwarto. Ang bawat salita ni Yohan ay parang hatol. “Siguro,” dagdag niya, bahagyang ngumiti, “kapag nakita ng matanda kong ama na ayos na ’yon, baka gumaan din ang loob niya at makalimutan na ang nangyari.” Nanlaki ang mata ni Zalde, halos hindi makapaniwala sa narinig. “Y-Yohan…” nanginginig niyang tanong, “pwede ko bang malaman kung bakit? Bakit kailangang umabot sa ganito?” “Walang dahilan,” sagot ni Yohan. “Kaibigan ko si John. Ayokong mapahiya si Chloe dahil sa magiging asawa niya. Simple lang.” “Simple?” halos tumatawa sa inis si Zalde. “’Yun lang ba talaga?” Ngumiti si Yohan nang bahagya, pero ang ngiting ’yon ay parang tinik sa lalamunan. “Simple? Kapag ang magiging asawa ko ang binastos, hindi na simpleng usapan ’yan.” Nang marinig iyon, tumingin si Chloe sa kanila. “Actuall

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 60: Slap

    Hindi na maitatanggi, basang-basa ng pawis ang likod ni Winona sa loob lang ng kalahating minuto. Ramdam niya ang malamig na lagkit ng tela sa balat habang pilit siyang ngumingiti, isang ngiting mas pangit pa kaysa sa iyak. “Kung ayaw naman ni Ate Chloe na samahan ako, ‘wag na lang,” mahina niyang sabi. “Winona,” sabi ni Don Lancaster nang walang gaanong emosyon, “simula’t sapul gusto mong makita ‘yung kwintas, ‘di ba? Eh ‘di pumunta ka na.” Tumikhim si Zalde, at sumang-ayon, “Oo nga. Kung gusto mong makita, tingnan mo na.” Ngumiti si Chloe. “Walang problema. Hindi naman ako ganun kaselan.” “Hindi ko naman sinasabi na—” Ngunit bago pa makatanggi si Winona, malamig na nagsalita si Yohan, na kanina pa tahimik, “Aling Helen, butler, samahan n’yo siya. Pumunta kayo ngayon.” Agad natahimik ang buong hapag. Parang biglang lumamig ang paligid. Napatinginan si Aling Helen at ang tagapamahala ng bahay. Hindi na sila naghintayan pa, tumayo agad sila at halos magtakbong pumunta sa likod

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status