Share

IV. We Meet Again

Naramdaman ko ang mararahan niyang paghalik sa akin, ang pagkilos niyang iyon ay nagdadala sa akin ng kakaibang pakiramdam na ni sa hinagap ay mararamdaman kong muli. Gustong umalma ng isip ko, gusto akong patigilin nito sa kasalukuyang kahibabangang nangyayari ngunit sadyang mas malakas ang epekto ng mga halik niya.

It was warm yet gentle, bagay na hindi ko naramdaman noon kay Ryan sa walong taong magkasama kami. Kasabay ng mga halik na iyon ay ang pag-alalay ng isang kamay niya sa likod ka at ng isap naman ay marahang humahaplos sa mukha ko. He is caressing my face as if I am that precious to him. Na para bang ayaw niyang mawala ako sa kanya nang mga sandaling iyon. His kiss became deeper, his touches more intense. Para akong lalagnatin at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pakiramdam na ibinibigay ng paghalik at haplos niya o dala lang iyon ng epekto ng alak na nainom ko kanina. Pero kung anuman iyon ay masasabi kong gusto ko ang pakoramdam na iyon.

He went on and continued kissing until my back hit something soft. Habang inaalalayan niya ang ulo ko habang inihihiga ako ay hindi naman napuputol ang halik na pinagsasaluhan namin hanggang sa siya na mismo ang unang bumitaw. Ayoko sana siyang tumigil ngunit bahagya siyang lumayo sa akin habng hindi pinuputol ang pagkakatitig sa mga mata ko. He was also on top of me peeo hindi ko ramdam ang bigat niya dahil nakatukod ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid malapit sa ulo ko.

"Sleep, you need to take a rest para mawala ang tama mo." mahina ngunit malambing na sabi nito sa puno ng tenga ko. Bahagya pa siyang yumuko para bumulong at sabihin iyon sa akin. I felt his warm breath and smelled his scent yhen he looked at me again. Para akong nawawala sa sarili nang mga sandaling iyon at huli na nang malamang kong kusang kumilos ang mga kamay ko upang paglapitin muli ang mga labi namin.

Naramdaman ko ang pagdadalawang isip niya ngunit saglit lang iyon, tapos ay naramdaman ko na ulit na kusa na siyang tumutugon sa paghalik ko. Sinusuklian niya ang bawat paggalaw ko, doble noon ang ginagawa niya at ang nararamdaman ko hanggang sa narinig ko na lang na minumura na ako ng utak ko.

Lumayo ulit siya at saka ako tinignan pero hindi na iyon tulad ng kanina. His gaze is penetrating mine and I find it sexy. Nakailang mura na sa akin ang utak ko pero wala akong pakialam, mas iniintindi ko ang klase ng pakiramdam na ibinibigay ng mga tingin niya sa akin. Bagay na pwede kong pagsisihan ngunit hindi ko na lang iniintindi.

As I was becoming more breathless, he started his own rythm. Kumilos ang kamay niya at nagdala iyon ng init sa buong pakiramdam ko. Nakatitig lamang siya sa akin habang kumikilos ng malaya ang kamay niya para isa-isahing tanggalin ang mga sagabal sa malayang pagkilos niya, sa malayang paglalakbay niya sa kabuuan ko. He started doing his piece, I let him be and waited until he was finish.

Naghahalo ang lamig at init na nararamdaman ko dahil sa hangin na ibinubuga ng aircon at sa mga paghaplos na ginagawa niya. He sure knows how to do his part and he is good at it. Walang duda na sanay siya sa bagay na iyon.

He started undressing too, bagay na hindi ko masyadong napaghandaan. Napalunok pa ako nang isa-isang tumambad sa akin ang kabuuan niya. He's a masterpiece, iyon lang ang tanging nasabi ko.

Hanggang sa ipinagpatuloy na niya ang naudlot niya ginagawa kanina. He began kissing me again, this time it was more passionate. I met every kiss and stroke he is doing. And when his toungue started to explore, hinayaan ko lamang siya at dinama ang sensasyong nagsisimulang bumangon mula sa kaloob-looban ko.

Huli na para tumigil pa. Huli na para pakinggan ang sinasabi ng utak kong kanina pa ako minumura. Nagpatianod ako at hinayaan siyang gawin ang mga bagay na gusto niya.

"A-anong g-ginagawa mo sa kwarto ko?"

mautal-utal na tanong ko sa kanya nang tila makabawi ako. "Anong ginawa mo sa akin?"

Hindi katulad ko ay kalmado lamang siya. Umayos siya ng upo at bahagyang hinila ang kumot upang marahil ay takpan ang sarili niyang katawan.

"Ang ingay mo, napaka-aga pa pwede bang matulog muna tayo?"

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" ulit kong tanong dahil wala naman akong nakuhang sagot sa kanya.

Tinignan niya muna ako bago pasarlastikong sumagot. "Look around, bago mo sabihing kwarto mo ito."

At iyon nga ang ginawa ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid at nakita ang hindi pamilyar na mga gamit doon. May isang parang study table hindi kalayuan sa kama. Sa tabi naman noon ay may isang bookshelf na puno ng iba't-ibang libro na tila hindi ko pa nabasa. Mayroon ding life size statue si superman sa tingin ko ay kasing tangkad niya kapag nakatayo siya, iyon ang labis kong ipinagtaka dahil wala naman akong hilig kay superman. Maging ang kulay ng silid ay iba sa kulay ng sa akin. Kombinasyon ng itim at puti ang nakikita ko samantalang sa pagkakatanda ko ay kulay asul at puti naman ang kwarto ko.

Doon na ako kinabahan. Sa lahas ng pintig ng puso ko ay tila ba sasabog na ito. Tumingin muli ako kay Jae at sa mga sandaling iyon ay nakangisi na siya.

"Now tell me, kwarto mo pa rin ba 'to?"

Tumayo ako sa kama hila-hila ang kumot dahilan para mawala ang tumatakip sa bagay na kanina pa niya tinatakpan. Mabilis at maagap siyang kumilos upang kumuha ng unan at agad iyong ipanalit na nahilang kumot lara matakpan ang dapat matakpan.

"Anong ginawa mo?"

"Wala akong gina-"

"Sinungaling!" pinutol ko na ang iba pang sasabihin niya, agad akong nagtungo sa banyo para maligo at mag-asikaso.

Hindi ko na rin pinansin pa ang ilang ulit niyang pagtawag sa akin, nagbingibingihan ako at agad na nagsara ng pintuan pagkapasok ko ng banyo.

"Anong kagagahan itong ginawa mo, Eli! Bakit hindi ka nagpigil, ghorl?"

Nasa kalagitnaan ako ng pagmo-monologue ko nang marinig kong kumakatok siya sa pintuan ng banyo. Binuksan ko ang shower upang isipin niyang naliligo na ako at doon ay natigil na ang pagkantok nito.

May ilang ulit kong tinampal ang mga pisngi ko kasabay ng pilit na pag-alala sa mga nangyari kagabi. Isa-isa namang nagdatingan ang mga alaalang iyon ngunit hindi buo at pasulpot-sulpot. Tulad na lang ng paghalik niya sa akin sa bar, ang pagpasok namin sa pintuan at ang patuloy na paghalik niya hanggang sa makarating kaming dalawa sa kama.

Napailing na lamang ako upang kusang mawala sa isip ko ang mga tagpong iyon. Gusto.kong sumigaw at magmura ngunit hindi ko.magawa dahil bahay niya pa rin iyon, nakakahiya nang nandito ako ngunit ang mas higit na nakakahiya ay ang posibleng nangyari sa amin.

May tatlumpung minuto akong nanatili sa banyo upang mag-asikaso bago ako lumabas. Tumambad sa akin ang nakaayos ko ng damit sa ibabaw ng kama niya pati na rin ang bag ko. Walang ibang tao sa silid kaya naman mabilis akong nakapagbihis at saka dahan-dahang naglakad palabas doon.

Ipinanalangin kong huwag niya akong mapansin o makitang lumapabas ng kwarto at bahay niya. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa pintuan palabas ay  bigla ko na namang narinig ang pamilyar na boses niya.

"Where do you think you're going?"

Natigilan ako at saka umayo ng tayo bago bumaling sa kanya, nakaupo siya sa dining area na madadaanan lamang bago ka tuluyang makalabas ng pintuan papuntang salas.

"U-uuwi, may pasok pa ako.at kailangan ko nang umuwi para mag-asikaso." hindi kk siya magawang tignan ng matagal.at diretso.

"Eat your breakfast first. May hinanda rin akong kape para sa hangover mo."

Otimatikong pagkasabi niya ng salitang hangover ay saka ko lang naramdaman muli ang sakit sa sentido kong siyang gumising sa akin kanina. Ngunit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, marahil dahil sa hiya at pagtatakha kaya hindi ko.magawang tugunin ang paanyaya niya. Nanatili akong nakatayo habang nakayuko na para bang batang nahihiya.

Mayamaya pa'y may naramdaman akong humila sa kamay ko. Iginiya niya ako sa isa sa mga upuang naroon bago ako inalalayan na tuluyang maka-settle ng upo.

He started serving me with coffee and juice, pati na rin ang paglalagay ng sinagag at hotdog sa plato ko ay siya rin ang gumawa. Napalunok na lang ako nang makita ko iyon dahil hindi lang iyon basta hotdog kung hindi jumbo pa, wala sa loob ko ay bigla akong napatingin sa kanya tapos ay sa hotdog ulit na siya naman niyang ipinagtakha.

"Bakit?" tanong niya kaagad sa akin.

Mabilis akong sumagot ng... "W-wala." tapos.ay mabilis na sinimulan ang pagkain.

Matapos kumain ay iginiya naman niya ako sa salas at pinaupo sa couch niya, sinabihan niya ako na parang bata at binilinan na huwag akong umalis at hintayin ko lamang siya.

Para naman akong batang tumugon at tumango, nang mga sabdaling iyon ay ninais kong lamunin na sana ako ng luoa sa labis na kahihiyang nararamdaman ko, dagdagan mo pa ng katakot-takot na pagkailang sa di ko malamang kadahilanan.

Nang matapos itong makapagbihis at agad niya ako binalikan sa salas at saka niyayang lumabas. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kotse bago siya sumakay at nagsimulang paandarin ito.

Kung pwede lang maging invisible o di kaya ay magteleport papunta sa ibang lugar ay ginawa ko na sana. Nahihiya talaga ako hindi lamang sa kanya kung hindi pati sa sarili ko. Wala pa rin akong halos matandaan sa nangyari pero may pakiramdam akong hindi iyon maganda kaya maigi pang wala na nga lang akong maalala.

Nang sa wakas ay tumigil na ang sasakyan ay nagmamadali na akong bumaba. Nagtataka man dahil nasa tapat kami mismo ng building ng kompanya namin ay hindi ko nagawa pang magtanong at magpaalam, sahalip ay walang sabing bumaba ng kotse at at mabilis na tinungo ang papuntang building entrance.

Pagakapasok ko sa loob ay tuluyan na akong nakahinga ng maluwag, hindi pa man ako nakakalapit sa reception area ay sinalubong na ako ni Maple.

"Eli, sakto ang dating mo. We will have meeting with the owner of JYB Interiors, kagabi lang sila nag-set ng appointment kaya medyo rush but we have to do this. They need to hear daw kahit partial of our plan para sila na ang pumuno sa magiging kulang sa design ng building."

Tinignan ko ang relo ko at nakitang mag-aalas nuwebe pa lang. "Nandito na kaagad? Ang bilis naman."

"Yes, he will be here in a minute. Kaya nga napababa rin ako ditonsa lobby."

Sabay na kaming naghintay ni Maple sa sinasabi niyang bisita from JYB. Hindi na matawaran ang saya nito lalo na at malaking proyekto ang JYB kung sakaling magustuhan ng mga ito ang designs namin.

"There he is." narinig kong sabi ni Maple. Napatingin ako sa direksiyon ng entrance ng building at halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang parating.

Bigla akong napatalikod, pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mga pisngi nang malaman ko kung sino ang ka-meeting namin.

"JYB, JYB," bulong ko sa sarili ko. "Shuta! Jae Yuan Brillante ang ibig sabihin ng JYB?" mahinang sabi ko sa sarili ko.

Si Jae ang ka-meeting namin ni Maple? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status