Nasundan ang unang pag-uusap ni Gaia at Aurus pagkatapos sabihin ng dalaga kung nasaan si Tana, pero hindi pa niya itinuturo dito ang eksaktong lokasyon ng kakambal niya. Hindi niya rin sinasabi kung ano ang koneksyon nila ni Tana sa isa’t-isa. Ipinag-utos niya rin na ilabas sa kulungan ang mga ito at bigyan ng pagkain at lugar na maaaring tuluyan. Pinababantayan niya na lang ang dalawa habang nasa loob ng dooms gate para masigurong hindi gagawa ang mga ito ng ikapapahamak nila.
“Sa pagkakaalam ko, bloody illness ang tawag sa karamdaman mo…” panimula ni Aurus nang ipatawag niya ulit ito sa tent niya. “Maaaring namana mo ’yan sa angkan mo at ang mga sangkap sa gamot niyan ay matatagpuan din sa loob ng Forbideria,” pagpapatuloy pa nito.
“Ano ang mga gamot na iyon?”
“Pamilyar ka ba sa mga halamang gamot na skroutz, litauen, krandular, prietz, queirmone, uterob?”
“Anong uri ng halamang gamot ang mga iyon?”
“Ang skroutz ay gintong pulbos. Litauen, pulang prutas. Krandular, abong bulaklak. Prietz, bughaw na ugat. Queirmone, tubig sa itim na lawa. Uterob, uri ng halamang dagat na parang lubid. Lahat iyon ay dadalhin mo sa tinatawag na muselyo. Naroon ang kasangkapan para gawin ang lunas.”
Tumango si Gaia nang maging pamilyar sa kaniya ang mga gamot. “Matagal nang kinalimutan ang mga halamang gamot na ’yan sa Forbideria. Bukod sa walang tiyak na lokasyon, hindi rin madali ang pagkuha no’n. Kung walang sapat na kaalaman, maaaring mapahamak ang sinumang susubok para makuha ang mga halamang gamot. Napaka-imposibleng makuha ang mga iyon at kung papalarin, hindi rin ako makakapasok sa muselyo. Sagrado ang lugar na iyon at walang sinumang nakapapasok bukod sa angkan ng reyna.”
“Malakas ka at kaya mong makuha ang mga sangkap, premier guard. Naniniwala ako sa kakayahan mo.”
Bahagyang natawa si Gaia, pero alam niyang hindi iyon tunog ng isang tawa. Para lamang siyang bumuga ng hangin na nagpapasikip sa dibdib niya. Sumisikip talaga ang dibdib niya dahil wala na talagang pag-asa na gumaling siya. Marahil hanggang dito na lang ang buhay niya at hindi na rin niya makakasama si Tana. Kailangan niya lang itong ilabas ng kaharian bago siya mamatay. Nararamdaman niyang malapit nang mangyari ang katapusan niya.
“Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Bumalik ka na sa tent mo,” pagtatapos niya sa usapan.
Napansin ni Gaia ang awa sa mukha ni Aurus. Tumalim ang tingin niya rito at hindi niya nagustuhan ang pinapakita nitong ekspresyon.
“Huwag kang maawa sa akin, estrangherio. Hindi ko kailangan ’yan. Umalis ka na.”
“Kung may kaugnayan kayo ni Tana, hindi niya magugustuhan kung mapapahamak ka. Tulungan mo rin ang sarili mo, premier guard. Hanapin mo ang mga sangkap at dalhin sa muselyo. Kung kailangan mong maghanap ng maharlikang tutulong sa ’yo, gawin mo. Mas maganda kung isang maharlika ang mapapangasawa mo para mas mabilis kang makapasok sa muselyo.”
“Nagpapatawa ka ba, estranghero? Kahinaan ang magkaroon ng pamilya sa lugar na ito at hindi ko rin pinangarap magkaroon ng asawa. Sagabal lang siya sa buhay ko. Ayoko ng dagdag pasanin. Nahihirapan na rin akong iligtas ang sarili ko sa panganib, at hindi ko na dadagdagan ang hirap ko.”
Hindi madali ang buhay sa Forbideria. Normal ang kaguluhan sa kaharian at disisyon na lang niya kung papatay o hindi, pero kung nais niyang mabuhay nang matagal, kailangan niya ring pumatay at ipagtanggol ang sarili niya. Mas lalo siyang mahihirapan kung may pamilya siya. Para na rin siyang gumawa ng kahinaan para talunin ng mga kalaban.
“Hindi kita pipilitin kung iyan ang desisyon mo, premier guard. Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo. Sinabi ko na sa ’yo ang mga kailangan mo, kaya sana sabihin mo na rin kung nasaan si Tana. Aalis na kami sa lalong madaling panahon,” huling sabi ni Aurus bago lumabas ng tent ni Gaia.
***
Pagsapit nang gabi, binabagabag pa rin ang damdamin ni Gaia tungkol sa mga sinabi ni Aurus. Nalulungkot siya dahil magkakahiwalay na naman sila ni Tana, pero sa pagkakataong ito baka habang buhay na. Gusto niya itong makasama sa huling pagkakataon, kaya muli niyang sinuong ang masukal na daan patungo sa bahay-kubo ng kakambal. Hindi niya alintana ang madilim na paligid at binabalewala rin niya ang taong kanina pa sumusunod sa kaniya.
Nakamamangha ang mapino nitong kilos sa dilim. Halos wala ng tunog ang paghakbang nito. Kung hindi pa nito aksidenteng naapakan ang tuyong sanga, iisipin niyang hangin lang ang nararamdaman niya. Mabilis naman siyang kumilos at nagtungo sa likuran nito. Hindi niya inaasahan ang mabilis nitong atake, pero nagawa pa rin niyang saluhin ang braso nito. Tinangka niyang itumba ito sa lupa, ngunit napigilan nito ang pag-angat ng katawan. Tumigil sila sa bawat atake habang magkasangga ang kanilang mga braso na pumipigil sa mga kilos ng isa’t-isa. Nakakahanga ang ginawa nito, tila sanay itong kumilos sa dilim.
“Sino ka? Sinong nag-utos sa ’yo na patayin ako? Isa ka rin ba sa mga guwardiyang gustong pumatay sa akin? Magsalita ka,” seryoso niyang tanong dito.
“Hindi kita papatayin, premier guard. Sinundan lang kita dahil nararamdaman kong pupuntahan mo si Tana.”
Kaagad ibinaba ni Gaia ang depensa nang makilala ang boses ni Aurus.
“Sumunod ka sa akin,” sabi na lang niya. Wala na siyang pagpipilian kundi ituro dito ang daan patungo sa bahay-kubo.
Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa tinutuluyan ni Tana. Nakita ni Gaia ang kakambal sa pintuan na tila inaasahan ang pagdating niya. Kumaway pa ito nang matanaw siya.
“Gaia, kambal ko. Namiss kita!” sigaw nito.
“Tama ang hinala ko, kambal kayo ni Tana, premier guard,” sabi naman ni Aurus sa likuran niya.
Hindi ito pinansin ni Gaia, pero nagmamadali itong lumapit kay Tana.
“Tana, sa wakas natagpuan din kita.”
“Paopao?” Nag-aalinlangan pa itong lumapit dahil sa pagtataka, ngunit kaagad gumuhit ang kasiyahan nito nang makilala ang lalaki. “Paopao!” Masayang nagyakap ang dalawa.
Hinayaan naman ni Gaia na mag-usap ang dalawa. Pumasok siya sa loob ng kubo na tanging lampara ang tumatanglaw na liwanag. Bigla siyang napahinto nang maramdaman ang paninikip ng dibdib niya. Pakiusap, huwag ngayon. Kumilos pa rin siya ng normal at hindi pinapahalata ang kasalukuyang nararamdaman. Umupo na lang siya sa upuang kawayan habang hinihintay sina Tana at Aurus.
Maya-maya ay pumasok din ang dalawa sa kubo. Hindi maikakaila ang saya sa ngiti ni Tana at ganoon din si Aurus. Masaya ang dalawa sa muling pagkikita at ang ngiting iyon ni Tana ang gusto niyang maalala kapag umalis na ito.
“Gaia, may kukunin lang ako sa silid ko. Ikaw muna ang bahala kay Paopao, ah. Sandali lang ako,” paalam ni Tana bago ito umalis.
“Sasama pabalik ng Maleferia si Tana, pero hindi siya papayag na maiwan ka. Kailangan mo rin sumama sa amin, premier guard.”
“Ako na lang ang kakausap kay Tana tungkol sa bagay na iyan, estranghero. Bumalik ka na sa iyong... Argh! Shit!” daing niya nang maramdaman ang labis na kirot sa mukha niya. Nasapo niya ang kanang mata. Nag-iinit iyon na tila nasusunog, parang may gustong kumawala mula roon. Naninikip ang kaniyang dibdib at nahihirapan siyang huminga.
“Anong nangyayari sa ’yo. Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Aurus.
“Shit! Ang sakit!” paulit-ulit niyang sabi.
Naramdaman ni Gaia ang kamay ni Aurus at inalis nito ang kamay niyang nakatakip sa mata. Wala siyang lakas para pigilan ito. Napansin niya ang gulat sa mukha nito nang tuluyang makita ang tinatakpan niya.
Shit! Lumabas na ang marka sa mukha ko. Ito ang dahilan kung bakit siya itinuturing na malas sa Atar. Isinumpa raw siya para maghirap ang mga taong nasa paligid niya. Wala raw siyang magiging kaibigan at mag-isa siyang mamumuhay. Katatakutan siya ng mga tao hanggang mawala siya sa mundo.
“Gaia, nakalimutan ko itong ibigay sa ’yo.”
Nataranta si Gaia na baka makita ni Tana ang marka niya. Matalino ito at malalaman agad nito na may sakit siya. Ayaw niyang maging dahilan iyon para manatili ito sa tabi. Gusto niyang umalis si Tana para sa kaligtasan nito.
Nagmamadaling tumayo si Gaia para lumabas ng kubo, pero nanghina ang mga tuhod niya at bumagsak. Naging maagap naman si Aurus. Nahawakan siya nito sa baywang at humawak din siya sa braso nito para kumuha ng suporta.
“Gaia, ayos ka lang ba?”
Humigpit ang hawak ni Gaia sa braso ni Aurus. Buong buhay niya, ngayon lang siya natakot. Natatakot siyang makita ni Tana ang kalagayan niya, ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa ni Aurus upang itago ang marka niya. Niyakap siya nito at sinadyang itago ang mukha niya sa dibdib nito.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, kumalma si Gaia sa mga bisig ni Aurus. Ito ang unang beses na nayakap siya ng lalaki na isang estranghero para sa kaniya.
“Ina!” sigaw ni Brie.Bumitaw si Gaia kay Aurus at bahagyang dumistansya bago lumingon kay Brie. Tumatakbo ito patungo sa kaniya kaya sinalubong niya ito ng yakap. Humikbi ito sa kaniyang balikat habang buhat niya.“Ina, natatakot po ako.”“Patawad, Brie, kung nakita mo ang lahat ng ito. Maayos na ang lahat at ligtas ka na. Wala ng mananakit sa ’yo at hindi ko rin hahayaan na masaktan ka habang buhay ako,” mahinahon niyang sabi sa bata habang hinahaplos ang likuran nito.“Ginoong Aurus, ayos ka lang ba?”Naagaw ng boses babae ang atensyon ni Gaia kaya bumaling siya sa likuran niya. Nakatayo roon si Aurus habang katabi ang isang babae na nagtatakang nakatingin sa binata. Nagtataka rin siya kung bakit hindi gumagalaw si Aurus. Nilapitan niya ito at marahan itong tinapik sa pisngi.“Humihinga ka pa ba, Aurus? Anong nangyari sa ’yo? Bakit natigilan ka riyan?”Bahagya siyang nagulat nang bigla nitong hinawakan ang kamay niyang tumapik sa pisngi nito, pero hindi pa ito nakuntento at niyakap
“May regalo ako sa ’yo, premier guard.”Bumaling ang tingin ni Gaia sa matandang nagsalita. Marahil ito ang nag-utos sa mga lalaking nambulabog sa pintuan ng kwartong kinaroroonan niya kanina. Mabuti na lang at nagising agad siya bago pa makapasok ang mga ito. Nararamdaman niyang may panganib, dahil sa mabibigat na presensya sa labas ng silid. Tulad ng kaniyang inaasahan, kaguluhan ang sumalubong sa kaniya nang bumukas ang pinto. Mabilis niyang natapos ang laban at plano sanang umalis sa lugar, pero mas marami ang kalabang naghihintay sa kaniya sa bulwagan. Ngayon naman ay nasa harapan na niya ang taong hinahanap niya.“Hindi ako mahilig sa regalo, tanda. Gusto ko lang maningil sa taong nag-utos para patayin ako,” seryoso niyang sabi.Tumawa lang ito at parang aliw na aliw sa kaniyang sinabi. “Sigurado ka ba? Tiyak magugustuhan mo ang regalong inihanda ko sa ’yo, premier guard. Gawin mo na lang ang gusto mong paniningil pagkatapos mong makita ang regalo ko. Iyon ay kung magkaroon ka p
“Huminahon ka, tiyo. Maupo ka muna at mag-usap tayong mabuti,” pagpapakalma niya sa hindi mapakaling tiyuhin.“Wala akong oras para makipag-usap sa ’yo, Liam. Kailangan ko ang babae, buhay man o patay! Halughugin niyo ang buong paligid,” utos nito sa mga tauhan. Kahina-hinala ang kilos ng tiyuhin niya ngayon, at nagkaroon siya ng hinala rito nang maalala ang tanong ng babae sa kaniya. Hinahanap ng babae ang taong nag-utos sa mga tauhan ng Riyam para pasabugin ang dooms gate at patayin ang premier guard.Hindi kaya may kinalaman doon ang tiyuhin niya?“Pigilan sila at huwag hahayaang makalabas sa bulwagan,” maawtoridad niyang utos na agad sinunod ng kaniyang mga tauhan. Mabilis din humarang ang sampu niyang tagasilbi sa unahan niya para protektahan siya sa anumang panganib.Malakas na tumawa si Guyam. “Magaling, mahal kong pamangkin. Nakuha mo na ang tiwala ng sampung babaeng iyan at nakuha mo pa rin ang isang iyon. Ganoon ba kataas ang kagustuhan mong manatili sa posisyon bilang lide
“Wala akong alam sa sinasabi mo, pero sa tingin ko, ito ang kailangan mo.”Kaagad napansin ni Gaia ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ng lalaki. Agad niyang naisip na krandular ang dahilan kaya sapilitan nitong kinukuha ang pinuno ng mga amazona. Gusto nitong malaman sa mga lider mismo kung namukadkad ang krandular, pero wala siyang ideya kung bakit hindi bumabalik ang mga pinuno sa tribo. Lalo na’t walang pagsisisi siyang nakita sa mukha ng mga kababaihan kanina.Tumitig siya sa lalaki. Maaari kayang tama ang sinasabi nito na kusang loob nagpaalipin ang mga dating lider, pero ano’ng dahilan?“Paano mo nakuha ang krandular?” Kunot noo itong naghihintay sa sagot niya.Huminga nang malalim si Gaia. Hindi na niya dapat isipin ang tungkol sa mga dating lider ng amazona. Mas dapat niyang isipin ang pakay sa lugar na ito at kung paano matutukoy ang utak sa pagpapasabog sa dooms gate. Dalawang taon siyang naghirap upang pangalagaan iyon, at hindi siya papayag na makalusot ang mga ito nang
Lulan ng karwahe, nakikiramdam si Gaia habang nakapikit. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa loob. Alam niyang may tumitingin sa nakahantad niyang hita mula sa mga kasama sa loob ng karwahe. Nang maramdaman ang pagkilos ng nasa kanan, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at dinakot ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang hita niya. Nagulat ang lalaki, pero hindi ito nakahulma nang ihampas niya ang sarili nitong kamay sa mukha nito. Napatingala ito at nauntog sa dingding ng karwahe.“Argh! Bwiset kang babae ka!” Galit nitong binunot ang patalim sa baywang, pero mabilis niyang sinapak ang lalaki at sinipa palabas ng karwahe. Nasira ang pintuan at tuluyan itong nahulog. Hinawakan siya ng natitirang lalaki sa loob ng karwahe, pero pinilipit niya ang braso nito.“Aray! Bitiwan mo ako!” sigaw nito.Naramdaman ni Gaia ang bahagyang pagtigil ng karwahe.“Ano’ng nangyayari dito?” bungad na tanong ng isang lalaki na sumilip sa nasirang pinto ng karwahe.Hinila ni Gaia ang hawak na lalaki
Binaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May