Nakatulong ang marahang paghaplos ni Aurus sa likuran ni Gaia para bumalik sa normal ang pakiramdam ng dalaga. Unti-unti ay nawala ang init na nararamdaman niya sa kaniyang mukha.
“P-pasensiya na. Mamaya na lang tayo mag-usap, Gaia.”
Naramdaman ni Gaia ang papalayong yabag ni Tana. Nang masigurong wala na ito sa paligid, kumawala siya sa mga bisig ni Aurus. Pinakawalan naman siya ng binata.
“Salamat sa ginawa mo, estranghero. Umasa kang makakaalis kayo ng ligtas sa Forbideria. Pangako ko ’yan sa ’yo bilang utang na loob sa pagtatago ng sekreto ko,” mahina niyang sabi at iniiwasang marinig iyon ni Tana.
Hindi nagsalita si Aurus at tahimik lang itong nakatingin sa kaniya. Hindi maalis ang titig nito sa parte ng mukha kung saan lumitaw ang marka niya.
“Bumalik ka na sa tent mo. Bukas na bukas din ay dalhin mo rito ang kasama mo para makita niya si Tana. Aayusin ko rin bukas ang pag-alis niyo sa Forbideria,” pukaw niyang sabi sa binata.
Bumuntong hininga si Aurus bago nagsalita, “Kakaibang marka ang lumabas sa mukha mo, premier guard. Tila mga ugat na gumapang ang itim na marka sa pisngi mo patungo sa mga mata. Nagmistula ’yong galamay ng gagamba na sumakop sa pisngi mo. Napansin ko rin na nag-iba ang kulay ng isa mong mata nang magtagpo ang mga marka sa isa’t-isa. Nag-iwan iyon ng abong kulay sa balat mo. Alam mo ba ang ibig sabihin kapag gan’yang marka ang lumabas sa mukha mo?”
“Alam ko at hindi mo na iyon kailangan sabihin. Umalis ka na,” pagtataboy niya kay Aurus.
Tinalikuran na niya ang binata at wala na siyang intensyon na kausapin ito. Alam niyang malala na ang kundisyon ng katawan niya dahil sa karamdamang iyon. Kung hindi dahil kay Aurus, baka natuluyan na siya kanina. Mabuti na lang at narito ang lalaki, at natulungan siya nitong itago kay Tana ang marka niya.
“Kung mahalaga sa ’yo ang kakambal mo, hanapin mo ang mga sangkap sa lunas. Magpagaling ka, premier guard,” paalala nito.
Nagpaalam muna si Aurus kay Tana bago ito umalis. Sa bahay-kubo na rin natulog si Gaia. Titiisin na lang niya kahit malikot matulog si Tana. Baka ito na ang huling beses na makakatabi niya sa pagtulog ang kakambal. Natanggap niya rin ang polseras na yari sa binuhol na lubid mula kay Tana. Iyon ang unang regalo na natanggap niya sa buong buhay niya.
***
Kinabukasan, dumating muli sa bahay-kubo si Aurus kasama si Zeus. Tuwang-tuwa naman si Tana na makita si Zeus at hindi maikakaila na na-miss nito ang lalaki. Iniwan naman niya sa kubo ang mga ito at lumabas, pero sinundan siya ni Aurus.
“Nagkukulay-abo ang kanang pisngi mo, premier guard. Hindi magtatagal muli mong mararamdaman ang labis na sakit sa katawan mo. Patuloy mong mararanasan iyon hanggang hindi na kayanin ng katawan mo. Mas mabuti kung makakainom ka ng sabaw ng isang sangkap ng lunas. Makatutulong iyon sa pansamantalang pagpigil sa nararamdaman mo.”
“Hindi ako interesado,” pambabalewala niya rito, pero napaatras nang hilahin nito ang braso niya.
Mabilis tinapik ni Gaia ang kamay ni Aurus, pero hinawakan din nito ang isa niyang kamay. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito para hindi siya makakilos. Pinatigas niya ang pulsuhan para labanan ang lakas nito.
“Malakas ka, premier guard. Hindi iyon maikakaila sa pinapakita mong lakas ngayon. Ngunit tandaan mo, wala kang laban kapag umatake ulit ang sakit mo.”
“Tanggap ko na ang mangyayari sa akin, estranghero, at hindi magbabagpo ang isip ko. P’wede mo na akong bitiwan,” walang emosyon niyang sagot.
Mataman siyang pinagmasdan ni Aurus bago nagpasyang pakawalan siya.
“Hindi maikakaila ang pagkakatulad niyo ni Tana pagdating sa itsura, ngunit mas’yadong matigas ang puso mo, premier guard. Alam kong hindi naging madali ang lahat para sa inyong dalawa at nasaksihan ko iyon kay Tana. Ayokong makita uli ang mga mata niyang walang buhay. Ayokong bumalik siya sa dati na tila patay na nabubuhay. Isipin mo rin ang maramdaman ni Tana kapag nawala ka. Ikaw na lang ang pamilya niya.”
Uminit ang ulo ni Gaia sa pagpupumilit ni Aurus. Hindi niya minamasama ang sinabi nito, pero imposibleng makuha niya ang mga halamang gamot. Wala siyang ideya sa lokasyon ng mga sangkap. Baka mas mapaaga ang pagkamatay niya dahil sa kundisyon ng katawan niya.
“Tama ka. Ako na lang ang pamilya ni Tana, pero nariyan pa kayo para sa kaniya kung mawawala ako. Mas matagal niya kayong nakasama kaysa sa akin. Mabilis niya lang matatanggap ang pagkawala ko kung iisipin niyang magkalayo lang kaming dalawa. Kahit anong mangyari, huwag mong sasabihin kay Tana ang tungkol sa sakit ko.”
Hindi siya napilit ni Aurus na gawin ang sinasabi nito. Umalis siya sa bahay-kubo at nagtungo sa pampang. Isang kwebang daan ang tinahak niya para makarating sa pupuntahan. Inihanda niya roon ang sasakyang pangdagat na ipinuslit niya sa dooms gate. Iyon ang gagamitin nina Tana para makalabas ng Forbideria.
***
Pagsapit nang hapon, nakahanda na ang lahat para sa pag-alis ng dalawang estranghero at ni Tana. Nasa pampang na sila at kasalukuyan siyang pinipilit ni Tana sumama sa pag-alis na mariin niyang tinanggihan. Ang katuwiran niya ay may tungkulin siyang ginagampanan sa Forbideria.
“Mag-iingat ka rito, Gaia. Dalawin mo rin ako sa Maleferia kapag pwede ka nang umalis. Hihintayin kita roon. Mangako ka.”
“Sige, pangako.”
Mahigpit nilang niyakap ang isa’t-isa. Parang ayaw na niyang bitiwan ang kakambal, pero kailangan nitong umalis. Alam niyang magiging maayos ang buhay nito sa labas ng kaharian kasama ang mga taong naging parte ng buhay nito noong wala pa siya, kahit ang kapalit no’n ay ang pagbalik niya sa dating buhay—ang mag-isa at walang aasahan kundi ang sarili niya. Haharapin din niyang mag-isa ang sakit niya hanggang sumuko ang katawan niya.
Nang maghiwalay sila ni Tana, nauna na itong sumakay sa bangka kasama si Zeus. Nagpahuli naman si Aurus para ipaalala ang tungkol sa gamot.
“Huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko, premier guard. Makatutulong ang isang sangkap para dugtungan ang buhay mo. Malaking bagay iyo para mahanap ang iba pang mga sangkap.”
“Isipin mo na lang na hindi mo ako nakilala sa lugar na ito, estranghero. Wala rin silbi ang mga paalala mo. Umalis ka na. Hinihintay ka na ng mga kasama mo.”
Huminga nang malalim si Aurus bago nagpasyang sumunod sa dalawa. Kumaway si Tana nang umandar ang bangka. Pinagmasdan naman ni Gaia ang papalayong sasakyan. Nang makita niyang nakalabas na ang kalahati niyon sa halo exit, tumalikod na siya. Nasa bungad na siya ng k’weba pabalik sa dooms gate nang hindi niya inaasahan ang biglang pag-atake ng sakit niya. Napaluhod siya sa buhangin habang sapo ang mata at dibdib niya.
“Argh!” Nag-echo sa loob ng kuweba ang sigaw ni Gaia. Tila sumagot sa kaniya ang sarili niyang boses. Paulit-ulit niyang pinukpok ang dibdib, ngunit kahit anong gawin niya, hindi nawawala ang sakit.
Tuluyan siyang bumagsak sa buhangin. Naramdaman niya ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi. Nagpagulong-gulong siya at hindi niya alam kung anong posisyon ang gagawin niya para mawala ang sakit.
“Pakiusap, patayin mo na lang ako!” muli niyang sigaw habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya. Mas gusto na lang niyang mamatay kaysa paulit-ulit ’yong maramdaman, pero tila pinaparusahan siya ng langit at nanatili pa rin siyang buhay sa kabila ng paghihirap niya.
“Ayoko na! Tapusin niyo na lang ang buhay ko, pakiusap! Patayin niyo na ako!” sigaw niya kahit alam niyang walang makaririnig sa kaniya. Siya lang ang nakakaalam sa lugar na iyon at kung mamamatay siya, walang makakita sa bangkay niya.
Mariing napapikit si Gaia nang muling gumuhit ang sakit. Nauupos na ang kaniyang paghinga, pero hindi siya tumitigil sa pagwawala. Hindi niya alam kung parte ng kaniyang imahinasyon nang maramdaman ang dalawang bisig na pumigil sa pagwawala niya. Iniisip niyang dala lamang iyon ng pagnanais niyang may tumulong sa kaniya.
“Huminahon ka.”
Bahagyang huminahon si Gaia nang marinig ang masuyong boses na iyon. Okupado ng sakit ang isip niya at hindi niya nakilala kung sino ang nagma-may-ari ng boses na iyon. May inilagay ito sa bibig niya na kaagad niyang nilunok. Unti-unti ay nawawala ang sakit hanggang nanghihina siyang napasandal sa dibdib nito. Tinuyo nito ang luha sa pisngi niya kasunod ng pagbuhat nito sa kaniya. Pinilit naman niyang imulat ang mga mata para malaman kung sino ang taong tumulong sa kaniya.
“A-Aurus?” nagtataka niyang tanong sa mahina at namamaos na boses.
Hindi niya kayang paniwalaan ang nakikita ng nagdedeliryo niyang diwa. Paanong nasa tabi niya si Aurus kung nakita niyang lumabas ang sinasakyan nitong bangka sa halo exit? Ang katanungang iyon ang dala-dala ng kaniyang diwa hanggang kainin ng dilim ang kamalayan niya.
“Ililigtas namin si Gaia kahit anong mangyari!” seryosong sagot ni Ezraya.“Gusto rin namin siyang iligtas, pero gumawa tayo ng magandang plano. Huwag ganitong padalos-dalos tayo,” sagot ni Hugo.Hindi rin matanggap ni Hugo na wala siyang magawa ngayon para sa kaniyang master. Nagawa niyang makaganti sa mga assassin kanina, pero wala siyang magawa ngayon kundi panoorin ang pagdakip kay Gaia. “Kunin niyo ang katawan ng lalaki at itapon!”Magkakasabay silang tumingin sa direksyon ng lalaking nagtangkang pumatay kay Gaia. Mula sa mga pinagtataguang puno, nakita nila ang nanlilisik na mga mata ni Gaia sa lalaki habang pilit nagpupumiglas sa hawak ng apat na kawal.“Papatayin kita kapag ginalaw mo ang katawan niya,” walang buhay na banta ni Gaia sa lalaki.“Nasasaktan siya ngayon at hindi iyon magandang pangitain,” nag-aalalang pahayag ni Sara habang pinagmamasdan kung paano tumingin ang walang buhay na mga mata ni Gaia.Hindi pinakinggan ng mga kawal ang babala ni Gaia, at nilapitan ng m
“Aurus, gumising ka! Malakas ka, ’di ba? Lumaban ka, pakiusap. Marami pa tayong gagawin na magkasama. Huwag mo akong iiwan sa magulong mundong ito,” umiiyak niyang sigaw habang tinatapik ang mukha nito. Ngunit kahit anong gawin niya, wala na itong reaksyon.Nilibot ni Gaia ang tingin sa paligid upang humingi ng tulong, pero palapit na mga kawal ang nakita niya. Hindi niya makita kung nasaan ang mga kasama niya. Tanging sila lamang ni Aurus ang nasa gitna ng niyebe.“Aurus...”Muli niyang niyakap ang katawan ni Aurus habang umiiyak. Nasa likuran pa rin nito ang dalawang palaso. Imposible man mangyari, pero umaasa siyang buhay pa ito. Ngunit niloloko niya lang ang sarili dahil nakikita niyang tumama ang mga patalim sa likuran ng puso nito. Wala na rin siyang nararamdamang tibok sa pulso nito, at halos magkulay pula ang niyebe dahil sa dugo nito. “Bakit mo ako iniligtas, Aurus. Para sa akin ang palasong iyon. Bakit mo sinalo?”Muling bumuhos ang kaniyang luha habang iniisip kung paano t
Hinigpitan ni Aurus ang hawak sa kaniyang kamay kaya hindi siya nakalapit sa libro.“Pamilyar sa ’yo ang librong iyan, tama ba?” tanong ni Ace 1 kay Aurus. “Dahil diyan nakatala ang tungkol sa mga lunas bilang gamot sa isang uri ng karamdaman na may kakaibang marka,” nakangising dugtong nito.“Sumama ka sa amin assassin bago namin isiwalat ang ginawa mo. Ayaw mo naman sigurong kamuhian ng babaeng katabi mo, hindi ba?” segunda pa ni Ace 5 na ngayon ay hawak na uli ang bolang sandata.“Wala akong dapat ikabahala sa mga sinasabi ninyo,” seryosong sagot ni Aurus.“Talaga? Paano mo ipapaliwanag ang koneksyon mo sa Sandevil?” muling tanong ni Ace 5.“Wala akong koneksyon sa Sandevil.”“Kung wala kang koneksyon, paano mo nalaman ang nilalaman ng mapanlinlang na librong iyan?” tanong ng babaeng nakapula. “Tanging Sandevil lang ang nakakaalam ng tungkol diyan, dahil iyan ang kailangan para magising ang pinuno,” dugtong pa nito. “Wala akong kailangan ipaliwanag sa inyo,” balewalang tugon ni Au
“Ako ang makakalaban mo, binibini. Ako ang harapin mo,” seryosong sabi ng lalaking tinatawag na Ace 1.Tumalon patalikod si Gaia para iwasan ang bigla nitong atake. Nang makakuha ng balanse, sinabayan niya ang pagsugod ng lalaki hanggang maglapat ang kanilang mga patalim.“Interesado ako sa ’yo, binibini,” nakangising sabi ng lalaki.“Wala akong interes sa ’yo,” malamig niyang tugon at pwersahan niyang itinulak paabante ang kaniyang patalim.Napaatras ang lalaki sa kaniyang ginawa, pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha nito.“Malakas ka, binibini. Anong pagsasanay ang ginawa mo para maging gan’yan kalakas?”Hindi sumagot si Gaia. Sa halip, nilubayan niya ang pagkakahawak sa kaniyang espada. Dumiretso ang patalim ng lalaki patungo sa kaniya, pero yumuko siya at muling sinalo ang sandata niya. Mabilis namang lumayo ang lalaki nang iwasiwas niya ang espada sa katawan nito.“Nakakahanga,” nakangisi at namamangha nitong sabi habang nakatingin sa nahagip nitong balabal. Naputol ang
“Wala akong panahon para pakinggan ang pagbabalik tanaw ninyo!” muling sigaw ng kalaban.Naalerto si Hugo at Ezraya nang biglang sumugod ang lalaki sa kanila. Hawak nito ang suot na scarf na may patalim sa dulo. Hinugot naman ni Hugo ang dalawang curved metal na may mahabang kadena na nakasuksok sa likuran niya. Hinagis niya ang isa kay Ezraya na mabilis nitong nasalo. Napagitnaan nilang dalawa ang kalaban. “Hugo, laruin natin ang cross trick bang!” sigaw ni Ezraya sa kaniya.Biglang pumasok sa isip ni Hugo ang nilalaro nila noon ni Ezraya. Gumagamit sila ng dalawang stick at isang bato sa larong iyon. Pag-aagawan nila para ipasok sa isang butas.“Tayo ang cross, siya ang trick, at bang ay patayin siya,” muling sabi ni Ezraya.Napangiti si Hugo sa sinabi ng kapatid. Agad niyang naunawaan ang gusto nitong gawin nila. Ang kalaban ang magsisilbing bato na pag-aagawan nila, pero hindi sila magkalaban sa larong ito ngayon. Sila ang magkakampi para magawa ang bang.“Naalala ko na, Ezraya.
Lumapit sa direksyon ni Gaia ang kaniyang mga kasama nang lumabas ang dalawang babae at apat na lalaki mula sa pinagtataguan ng mga ito. Pawang alerto na ang mga kasama niya at tila nawala na sa isip ang naganap nilang pagtatalo kanina.Pinagmasdan naman ni Gaia ang iba’t-ibang istilo ng anim lalo na sa pananamit. Isa lang sa mga ito ang may makapal na kasuotan na naaangkop sa klima ng Biloah. Ang iba ay mukhang nakasanayan na ng mga itong isuot at hindi na nag-abalang magpalit. Mukhang hindi naman nilalamig ang mga ito.“Sinasabi ko naman sa ’yo, Ace 3, sinadya niyang umarteng nakababa ang kanilang depensa. Pain niya lang ito para lumabas tayo. Ayaw niyo kasing maniwala, eh,” tila nagtatampo ngunit walang buhay na sabi ng isang babae na parang manika manamit mula sa buhok hanggang sapatos. May yakap-yakap pa itong walang mukhang manika.“Tama si Ace 6. Hindi niyo kasi siya pinapakinggan,” segunda ng kasama nitong naka-pormal na damit na parang dadalo sa isang pormal na pagtitipon.“S