Share

Chapter Three

Aвтор: Maybel Abutar
last update Последнее обновление: 2025-03-09 09:57:53

Isang linggo na simula nang makausap ni Gaia si Aurus, pero litong-lito pa rin siya kung paano nito nalaman ang tungkol sa karamdaman niya. Dala-dala niya ang isiping iyon habang nagroronda sa kanlurang bahagi ng dooms gate. Sakay siya ng kaniyang kabayo nang makasalubong ang dalawang guwardiya. Nasa gitna sila ng kakahuyan at marahil ay nagroronda rin ang dalawa.

“Premier,” bati ng dalawa sa kaniya na kapwa nakasakay sa kaniya-kaniyang mga kabayo.

Tumango lang siya bilang tugon bago nilampasan ang mga ito. Hindi pa siya nakalalayo nang maramdaman niya ang mabilis na atake mula sa likuran niya. Mabilis siyang yumuko at padapa siyang umiwas sa atake. Isang hunting knife ang nakita niyang lumampas sa ulunan niya. Tumama iyon sa katawan ng puno malapit sa kaniya.

Hinigit ni Gaia ang renda ng kabayo upang patigilin ito sa pagtakbo. Hindi pa niya tuluyang napapatigil ang kabayo nang makitang tumalon ang isang guwardiya mula sa sinasakyan nitong kabayo patungo sa kaniya. Nakaamba ang espada nito para umatake. Malakas niyang pinalo ang kabayo kaya bumilis ang takbo nito. Nakaiwas siya sa espada ng lalaki, pero muli itong sumakay sa kabayo at hinabol siya. Muli niyang hinila ang renda ng kaniyang kabayo at pinihit ito paharap sa dalawa. Sinalubong niya ang mga ito. 

Napagitnaan siya ng dalawang kalaban na kapwa mga guwardiya sa dooms gate. Nagawa niyang umiwas sa magkasunod nitong atake. Bumitiw siya sa renda ng kabayo at nagawa niyang hulihin ang magkabilang braso ng dalawa. Hinila niya ito palapit kasabay ng pagbwelo niya sa likuran ng kabayo at tumalon. Magkasabay niyang sinipa ang dalawa habang nasa ere. Tumalsik sa magkaibang direksyon ang dalawa habang nakatayo siyang bumaba sa lupa. 

Nakita ni Gaia ang mabilis na pagtayo ng isa at tumakbo palayo.

“Hindi ka makatatakas habang nakatayo pa ako.” Kinulwit naman niya ng isang paa ang bato sa lupa. Bahagya niyang sinipa iyon paitaas. Nang masalo niya ang bato ay malakas niyang hinagis sa tumakbong lalaki. Agad itong bumagsak nang tamaan ng bato. Tila nawalan din ito ng malay tulad ng kasama nito.

Nilapitan ni Gaia ang isa sa mga walang malay na guwardiya. Itinaas niya ang manggas ng suot nitong damit at nakita niya ang isang marka. Marka iyon ng mga sundalo mula sa Atar—ang dibisyon kung saan siya nagmula.

“Sinasabi ko na nga ba at ikaw na naman ang may kagagawan nito, division leader.”

Humugot nang malalim na paghinga si Gaia bago bitiwan ang guwardiya. Ilang beses na rin siyang pinagtangkaang patayin ng mga sundalo mula sa Atar, pero hanggang ngayon hindi pa rin nagtatagumpay ang mga ito. Kahit siya ang premier guard sa dooms gate, hindi pa rin niya kontrolado ang paglalagay ng mga guwardiya roon. Responsibilidad iyon ng bawat lider ng dibisyon. Ang tangi niyang magagawa ay iligtas ang kaniyang sarili sa kapahamakan na lalong nagpagigil sa lider ng Atar. Hindi naman pabor sa kaniya ang paulit-ulit nitong pagtatangka sa buhay niya, lalo pa ngayon na kasama niya si Tana. Baka si Tana ang mapagkamalan ng mga ito at mapahamak ang kakambal niya. Hindi na niya kakayanin mawala ang natitirang pamilya niya.

Isang desisyon ang naisip niya para manatiling ligtas ang kakambal. “Kailangan kong ilabas ng kaharian si Tana sa lalong madaling panahon.”

***

Pagbalik ni Gaia sa quarter tent, inutusan niya si Trey na dalhin sa kaniya si Aurus. May hinala siya na may nalalaman ito tungkol sa kondisyon niya. Gusto lang niyang alamin kung posible pa ba siyang gumaling. Hindi man halata, pero mataas ang pagnanais niyang gumaling. Gusto niyang maranasan ang normal na buhay nang wala ang karamdaman niya. ’Yong hindi siya mag-aalala na anumang oras ay aatake iyon at manghihina siya.

“Bakit mo ako gustong makausap, premier guard?”

Napukaw ang atensyon ni Gaia nang marinig ang isang boses sa loob ng tent niya. Hindi niya namalayan na naroon na pala si Aurus. Marahil pinapasok ito ni Trey, dahil iyon ang utos niya sa lalaki kanina.

“Hindi ka ba magpapasalamat muna? Ipinag-utos ko na bigyan kayo ng tubig sa kulungan. Kung wala ang tubig, patay na sana kayo sa isang linggo ninyong pagkakakulong doon.”

“Salamat kung ganoon. May sasabihin ka pa ba? Alam kong meron, dahil hindi mo ako ipapatawag dito kung wala.”

Pinagmasdan ni Gaia si Aurus. Nakakahanga ang lakas nito at hindi man lang nagmukhang mahina sa kabila ng mga araw na wala itong pagkain. Mahinahon itong nakaharap sa kaniya na hindi man lang mababakasan ng pagkabahala. Tila tanggap nito ang nararanasan sa loob ng dooms gate.

“Paano mo nalaman ang tungkol sa karamdaman ko?” tanong niya sa lalaki.

“Nag-aral ako ng medisina sa kaharian kung saan ako nagmula. Napansin ko rin ang pamumutla at mabagal mong paghinga. Bukod doon, may kulay abong marka sa kanang pisngi mo. Hindi siya halata sa biglaang tingin, pero kitang-kita iyon kapag tinitigan ka. Ayon sa nabasa kong libro, lumalabas iyan kapag nakararamdam ka ng sakit sa katawan mo.”

Tama ang mga sinabi ni Aurus, kaya’t napatunayan ni Gaia na may nalalaman talaga ito sa karamdaman niya.

“Kung ganoon, alam mo rin kung paano malulunasan ang sakit ko?”

“Oo.”

“Paano?”

Nakita ni Gaia ang ngising pumaskil sa labi ni Aurus. Napaka-misteryoso ng ngiti nito na tila may kakaibang naglalaro sa isip nito.

“Bakit ko sasabihin ang nalalaman ko? Kalaban ang tingin mo sa akin at anumang oras ay p’wede mo akong patayin. Ang kaalaman ko na lang ang magliligtas sa amin ng kasama ko. Hindi ko iyon isusuko sa ’yo, premier guard.”

Ngumisi rin si Gaia bago humalukipkip. Hindi siya nagpatalo at nakipagtagisan din ng titig kay Aurus.

“Sa tingin mo, wala akong paraan para malaman ang gusto kong malaman? Marami akong p’wedeng gawin sa ’yo para magsalita ka, pero ayokong gumamit ng dahas. Maayos akong nagtatanong sa ’yo, kaya sabihin mo na lang ang gusto kong malaman.”

“Sasabihin ko, kung sasabihin mo rin ang kinaroroonan ni Tana. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon niyong dalawa, pero malakas ang kutob ko na narito siya sa Forbideria. Kapag nakita ko siya, sasabihin ko sa ’yo ang mga nalalaman ko tungkol sa karamdaman mo.”

“Bakit mo naisip na alam ko kung nasaan ang taong hinahanap mo?”

“Hindi mo maitatago ang katotohanan, premier guard. Magkamukhang-magkamukha kayo ni Tana at hindi ka man lang nag-alala nang sabihin namin ang tungkol sa kaniya. Alam mong pinagbabawal ang kambal sa Forbideria, pero wala kang ginawa para ipahanap siya. Ibig sabihin lang no’n, alam mo kung nasaan siya.”

Napahanga na naman si Gaia sa pinamalas na katalinuhan ni Aurus. Bihira siyang makatagpo nang ganito katalinong kausap.

“Magaling. Matalino ka, estranghero, pero paano ko nasisiguro na hindi niyo gagamitin si Tana laban sa akin? Hindi kita lubusang kilala at hindi rin ako nagtitiwala sa kahit isa sa inyo. P’wede niyong gamitin si Tana para mawala sa akin ang lahat maging ang buhay ko.”

“Hindi ko ipapahamak ang babaeng mahal ko.”

Bahagyang natigilan si Gaia sa narinig. Hindi niya naisip ang bagay na iyon. Walang magbubuwis ng buhay para lang hanapin ang isang babae kung hindi nito mahal. Mas’werte ang kakambal niya, dahil may mga taong nagmamahal dito at handang magbuwis ng buhay. Pero siya, buhay niya ang gustong makuha ng mga taong nasa paligid niya. Hindi man niya aminin, may naramdaman siyang konting inggit kay Tana. Marami itong masasandalan na handang tumulong dito anumang oras, pero siya, sarili niya lang ang karamay niya.

Продолжить чтение
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Queen Warrior   Last chapter

    Mabilis lumipas ang sampung taon, hinahampas ng malakas na hangin ang buhok ng dalawang batang babae habang nakatanaw sa malakas na alon ng Hell entrance. Sumasayaw din sa hangin ang magkaparehong kulay rosas nilang bestida. Nakaupo naman ang batang lalaking may dilaw na buhok sa lupang nababalutan ng maliliit na damo.“Which do you think is more exciting—playing knives or jumping off the cliff?” inosenteng tanong ng batang may kulay puting buhok. Katabi nito ang isa pang batang may kulay itim na buhok. Pareho ang kanilang pisikal na itsura, pero madalas silang magtalo kung alin ang mas exciting gawin.“Playing knives,” sagot ng batang kulay itim ang buhok.Ngumuso ang batang may puting buhok. Binalingan pa nito ang batang lalaki.“How about you?” tanong nito.“Dancing with a thousand of flying arrows,” sagot ng batang lalaki nang hindi inaalis ang luntiang mga mata sa malalaking alon ng hell entrance. Tila normal lang dito ang larong ginagawa.“Ugh, boring. Is there any thrill around

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-twenty one

    Dalawang buwan ang mabilis na lumipas, nasaksihan ng lahat ang kagandahang taglay ng kastilyo pagkatapos ng laban. Natanggap din nila ang bagong lider sa kaharian. Nalipol ang mga assassin ni Pluto, nakaligtas ang mga kawal sa kontrol nito, naparusahan ang dapat maparusahan na naging kasabwat ng mga ito. Inutusan nila ang lahat ng mamamayan na sirain ang regalong pigurin ni Xian para tuluyang mawala ang marka. At sa ganoong paraan, nakalaya ang lahat sa marka ng Sandevil.Naging madugo man ang digmaan ngunit karamihan ay naagapan sa pagkamatay. Tulong-tulong ang lahat para muling ibangon ang kaharian. Kahit abala ang lahat, hindi pa rin nakalimutan ang isang mahalagang seremonyas—ang pagluklok kay Gaia bilang reyna kasabay ng kanilang kasal ni Aurus. Naging ganap silang mag-asawa, at sila ang namuno sa Forbideria bilang hari at reyna.Sa kasalukuyan, magkasama sina Gaia at Aurus habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kastilyo. Tila kumikinang ito sa sikat ng araw dahil sa ginto nitong

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-twenty

    Masyadong mataas ang tore ng kastilyo. Kung wala siyang tali siguradong deretso siya sa ibaba. Hindi pa tuluyang naalis ang hamog doon kaya hindi niya alam kung anong meron sa babagsakan niya.Tumutulay siya sa bubong ng maliliit na tore hanggang sa makakuha siya ng tamang layo at posisyon para pakawalan ang dalawang palaso.“Para ito sa lahat ng naging biktima mo, Pluto,” sambit niya bago pakawalan ang pana.Nakita ni Gaia ang paglipad ng dalawang palaso sa direksyon ni Pluto. Humarang doon ang mga assassin, pero lumagpas ang palaso sa mga ito. Walang totoong katawan ang mga assassin ni Pluto kaya hindi bumaon ang palaso sa mga ito. Napanatag siya nang makita niyang tinamaan si Pluto at bumagsak ito sa lupa. Nabigyan na niya ng hustisya ang kaniyang angkan at ang dahilan kaya nawalay siya sa kaniyang pamilya.Binitiwan ni Gaia ang hawak na palaso. Hinawakan niya ang lubid para muling makabalik sa tore, ngunit naging malubay ay lubid.Naramdaman ni Gaia ang pagkahulog ng kaniyang kat

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-nineteen

    “Patayin silang lahat!” malakas at galit na utos ni Pluto sa kaniyang mga assassin.Mas lalong tumindi ang galit ng matanda nang biglang lumitaw ang hindi niya inaasahang tao sa harapan ng babae.“Hindi mo siya masasaktan hanggat narito ako,” malamig at walang emosyon nitong sabi.“Divine Astro?!” gulat na sabi ni Pluto.“Nagkakamali ka. Ako si Aurus La Mier,” sambit ni Aurus at magkasabay silang sumugod sa mga assassin ni Pluto. Alam na nila ang kahinaan ng mga assassin kaya mabilis nilang natatalo ang mga ito.“Bwesit!” galit na sabi ni Pluto.Tumakbo ito palayo habang pino-protektahan ng mga natitirang assassin.“Tama si Tiyo, traydor ka rin!”Bumaling si Gaia nang dumating si Xian. Maraming kawal ang nasa likuran nito, pero tila wala sa sarili ang mga iyon.“Kontrolado nila ang mga kawal,” sambit ni Gaia. “Ako ang haharap sa kanila,” sagot ni Aurus.Nagpalit sila ng pwesto ni Aurus. Siya ngayon ang nakaharap sa mga assassin ni Pluto, habang si Aurus naman ang nakipaglaban sa mga

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-eighteen

    Bigla silang bumaling sa nagsalita. Kumunot ang noo ni Gaia nang makita ang isang batang lalaki. Sa palagay niya mas bata ito ng ilang taon kay Brie, pero nakakamangha ang itsura ng bata. Kulay dilaw ang buhok nito, luntian ang mga mata at sobrang puti ng balat. Parang hindi ito nasisikatan ng araw.Natuwa siya sa bata kaya nilapitan niya ito. Hindi niya maiwasang yakapin ito at buhatin patungo kay Aurus.“Aurus, tingnan mo siya. Ang cute niya,” masaya niyang sabi. Hindi rin niya napigilang halikan ang bata. Wala naman itong reaksyon sa ginagawa niya.Halata rin ang pagkamangha ni Aurus sa bata.“Parang... kamukha ko siya.”Pinagmasdan ni Gaia ang itsura ni Aurus at ng batang lalaki. Maliban sa kulay ng buhok at mga mata, magkapareho talaga ang itsura ng dalawa. Parang hinulma ang bata sa itsura ni Aurus.“Bakit narito ka, baby?” nakangiti niyang tanong sa bata.Bumaling ang tingin nito sa kaniya na parang iiyak niya.“Shhh... bakit? May masakit ba sa ’yo?” nataranta niyang pag-alo sa

  • The Queen Warrior   Chapter One hundred-seventeen

    Nanlaki ang mga mata ni Gaia nang tumayo si Aurus. Nakangisi itong lumapit sa kaniya at muling inihiga sa kama. Mahina siyang napatili nang umibabaw ito sa kaniya.“Hindi ko na mahintay ang sa susunod na lang na sinasabi mo,” bulong nito. Marahan nitong kinagat ang kaniyang tainga bago dahan-dahang bumaba ang mga halik patungo sa kaniyang mga labi.“Nahihirapan na ako, mahal. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko,” mahina nitong bulong.Iniyakap ni Gaia ang dalawang braso sa batok ni Aurus at sinalubong ang mapusok nitong halik.“Kung gano’n, huwag mong pigilan.”Sa isang iglap lang nagawang alisin ni Aurus ang nakabalot na kumot sa katawan niya. Mas naging maalab ang pinagsaluhan nilang dalawa. Tila wala silang inaalala kundi ang init na gustong kumawala sa kanilang mga katawan... sa ikalawang pagkakaton ngayong araw.Napaliyad si Gaia nang maramdaman ang kahandaan ni Aurus sa bukana ng pagkababae niya hanggang tuluyan nitong pasukin iyon. Kumawala ang ungol sa kaniyang bibig nang muli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status