“Maghintay ka lang dahil ako mismo ang lalapit sa ’yo para maningil. Hinding-hindi ko makalilimutan ang ginawa mo sa akin,” seryoso niyang sabi at nilukot ang papel. Hinagis niya iyon sa basong may lamang tubig sa ibabaw ng kaniyang mesa bago hinalo. Nagkulay itim ang tubig dahil sa tintang ginamit sa papel bago iyon tuluyang nasira.
Tumayo si Gaia at kinuha ang hunting knife na nakasabit sa dingding ng tent. Ikiniskis niya iyon sa isang bato upang patalasin ang talim. Kailangan niya maging handa sa bawat oras. Habang tumatagal, mas lalo siyang nanganganib sa loob ng dooms gate. Parami nang parami ang mga taong gustong pumatay sa kaniya. Hindi na niya matukoy kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan sa mga taong nasa paligid niya. Tanging sandata at sariling kakayahan na lang ang maaasahan niya.
Nasa ganoong akto si Gaia nang muling pumasok si Trey sa tent niya.
“Premier, nasa labas na po ang dalawang estranghero tulad ng ipinag-uutos mo,” magalang nitong sabi.
“Sige, papasukin mo sila rito,” hudyat niya at hindi inaalis ang tingin sa pinapatalas na patalim.
“Opo.”
Paglabas ni Trey, tumayo naman si Gaia para ibalik ang patalim sa lalagyan.
“Tana!” magkasabay na sabi ng dalawang boses na nagpahinto sa gagawin ng dalaga.
Nakita niya ang dalawang estranghero, pawang may ngiti sa mga labi. Waring nakahinga nang maluwag ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.
“Sa wakas, natagpuan na kita,” sabi ng lalaking una niyang iniligtas.
Nagtangka itong humakbang palapit kay Gaia, ngunit napatigil ito nang ihagis ng dalaga ang hawak na patalim. Tumusok iyon sa harapan ng lalaki.
“T-Tana…” gulat nitong sabi at hindi makapaniwala na magagawa niyang ihagis ang patalim dito.
“Sino kayo at ano ang ginagawa niyo sa Forbideria?” seryoso niyang tanong sa dalawa.
“Tana, hindi mo ba kami nakikilala? Ako si Zeus at ito si Aurus. Narito kami para ibalik ka sa kaharian. Matagal ka na naming hinahanap at tadhana na rin ang nagdala sa amin dito para makita ka. Pakiusap, Tana, sumama ka na sa amin. Umalis na tayo rito at bumalik sa kaharian natin. Ikaw ang nakatakdang reyna ng Maleferia at kailangan ka ng kaharian mo.”
Hindi nagkamali ng hinala si Gaia, may kailangan ang dalawang estranghero sa Forbideria at iyon ay ang kakambal niya. Dalawang taon na niyang kasama si Tana sa Forbideria at alam niya rin ang pinagdaanan ng kakambal niya sa labas ng kaharian. Si Tana rin ang nagsabi sa kaniya nang tungkol sa palatandaan ng nasabing kaharian at nakatatak iyon sa damit ng dalawang estranghero.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Umalis na kayo at huwag nang babalik dito. Hindi ako nagbibigay ng ikalawang pagkakataon, kaya samantalahin niyong hinahayaan ko kayong umalis ngayon.”
Alam ni Gaia na pagiging makasarili ang gagawin niyang pagpigil sa pag-alis ni Tana, pero gusto pa niyang makasama ang kakambal niya. Ito na lang ang natitira niyang pamilya at kapag nawala ito, babalik na naman siya sa pag-iisa. Mawawalan na naman siya ng taong makikinig sa mga hirap na pinagdaanan niya. Gayunpaman, iniisip pa rin niya ang kapakanan ni Tana. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago ang katauhan nito sa loob ng Forbideria, lalo pa ngayon na may nag-aabang lang sa paligid para patayin siya.
“Tana, hindi kami aalis nang hindi ka kasama. Ibabalik ka namin sa Maleferia,” matigas na sabi ni Zeus.
“Wala akong kilala na ibang kaharian kundi ang Forbideria lang. Kung anuman ang tinutukoy mong kaharian, hindi ako nararapat doon. Inuulit ko, makakaalis na kayong dalawa.”
“Tana—”
“Hindi siya si Tana, Zeus,” putol ni Aurus sa sasabihin ni Zeus. Kanina pa itong nakatingin kay Gaia simula nang pumasok ito sa tent. Ngayon lang ito nagsalita nang mapagtantong hindi si Tana ang kaharap na babae.
Lihim na humanga si Gaia sa talas ng paningin at pakiramdam ng ikalawang lalaking iniligtas niya sa hell entrance. Unang kita pa lang nito sa kaniya ay nalaman agad nito na hindi siya ang kakambal. Hindi niya dapat maliitin ang kakayahan ng lalaking ito. Ang matiim nitong obserbasyon sa sitwasyon ay malaking abilidad para pagtuunan ito ng pansin.
“Ngayon alam niyo na ang kasagutan, makakaalis na kayo. Hindi ako ang taong hinahanap niyo.”
Naglakad si Gaia palapit sa dalawang lalaki. Isang metro ang layo nang tumigil siya at dinampot ang patalim na hinagis kanina. Pinagmamasdan lang siya ng dalawa at tila nakaabang kung ano ang gagawin niya. Wala siyang intensyon saktan ang mga ito, kaya tinalikuran niya ang dalawa para bumalik sa kaniyang mesa.
“Wait, Tana!” habol ni Zeus kay Gaia.
Hinawakan nito ang braso ng dalaga para pigilan sa pag-alis. Mabilis naman kumilos si Gaia at hinawakan niya rin ang braso ni Zeus. Sa isang mabilis na pagkilos, binalibag niya sa lupa ang lalaki. Impit itong napadaing bago niya bitiwan. Wala itong karapatan na hawakan siya. Walang sinuman ang humahawak sa kaniya nang walang pahintulot niya.
“Maayos ko kayong pinapaalis, kaya huwag niyo akong sisihin sa gagawin ko. Trey, pumasok ka rito!” malakas niyang sabi para marinig siya ng guwardiya sa labas ng tent niya.
Pumasok naman si Trey kasabay ng pagtayo ni Zeus.
“Ilabas mo ang dalawang ito at ikulong. Huwag mo silang bibigyan ng pagkain at hayaan mo silang magutom para sila mismo ang magmakaawang umalis sa lugar na ito,” maawtoridad niyang utos.
“Masusunod po, premier! Tatawag lang po ako ng ibang guwardiya.”
“Hindi na kailangan,” pigil ni Zeus kay Trey. “Maglalakad kami patungo sa selda niyo, pero gusto ko munang malaman kung bakit ginagamit mo ang mukha ni Tana. Sino ka, babae? Ano ang intensyon mong gamitin ang mukha niya?” seryosong tanong ni Zeus.
Nanatili namang tahimik si Aurus at nakatitig lang kay Gaia.
“Hindi mo na iyon kailangan malaman. Ilabas mo na sila, Trey. Naaabala nila ang trabaho ko.” Binalewala ni Gaia si Zeus at bumalik sa mesa niya, pero napatigil siya nang magsalita si Aurus.
“Nakararanas ka ba ng paninikip ng dibdib at nahihirapan kang huminga?”
Hindi sumagot si Gaia, pero tumingin siya kay Aurus. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito. Blankong nakatingin ang mga mata nito sa kaniya, ngunit may halong pag-aalala ang boses nito nang muling nagsalita.
“Kung tama ang obserbasyon ko, may kakaiba kang karamdaman na matagal mo nang iniinda. Kailangan mong malunasan iyan sa lalong madaling panahon. Kung hindi, ikamamatay mo ang sakit na ’yan.”
Bigla siyang napatingin dito. Madilim ang paligid at hindi niya ito makita nang malinaw, pero alam niyang seryoso ito sa sinabi.“Mas’yadong madilim ngayon, Aurus, hindi tayo makakapag-laban nang maayos.”“Minsan, mas kailangan natin ang lakas ng pakiramdam kaysa makita ang paligid dahil hindi lahat ng ating nakikita ay totoo. P’wedeng malinlang ang paningin, pero ang puso, hindi.”Sang-ayon si Gaia sa sinabi ni Aurus. Kapag mas malakas ang iyong pakiramdam mas madali mong malalaman kung nagsasabi ng totoo ang iyong kaharap o hindi, dahil sadyang may mga taong mapaglinlang.“Kung iyan ang gusto mo, papayag ako, pero gusto kong gamitin mo ang lahat ng iyong lakas. Ayokong maramdaman na nagpipigil ka sa pag-atake, dahil wala rin kwenta ang laban natin.”“Hindi mo ba talaga sasabihin kung bakit gusto mong makipaglaban sa akin?”“Kakaiba ang istilo mo sa pakikipaglaban at ngayon ko lang nakita iyon. Nais kong subukan iyon gamit ang sarili kong lakas.”“Iyon lang ba ang dahilan?”Hindi siy
Tinulungan sila ni Jag para makaalis sa bitag ng Murky. Gamit ang pagiging bihasa nito sa lason, wala silang kahirap-hirap na nakaalis doon. Isinama sila ni Jag sa tahanan ng mga ito malapit din sa lugar na iyon.“Bakit ka napadpad dito, Gaia? Sino sila? Bakit kayo magkakasama?” tanong ni Jag nang bahagya silang lumayo sa kaniyang mga kasama.Nakatayo silang dalawa sa balkonahe ng bahay nito. Abala sa pakikipag-kwentuhan sa mga magulang ni Jag ang iba niyang kasama. Nakikipaglaro naman si Brie sa batang pamangkin ni Jag.“Nakilala ko sila nang umalis ako sa dooms gate.”“Anong nangyari sa ’yo? Bakit bigla kang nawala roon? Inaasahan namin ang tulong mo nang sugurin ang dooms gate, pero hindi ka dumating. Napilitan na lang kaming tumakas para iligtas ang aming mga sarili. May nangyari bang hindi namin alam? Bakit may takip ang mukha mo?” “Iisa lang ang dahilan kaya hindi ako nakarating noong sinugod ang dooms gate, at kung bakit ako narito sa Dekzas ngayon. Kailangan ko ang prietz at
Sinadya ni Gaia na bahagyang ipakita ang marka sa mukha niya. Tumingin din siya lalaki na tila nanghihina. Bumakas ang takot sa mukha nito at mabilis na umatras.“Pesteng iyan, baka mahawa kami sa inyo. Umalis na kayo. Bilisan niyo!” taboy nito sa kanila.Sinunod naman iyon ni Yuan at mabilis na pinatakbo ang kabayo palayo.Lihim na nagpasalamat si Gaia dahil walang ideya ang tauhang iyon ni Sigmundo kung sino siya. Marahil hindi pa nakararating dito ang pagkakilanlan na isiniwalat niya sa dibisyon ng Atar.“Ang galing mo naman, Lord Yuan! Mabuti naniwala sila sa palusot mo. Mukha naman kasing may sakit si Gaia. Hindi na rin nakapagtatakang pinalam,” masayang puri ni Liberty kay Yuan na may pasimpleng panghahamak sa kaniya.“Sa ’yo siguro natakot ’yong nagbabantay, Liberty, kaya pinalampas nila tayo,” tugon ni Yuan.“Nakakainis ka naman, Lord Yuan. Pinuri na nga kita, tapos nilait mo pa ako.”“Ganoon ka rin naman. Kung hahangaan mo ang isang tao, huwag kang mandadamay ng isa pa para i
Kinabukasan, nakahanda na silang umalis ng Inn, ngunit nagpupumilit sumama si Liberty sa pag-alis nila. Taliwas iyon sa sinasabi nitong ihahatid lamang sila sa hangganan ng dibisyon.“Bakit kailangan mong sumama sa amin, Liberty?” tanong ni Yuan kay Liberty.Napatingin si Gaia kay Yuan. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin kay Liberty. Naalala pa niya ang ginawa nito kagabi, pero hinayaan na lang niya ito. Hinintay na lamang niyang mawala ang kaniyang marka bago bumalik sa silid nila. Tulad ng sinabi ni Brie, ang marka niya ang palatandaan ng mga Gentry sa kaniya, kaya hindi na siya nagtaka na alam ni Yuan ang tungkol doon.“Opo nga, Ate Liberty. Bakit kailangan mong sumama sa amin? Akala ko po ba ihahatid mo lang kami hanggang makalabas ng dibisyon?” nagtataka ring tanong ni Brie.“Bakit pakiramdam ko ayaw niyo akong kasama?” nakangusong tanong ni Liberty sa dalawa.“Tama po,” agad na sagot ni Brie.Sinamaan ito ng tingin ni Liberty kaya nagtago ang bata sa likuran ni Gaia.
Sandali pang nanatili sa loob ng silid si Gaia pagkatapos ng mabilis na laban kay Xian. Pinahupa muna niya ang sakit ng katawan saka lumabas ng silid. Napangiwi pa siya nang kumirot ang tagiliran niya. Hawak-hawak niya iyon habang naglalakad. Bahagya pa siyang nagulat nang makita si Aurus eksaktong pagbukas niya ng pinto.“Gaia? Anong ginagawa mo sa silid na iyan?” tanong nito.“Nagkamali ako ng pinasukang silid. Akala ko, ito ang silid na inookupa natin.”Napakababaw ng kaniyang dahilan, dahil imposible sa kagaya niyang premier guard na magkamali ng silid. Sa palagay niya’y naunawaan naman ni Aurus ang pagdadahilan niya at hindi na ito nagtanong pa.“Anong nangyari sa ’yo? Bakit hawak mo ’yang tagiliran mo?” nag-aalala nitong tanong habang nakatingin sa kaniyang tagiliran. Parang hindi sila nagkasagutan kanina. Marahil pinili na lang nitong balewalain ang mga sinabi niya at gampanan ang tungkulin nitong ito lamang ang may gusto.“Aurus,” mahinahon niyang tawag sa pangalan nito. Nagta
Pinagsawalang bahala muna ni Gaia ang tungkol sa natanggap na mensahe. Ngunit alerto pa rin siya sa paligid nang muling pumasok sa Inn.“Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay rito. Hindi kami makapagsimula kumain nang wala ka. Pa-importante ka naman masyado,” inis na salubong ni Liberty nang dumating siya sa mesang okupado ng mga ito.Isang mesa na may apat na upuan ang pwesto ng mga ito. Nakahain ang tatlong plato na may lamang pagkain. Magkatabi sa upuan sina Liberty at Aurus. Halatang nagpapansin ang babae sa katabi, pero tahimik lang itong nakatingin sa pagkain na tila malalim ang iniisip. Inirapan siya ni Liberty bago tumingin sa kasama niya, pero nanlaki ang mga mata nito nang makita si Yuan.“Lord Yuan, bakit narito ka? Bakit magkasama kayo?” gulat nitong tanong.“Pakialam mo ba,” supladong tugon ni Yuan at umupo sa isang bakanteng upuan sa harapan nina Liberty at Aurus.Umupo rin siya sa katabi ni Yuan dahil iyon na lamang ang bakanteng upuan. Sandaling tumingin sa ka