HAWAK-HAWAK ko ang luma kong bag at nilapag sa may bakanteng upuan. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa aking katawan. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang napakaraming bituin.
Huwag susuko!
Tila ‘yan ang ibinubulong ng mga bituin sa akin.
Kinapa ko ang aking bag para hanapin ang aking maliit na pitaka. Nang mahanap ko iyon ay agad ko itong kinuha at binuksan. Gusto ko na lamang maiyak dahil sa natitirang pera roon. Fifty pesos. Ano ang mabibili ng fifty pesos na ito? Kaya ba akong buhayin nito?
Nag-umpisa nang mamuo ang aking luha dahil sa mga nangyayari. Isang buwan na ang nakalipas nang mamatay ang Lola ko. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin. Tila ba wala na akong pag-asa.
Pinagmasdan ko ang buong kapaligiran- nagsisitaasang gusali, napakarami at makukulay na palamuti at ilaw at higit sa lahat, iba’t ibang mukha. Ibang-iba ito sa kinagisnan kong lugar at lahat ng ito, bago lang sa akin.
Mayamaya ay napahawak ako sa aking tiyan, tila ba mayroong giyera sa loob nito dahil sa gutom. Kanina pa pala ako hindi kumakain.
Muli kong nilibot ang aking paningin, umaasang mayroong nagbibentang pagkain, ngunit agad din akong natigil nang mayroong biglang sumigaw sa harapan ko.
“Si Miss Clarisse Sarmiento! Nandito si Miss Clarisse Sarmiento!”
Nanlaki ang mga mata ko nang magsilapitan ang mga tao papalapit sa akin. Nakangiti sila habang binabanggit ang pangalan na ‘Clarisse Sarmiento’. Teka, sino ba ‘yang Clarisse Sarmiento na ‘yan?
Napatayo ako at agad na tumakbo nang makalapit sila sa akin. Agad akong naalarma nang magkagulo sila. Ano bang kailangan nila sa akin? Bakit ganyan ang reaksyon nila?
Ginawa ko ang lahat makalayo lang sa mga taong ‘yon, ngunit agad akong napatigil nang maalala kong naiwan ko ang aking bag. Iyon na lamang ang tanging gamit na meron ako. Kapag hindi ko kinuha iyon, tiyak ay mamumulubi ako. Pero, paano ko kukunin iyon? Malapit na sila. Malapit na ang mga taong pinagkakaguluhan ako!
“Bahala na,” tanging nasambit ko.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo, ngunit agad na naman akong napatigil nang may mabangga akong isang matangkad at matipunong lalaki.
Rinig kong mas lalo silang naghiyawan at nagkagulo.
“Mr. Dayne Cervantez!” Narinig kong sigawan nila.
Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita.
Seryoso ang mukha ng lalaking ito at bakas ang pag-aalala. Ngunit kahit gano’n, mas nangingibabaw pa rin ang kapogihang taglay niya.
“Follow me,” ma-awtoridad na saad niya.
“H-Ha?”
“Just trust me, malapit na sila!”
Wala akong nagawa nang hilahin niya ako patungo sa loob ng sasakyan niya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil ngayon lang ako nakasakay sa ganitong klase ng sasakyan, ngunit hindi rin maalis sa akin ang kaba dahil hindi ko naman kilala ang isang ‘to. Dapat pala ay hindi ako nagpahila sa kanya.
“S-Sino ka? At b-bakit n-nagkakagulo ang mga tao roon?”
Muling nanlaki ang aking mga mata nang kumorte ang ngiti sa labi niya.
“Be my wife.”
-CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma
-DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne
-KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma
-CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H