Teilen

Chapter 20

last update Veröffentlichungsdatum: 23.08.2026 15:39:04

PANSIN ko ang pagkalito sa mukha ni Tita Theresa. Pero kaagad rin naman iyong nawala't napalitan ng isang ngiti. Matamis na ngiti na minsan ko na ring natanggap sa kaniya.

Nakakakonsensiya. Para bang gusto ko na lang sabihin sa kaniya ang lahat. Ang katotohanang hindi ako si Jia.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit hindi mo man lang kami binisita kahit isang beses lang?" May hinanakit sa boses na sabi sa akin ni Tita. Napansin ko sa kaniyang likuran si Tito Ramil. Maging ito ay tila may hi
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • The Substitute   Chapter 25

    "What? You confessed your feelings?" bulalas ni Greco. Isa sa mga matalik kong kaibigan.Narito kami ngayon sa isang maingay na bar. Everyone's enjoying the night, pero hindi ako. Narito ako para makalimot. I'm here because I don't know where to go.Hindi ko alam kung sinong pwede o dapat kong kausapin. But thank God, I spotted Greco in this wild place. Ngayon alam ko na kung sinong pahihingahan ng bigat na nararamdaman ng puso ko."Jino, dude, no offense but Quia's your sister—I mean, Quia and Jia's sharing the same face. Hindi ba parang nakakailang na halos ang kapatid mo na ang kaharap mo? Na parang ang kapatid mo na rin ang pinagtapatan mo ng nararamdaman mo?"Inisang lagok ko ang alak na nasa basong hawak ko, saka ako pumikit nang mariin. "I already thought about that. Pero iba eh, whenever I talked to Jia, walang iba sa nararamdaman ko. Of course, dapat naman talagang wala dahil magkapati

  • The Substitute   Chapter 24

    Malaki ang ngiting pinagmasdan ko ang natutulog na si Hugo. Hanggang ngayon kasi'y parang sirang plakang paulit-ulit na tumutugtog sa isipan ko ang mga sinabi ni Yvo kahapon. Mga salitang nagpapasaya sa puso ko. Parang wala na ngang paglagyan ang galak na nararamdaman ko. I feel like I'm in a fairytale, I'm the stowaway Princess and Yvo's the Prince.Ha! Ewan, puro kahibangan na ang naiisip ko.Hindi rin pala masama na naging substitute ako ng brat na si Jia. Sabi nga ng iba, bago mo makamit ang bagay na gusto mo, dadaan ka muna sa mga pagsubok. Mga pagsubok na nalampasan ko kasama ng pagmamahal ko para kay Yvo at Hugo.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Hugo. Maya-maya lamang ay marahan itong dumilat."Good morning sweetie." Nakangiti kong bati kay Hugo bago siya pinupog ng halik."Mama..." Mas lalo akong napangiti nang marinig ang sinabi ni Hugo. "...milk."

  • The Substitute   Chapter 23

    "HEY!" malakas na sigaw ni Yvo. "Quia! Babe, wait!" dagdag pa niya bago iniharang ang katawan sa papasarang pinto ng elevator.Hindi ko siya pinansin. Malakas kong pinindot ang ground floor."Babe, Marione was my—.""Hindi kita tinatanong, Yvo." malamig kong pakli na ikinapikit niya nang mariin."Pero ramdam kong nagagalit ka?""Am I?" Sarkastikong sabi ko. "Why don't you go back there and finish your business—.""I love you, damn it!""Hindi mo kailangang sumigaw!" naniningkit ang matang sabi ko.Ewan ko ba, kanina nakaramdam ako ng galit pero nang umalis ako sa opisina niya'y himalang napawi iyon. At handa na akong bumalik para komprontahin sila nang makita ko ang paglabas ni Yvo. Kahit papaano'y gusto ko siyang asarin pero parang ako yata ang naaasar ngayon.

  • The Substitute   Chapter 22

    "WHAT was that for?" tanong ni Yvo na ikinapula ko.Gosh! Pwede namang huwag na siyang magtanong 'di ba? Napapahiya ako eh!"I have to go, Yvo. Baka biglang magbago ang isip ni Mrs. Melendrez." Sabi kong hindi makatingin nang diretso sa kaniyang mga mata.Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Yvo. Pagkatapos ay bigla niya akong ipinaloob sa kaniyang mga bisig. "I have news for you. Pero sa tingin ko'y makakapaghintay naman iyon." sabi niyang nakangiti sa akin. "Ihahatid na kita."Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palapit sa nakaparada niyang kotse. Tahimik lamang kami papunta sa boutique.Bahagya akong nagulat nang hawakan ni Yvo ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya na tila nagtatanong pero isang matamis na ngiti lamang ang isinukli niya sa akin."Susunduin kita mamaya." sabi niya sa akin nang makababa ako ng kaniyang kotse.

  • The Substitute   Chapter 21

    "OH c'mon." hindi makapaniwalang sabi ko nang buksan ni Yvo ang pinto. "Hindi pa ako kumakain." sabi ko.Totoong hindi pa ako kumakain. Tinanggihan ko na kasi ang alok ni Tita Theresa na doon sa kanila magdinner."So?" pasupladong sabi ni Yvo.Pinigilan ko ang sariling mapairap nang makita ang pagtaas ng kaniyang kilay. Nagtatampo ba talaga siya? Ayaw niya na ba talagang kumain dito?"Galit ka ba talaga?" Taas ang kilay na tanong ko habang binubuhat si Hugo. Balak kong dalhin na lamang siya sa kuwarto. Baka kasi mangalay sa pagkakahiga sa sofa.Saglit na bumuntong-hininga si Yvo. "I'm not.""Magluluto ako." kaswal kong sabi bago inayos ang pagkakabuhat kay Hugo. Kahit nahihirapan ay kinaya kong maglakad papunta sa kuwarto. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang kunin sa akin ni Yvo si Hugo."Ako na." mahina ang boses n

  • The Substitute   Chapter 20

    PANSIN ko ang pagkalito sa mukha ni Tita Theresa. Pero kaagad rin naman iyong nawala't napalitan ng isang ngiti. Matamis na ngiti na minsan ko na ring natanggap sa kaniya. Nakakakonsensiya. Para bang gusto ko na lang sabihin sa kaniya ang lahat. Ang katotohanang hindi ako si Jia. "Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit hindi mo man lang kami binisita kahit isang beses lang?" May hinanakit sa boses na sabi sa akin ni Tita. Napansin ko sa kaniyang likuran si Tito Ramil. Maging ito ay tila may hinampo sa hindi ko pagbisita sa kanila sa loob ng apat na taon. "Mom, I think Jia—,""Jino, anak, sa tingin mo ba muli mo kaming maiisahan ng Daddy mo?" Seryosong sabi ni Tita Theresa bago niya kinuha sa akin si Hugo. Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Nanlalamig ang mga kamay ko't parang nakababad sa yelo ang buong katawan. "Mom,..""Alam namin ng Mommy mo, umpisa pa lang." sagot naman ni Tito Ramil habang nilalaro ang mumunting kamay ni Hugo. "Sandali po, ibig ninyo—,"Sabay na na

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status