Mag-log inPuno ng paghangang inilibot ko ang tingin sa malawak na hardin ng mga Montecarlo. Noon pangarap ko lamang ang makapunta sa ganito. Malawak na hardin, malaking bahay, sariling kuwarto at mga gamit na ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaroon ako.
"Pansamatala lang naman." patuya kong sabi sabay buga ng inipon na hangin sa dibdib.
Everything that Jia has are impossible for me to have. I mean, I know someday that I can also have all of these but not as quick as Jia can.
Madali niyang makamit ang gusto niya samantalang ako'y kailangan pang magbanat ng buto. Ang malala pa'y kailangan ko ring kumapit sa patalim para mabuhay. Na siya na ngang ginawa ko na naging dahilan ng kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay.
"I won't force you to remember us. But I want you to know that we're here to help you." Narinig kong sabi ni Tita Theresa mula sa katabi kong upuan. Kasama ko kasi siyang nagpapahangin dito sa garden.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang dumating ako sa bahay na ito. Isang linggo na ring pinagmumukha naming tanga ni Jino ang pamilya niya.
It's hard for me to talk whenever they're around. Parang anumang oras ay madudulas ako sa pananalita. Bilang lang din ang mga salitang lumalabas sa aking bibig. Hindi naman ako makahingi ng tulong kay Jino dahil madalas itong nasa opisina.
"I'm sorry, M-Mom." sabi kong nahihiya. Kung maaari nga lang na si Tita Theresa na lamang ang nanay ko. Pero hindi pwede, substitute lamang ako ni Jianna at kapag bumalik ito'y maiitsap'wera na ako. Isa pa'y baka bigla akong dalawin ni nanay dahil sa isiping gusto ko siyang ipagpalit.
"It's okay, naiintindihan naman namin." Nakangiting sabi ni Tita pero bakas ang lungkot sa mga mata. "Siyanga pala, baka parating na ang mga bisita, kailangan mo nang mag-ayos."
Tumango lamang ako bilang sagot bago nagpaalam na tutungo na sa kuwarto.
Magkakaroon kasi ng hindi naman kalakihang salu-salo. Inimbitahan ni Tita Theresa ang ilan niyang mga kaibigan at kamag-anak. Salu-salo para sa pagbalik kuno ni Jianna.
Sa likod ng bahay na ako dumaan para madali at para na rin madaan ko ang kusina. Bigla kasi akong nauhaw. Kailangan ko ng maraming tubig.
Habang papalapit sa p***o ay naulinigan ko ang hagikhikan ng ibang katulong. Napapangiting naglakad ako ng mabilis. Kahit papaano'y naging malapit na ako sa mga kasambahay nila Jino. At isa iyon sa ikinapagtaka nila. Maybe Jia was not that friendly.
"Lory, anong meron at nagtatawan—."
Natigil ako sa pagsasalita nang magtama ang mga mata namin ng lalaking kakuwentuhan nila Lory. May ngiti ito sa mga labi pero nang magtama ang mga mata nami'y tila bulang naglaho iyon.
Marahang tumikhim ang isa sa mga katulong. Dahil doon ay naalis ang tingin ko sa lalaki. Akmang maglalakad na ako paalis nang magsalita si Lory. "Maiwan po muna namin kayo Ma'am Jia."
Hindi ko kilala ang lalaki. Pero ang paraan ng pagtingin niya sa akin ay nakakakilabot. Puno ng galit at hinanakit.
"So you're back." Malamig na sabi niyang ikinataas ng mga balahibo ko.
Who is he? Bakit kung titigan niya ako'y napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya?
Hindi maipagkakailang magandang lalaki ang kaharap ko. He looks like Pietro Bosille na pinoy version. Parang mas gwapo pa nga ang kaharap ko kumpara kay Pietro.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Nagulat ka ba dahil nakita mo ako ngayon?" Nakatiim ang bagang na tanong niya sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin. Naglakad na lamang akong muli papunta sa kuwarto. Mamaya na lamang siguro ako iinom.
"Trying to escape, again? Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang takbuhan ako?"
Kunot ang noong bumaling ako sa kaniya. What the hell is wrong with him?! "I don't know what you are tryi—."
"Bullshit!" Parang tumalon yata ang puso ko dahil sa pagsigaw niya. Malakas iyon at puno ng galit. "Iniwan mo akong mukhang tanga sa simbahan tapos ngayon umaarte kang hindi mo alam ang sinasabi ko?!" I gasped when I realized that he was talking to me because he thought I'm Jianna. Fuck! How can I forgot that I am her right now?
Nanlalaki rin ang mga matang napatitig ako sa lalaking kaharap. He was talking about the wedding. Does it mean siya si Yvo?
"Yvo?" mahinang tanong ko na ikinaigting ng kaniyang mga panga.
"Fuck Jianna! You..." Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Dahilan kaya hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin.
"I have an amnesia. I'm sorry I don't know you." mahina kong sabi.
"Really? You called me Yvo." patuya niyang sabi sa akin.
Muli akong napasinghap nang bigla niyang hablutin ang kanan kong braso. Napakahigpit ng pagkakahawak niya, parang mababalian yata ako ng buto.
"Nasasaktan ako." naiiyak kong sabi habang pilit na kumakawala sa kaniyang pagkakahawak.
"Fuck you! Amnesia? Isa na naman ba ito sa mga palabas mo? Jia, hindi na ako ang Yvo na patay na patay sayo! Hindi mo na ako mapagmumukhang tanga! Hindi mo na ako mauuto kaya ngayon pa lang umamin ka na!" Mahaba niyang lintaya kasabay ng paggigitgitan ng kaniyang mga ngipin.
Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng aking mga luha. Ang sakit ng braso ko na hanggang ngayo'y hindi niya pa rin pinapakawalan. Pati na rin ang paraan ng pananalita niya. Kahit hindi naman talaga ako si Jianna'y nasasaktan pa rin ako.
"Bakit ka umalis? Bakit hinayaan mo akong mapahiya?! You promised me Jia...you promised you'll be—."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Malakas kong sabi na lalong ikinatalim ng tingin niya sa akin. "Hindi ko alam, wala akong maalala!" umiiyak ko pang sigaw. Sana naman maniwala siya.
"Okay, you want to play with me, huh? Fine, I'll be fair, makikipaglaro rin ako sayo. But make sure na hindi ka matatalo. Dahil oras na malaman ko kung bakit mo ito ginagawa, mas higit pa sa kahihiyang dinanas ko ang ipaparanas ko sayo." Malamig at may diing sabi ni Yvo bago niya ako marahas na binitawan.
Umiiyak na naiwan ako sa kusina. What the hell?! Hindi ito pumasok sa isip ko! Kailangang ako pa rin ba ang sumalo ng mga masasakit na salitang iniwan ni Yvo?
"Fuck you too." mariin kong sabi bago ako nagpasyang pumasok sa aking kuwarto.
Kaagad kong sinipat sa harap ng salamin ang aking braso. Napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang brasong namumula pa rin hanggang ngayon.
"Damn you Yvo! Kaya ka siguro iniwan ni Jia ay dahil mapanakit ka!" Sabi ko pa bago ako nahiga sa aking kama.
I wonder where she is right now. Kung talaga nga bang umalis ito para makamtan nga ang kalayaan. O baka naman may mga bagay na kailangang gawin na ang naging kapalit ay sakit para kay Yvo na naiwan.
Jianna Montecarlo.
Kailangang mahanap siya kaagad ni Jino dahil kung hindi'y baka hindi lamang pasa sa braso ang makuha ko kay Yvo.
-
"I was so happy nang makita ko siyang nakaupo sa aming living room. My Jianna is back." Nangingiting sabi ni Tita Theresa sa mga magulang ni Yvo nang dumating ang mga ito sa party.
Parang gusto kong magpalamon na lamang sa lupa upang hindi ko na marinig pa ang mga sinasabi ni Tita. Masyadong nakakakonsensiya ang mga naririnig ko.
"Mabuti kung ganoon. Nakakalungkot nga lang dahil sabi mo nga'y may amnesia si Jia." sabi naman ni Tita Rowena; ang Mommy ni Yvo.
Nakakapangliit dahil parami na nang parami ang mga taong naloloko namin ni Jino. Nakakahiya, nakakatakot.
"Siyanga, pero pasasaan ba't maaalala niya rin kami." nakangiting sagot ni Tita Theresa.
Dahil nga sa pagkailang na nararamdaman ko'y nagpasya akong magpaalam na muna at pumasok sa loob. Dinahilan ko na lamang na masakit ang aking ulo. Pero bago ako makaalis ay napigil na ako ng malabakal na braso ni Yvo. Nahihintakutang inilibot ko ang aking tingin. Hindi ko makita si Jino na siyang paghihingian ko ng tulong.
"Where are you going?" malamig na turan ni Yvo. Halos manindig muli ang aking mga balahibo nang ilapit niya ako sa kaniya.
"Let me go." mariin kong sabi habang pilit na humihiwalay sa kaniya.
"Yvo hijo, nagkita na pala kayo ni Jia?" Sabi ng ina ni Yvo na nangingiting nakatitig sa aming dalawa.
"Fuck." mariing bulong ko nang mas ilapit pa ako ni Yvo sa kaniyang katawan.
Ano bang problema niya?!
"Yes Mom." Dagli akong natigilan nang makita ko ang kaniyang pagngiti. Damn! Bakit napakaguwapo niya? "By the way, we have something to tell you, right babe?" sabi ni Yvo na ikinalaki ng mga mata ko.
Oh God Jino where are you?! I need help!
"Really? But how—I mean, naalala mo ba si Yvo, Jianna?" Nagtatakang tanong ni Tita Theresa.
"Hin—,"
"Maybe she doesn't remember my name, my face o kahit ang boses ko. But her feelings for me still remains." Nalulon ko siguro ang aking dila dahil halos hindi ko kayang magsalita nang bitiwan ni Yvo ang mga salitang iyon. Napakasuwerte naman talaga ni Jianna. Kung ako lang talaga si Jianna hindi ko iiwan si Yvo.
"Oh!" magkapanabay na sabi ni Tita Theresa at ng ina ni Yvo.
"So Tita, I want you to know na napagkasunduan naming ituloy ang kasal." Sabi ni Yvo na ikinalakas ng kabog ng aking dibdib. Like, what the fucked?! Wala akong natatandaang sumang-ayon ako sa sinabi niya? Teka, ni hindi nga kami nag-usap simula kaninang umaga!
"Talaga? Naku, mabuti iyon. Pero kailan naman ninyo balak magpakasal?" nasasabik na tanong ni Tita Rowena.
"Soon Mom, but for now, I'll help Jianna remember everything about me." Sabi ni Yvo na nakatitig sa akin nang mariin habang binibigyang diin ang mga binitiwang salita.
"Good." sabi ni Tita Theresa na ikinapikit ko. "Sige na Yvo samahan mo muna si Jia sa loob at kanina pa masakit ang ulo niya." Yes Tita, talagang masakit na ang ulo ko sa mga pinagsasasabi nitong si Yvo! Kulang na nga lang ay iumpog ko ang ulo ko sa pader para tuluyan na akong magka-amnesia.
Napakagago ni Yvo. Ngayon ko lang napagtantong pinaglalaruan niya ako. Gumaganti siya sa pag-aakalang umaarte lamang akong walang maalala. Alam kong totoo naman iyon, na umaarte nga lang ako. Pero hindi ko naman siya masisisi, dahil nga sa hindi naman niya alam na hindi ako si Jianna.
"Let's go babe." Shit! Para akong kinilabutan sa pagtawag niyang iyon sa akin. Pero hindi ko ipagkakailang naghatid iyon ng ilang libong kuryente sa puso ko. Lalo na nang masuyo niyang kunin ang aking kamay bago ako hinila papasok sa bahay.
"Shit, I can't love him. Hindi siya para sa akin." Mariin kong bulong sa sarili habang nagpapatianod sa ginagawang paghila ni Yvo.
"You really don't need to love me. I don't need your fucking love anymore. I just want to make you feel the pain that I felt when you left me." Mapait niyang sabi na ikinanlumo ko.
Go on then, hurt me all you want. Para kahit papaano'y mabawasan iyang galit sa puso mo.
NANG makapasok sa loob ng bahay ay kaagad akong binitiwan ni Yvo. Walang tao sa sala maliban sa aming dalawa. Ang mga katulong ay nasa kusina't abalang nagtatrabaho. Ang ibang bisita nama'y nasa labas at ini-enjoy ang salu-salong nagaganap."Masakit ang ulo o may balak kang umalis gaya nang lagi mong ginagawa?" Patuyang sabi sa akin ni Yvo habang nakatitig siya sa akin nang malamig."Hindi ko alam ang sinasabi mo. Totoong masakit ang aking ulo lalo na nang makita kita." Malamig ko ring sabi sabay martsa paakyat sa kuwarto. Naiinis ako sa sobrang sama ng ugali ni Yvo. Siguro ay ganoon lamang siya dahil sa naramdamang pagkapahiya noong iwan ni Jia. But I still hate him, damn!Wala pa man ako sa kalagitnaan ng malaking hagdan ay kaagad na akong hinila ni Yvo para pigilan sa pag-akyat. Muntik na akong mahulog kung hindi lamang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin."Talagang itinutuloy mo ang pag-arteng walang alam?" Matalim ang tinging tanong niya sa akin."Sabihin mo na ang gusto mong
Puno ng paghangang inilibot ko ang tingin sa malawak na hardin ng mga Montecarlo. Noon pangarap ko lamang ang makapunta sa ganito. Malawak na hardin, malaking bahay, sariling kuwarto at mga gamit na ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaroon ako."Pansamatala lang naman." patuya kong sabi sabay buga ng inipon na hangin sa dibdib.Everything that Jia has are impossible for me to have. I mean, I know someday that I can also have all of these but not as quick as Jia can.Madali niyang makamit ang gusto niya samantalang ako'y kailangan pang magbanat ng buto. Ang malala pa'y kailangan ko ring kumapit sa patalim para mabuhay. Na siya na ngang ginawa ko na naging dahilan ng kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay."I won't force you to remember us. But I want you to know that we're here to help you." Narinig kong sabi ni Tita Theresa mula sa katabi kong upuan. Kasama ko kasi siyang nagpapahangin dito sa garden.Isang linggo na ang nakakalipas simula nang dumating ako sa bahay na ito. I
Tuloy-tuloy akong naupo sa mahabang sofa nang makapasok kami sa bahay nila Jino. Hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko lalo na nang makita ko ang mga magulang ni Jino na pababa ng hagdan.Both gorgeous. His mother's wearing a white blouse and faded skirt na lagpas tuhod. No accessories. Sa unang tingin ay iisipin mong dalaga pa ito dahil sa pagdala ng sarili. While Jino's father was wearing a plain black shirt and jeans. Simple pero sumisigaw pa rin ng karangyaan ang kanilang hitsura. I bet mahihiyang tumabi sa mag-asawang ito ang ilang love-team sa telebisyon."Mom, Dad." sabi ni Jino bago siya humalik sa mga magulang. Hindi naaalis sa akin ang tingin ng mag-asawa. Pansin ko ang kaseryosohan sa kanilang mukha.Marahan akong napatayo nang makalapit na ang mga ito sa aking puwesto. Mas lalo palang nakakakaba kapag kaharap na ang mga ito."Uh, hell—," Malakas akong napasinghap nang malakas na tumama sa aking pisngi ang palad ng ina ni Jino. Pakiramdam ko'y bumakat ang palad nit
Tahimik na nakatitig sa akin si Tatay at Lemuel habang nag-aayos ako ng mga gamit. Nakakakaba ang mga tinging ipinupukol nila sa akin. Parang ano mang oras ay kakainin nila ako ng buhay."Ano bang trabaho ang pinasok mo at kailangan pang umalis tayo rito sa bahay?" Tanong sa akin ni Tatay. Napansin ko ang biglang paggalaw ng mga mata niya. Inilibot ni Tatay ang tingin sa loob ng aking kuwarto. Para bang may hinahanap itong kahina-hinala sa paligid."Personal Assistant po ako ni Jino." Maikli kong sagot bago ko isinarado ang zippers ng aking bag."Bakit kailangan pang makita niya ang mga pictures mo ate?" tanong naman ni Lemuel.Bakit ba ang daming tanong ng mga ito? Hindi ba nila nahahalatang hindi ko kayang sagutin ang mga iyon?Naglakad ako palabas ng kuwarto dala ang bag kong naglalaman ng ilan kong mga damit. Inilapag ko iyon sa aming sofa bago tumungo sa kusina para uminom."I don't know. Maybe he wants to make sure na mapagkakatiwalaan talaga ako." Sagot ko na lamang dahil hindi
Inhale.Exhale.Ilang beses kong sabi sa sarili habang nakatingin sa repleksiyon ko sa malaking salamin. I am in the washroom of one of the most popular hotel in our town.Mabilis kong pinahid ang nagkalat na lipstick sa aking labi at pisngi dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Mr. Ocampo. Ang business man na siyang nakabili sa akin sa isang auction. Inayos ko rin ang maiksi kong damit na halos ilabas na ang mga pinakatatago kong mga kayamanan. Pati ang aking buhok na minsang nahablot ni Mr. Ocampo nang pumalag ako sa paghalik niya sa akin.Nakakadiri at nakakababa mang sabihin ay isa ako sa mga babaeng kumakapit sa patalim maiahon lamang ang pamilya sa kahirapan. I am one of those girls na handang ibigay ang lahat para sa kinabukasan ng pamilya.I'm living with my father and my younger brother sa isang konkretong bahay hindi kalayuan sa hotel na ito. Tatlo na lamang kami sa pamilya dahil ang aking nanay ay pumanaw na sa sakit na cancer sa dibdib. Wala kaming pera kaya hindi napagamo







