LOGINTuloy-tuloy akong naupo sa mahabang sofa nang makapasok kami sa bahay nila Jino. Hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko lalo na nang makita ko ang mga magulang ni Jino na pababa ng hagdan.
Both gorgeous. His mother's wearing a white blouse and faded skirt na lagpas tuhod. No accessories. Sa unang tingin ay iisipin mong dalaga pa ito dahil sa pagdala ng sarili. While Jino's father was wearing a plain black shirt and jeans. Simple pero sumisigaw pa rin ng karangyaan ang kanilang hitsura. I bet mahihiyang tumabi sa mag-asawang ito ang ilang love-team sa telebisyon.
"Mom, Dad." sabi ni Jino bago siya humalik sa mga magulang. Hindi naaalis sa akin ang tingin ng mag-asawa. Pansin ko ang kaseryosohan sa kanilang mukha.
Marahan akong napatayo nang makalapit na ang mga ito sa aking puwesto. Mas lalo palang nakakakaba kapag kaharap na ang mga ito.
"Uh, hell—," Malakas akong napasinghap nang malakas na tumama sa aking pisngi ang palad ng ina ni Jino. Pakiramdam ko'y bumakat ang palad nito sa aking pisngi.
"Mom!" Malakas na sigaw ni Jino bago ako dinaluhan. Mabilis niya akong niyakap at bahagyang inilayo sa ina nitong umiiyak.
Dapat ako ang umiyak dahil sa masakit ang ginawa niyang pagkakasampal sa akin. Siya pa lang ang nakakagawa niyon sa akin dahil kahit kailan ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng aking mga magulang.
"Labis akong nag-alala sa iyo! Bakit ngayon ka lang umuwi?" abi ng ina ni Jino bago ako nito nilapitan at mahigpit na niyakap.
Naramdaman ko ang init ng kaniyang yakap. Yakap ng isang inang nangungulila sa anak nitong matagal na hindi nakita. How I wish mayakap ko rin si Mama ng ganito.
"I'm sorry kung napagbuhatan kita ng kamay. Masyado lamang akong nadala. Patawarin mo ako anak." Malumanay na sabi nito. Bahagya kong nilingon si Jino para magpatulong dahil parang ayaw na akong bitiwan ng mommy niya.
"Jia anak, bakit ba kasi kailangan mo pang umalis? Maiintindihan ka naman namin kung maaga pa lang sinabi mo nang may iba kang mahal." Nakakaunawang sabi naman ng Daddy ni Kuya.
Wala akong masabi dahil gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ko naman sila kilala at hindi ko rin alam ang buong istorya ng buhay ni Jianna.
"Mom, Dad, Qu—I mean Jia, got an amnesia. Hindi niya maalala ang mga nangyari. Even us." sabi ni Jino habang inaabot mula kay Louise ang towel na may yelo. Pagkatapos ay marahan niya iyong idinampi sa pisngi kong nasampal ng mommy niya.
"What?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ng mommy niya. Napatayo naman ang daddy ni Jino para kumuha ng tubig nang muling napaiyak ang asawa nito.
Muli kong naramdaman ang pagyakap sa akin ng mommy ni Jino. Hinalikan niya rin ako sa sentido.
"I'm your Mom, Mommy Theresa. And this is your Daddy Ramil." umiiyak na sabi ni Tita Theresa or Mommy; ewan! 'Di ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya.
"What happened anak?" tanong naman sa akin ni Tito Ramil.
Anong sasabihin ko? I can't think properly right now! Parang nahihipnotismo ako ng pagmamahal nila sa anak na si Jianna. Kung tutuusin ay masuwerte ito sa mga magulang at sa kapatid. Bakit kailangan pa nitong lumayas? Hindi ko tuloy mapigilang 'wag maawa sa mag-asawang nakatunghay sa akin ngayon.
"I-I..." shit! Think Quia!
Mabilis akong napatingin kay Jino na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Hindi niya ba ako tutulungan?
"I e-encountered an a-accident when I was away. A-And..." pigil ang hiningang napatingin ulit ako kay Jino. Why is he not helping me?! Damn, I need him right now!
Naiinis ako sa kaniya. Bakit hindi siya nagsasalita?!
Ramdam kong malapit nang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya napayuko na lamang ako habang tahimik na umiiyak.
"Maybe you need to rest first." sabi ni Jino bago niya ako pinaalalayan kay Ate Louise para dalhin sa kuwarto. Pero bago pa man kami makalayo ay narinig ko pang kinausap niya ang kaniyang mga magulang.
"Let's not force her na sabihin ang mga nangyari. Maybe she's not that comfortable to talk about it Mom." mahinahong sabi ni Jino.
"Why? I thought she has an amnesia? Where did you found her, son?" tanong naman ni Tito Ramil.
"Yeah, but aside from that, may rason pa kung bakit ayaw niyang magkuwento. She was being chased to death by Ocampo." Huli kong narinig bago kami nakapasok ni Ate Louise sa kuwarto.
"This is your room." nakangiting sabi niya sa akin. Iginala ko ang aking mga mata sa kabuohan ng kuwarto. Malamig sa mata ang kulay bughaw nitong dingding. Mayroon rin namang ibang kulay ang kuwarto pero mas nangingibabaw ang bughaw.
This is my dream room.
Mamahalin ang mga gamit na parang sa ibang bansa pa kinuha. It has a walk-in closet na kasya yata ang sampung tao sa loob. Even the clothes were so damned expensive. Sa mga mamahaling store ko lamang nakikita ang mga ganito. Sa tingin ko'y spoiled si Jia sa mga magulang. Dahil maging ang mga aksesorya ay mamahalin. 'Yun bang, matatakot ang isang katulad kong mahirap na hawakan ito dahil baka magasgasan.
Napakalaki rin ng kama. Kasya na yata kaming tatlo nila tatay dito. May maliit na lamesa sa gilid ng kama na siyang kinalalagyan ng lampshade. Mayroon ding maliit na bookshelf na punong-puno ng mga libro.
I went to the bathroom. It's also huge. Napangiti pa ako nang makita ang malaking bathtub.
I always dreamt of having this kind of things. Pero dahil nga sa mahirap kami ay kailangan kong makuntento sa kung anong meron lamang ang pamilya ko.
Hindi ko maiwasang hindi mainggit kay Jianna. She has all of these things. She has a loving family. Sunod sa luho, how can she managed to run away just like that?
Or maybe may mas malalim siyang dahilan kaya nagawa niyang lumayas at tiisin ang pamilyang naiwan.
"So, may naalala ka ba kahit kaunti?" Dagli akong natigilan nang marinig ko ang boses ni Ate Louise. Masyado akong nahumaling sa kuwartong kinaroroonan namin at hindi ko man lang napansing kasama ko pa rin pala siya.
Marahan akong umiling bilang pagsagot. Ayaw kong magsalita dahil baka ipagkanulo lamang ako ng aking bibig at masabi ko sa kaniya ang totoo.
Napakabait ng pamilya ni Jianna. Nakakatakot magsinungaling. Na para bang kahit mababait ang mga ito'y wala pang isang segundo'y nakakulong na ako oras na malaman nilang puro kasinungalingan ang mga pinaggagagawa namin ni Jino.
Muli kong inilibot ang aking tingin sa kuwarto. Marahan akong naglakad papunta sa pintong nakabukas. May balcony rin pala rito.
"That's your favorite spot." Awang ang bibig na napatingin ako kay Ate Louise. Pikit mata akong ngumiti.
Ginagawa ko silang tanga. Nakakatakot siguro ang balik nito sa akin.
"Dito kita madalas makitang kausap si Kuya Yvo." Sabi pa ni Ate Louise bago siya naupo sa malambot na upuang naroon.
"Yvo?" kunot ang noong tanong ko.
"Gusto mo bang ikuwento ko siya sa iyo?" Napatango na lamang ako sa tanong niyang iyon.
"Siya 'yung lalaking dapat mong pakasalan." panimula niya.
Oo nga pala, nabanggit na nga pala ni Jino sa akin ang tungkol sa hindi pagsipot ni Jianna sa kasal nila ni Yvo.
"Isa ba siya sa rason kung bakit umalis si Jia?" tanong ko habang nauupo sa katabing upuan. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang mapagtanto ang aking itinanong kay Ate Louise.
"I mean, ako. Isa ba siya sa rason kung bakit ako umalis?" Nakangiwing ulit ko sa aking tanong. Shit! Sana hindi ito magtanong.
"I know, I understand na hindi pa rin natatanggap ng utak mo na ikaw si Jia, dahil wala ka namang maalala." Nakangiting sabi sa akin ni Ate Louise. Lihim akong napahinga ng malalim. Buti na lang may amnesia kuno ako.
"Maybe, maybe he's one of the reasons why you left. Pero wala ka naman kasing sinabi noon eh. Kaya hindi namin mabigyan ng sagot ang tanong kung bakit mo iniwan ang kapatid ko sa araw ng kasal niyo." Napaawang ang aking bibig nang sabihin niyang kapatid niya si Yvo.
"I'm sorry..." Hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng tawad. Hindi naman ako si Jianna na siyang nang-iwan.
"It's okay, baka tama sina tita na may mahal kang iba kaya minabuti mong iwan si Kuya dahil alam mong hindi ka sasaya sa kaniya." Kita ko ang sakit sa mga mata ni Ate Louise para sa kuya nitong si Yvo.
"I'm sorry, hindi ko magawang sabihin ang totoo." sinserong sabi ko. Totoo naman iyon, hindi ko talaga magawang sabihin ang totoo.
"Walang problema sa akin. Wala kang maalala kaya walang kwentang magalit pa ako para sa kuya ko. Isa pa pinaglaban mo lang naman ang gusto mo. At hindi iyon ang kuya ko." Nakangiting sabi sa akin ni Ate Louise bago niya hinawakan ang aking mga kamay at pisilin iyon ng bahagya.
"But Jia, I want you to know na iba ako sa kuya ko. I forgave you and accepted your reason why you left. Pero hindi si Kuya. He's so in love with you that he attempted to end his life. No one can handle him anymore. So please, hangga't wala ka pang maalala, learn to love my brother again."
Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa mga sinabi ni Ate Louise. Hindi naman siguro psycho ang kapatid niya diba? Parang sobra naman yata nitong mahal si Jia.
Dang! Ngayon pa lang parang ayaw ko nang makilala at makita ang Yvo na iyon.
"What did you say?!" malakas na tanong ko bago tumayo. Nakuha ko tuloy ang atensiyon ng mga kausap ko tungkol sa kasal namin ni Quia. Huling meeting na ito dahil bukas na ang kasal. Kasal na plinano kong mabuti dahil gusto kong masurpresa si Quia. Kinausap ko lang ngayon ang mga taong inupahan ko para masigurong handa na ang lahat. Pero mukhang magkakaaberya pa yata. "Damn it!" malakas kong sigaw bago lumabas ng aking opisina. "Sir, is there something wrong? May mali ba sa preparation?" tanong sa akin ni Samantha. "Call Damon for me. Pakisabing nasa panganib ang buhay ni Quia!" Mariin kong sabi bago patakbong sumakay sa elevator. Hindi ko inaasahan ang ibabalita sa akin ng isa sa mga tauhang pinasunod ko kay Quia. Punong-puno ng galit ang puso ko ngayon. Nang
"Ma'am, Quia's here." Baritonong boses ang nagpagising sa akin. Masakit pa rin ang tiyan ko dahil sa pagkakasuntok sa akin roon.Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Isang lumang kuwarto ang kinaroroonan ko. Naaamoy ko sa buong paligid ang kalawang ng mga bakal na nasa loob ng kuwarto.Nasaan ako?"Ohh, you're awake." nakangising sabi ng isang babae."Sino ka? Anong ginawa ninyo sa akin?!" Malakas kong sigaw. Bigla akong nagtaka nang hindi nakatali ang mga kamay at paa ko. Kaya kunot ang noong tinitigan ko ang babaeng kaharap.Matamis itong ngumiti sa akin bago ako nilapitan. "I'm Samantha, Yvo's secretary." pakilala nito bago inilahad ang kamay.Biglang tumalim ang tingin ko. "Secretary ka ni Yvo? Anong ginawa mo sa akin? Bakit mo ako pinadukot?!"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang biglang tumawa ang babaeng kaharap. Hindi
"Where are you going?" tanong sa akin ni Yvo nang maabutan niya akong naglalagay ng concealer sa aking pisngi.Mabilis akong nagpakawala ng malalim na paghinga bago tinapos ang ginagawa. "I'm going to meet Damon. Marami akong itatanong sa kaniya.""Gusto mo bang samahan kita?"Napapangiting nilapitan ko si Yvo. Marahan kong ipinulupot ang mga braso ko sa kaniyang leeg. Nakapamewang na tumitig lang siya sa akin. "Walang magbabantay kay Hugo.""Pwede mo namang sabihin na ayaw mo akong kasama." Nakangising sabi sa akin ni Yvo bago pinitik ang noo ko.Hindi ko tuloy napigilan ang mapahagikhik. Hindi na ako nabigla nang mabilis na idinampi ni Yvo ang mga labi niya sa akin. "Basta mag-iingat ka. Panatag naman akong ligtas ka kay Damon, pero mag-iingat ka pa rin. Hindi pa nahuhuli ang anak ni Ocampo.""I will." Nakangiti kong sagot bago hinalikan si Yvo sa mga
Mariing pagpikit at mahabang paghinga ang ginawa ko. Mag-isa ako sa garden habang pilit na tinatanggap ang mga sinabi ni Mama Betty.Jia and I are twins. Kahit siguro hindi kami magpakuha ng DNA test ay mapapatunayang kambal kami. Dahil hindi pa ako nakakakita ng dalawang taong magkamukhang-magkamukha pero hindi magkamag-anak. Ibig sabihin rin ng mga nalaman namin ay hindi kapatid ni Jino si Jia."Sabi ng Mommy noon, kulang daw ako ng dalawang buwan noong ipinanganak ako. Noong una walang kaso sa akin iyon dahil may ilang tao na ganoon rin noong ipinanganak." Napalingon ako nang may biglang magsalita sa aking likuran. "Pero nang marinig ko ang mga sinabi ni Ate Betty, parang may kung anong nag-uudyok sa aking paniwalaan iyon.""Gusto mong maging magkapatid tayo?" napapangiti kong tanong bago umisod para makaupo si Jia sa tabi ko."Ayaw mo ba noon? Sa buong buhay ko, lagi kong pinagdarasal na sana may
Malalaki ang hakbang na tinungo namin ni Yvo ang reception area ng hotel na pinagdalhan sa akin ni Ocampo noon.Pansin ko ang pagtiim ng mga bagang ni Yvo habang kinakausap niya ang isang babae. Marahil ay pinag-uusapan na nila ang tungkol sa CCTV footage."I'm really sorry Sir, matagal na po ang two years, baka nabura na po ang mga lumang kuha ng CCTV." Napapaiwas ang tinging sabi ng babae na ikinabuntong-hininga ni Yvo.Marahan kong tinapik ang kaniyang balikat. "Let's go babe..." sabi kong hindi nilulubayan ng tingin ang babae.Kita ko ang paglikot ng kaniyang mga mata. Paulit-ulit niya ring kinakagat ang kaniyang labi.She's obviously nervous.Saglit akong napabuntong-hininga bago lumingon kay Yvo na ngayon ay nakatiim pa rin ang mga bagang. Sinadya kong tumikhim nang malakas bago ngumiti nang matamis sa babaeng kausap ni Yvo kanina.
Kunot ang noong napatitig ako sa likuran ni Yvo. Mabilis akong tumayo, pagkatapos ay nagmamadaling sinundan siya sa pagpasok sa kuwarto."Baril ba 'yang nasa likuran mo?" Seryoso kong tanong na ikinataas ng kilay ni Yvo.Bahagya siyang tumikhim bago inilabas ang baril. Tahimik na inilagay iyon ni Yvo sa drawer na nasa bedside table."Para saan iyon?" taas ang kilay na tanong ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Yvo bago niya marahang kinagat ang kaniyang pang-ibabang labi."You know I was planning to go there. Kung hindi niyo ako pinigilan ni Jino baka nagamit ko nang tuluyan ang baril na iyon."Napaawang ang bibig ko. "Yvo, hindi mo naman kailangang gawin—.""Gusto kong ibigay sayo yung hustisya sa ginawa ni Ocampo. Pati na rin kay Hugo na walang pakundangan niyang dinamay." Mariing sabi ni Yvo bago naupo sa kama.Marahan akong n







