Kasakuyang taon...Maaliwalas ang panahon na maihahalintulad sa nararamdaman ni Prinsesa Amira ng kaniyang masilayan si Rycon na abalang-abala sa pagbubuhat ng dalawang timba na may lamang gatas ng baka. Wala itong damit pang-itaas at kitang-kita ng Prinsesa ang magandang hubog ng katawan ng binata. Wala siyang pakialam sa agwat ng kanilang edad kahit na magka edad sina Rycon at ang kaniyang bunsong kapatid na si Prinsipe Zaitan. Inayos niya ang ayos ng kaniyang mahabang buhok at binuklat ang kaniyang kulay lilang abaniko. Hinawak niya sa laylayan ang kulay lilang kasuotan at naglakad papalapit kay Rycon."Magang Umaga sa iyo, Rycon." Bati ng Prinsesa sa binata. Napahinto si Rycon at napabaling ang tingin sa Prinsesa. Ibinaba niya ang hawak na mga timba at yumuko upang batiin pabalik ang Prinsesa."Magandang Umaga, Kamahalan." Bati no Rycon.Matamis na napangiti ang Prinsesa. Mas lalong sumibol ang paghanga sa kaniyang puso nang mapagmasdan sa mas malapitan si Rycon. Kapansin-pansin a
Taon 1800...Nagising ang Prinsipe na si Zaitan mula sa isang masamang panaginip. Tagaktak ang kaniyang pawis habang inaalala ang bawat detalye ng kaniyang masamang panaginip na ayaw na niyang muling mapanaginipan. Ang kaniyang panaginip ay tungkol kay Rycon. Natutuo raw ang binata kung paano gumamit ng teleportasyon at nakita niya sa leeg ng binata ang marka na patalandaan ng Prinsipe Zumir. Sa kaniyang panaginip ay nasaksihan niya ang kaniyang kamatayan. Winakasan ng isang bampira na hindi niya nakilala ang kaniyang buhay. Kasama ng bampirang iyon ang isang Binibini na may mahaba at kulot na buhok ngunit hindi niya naaninag ang mukha nito.Inaalala niyang muli si Rycon na may kakaibang kakayahan sa paghawak ng mga armas. Ang bampirang iyon ay ordinaryo lamang at bukod sa mahusay itong gumamit ng mga armas ay wala na itong ibang kakayahan. Malabo rin na mangyari ang nasa kaniyang panaginip sapagkat ang katulad ni Rycon na isang ordinaryong bampira lamang ay hindi agad matututo ng te
Taon 1803...Hindi mapakali ang nadudurog na puso ni Misan nang malamang pansamantalang lilisan si Prinsipe Zaitan upang mag-ensayo kung paano kontrolin ang kaniyang pambihirang kakayahan. Kailangang-kailangan niya ang pagsasanay na iyon dahil mga nagdaang buwan na sinusubukan niyang gamitin ay hindi nakokontrol ng Prinsipe at madalas siyang mawalan ng malay sapagkat nauubusan siya ng enerhiya. Sa mga nagdaang mga taon ay unti-unting nadiskubre ang mga pambihirang kakayahan ng Prinsipe.May kakayahan ang Prinsipe na gamitan ng mahika ang mga armas upang magkaroon ito ng lason na siyang agarang papaslang sa kung sino mang matatamaan. Ang pangalawang kakayahan ni Prinsipe Zaitan ay ang kakayahan na hindi makita ng kung sino man at maaari itong magtagal kung kailan niya gustuhin. At ang pinaka nakakahangang kakayahan ng Prinsipe ay ang kapangyarihan na kayang kontrolin ang galaw ng mga bagay sa paligid.Sa mga nagdaang mga taon ay nahulog ang loob ni Misan sa mga ipinapakita sa kaniya ng
Magandang Umaga sa Lahat! Pasensiya na po at ilang araw akong hindi nakapag-update dahil din sa sobrang ka busy-han dahil po nagsimula na ang classes. Sa totoo nga po ay may utang pa akong apat na chapters sa inyo pero dalawa lang ang kinaya kong i-update ngayon pero baka ay madagdagan po mamaya hahaha. Gusto ko pong magpasalamat sa 200+ reads at 28 subscribers. Sobrang nakakataba po ng puso huhuhu. I'll do my best po para hindi mabakantehan ang isang Linggo, sisiguraduhin ko na may update talaga at ng hindi po kayo maghintay ng matagal sa updates. Salamat po ulit and more power! -Depthless_Scrivener
Taon 1803...(Patugtugin po ninyo ang musika ng Nobita na "Unang Sayaw" habang binabasa ang Kabanata na ito. Salamat po!)Nang marinig ni Misan ang boses ng binata ay hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa kaniyang puso. Nakatitig ang mga mata ng binata sa kaniya na sa unang pagkakataon ay nagbago ang ekspresyon. Wala ng bahid ng kalamigan at ka blangkohan. Hindi siya sumagot sa sinabi ng binata at agad na ipinukol ang mga tingin sa ilog na nasa kaniyang harapan. Naramdaman niya ang pagpalapit ni Rycon at ang pagbuntong-hininga ng binata."Nais ko lamang na makatulong." Panimula nito.Hindi sumagot si Misan at nanatili lamang tahimik ngunit ang puso niya ay kumakabog ng malakas kasabay ng mga katanungang bumabaha sa kaniyang isipan.Bakit siya hinalikan ng Prinsesa Amira?Anong mayroon sa pagitan nilang dalawa?"Gusto lamang kitang tulungan sapagkat alam ko na pagod ka na sa pagtatrabaho," dagdag ng binata.Hindi pa rin sumasagot si Misan. Alam niya sa sarili
Taon 1804...Tunog ng tambol at trumpeta ang namumutawing tunog na maririnig sa palagid kung nasaana ng Palasyo ng mga Puting Bampira. Makalipas ang halos isang taon ay masisilayan na ng lahat ang pagbabalik ni Prinsipe Zaitan. Ang Prinsipe Zaitan na mas pinalalas na nagagawa na nitong kontrolin ang kaniyang mga pambihirang kakayahan.Sabay-sabay na nagmarcha sa harapan ang punong-kawal na si Suvan at ang kanang-kamay ng Supremo na si Kawban kasama ang mga kawal ng kaharian ng Sadan. Umupo ang Supremo na si Dalleon sa kaniyang trono kasabay ng kaniyang may bahay na si Inang Reyna Lovera. Nagtipon-tipon ang mga mamayan habang maligayang nanonood sa pagbabalik ng bunsong anak ng Supremo at Inang Reyna, ang Prinsipe isinaad ng orakulo, at ang susunod na uupo sa trono na siyang papalit sa kaniyang ama na si Supremo Dalleon, ang Prinsipe na si Zaitan. "Magbigay pugay sa pagbabalik ng Kamahalan!" Sigaw ni Kawban at naunang lumuhod na sinundan naman ng punong-kawal na si Suvan at ng kaniyan
Taon 1804Tila nakikisama ang panahon sa nararamdaman ni Misan. Hindi mawala-wala ang malaking ngiti ng dalaga sapagkat kaninang madaling araw ay sinadya siya ni Rycon sa kanilang tahanan upang yayaing maligo sa batis na may iba't-ibang klase ng bulaklak. Masayang-masaya si Misan dahil bukod sa nangyari ay inalok siya ni Rycon na magpakasal. Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang sapagkat naghihintay pa siya ng tamang tiyempo."Maari ba kitang makausap, Misan?" agad na nawala ang mga ngiti ni Misan nang marinig ang boses ni Prinsipe Zaitan mula sa kaniyang likuranan. Pumikit siya at bumuntong-hininga bago siya humarap ng tuluyan."Magandang umaga, Kamahalan." Yumukod si Misan bilang pagbibigay-galang."Maaari ba kitang makausap, kahit saglit lamang?" muling tanong ni Prinsipe Zaitan.Tumango si Misan at maya-maya lamang ay nabitawan niya ang hawak na basahan dahil bigla silang naglaho ng gamitin ni Prinsipe Zaitan ang teleportasyon. Nasa Patay na lupain sila na dati ay sakop ng mga it
Taon 1804...Malalim ang iniisip ni Prinsipe Zumir o mas kilalang Rycon habang nakatitig sa kalmadong karagatan na matatanaw lamang mula sa kaniyang direksyon. Ilang buwan na lamang ay magaganap na ang digmaan sa pagitan ng lahi ng mga itim at puting mga bampira. Ang mga mamayan ay puspusan ang pag-eensayo gamit ang mga nabawi niyang mga armas mula sa mga puti. Napagdesisyonan ni Rycon na magpapaalam na sa mga kinilalang mga magulang maging sa kaniyang panunungkulan sa kaharian bilang kanang kamay ng Prinsipe na si Zaitan. Nais niyang itinuon ang atensyon sa gagawin nilang paglusob.Nang maramdaman niya ang hampas ng malamig na hangin ay napapikit ang Prinsipe. Naalala niya ang kasintahang si Misan habang naglalakbay ang kaniyang isipan sa naganap sa pagitan q0nilang dalawa. Alam niyang posibleng magbunga iyon. Nais niyang kahit papaano ay may maiwan siyang ala-ala kay Misan, na mayroon Rycon na dumating sa buhay ng dalaga. Dalawang araw na silang hindi nagkikita at kahit ni liham ay