Share

KABANATA 14

Kasalukuyang taon...

Nagulat si Misan nang bigla na lamang gumuho sa kaniyang harapan si Prinsipe Zaitan. Nagpalit na ito ng kasuotan na kulay asul at sapin sa paa.

"Nakakagulat ka naman, Kamahalan!" Sambit ni Misan at napahawak sa kaniyang dibdib.

"Hahaha ilang hayop na ba ang iyong napakain? Paumanhin pala sapagkat ngayon lamang ako, nakipag-usap pa ako sa kusinera sa aming palasyo." Sabi ng Prinsipe.

Nakatitig siya sa paligid at talagang marami ang mga alagang hayo na pagmamay-ari nila. Muli siyang napatingin kay Misan na nakatalikod sa kaniya habang nagpapakain ng mga alagang manok. Kinuha ni Prinsipe Zaitan ang dalawang timba na may lamang tubig at isa-isang sinalinan ang sisidlan ng mga kabayo.

"Patapos na po ako, Kamahalan. Ako na po riyan baka po ay madumihan ang inyong kasuotan." Sambit ni Misan at binawi mula kay Prinsipe Zaitan ang timba.

"Ayos lang ako Misan. Nais kong tumulong upang matapos agad ang iyong gawain. Hindi ba't mangangabayo tayo? At magpupunta sa karagatan?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status