Oktubre 26, 1699...
Ipinagdiriwang ng mga puti ang pagsisilang ni Luciana ng kanilang pangalawang supling ni Ismael. Isang napakaganda at napakalusog na batang babae. Kasabay sa pagdiriwang ay ang kasal ni Kaigan sa isang dalagitang nagmula sa pamilya ng mga dakilang mangangalakal at negosyante. Hindi inaakala ng lahat na huling araw na pala ng Supremo iyon sapagkat nagkasakit siya at naging dahilan ng kaniyang pagpanaw. Walang sinayang na oras at agad binigyang pugay ng mga puti ang kanilang bagong Supremo na si Kaigan.
Nasa kamay ni Kaigan ang lahat ng kaniyang nasasakopan. Sa susunod na buwan ay tuturukan na naman ng kemikal ang Prinsipe. Ilang araw nf hindi makatulog ang Supremo sapagkat kulang ang ng isang sangkap ang ginagawa niyang kemikal upang mapanatiling tulog ang Prinsipe.
Nag-utos siya sa kaniyang mga tauhan na hanapin ang nag-iisang sangkap na bubuo sa kaniyang gagawin. Makalipas ang isang Linggong paglalakbay ng kaniyang mga tauhan ay nadala nga ng mga ito ang sangkap.
"Supremo Kaigan!" Sabay-sabay na bati ng sampung tauhan na dala-dala na ang sangkap na siyang kulang sa gagawing kemikal ng Supremo.
Tumango ang Supremo at sinenyasan ang mga tauhan na magsitayuan na.
"Mahal na Supremo, patawin mo kami dahil natagalan ang aming pagdating dala ang kulang na sangkap na umabot pa ng isang Linggo. Nagtungo kami sa mga kalapit na mga bayan at maging ang mga kabundukan kung saan namamalagi ang mga mangagamot ay aming tinungo," mabahang salaysay ni Damil.
"Isang patak lamang?" Takang tanong ng Supremo.
"Ang sabi ng mga mangagamot ay iyan na lamang ang natitira. Binili pa po namin iyan sa napakalaking halaga upang kaniyang ibigay. Sa buong mundo ay tanging isang patak lamang po, Supremo." dagdag ni Damil.
Biglang nagharumentado ang tibok ng puso ni Kaigan. Isang patak? Hindi na mabubuo ang kemikal kung wala ang sangkap na ito. Naramdaman ng kaniyang asawa ang panlalamig ng kaniyang kamay kaya naman marahan itong pinisil ng kabiyak. Alam niya na nagsisimula na itong mangamba at matakot sa kahihitnan ng kanilang lahi sa susunod na mga siglo kung sakaling totoo ang sinasabi ng tauhang ito na huling patak na nga.
"Maraming salamat sa impormasyon, Damil at sa pagtitiyaga sa paghagilap ng karaniwang sangkap na ito. Kayo'y humayo na." Sambit ng Supremo.
"Kami ay hahayo na, Supremo." Sambit ni Damil at yumuko pa ulit bago tumalikod at lumabas mula sa silid ng Supremo.
Nang makalabas na ng tuluyan ang mga tauhan ay doon lamang naramdaman ni Kaigan ay matinding takot.
"Hindi pa naisisilang ang papaslang sa Prinsipeng iyon," puno ng pangambang aniya.
Malinaw pa sa kaniyang isipan kung paano niya tangkaing paslangin sa pamamagitan ng pananaksak sa puso ang Prinsipe habang payapa itong natutulog ngunit nagulat siya nang maitarak na niya ang punyal ay kusa itong natanggal sa dibdib ng Prinsipe at kusang naghilom ang mga sugat at wala ni dugo ang tumalsik. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang masilayan ang paglabas ng mga ugat mula sa mga braso nito na animo'y alam na alam ang nangyayari sa paligid kahit na natutulog. Tumalim ang mga kuko nito at nagsilabasan ang mga pangil ngunit ang mga mata ay nakasara at ang katawan ay nanatiling nakatiyaha at tulog.
Sinubukan pa niyang saksakin ulit ngunit ganoon pa rin ang nangyari kung kaya't dismayado siyang lumabas doon at bumalik na lamang sa kaniyang silid. Pumuslit lamang siya gamit ang susi na pinuslit din niya. Dahan-dahan ang kaniyang pagbubukas sa tranghaan ng bukod-tanging kwarto na iyon. Sa panahong iyon ay ang kaniyang ama pa ang namumuno.
Sa mga oras na iyon ay ramdam ni Kaigan ang matinding pangamdam sa mga susunod pang mga siglo. Saan siya kukuha ng sangkap na iyon kung isang patak na lamang ang natitira?
Pinamatiyagan pa niya ng masinsinan ang mangagamot na iyon ngunit nang sumunod na araw nang balikan ng kaniyang mga tauhan ay napag-alaman nilang pumanaw na ito sa edad na Dalawang-daan at tatlo. Nalaman din nila na hindi nagawang ipasa ng matanda sa kaniyang mga anak ang kakayahan sa paggawa ng sangkap na iyon dahil kapwa ang kaniyang mga anak ay hindi rin interesado sa pangagamot at mas tinutukan ng mga ito ang pagnenegosyo.
Hindi na alam ni Kaigan ang kaniyang gagawin sa susunod na siglo dahil tiyak na mauubos silang lahat sa oras na maggising ang Prinsipe ng mga itim.
Agosto 23, 1790...
Inalayan ng samo't-saring regalo ang babaeng itinakdang magsisilang sa sanggol na siyang magliligtas sa kanilang lahi. Anak ito ng isang magsasaka at mananahi na may payak na pamumuhay. Ang napakagandang si Lovera na Dalawangpung taong gulang. Kumakailan lang ay nahulaan ito ng manghuhula at ganoon din ang lumabas na pangalan sa orakulo.
Nagbigay ng dalawang sakong ginto ang Supremo na si Kaigan ngunit hindi mawala sa kaniyang isipan ang takot.
"Kahit na ang batang kaniyang isisilang ang magliligtas sa sanlibutan ng mga puting bampira ay malabo pa rin na mailigtas sila sapagkat ilang taon pa ang kanilang hihintayin upang lumaki ang bata, matuto, at matuklasan ang kaniyang pangbihirang kakayahan," mahinahon na sambit ng asawa ng Supremo.
Hindi nakasagot si Kaigan dahil may punto ang kaniyang asawa.
Paano nga ba sila ililigtas ng isang sanggol na walang ibang kayang gawin kung hindi ang ngumawa nang ngumawa?
"Hindi pa nga nagbubuntis ang dalagitang iyan." Bulong ulit ng kaniyang asawa.
"May siyam na taon na lamang, Ama at muli na namang tuturukan ang Prinsipe. Hindi pa tayo magagawang protektahan ng sanggol na iyan at bukod doon ay kulang ng isang sangkap ang kemikal na ituturok," puno ng pangambang sabat ng anak nila Kaigan at Kirana na si Dalleon.
Muling dumagungdong ang kaba sa dibdib ng Supremo. Napatitig siyang muli sa dalagita na masayang tinatanggap ang pagbati at mga regalo sa kaniya ng mga tao.
Ano bang mayroon sa babaeng ito at siya ang napili ng orakulo na magsisilang sa sanggol?
Kinagabihan ay nagtungo ang mag-asawa sa bahay ng isang tanyag na mangagamot na si Enrita. Mahigit Limang-daang taong gulang na ito at malakas pa rin dahil sa dugo ng mga tao na kaniyang s********p kada taon.
"Magandang Gabi, Supremo at sa iyo Inang Kirana," magalang nitong pagbati sa mag-asawa.
"Magandang Gabi rin sa iyo, Enrita," masuyong pagbato rin ng mag-asawa.
"Ano ang aking maipaglilingkod sa mga namumuno sa ating lahi?" Nakangiting tanong niya.
Napatitig ang dalawa sa isa't-isa at napatango si Kirana. Huminga ng malalim ang Supremo at nagsimula ng isaysay ang dahilan ng kaniyang pagpunta.
"Nais mo akong maglabas ng sangkap na makakabuo sa kemikal na taga isang siglo ninyo itinuturok sa Prinsipe ng mga itim?" Tanong ni Enrita habang inilalapag sa lamesita ang dalawang tsaa.
Sumimsim doon ang Supremo bago sumagot.
"Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Ang sanggol ay hindi ko pa alam kung kailan maisisilang sapagkat ang dalagitang nakatakdang magluluwal sa kaniya ay hindi pa naman nagdadalang-tao," mahina ang boses na sabi ng Supremo.
"Wala akong magagawa Supremo sapagkat iisang pamilya lamang ang kayang gumawa ng sangkap na iyong tinutukoy. Bawat pamilya ay may kakayahang gumawa ng sarili nilang mga sangkap na hindi maaaring ibahagi sa ibang pamilya ang proseso kung paano gagawin," nalulumong sambit ng mangagamot.
"Wala ka na bang maisusuhestiyon? Na makakatulong? Kung magising man ang Prinsipeng iyon ay katapusan na ng mga puti, katapusan na natin!" seryosong nakatitig ang Supremo sa babae.
"Mayroon pa, Supremo ngunit kailangan itong isagawa kapag pumatak ang kabilugan ng buwan," seryosong sambit ng babae dahilan upang mapatingin ang kabiyak ng Supremo.
"Gagawin ko ang lahat imong matagumpay mo iyang maisagawa, pangako!" desperadong sambit ng Supremo.
Bumuntong hininga ang babae bago magsalita.
"Kailangan nating mabuo ang sangkap na siyang makakagawa ng gamot upang mabura ng tuluyan ang ala-ala ng Prinsipe ng mga itim simula ng maisilang siya. Kapag nabura ang lahat ng iyon ay makakalimutan niya na isa siyang itim na bampira at maaari ninyong pakinabangan ang kaniyang pambirihang mga kakayahan. Alam kong wala tayong mahika na siyang kikitil sa kaniya at ito lamang ang naisip kong solusyon upang hindi niya tayo maubos," mahabang sambit ni Enrita.
Sandaling natahimik ang Supremo habang ang asawa naman niya ay nanatiling nakikinig.
Kapag nabura ang mga ala-ala ni Zumir ay maaari niya itong gawing kanang kamay o kaya naman ay pakinabangan ang mga kakayahan nito para sa ikakabuti ng kanilang lahi. Papakinabangan nila ang Prinsipe ng hindi nito napapansin at permanente na mabubuhay sa mundo nila na walang naalala sa kaniyang totoong buhay.
Kung may kakayahan lang silang patayin ito ay matagal na nilang ginawa habang ito ay natutulog ngunit hindi nila magagawa sapagkat hindi ito natatablan ng mga armas na maaaring kumitil ng buhay.
Titira si Zumir sa buhay na kaniyang makakagisnan sa oras na siya ay magigising at kapag nakamtan na ng anak ni Lovera ang tamang ensayo at ito'y mahusay na sa paggamit ng kaniyang pambirihirang kakayahan ay saka niya ito ipapapaslang pero habang bata pa ang sanggol ay papakinabangan niya muna anv Prinsipe ng mga itim at aalilain ng husto.
"Bukas na bukas ay magsisimula na ang aking mga tauhan upang likumin ang mga sangkap na kakailanganin sa gamot na gagamitin sa Prinsipe." Sambit ng Supremo.
Napatango si Enrita sa sinabi ng Supremo.
Sa kailaliman ng kaniyang isipan ay labis siyang kinakabahan sapagkat ang kaniyang gagawin ay labag sa paniniwala ng kaniyang pamilya na pinagmulan. Hindi maaaring ibahagi ang gamot na nagmula sa kanilang pamilya ngunit wala na siyang magagawa sapagkat nakapagbitiw na siya ng pangako sa Supremo. Ayaw niya ring mapaslang nga Prinsipe sa oras na ito ay magigising mula sa mahabang tulog.
Kaniya na lamang tatanggapin mula sa kaniyang pamilya ang magiging kaparusahan sa kaniyang gagawin. Nais niya lamang na makatulong sa kaniyang lahi upang hindi maubos ng tuluyan ang lahi ng mga puting bampira.
Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG SARSULMatapos ang maagang pag-eensayo ng mag-isa ay tumulak na pauwi sa Kaharian ng Sarsul si Prinsipe Zumir. Napapansin niya na ang panghihina ng kaniyang katawan na para bang unti-unti na siyang nilalamon ng kamatayan. Ang kaniyang mga kakayahan ay naroroon pa. Kaya niya pang gumamit ng teleportasyon sa malalayong lugar, pahilomin ang mga sariling sugat, maliksi at malakas pa ang kaniyanf pangangatawan ngunit pakiramdam niya ay unti-unting nababawasan ang mga iyon. Madali na lamang siyang mapagod at mawalan ng lakas. Minsan ay sumusuka siya ng dugo, nanakit ang kaniyang ulo na halos pakiramdam niya ay mabibiyak na, dudura at uubo siya ng dugo, at minsan din ay halos makalimutan na niya ang mga tao sa kaniyang paligid, ngunit pinipili niyang tatagan ang sarili at labanan ang mga iyon na senyales na malapit na ang kaniyang hangganan.Maaga pa lamang ay nakita na niya si Prinsess Yneza sa balkonahe. Suot ang mahabang kulay pulang kasuotan na may bu
Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG DOTIYAAlas singko pa lamang ng umaga ay tahimik pa ang palasyo ng Dotiya. Sa labas, ang mga punong banaba ay nanginginang sa dampi ng hamog habang ang mga ibon sa mga hardin ay nagsisimula nang kumampay ng pakpak. Sa silid panauhin na inilaan para sa panandaliang paninirahan ni Prinsipe Asmal, sumasayaw ang malamig na hangin sa pagitan ng magaan na kurtinang kulay asul.Nagising nang maaga si Prinsipe Asmal. Hindi dahil sa anumang ingay kun'di sa kawalang-kapantay na katahimikan na tila baga may dalang babala. Lumapit siya sa bintana at tanaw ang palibot ng palasyo.Nakikita niya mula roon ang mga kawal sa mga tore, mga hardinero sa hardin, at ang mga batang kabataan ng Dotiya, mga lalaking siya mismo ang sumasanay para sa paparating na digmaan.Makalipas ang isang oras na pagmumuni-muni sa bintana ng kaniyang silid ay naligo na ang Prinsipe at nagbihis ng kaniyang kulay puting kasuotan na may burdang kulay ginto sa laylayan.Nang makababa siya sa
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIAKinabukasan, matapos ang isang buong araw ng pahinga at paggamot, isang seremonyang pamamaalam ang isinagawa sa gitna ng palasyo ng Sacresia ng Hari at Reyna para kay Prinsipe Zaitan.Matapos ang seremonya ay nagsimula na ang malaking piging na pinagsaluhan ng lahat ng mga mamamayan ng Sacresia. Lumapit si Prinsesa Elkisha sa Prinsipe, may hawak na maliit na sisidlang pilak na may inukit na bulaklak ng dagat. Tumigil siya sa harapan ng binata at mariing tumitig dito.“Prinsipe Zaitan,” mahina ngunit buo ang tinig niya, “marahil ay hindi ko dapat ito sabihin... ngunit sa panahong nagdaan, sa bawat laban mo, sa bawat sakit na ininda mo ay hindi lang paghanga ang umusbong aking puso kun'di... damdamin na higit pa roon.”Hindi agad nakasagot si Prinsipe Zaitan.Tumitig siya sa mga mata ni Prinsesa Elkisha. Sa kabila ng lambot sa kaniyang mukha, mahigpit ang kaniyang paninindigan. Maganda, mabait, masayahin, matalino, at masarap kausap ang Prinsesa
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIATahimik ang Arena, tila pinanawan ng hangin. Ang mga manonood ay nakaupo sa kani-kanilang mga puwesto, mga sireno’t sirena na pawang hindi na kumukurap. Sa entablado, naghahanda na si Prinsipe Zaitan para sa paghaharap nila ngayon ni Zudeo, ang kanang kamay ni Heneral Lutheo. Kilala si Zudeo bilang mandirigmang hindi tahimik at kalma ngunit nakakubli sa kalmadong itsura nito ang angking galing at katalinuhan. Ang kanyang buntot ay may kulay ng kayumangging ginto na minsan ay napagkakamalan siyang anak ng isang dugong bughaw. Wala silang armas, walang espada, walang sibat at pawang mga kamao at bangis lamang ang pagtatagpuin.Napatingin si Prinsipe Zaitan kay Zudeo habang lumalangoy ito palapit sa kaniya. Alam niyang kakaiba ang sirenong kawal na ito. Maliban kay Hakil, si Zudeo ang tanging kalaban na hindi nagpakita ng anumang kayabangan o pangmamaliit.Pagharap nila sa isa’t isa, tahimik ang pagitan habang nagkakatitigan na animo'y ginagamit
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SARSULAlas sais ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa kabundukan ay yumayakap sa katawan nina Prinsipe Zumir at Prinsipe Kairon, kapwa basa ng pawis at may banayad na putik sa mga laylayan ng kanilang mga kasuotan. Ang liwanag ng mga ulap na kahit ay makulimlim ay unti-unti nang sumisilip sa likod ng mga ulap, pinapalubag ang ginaw ng gabi habang tinatanglawan ang maugat at makahiwagang kagubatang nagsisilbing palaruan ng lakas at tiyaga para sa dalawang Prinsipe."Isa pa ba, Kamahalan?" tanong ni Prinsipe Kairon, hinahabol pa ang hininga habang nakahawak sa kaniyang espada. Tumango lamang si Prinsipe Zumir, walang imik. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang lalim ng iniisip habang ginagabayan ang bawat galaw ng katawan, hinahasa hindi lamang ang lakas kun'di ang disiplina ng kaniyang kalooban.Pagkatapos ng ilang sandali ay inihinto na nila ang pagsasanay. Ang kanilang mga katawan ay pagod ngunit ang diwa’y buhay hudyat ng kanilang dedikasy
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIADahan-dahang iminulat ni Prinsipe Zaitan ang kaniyang mga mata. Sa una'y malabo pa ang lahat. Ang kisame, ang mga kurtinang bughaw, at ang malamig na hanging dumarampi sa kaniyang pisngi. Nanatili siyang tahimik, hanggang sa gumalaw ang kaniyang paningin pakanan.Doon, sa lilim ng malamlam na liwanag, nakita niya ang tatlong katauhang tila matagal nang naghihintay sa kaniyang paggising; Ang Hari, ang Reyna, at ang Prinsesa Elkisha.Ang Hari ay nakaupo sa silyang gawa sa makintab na kahoy, ang mga kamay ay magkahawak sa harapan habang tahimik na nakatingin. Ang Reyna nama'y nakatayo sa tabi nito, may hawak na sisidlang pilak na may mainit na inumin. Sa likuran nila ay bahagyang nakasilip si Prinsesa Elkisha hawak ang laylayan ng kaniyang mahaba at makislap na damit.Pilit bumabangon si Prinsipe Zaitan ngunit naramdaman niyang kumirot ang kaniyang balikat at dibdib na palatandaang sariwa pa ang epekto ng laban.“Huwag ka munang bumangon nang big