Oktubre 26, 1499...
Naganap ang madugong labanan sa pagitan ng mga puti at itim na mga bampira sa kaharian ng Sarsul, pinamumunuan ng itim na bampira na si Supremo Atcandis at ang kaniyang asawa na si Inang Luyeza. May dalawang binatang anak ang dalawa na sina Prinsipe Asmal at Prinsipe Zumir.
Nagliliparan ang lahat ng bampira. Ang mga dugo at laman ay nagkalat sa buong kapaligiran. Dahil duguan na ang Supremo ay ang kaniyang dalawang anak na lamang ang nakikipaglaban sa mga puti. Sugatan na si Zumir habang naghihingalo ang panganay na si Asmal. Hindi na nila nagawang balikan ang kanilang Ina sapagkat ay matapos nitong mapaslang ay naglaho ito sa hangin na parang abo.
"Tumakas na kayo! Ako na ang bahala rito!" nanghihinang saad ni Asmal.
"Hindi ka namin maaaring iwanan Kuya!" malakas ang boses na sabi ni Zumir.
"Huwag ng matigas ang ulo kapatid, sige na ilisan mo na si Ama!" Sigaw nito at inatake ang mga papalapit na mga puting bampira.
Ngunit hindi nagtagumpay ang mag-ama na makatakas sapagkat ay tinamaan sa puso ang kanilang ama na naging dahilan ng kamatayan nito.
"Amaaaa!" Sigaw ni Zumir na umalingawngaw sa buong kaharian.
Nagsiliparan ang mga paniki at nagsimulang kumulog ang kalangitan. Mas lalong nag-alab ang puso ng binata nang makitang naglaho na parang abo ang kaniyang nakakatandang kapatid matapos tagain ang ulo nito.
Nanlilisik ang pula niyang mga mata at walang pagdaladalawang-isip na sinugod ang mahigit dalawampung puting mga bampira.
Itinuturing na ang mga itim na bampira ang mga salot, sapagkat kaya nilang s******n ang dugo ng kapwa nila bampira. Sa madaling salita ay mga traydor ang mga itim. Nang-aalila sila ng mga inosente at ang pagpatay sa mga walang kalaban-laban ay madali lamang para sa kanila.
Bumuo ng plano ang mga puti na gapiin ang lahi ng mga itim upang mawala na sila nang tuluyan at upang maging pantay na ang pamumuhay ng lahat.
Naubos ng mga puti ang lahat ng mga itim maliban sa natitirang prinsipe ng mga itim, ang bunsong anak ng Supremo na si Atcandis at Elvira, ang binatang si Zumir.
Sunod-sunod ang atakeng natanggap ni Zumir. Hindi makapaniwala ang lahat dahil buhay pa ito kahit na naliligo na ang binata sa sariling dugo.
Isang nagliliyab na pana ang diretsong tumama sa puso ng binata na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.
Ngunit lumipas ang ilang minuto ay hindi naging abo ang katawan ng binata. Nakita nila kung paano naghilom ang mga sugat nito at ang dahan-dahan na pagtayo.
"Hindi nga ako nagkakamali, hindi matutuldokan ang lahi ng mga itim hangga't hindi nagagapi ang Prinsipeng iyan!" Sigaw ng matanda na mula sa lahi ng mga puti.
Lumagutok ang buto ni Zumir at inatake sila isa-isa. Pugot ang mga ulo at labas ang mga laman.
"Ano po ang gagawin na'tin upang magapi siya?" takot na takot na bulong ng dalagitang mula sa lahi ng mga puti.
"Tatlong siglo pa ang ating hihintayin! Tatlong Daang taon pa bago maisilang ang nilalang na mula sa'ting lahi na siya gagapi sa nilalang na iyan!" Sigaw ng matanda, nanginginig ang boses nito.
Hindi niya napansin na nasa likod niya na pala si Zumir at huli na nang maramdaman niyang nakatarak na sa kaniyang dibdib ang isang punyal.
Hindi nakatakas ang dalagita, nagsitalsikan ang lamang loob nito nang atakehin ni Zumir gamit ang matatalim niyang mga kuko.
Akala ni Zumir ay naubos na niya ang lahi ng mga puti ngunit napaluhod niya nang maramdaman ang kakaibang kemikal na unti-unting pumapatay sa kaniyang katauhan.
Isang espada na may lason ang isinaksak sa kaniyang dibdib at sikmura dahilan upang magdilim ang kaniyang paningin at hindi na nagising pa.
Ang puting bampira na si Ismael ang siyang nagpatumba sa Prinsipe na si Zumir. Ang lason na kaniyang ginamit ay maaaring magpatulog sa sino man sa loob ng mahabang panahon. Ang pinakamatagal ay ang isang siglo.
Kailangan pagkatapos ng isang siglo ay muling turukan ang katawan ni Zumir upang manatili itong tulog, dahil kung hindi maisasagawa ang hakbang ay wala nang makakapigil pa sa muling pagkabuhay ng bampira na mula sa lahi ng mga itim na siyang uubos sa lahi ng mga puti.
Dahil kapag nagising muli ito ay wala nang lason o kahit na anong kemikal ang makakapagpatumba dahil alam nilang hindi ito namamatay sa isang armas lamang.
Oktubre 26, 1599...
May malaking salo-salo sa kaharian ng mga puting Bampira sapagkat kahapon lamang ay matagumpay na naiturok ang kemikal sa Prinsipe ng mga itim na siyang magpapanatili sa kaniya na natutulog sa loob ng Isang Daang taon. Nakahimlay ito sa bukod tanging silid na napapaligiran ng nagtatasang bakod at kandado. Sa nagdaang Isang Daang taon ay mayroon mga puti na namaalam na dahil sa isang pambihirang sakit na tumatama sa mga matatandang bampira. Sa loob ng Isang Daang taon na iyon ay may mga bagong tubo na siyang magpapatuloy sa kanilang lahi.
Tatlong puting bampira lamang ang may awtoridad na makakita sa Prinsipe ng mga itim. Si Ismael na siyang kasalukuyang Supremo ng mga Puti, si Kaigan, ang kaniyang anak, at si Luciana, ang kaniyang asawa. Ipinangako niya sa yumaong Supremo na gagawin niya ang lahat upang mapanatiling tulog ang Prinsipe ng mga itim at kung mawala man siya ay sisiguraduhin niyang maipapasa niya sa kaniyang mga anak ang kaaalaman kung paano gumawa ng kemikal na taga-isang siglo ituturok kay Zumir.
Napatitig ang asawa ng Supremo na si Luciana sa Prinsipe na payapang natutulog. Suot nito ang puting camisole. Mahaba na ang malaalon nitong buhok ngunit nanatiling mababa ang mga bigote na hindi man lang nakakakulay hindi gaya ng mga bampira na nagmula sa kanilang lahi na nagiging abo or kaya naman ay puti ang mga kulay. Maputla ang kulay ng balat ngunit ang angking kagwapohan ay hindi kumukupas. Hindi rin ito namamayat at nanatili ang kakisigan. Ang malaking palamuti nito na nasa leeg ay klarong-klaro pa at hindi man lang kumukupas. Sa nagdaang taon ay mas lalong bumabata ang itsura nito. Ayon sa yumaong Supremo ay epekto ito ng kemikal na itinuturok sa Prinsipe.
"Katapusan natin kung sakaling sumablay tayo ng isang beses sa pagturok sa kaniya ng kemikal. Masyadong malakas at makapangyarihan ang Prinsipeng ito na kahit pagsama-samahin ang ating mga lakas ay hindi natin siya magagawang talunin," mahabang saysay ni Luciana.
"Hindi mangyayari iyan sapagkat gagawin ko ang aking makakaya upang manatiling tulog ang Prinsipe. Ilang siglo nalang ang ating hihintayin at isisilang na ang sanggol na siyang magliligtas sa atin mula sa itim na bampirang iyan." Sambit ni Ismael.
"Gaano po ba kalakas ang Prinsipeng iyan? Na kahit pagsama-samahin tayo ay hindi natin siya magagapi?" Inosenteng tanong ng batang si Kaigan.
Naglakad si Ismael papalapit sa Prinsipe at tinitigan ito ng maigi. Kahit na hindi nila ginamot ang mga sugat na nakuha ng Prinsipe sa naging labanan noon na kinasangkutan nila ay nagawa nitong maghilom ng kusa. Tunay ngang makapangyarihan at malakas ang Prinsipeng ito.
"Maihahalintulad siya sa hangin na ubod ng lakas ang bugso. Hindi mapapansin ang kaniyang mga galaw maging ang tunog ng kaniyang pangyapak ay hindi maririnig. Sa oras na mapansin mo siya ay nasa paanan mo na ang iyong ulo." Sanaysay ni Ismael.
Nanlaki ang mga mata ni Kaigan at napalunok.
"Ang mga itim na bampira na may dugong bughaw ay hindi basta basta ang kakayahang mayroon sila. Kaya nilang mabuhay hangga't gustuhin nila ng hindi kumakain ng dugo't laman ng mga tao, at tanging sa mga hayop lamang. Sila ang pinakamakapangyarihang lahi na naitala sa kasaysayan ng mga Bampira. Dahil sa kapangyarihan at angking kakayahan na hindi natin kayang pantayang mga puti ay nagagawa nilang kumitil ng kapwa nila Bampira upang mas pabatain ang kanilang mga anyo." dagdag ni Ismael.
Tumingin siya sa kaniyang nag-iisang anak na si Kaigan. Bakas sa mata ng pitong-taong gulang na bata ang kaba at takot dahil sa narinig.
"Ikaw ang susunod sa trono anak at ipangako mo na hangga't hindi pa naisisilang ang sanggol na magliligtas sa ating lahat ay huwag mong hahayaan na magising mula sa malalim na pagkakatulog ang Prinsipeng ito." Sambit ni Ismael.
Tumango si Kaigan ngunit naglalaro sa kaniyang isipan ang kahihinatnan ng kaniyang sambayanan kung sakaling hindi niya magawa ng maayos ang pamumuno balang araw. Sa mga oras na iyon ay hinihiling niya na lamang na magkaroon ng kapatid upang ipasa rito ang responsibilidad.
Taon-taon ay mas lalong dumadami ang kanilang lahi at hanggang sa kasalukuyang panahon ay walang binabanggit ang orakulo kung saang pamilya mangagaling ang sanggol na isisilang sa taong 1799. Kung ano man ang pambirihirang kakayahan nito na siyang pupuksa sa natitirang itim na bampira.
May mahika ba siya? May pambihirang lakas na kayang lagpasan ang lakas ng Prinsipeng payang natutulog? Ano ang mayroon siya? Anong buwan siya isisilang? Anong araw ang kaniyang kapanganakan? Ano ang kaniyang kasarian? Magmumula na siya sa pamilyang bughaw? O isang normal na bampira lamang?
"Kung sakaling hindi po maturukan ng kemikal ang Prinsipe sa insaktong petsa katulad ngayon ay agad ba siyang babangon at tayo'y uubusin?" Tanong ni Kaigan sa mga magulang na nananatiling nakatayo sa malaking kahon na pinaglalagyan sa prinsipe.
Bumuntong hininga si Ismael.
"Babangon siya at agad tayong papaslangin. Wala siyang ititira, at hindi na maisisilang ang nakatakdang magliligtas sa atin. Mauubos ang mga puti at mananatili na lamang ang ating mga bakas sa kasaysayan hanggang sa hinaharap. " Sambit ni Ismael.
Ramdam ni Kaigan ang panlalamig ng kaniyang mga palad.
"Hindi ko hahayaan na mangyari iyan," pabulong na sambit niya.
Kahit na natatakot ay nasabi niya iyon upang pagaanin ang loob. Natatakot siya sa kayang gawin ng Prinsipe ng mga itim na kilalang malakas at makapangyarihan. Natatakot siya sa kahihitnatnan ng kanilang lahi sa susunod na mga siglo.
Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG SARSULMatapos ang maagang pag-eensayo ng mag-isa ay tumulak na pauwi sa Kaharian ng Sarsul si Prinsipe Zumir. Napapansin niya na ang panghihina ng kaniyang katawan na para bang unti-unti na siyang nilalamon ng kamatayan. Ang kaniyang mga kakayahan ay naroroon pa. Kaya niya pang gumamit ng teleportasyon sa malalayong lugar, pahilomin ang mga sariling sugat, maliksi at malakas pa ang kaniyanf pangangatawan ngunit pakiramdam niya ay unti-unting nababawasan ang mga iyon. Madali na lamang siyang mapagod at mawalan ng lakas. Minsan ay sumusuka siya ng dugo, nanakit ang kaniyang ulo na halos pakiramdam niya ay mabibiyak na, dudura at uubo siya ng dugo, at minsan din ay halos makalimutan na niya ang mga tao sa kaniyang paligid, ngunit pinipili niyang tatagan ang sarili at labanan ang mga iyon na senyales na malapit na ang kaniyang hangganan.Maaga pa lamang ay nakita na niya si Prinsess Yneza sa balkonahe. Suot ang mahabang kulay pulang kasuotan na may bu
Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG DOTIYAAlas singko pa lamang ng umaga ay tahimik pa ang palasyo ng Dotiya. Sa labas, ang mga punong banaba ay nanginginang sa dampi ng hamog habang ang mga ibon sa mga hardin ay nagsisimula nang kumampay ng pakpak. Sa silid panauhin na inilaan para sa panandaliang paninirahan ni Prinsipe Asmal, sumasayaw ang malamig na hangin sa pagitan ng magaan na kurtinang kulay asul.Nagising nang maaga si Prinsipe Asmal. Hindi dahil sa anumang ingay kun'di sa kawalang-kapantay na katahimikan na tila baga may dalang babala. Lumapit siya sa bintana at tanaw ang palibot ng palasyo.Nakikita niya mula roon ang mga kawal sa mga tore, mga hardinero sa hardin, at ang mga batang kabataan ng Dotiya, mga lalaking siya mismo ang sumasanay para sa paparating na digmaan.Makalipas ang isang oras na pagmumuni-muni sa bintana ng kaniyang silid ay naligo na ang Prinsipe at nagbihis ng kaniyang kulay puting kasuotan na may burdang kulay ginto sa laylayan.Nang makababa siya sa
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIAKinabukasan, matapos ang isang buong araw ng pahinga at paggamot, isang seremonyang pamamaalam ang isinagawa sa gitna ng palasyo ng Sacresia ng Hari at Reyna para kay Prinsipe Zaitan.Matapos ang seremonya ay nagsimula na ang malaking piging na pinagsaluhan ng lahat ng mga mamamayan ng Sacresia. Lumapit si Prinsesa Elkisha sa Prinsipe, may hawak na maliit na sisidlang pilak na may inukit na bulaklak ng dagat. Tumigil siya sa harapan ng binata at mariing tumitig dito.“Prinsipe Zaitan,” mahina ngunit buo ang tinig niya, “marahil ay hindi ko dapat ito sabihin... ngunit sa panahong nagdaan, sa bawat laban mo, sa bawat sakit na ininda mo ay hindi lang paghanga ang umusbong aking puso kun'di... damdamin na higit pa roon.”Hindi agad nakasagot si Prinsipe Zaitan.Tumitig siya sa mga mata ni Prinsesa Elkisha. Sa kabila ng lambot sa kaniyang mukha, mahigpit ang kaniyang paninindigan. Maganda, mabait, masayahin, matalino, at masarap kausap ang Prinsesa
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIATahimik ang Arena, tila pinanawan ng hangin. Ang mga manonood ay nakaupo sa kani-kanilang mga puwesto, mga sireno’t sirena na pawang hindi na kumukurap. Sa entablado, naghahanda na si Prinsipe Zaitan para sa paghaharap nila ngayon ni Zudeo, ang kanang kamay ni Heneral Lutheo. Kilala si Zudeo bilang mandirigmang hindi tahimik at kalma ngunit nakakubli sa kalmadong itsura nito ang angking galing at katalinuhan. Ang kanyang buntot ay may kulay ng kayumangging ginto na minsan ay napagkakamalan siyang anak ng isang dugong bughaw. Wala silang armas, walang espada, walang sibat at pawang mga kamao at bangis lamang ang pagtatagpuin.Napatingin si Prinsipe Zaitan kay Zudeo habang lumalangoy ito palapit sa kaniya. Alam niyang kakaiba ang sirenong kawal na ito. Maliban kay Hakil, si Zudeo ang tanging kalaban na hindi nagpakita ng anumang kayabangan o pangmamaliit.Pagharap nila sa isa’t isa, tahimik ang pagitan habang nagkakatitigan na animo'y ginagamit
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SARSULAlas sais ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa kabundukan ay yumayakap sa katawan nina Prinsipe Zumir at Prinsipe Kairon, kapwa basa ng pawis at may banayad na putik sa mga laylayan ng kanilang mga kasuotan. Ang liwanag ng mga ulap na kahit ay makulimlim ay unti-unti nang sumisilip sa likod ng mga ulap, pinapalubag ang ginaw ng gabi habang tinatanglawan ang maugat at makahiwagang kagubatang nagsisilbing palaruan ng lakas at tiyaga para sa dalawang Prinsipe."Isa pa ba, Kamahalan?" tanong ni Prinsipe Kairon, hinahabol pa ang hininga habang nakahawak sa kaniyang espada. Tumango lamang si Prinsipe Zumir, walang imik. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang lalim ng iniisip habang ginagabayan ang bawat galaw ng katawan, hinahasa hindi lamang ang lakas kun'di ang disiplina ng kaniyang kalooban.Pagkatapos ng ilang sandali ay inihinto na nila ang pagsasanay. Ang kanilang mga katawan ay pagod ngunit ang diwa’y buhay hudyat ng kanilang dedikasy
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIADahan-dahang iminulat ni Prinsipe Zaitan ang kaniyang mga mata. Sa una'y malabo pa ang lahat. Ang kisame, ang mga kurtinang bughaw, at ang malamig na hanging dumarampi sa kaniyang pisngi. Nanatili siyang tahimik, hanggang sa gumalaw ang kaniyang paningin pakanan.Doon, sa lilim ng malamlam na liwanag, nakita niya ang tatlong katauhang tila matagal nang naghihintay sa kaniyang paggising; Ang Hari, ang Reyna, at ang Prinsesa Elkisha.Ang Hari ay nakaupo sa silyang gawa sa makintab na kahoy, ang mga kamay ay magkahawak sa harapan habang tahimik na nakatingin. Ang Reyna nama'y nakatayo sa tabi nito, may hawak na sisidlang pilak na may mainit na inumin. Sa likuran nila ay bahagyang nakasilip si Prinsesa Elkisha hawak ang laylayan ng kaniyang mahaba at makislap na damit.Pilit bumabangon si Prinsipe Zaitan ngunit naramdaman niyang kumirot ang kaniyang balikat at dibdib na palatandaang sariwa pa ang epekto ng laban.“Huwag ka munang bumangon nang big