Share

Chapter 7

         

Nakatingin lang ako sa kawalan habang may mga luhang nagbabagsakan mula sa aking mga mata dahil sa mga nangyari noong nakaraan.

           

"Diana are you okay?" biglang tanong sa akin ng pinsan ko nang makita niya ako. Kaya mabilis ko namang pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mga pisngi.

            

"Yeah." 

           

"I know you're not okay Diana."

           

"Alam mo naman na pala tinanong mo pa," wika ko sa birong paraan. Nagkibit balikat lang ito. Tumungo siya sa akin at narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

            

"I unintentionally heard your conversation with Allen the other day" wika nito. Napakagat naman ako sa aking labi at tumingala para pigilan ang aking mga luha sa pagtulo.

            

"Huwag mong pigilan yan. Just cry if that what makes you feel the best way to ease the pain you're feeling right now." At dahil sa sinabi ni Celestine ay nag-unahan na ang mga luha ko sa pagtulo.

            

"Diana. Kung kailangan mo nang makakausap ay nandito lang ako. You can open up to me. Handa akong makinig sa mga sasabihin mo," wika nito at hinahaplos-haplos ang aking likod.

            

"Celestine I already figured out that I have a feelings for him but I just can't tell him because I know that we can't be together. Ngayon na nga lang ako iibig pero hindi naman pwede."

   

"Pero kung mahal mo talaga siya, why not try it? Huwag mong pigilan 'yang nararamdaman mo lalo na't pareho lamang kayo nang nararamdaman." Umiling ako sa tinuran ni Celestine.

            

"Hindi pwede. My parents will gonna be mad at me and they might disown me if I disobey them, especially right now that i'm getting married soon. At saka malapit na rin tayong bumalik sa Manila."

            

"Pero sana naman piliin at ipaglaban mo 'yong gusto mo. Mula noong nawala si ate Carissa ikaw na ang umako sa lahat ng dapat ay siya ang gumagawa at ang masakit pa ay ginawa ka nina tita na parang isang bagay na susunod sa lahat ng gusto nila. Diana sana dumating 'yong araw na ipaglalaban mo naman 'yong gusto mo. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang sinisisi nila sa pagkawala ni ate Carissa." Mahabang litanya ni Celestine.

            

"Hindi ko alam kung darating 'yong panahong iyon Celestine," wika ko at napasandal sa kanyang balikat habang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Marahil 'yong mga nararamdaman ko sa tuwing nakikita, nakakasama at nakakausap ko siya noon ay ito ang ibig sabihin. Na may nararamdaman ako para sa kanya. Hindi lang bilang kaibigan kundi mas higit pa doon.            

Ngayon ko lang napagtanto na mayroon akong nararamdaman para kay Allen pero ang nararamdaman kong ito ay hindi na dapat pang umusbong nang umusbong dahil hindi tama ito. Malabong may pag-asang maging kami. Mas mabuti sigurong dapat ko nang pigilan at itigil itong nararamdaman ko para sa kanya kaya iiwas na muna ako sa kanya pansamantala. Napabuntong hininga nalang ako sa aking mga iniisip.

                                                           

                                     ~~~

            

Isang linggo na ang nakakalipas mula noong huli naming pag-uusap ni Allen. Sabi ko sa sarili ko na iiwas na muna ako sa kanya pero hindi ko magawa dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili bagkus kabaligtaran dahil siya na ang umiiwas sa akin. Ni hindi nga niya ako kinakausap kapag nakikita niya ako at inaamin kong nasasaktan ako sa tuwing nangyayari iyon.

            

Ngayon ay nasa kwarto lang ako at dahil nababagot ako ay naisipan kong magtungo sa dagat lalo na't malapit na ang sunset. Nagbihis ako ng damit dahil nakapang-bahay lang ako at lumabas na ng aking kwarto. Saktong paglabas ko ng bahay nina celestine ay nakasalubong ko si Allen na may buhat-buhat na mga soft drinks pero hindi man lang ako pinasadahan nang tingin. Napayuko na lang ako at napahinto samantalang siya ay nagdire-diretso ng lakad.

            

Laging ganito ang eksena sa tuwing nagkikita kami. Tila isa akong hangin na nararamdaman nga niya pero tila hindi naman niya nakikita. Nilingon ko siya at nagbabakasakali na lingunin din niya ako pero bigo ako kaya nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa dagat. Gaya pa rin nang dati ay malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin at maingay na pagragasa ng mga alon sa dalampasigan.

            

Napalingon-lingon ako sa paligid mula sa kinaroroonan ko at tanaw ko ang mga ilang bata na naliligo sa dagat. Umupo ako sa dalampasigan at napatitig sa dagat. Naalala ko tuloy noong una kaming magkita kaya napangiti na lang ako nang mapait nang maalala iyon. Napailing na lang din ako sa mga iniisip ko kaya in-open ko 'yong phone ko at nagpatugtog ng musika. Nakatanaw lang ako sa dagat at hinihintay ang paglubog ng araw. Napapikit din ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Ilang segundo lang ay nagmulat na ako at muling tinitigan ang dagat. Napatingin din ako sa kalendaryo sa aking cellphone at napabuntong hininga na lang. Ilang araw na lang ay babalik na ako sa Manila. Hindi lang iyon kundi babalik na muli ang nakakapagod kong buhay doon at sa hawla kung saan ako nakakulong. Napangiti na lamang ako nang mapait habang iniisip ang mga mangyayari pagbalik ko sa Manila at heto na naman ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo. Tila ayoko nang bumalik sa malaimpyerno kong buhay sa Manila pero kahit gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil alam kong hindi ako hahayaan nina mommy na makaalis doon at talikuran sila.

             

Nakatingin lang ako sa papalubog na araw pero bago pa man ito tuluyang lumubog ay napagdesisyonan ko nang umuwi. Pagdating ko sa bahay nina Celestine ay agad akong nagtungo sa kwarto at tumambay sa balkonahe. Mayamaya'y tinawag ako ni Celestine mula sa labas ng kwarto kaya lumabas ako at bumungad nga sa akin si Celestine.

             

"Bakit?" tanong ko rito.

             

"Tatanungin sana kita kung gusto mong sumama sa akin papunta kina Lynjel para tumulong sa pagluluto ng mga handa niya dahil kaarawan na niya bukas. Ano sama ka ba?"

             

"Syempre naman."

     

"Sige. Tara na," wika nito at naglakad na kami paalis ng kanilang bahay patungo sa bahay nina lynjel. Pagdating namin ay nadatnan namin sina Clifford, Kevin, Fiyonah at Allen na kumakain.

             

Nagtama ang mga tingin namin ni Allen at ako na ang unang umiwas dahil blangko lamang ang expresyon nito at wala akong mabasang emosyon sa kanya. Napakalamig ng mga tingin nito.

             

"Kumain na ba kayo Celestine at Diana?" biglang tanong sa amin ng nanay ni Lynjel. 

"Hindi pa po," wika namin ni Celestine kaya ayun niyaya nila kaming kumain. Kumuha na kami ni Celestine ng pagkain at kumain na kami pagkatapos ay tumulong na kami sa pagluluto ng mga handa ni Lynjel.

     

"Hayy salamat at natapos na din," wika ng nanay ni Lynjel nang tapos na naming maluto ang lahat kaya naman heto kami sa sala ng bahay nina Lynjel at nagkukwentuhan.

             

"So, saan tayu pupunta bukas?" tanong ni Celestine.

             

"Sa Rai atrium. Maganda roon kaya gusto kong doon magcelebrate ng birthday. At saka isa pa, malapit na rin naman na kayong umalis ni Diana kaya dapat sulitin natin 'yong mga natitirang araw niyo rito." 

             

"Oww napaka sweet naman talaga eh kaya siguro nafall sayo si Clifford." Pabirong wika ni celestine kay Lynjel kaya ayun nag-asaran na.

             

"Awiit" pang-aasar namin kina Lynjel at Clifford.

             

Makalipas ang ilang oras ay napagdesisyonan na namin ni Celestine na umuwi na dahil pasado alas-otso na ng gabi at dahil delikado para sa amin ni Celestine na maglakad ng kaming dalawa lang pabalik sa kanilang bahay ay magpapahatid kami kay Allen dahil baka may mangyari pa sa aming hindi maganda lalo na't pareho pa naman kaming babae.

             

"Oh bukas ha dapat maaga tayong gumising para maaga tayong makapunta sa Rai atruim." paalala sa amin ni Celestine.

             

"Sige. Babye na," wika namin ni Celestine at naglakad na paalis.

            

Habang naglalakad ako kasama sina Celestine at Allen ay tahimik lang kami. Walang kumikibo kaya naman hindi ako komportable.

Magkatabi kami ni Celestine sa paglalakad samantalang nasa likuran naman namin si Allen. Mayamaya'y inawit ni Celestine ang isang awitin na lalong dumagdag sa nararamdaman kong hindi pagka-komportable at ilang lakaran lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Celestine na siyang ipinagpapasalamat ko.

             

"Salamat sa paghatid sa amin Allen." pasasalamat ni Celestine kay Allen at dumiretso na ito ng lakad. Aalis na sana si Allen ng magsalita ako kaya napahinto siya.

             

"Allen," wika ko at nanatiling nakatalikod ito sa akin.

             

"We're still friends right?" tanong ko rito at humarap naman na siya sa akin. Sinalubong ko naman ang malamig nitong mga tingin.

             

"Oo naman. Sige alis na ako. " wika nito pero hinawakan ko siya sa kanyang balikat na siyang dahilan kung bakit muli siyang napahinto.

             

"Kung mag-kaibigan pa rin tayo. Bakit tila iniiwasan mo ako? Ano bang dahilan mo? Hindi kita maintindihan," wika ko. Bakit ko ba nasabi iyon eh diba ako rin naman umiiwas sa kanya? Hayyy hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa akin. At saka bakit ko ba siya tinatanong nang mga ganoong tanong eh alam ko naman na ang sagot. Minsan kailangan mo pa rin magtanong kahit alam mo na ang sagot kase di ba. Mas gusto natin na marinig mula sa kanya ang sagot.

             

"Hayaan mo na muna ako Diana. 'Di ba't gusto mong limutin at itigil ko na itong nararamdaman ko para sayo? Kaya umiiwas ako sayo kase kapag patuloy lang tayong magkasama ay mas lalong lalalim ang pagtingin ko sayo at alam kong masasaktan lang ako dahil hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin. Mahirap para sa akin na iwasan ka pero kailangan para sa ikabubuti nating dalawa. Ako nga 'yong umiiwas pero tila pakiramdam ko ay ikaw ang umiiwas. I'm sorry pero hinihiling kong hayaan mo na muna ako. Kahit na hindi man naging tayo ay pakiramdam ko kailangan ko pa rin na mag-move on at alam kong kailan man ay hindi magiging tayo dahil hindi pareho ang ating nararamdaman para sa isa't-isa. Malabo din na magkaroon ng tayo dahil gaya nga nang sinabi mo noon sakin ay ikakasal ka na at walang pag-asa na maging tayo. Mas mabuti na yung ganito tayo kaya sana naiiintindihan mo ako." Mahaba nitong litanya at sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay tila tinutusok ang aking puso. Hindi ba dapat ay maging masaya na lang ako dahil umiiwas siya sa akin para makalimutan niya ang nararamdaman niya para sa akin at pati rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit ganito? Nasasaktan ako at parang ayokong malayo sa kanya? Masyadong magulo ang mga nangyayari. Unti-unti ko namang tinanggal ang aking kamay sa kanyang balikat.

             

"S—sige." Iyan lang ang salitang lumabas sa aking bibig at naglakad na ito paalis nang hindi man lang ako nililingon. Sa pangalawang pagkakataon ay minamasdan ko na naman ang lalaking mahal ko na naglalakad papalayo sa akin. Nang hindi ko na ito makita ay pumasok na ako sa bahay nina celestine at agad na dumiretso sa aking kwarto. Pagdating ko sa kwarto ay doon na nagbagsakan ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status