Share

Chapter 6

Paggising ko ay nagtungo ako sa balkonahe at ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ang bumungad sa akin. Pero agad din akong bumalik sa aking silid dahil ang lamig. Napatingin ako sa wall clock at napagtantong alas singko pa lang ng umaga. Maaga akong gumising dahil sa naalala ko na magkikita kami ni Allen ng maaga sa dagat. Hindi ko nga alam kung ano yung sasabihin niya. 

Nag stretching muna ako bago nagtungo sa cr para maghilamos at magmugmog. Pagkatapos ay nagpalit ako ng damit panlabas. Nagsuot din ako ng jacket dahil nga malamig ang simoy ng hangin at lumabas na ako ng bahay patungo sa dagat. Pagdating ko doon ay nadatnan ko si Allen na nakaupo sa dalampasigan kaya agad ko itong nilapitan at umupo sa tabi niya. Nang makita ako ay agad naming binati ng "Magandang umaga" ang isa't-isa.

"So, ano 'yong sasabihin mo at bakit dito pa?" tanong ko sa kanya.

"Dito tayo unang nagkita," wika nito at naalala ko naman bigla 'yong nangyari noon. I can't seems to forget about that moment.

"Oo nga. I still remember how we met. But I do find it pretty funny tho," wika ko at napahalikhik nang mahina. We met in an unexpected time and place. And in an unexpected way possible.

"By the way, matanong ko nga. Bakit ka nga ba palutang-lutang noon?" Tanong ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang rason. 

           

"Ah wala lang. Trip ko lang 'yon dati." Napatawa naman siya sa kalokohang ginawa niya. Pero bakit hindi ako kumbinsido na trip niya lang iyon? Hayst hayaan na nga lang.

           

"At ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong ko muli sa kanya at ewan ko ba kung bakit tila iniiwasan niyang magtagpo ang mga mata naming dalawa. May mali ba?

           

"Uhm Diana." panimula nito.

           

"Yes?" wika ko at hindi ko alam kung bakit biglang parang may mga naghahabulan sa aking dibdib at ang aking mga kamay ay nanlalamig.

           

"What do think of me?" Tanong nito kaya naman napakunot ang aking noo. I do understand his question but I find it weird for me. Weird nga ba o sadyang nabigla lamang ako sa kanyang tanong?

           

"What do you mean?" I ask.

           

"I mean, ano yung tingin mo sa akin? Sino ba ako para sayo?"

           

"Bakit mo naman natanong?" 

           

"Gusto ko lang malaman," wika nito kaya naman bumuntong hininga ako bago sumagot sa kanyang mga katanungan.

           

"Ang tingin ko sayo? Well, astig ka, masipag, you have a charm that can easily make any woman drool over you and you're one of the amazing person I've ever met. And I consider you as my boy best friend even though we have a lot of things to know about each other."

           

"Kaibigan ang turing mo sa akin?" Tanong na naman niya.

           

"Oo. What do you expect?"

           

"Diana paano kung sabihin ko sayo na may gusto ako sayo? Ay hindi pala kita gusto dahil mahal na kita," wika nito at tinignan ako sa aking mga mata ng diretso. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa biglaan nitong pagtatapat at para akong naestatwa ng bigla niyang inilapat ang kanyang labi sa aking labi. Tila may mga paro-parong nagsiliparan sa aking tiyan pero agad ko siyang tinulak nang matauhan ako. This isn't right!

           

"A—Allen" 

           

"Diana. I'm sorry nabigla yata kita."

           

"Allen this is not right. Hindi ka pwedeng magkagusto sa akin at alam mo iyon. Isa pa, hindi pa natin masyadong kilala ang isa't-isa. At saka masyadong mabilis para sabihin mong mahal mo ako," wika ko.

           

"Alam ko naman iyon eh. Pero anong magagawa ko kung mahal na kita? Una pa lang kitang makita ay agad nang nahulog ang puso ko para sayo. Sinubukan ko namang pigilan ito pero hindi ko kaya eh. Ikaw ba? May pagtingin ka rin ba sa akin o wala?" wika nito habang hawak-hawak ako sa aking palapulsuhan.

           

"Hindi tayo pwede Allen. I'm already engaged with someone," wika ko.

           

"Pero pakisagot yung tanong ko kung may pagtingin ka rin ba sa akin?" Hindi ako sumagot dahil naguguluhan ako. Tinanggal ko na lang ang kanyang kamay na nakahawak sa aking palapulsuhan at tumakbo palayo sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit kumikirot ang puso ko habang papalayo sa kanya. I'm sorry Allen pero hindi tamang magkagusto ako sayo. 

                                                           

                                 ~~~

           

Andito ako ngayon nakatulala lang habang nakaupo sa gilid ng swimming pool nina Celestine at nakatampisaw ang aking mga paa.

Napapaisip ako sa mga pwedeng mangyari sa amin ni Allen nang dahil sa pag-amin niya sa akin kahapon. 

           

"Diana." Rinig kong wika ng isang lalaki mula sa aking likuran. Kahit hindi ko tingnan yung nagsalita ay alam kong si Allen iyon dahil nabobosesan ko siya. Huminga ako nang malalim bago siya hinarap at tumayo.

           

"B—Bakit?" tanong ko rito.

           

"I just want to say sorry for what I've done to you yesterday. It's not really my intention. I'm sorry kung nabigla kita. Hindi ko talaga iyon sinasadya."

           

"It's okay. Apology accepted just don't do it again," wika ko at aalis na sana ngunit agad din na napahinto nang muling magsalita ito.

           

"Wala ba talagang pag-asa na maging tayo? Kahit man lang konti? Gusto kong malaman para alam ko 'yong gagawin ko." Hinarap ko ulit siya at naglakas loob akong tumingin sa kanyang mga mapupungay na mata.

           

"Wala kaya pakiusap itigil mo na 'yang nararamdaman mo para sa akin. At saka Isa pa, marami pang ibang babae diyan na pwede mong ibigin. Wala kang mapapala sa akin Allen kapag hindi mo iyan pipigilan. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo. Have you forgotten that I'm already engaged and soon to be someone else's wife. So, it's better if we stay as friends," wika ko at ngumiti.

           

"Sige at kung ganoon ay siguro ngang kailangan ko nang pigilan 'tong nararamdaman kong ito para sayo. Ang tanga ko naman kase eh. Iibig na nga lang sa tao pang malapit ng matali sa ibang tao. Salamat sa pagbibigay linaw na wala talagang pag-asa para sa ating dalawa at nang hindi na rin ako umasa pa na iibigin mo rin ako," wika nito at napayuko naman ako dahil hindi ko na kayang tumingin sa kanyang mga mata.

     

"Ah sige alis na ako. May aasikasuhin pa kase ako," paalam nito at naglakad na palayo. Huminga naman ako nang malalim dahil tila bumigat ang aking pakiramdam. Kaya naman naglakad ako patungo sa kwarto. 

           

"Tama ba yung ginawa ko?" tanong ko sa sarili at ibinagsak ang sarili sa kama.

           

"Oo tama lamang ang aking ginawa dahil wala naman akong nararamdaman para sa kanya. Tama!" wika kong muli. Pero bakit hindi ako masaya sa nangyari? Bakit pakiramdam ko may mali? May mali nga ba o nagi-guilty lamang ako sa nangyari? Hayst hindi ko alam. Kaya naman napagpasyahan kong manood na lang ng kdrama para malimutan ko ang nangyari. Pero hindi ko mawaksi ang gumugulo sa aking isipan kaya naman nagtungo ako sa kusina.

           

Pagdating ko ay kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. Uminom ako at nagtungo sa sala habang hawak-hawak ang baso. Nang bigla kong nabitawan ang basong hawak ko dahil sa pagkagulat sa pagtalon sa akin ng alagang pusa ni Celestine.

           

"Bakit ka ba nanggugulat miming?" Tanong ko sa pusa pero nakatingin lang ito sa akin. Huminga ako nang malalim at isa-isang pinupulot ang mga bubog nang basag na baso nang biglang nasugatan ang aking daliri. Kaya naman nagsituluan ang pulang likido at hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang bumuhos ang aking mga luha. Hindi dahil sa nasugatan ako kundi may nararamdaman akong hindi ko mapagtanto kung ano. Ang hirap naman ng ganito. Yung hindi mo mawari kung anong nararamdaman mo kaya maiiyak ka na lang talaga. And I hate of what I feel right now.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status