Share

Chapter 7

Alas siete na ng naka uwi ako sa bahay. Hindi pa sana gusto ni Troy na umuwi but I convince him to go home. And gladly he listens to me, I am happy to be able to be with Troy's side to comfort him from what he's been through.

" Ma, nasaan si Papa? "

Nasa kusina kami para sa hapunan at nagtaka ako kung bakit hindi ko nakita si Papa sa hapag kainan. I'm being used of us eating together every dinner at nakakapanibago lang that it's the first time na hindi siya sumabay sa amin.

" Sabi ng Papa mo Shane mag o-overtime daw siya ngayon sa trabaho niya, wala daw kasi ang isa sa katrabaho niya kaya siya na ang pumalit ", paliwanag ni mama sa akin.

Isinantabi ko na lang ang aking mga iniisip. At nagsimula na lang kaming kumain, and as usual me and my mother will always have a chit chat of just anything we like to talk to. We always have this mother and daughter time.

My mother is very kind and she's responsible for everything and of our little family, sa pag-aalaga sa amin at sa pagmamahal niya sa amin ni papa.

At dahil niluto ni mama ang aking paboritong chicken curry, kaya naman ay naparami talaga ang nakain ko sa hapunan.

Namana ko sa mama ko ang hilig sa pagluto. I still remember how she lets me watch here in the kitchen doing stuff and lets me explore things in the kitchen when I was still at my young age, and that's why my passion was discovered and rekindled.

Pagkatapos kung maghugas ng pinggan ay pumasok na ako sa kwarto. I check my To Do notebook and wala akong task for tonight.

I am lying on my bed thinking of what just happened earlier. Troy in his sad and weak state is a new sight to me, seeing him like that keeps me worried as hell.

Agad kung kinuha ang cellphone at hinanap ang number ni Troy sa contact lists. I just want to check on him, so a simple text would do.

To Troy:

Hello Troy! It's me Shane I hope you're already home na, and I hope you're feeling better now :)

Pagkatapos ko sinend 'yun ay naisipan ko ulit na e message siya. I just don't want him to feel uncared for, so I hope my text will help him and comfort him.

To Troy:

I may not exactly know how it feels about something you're going through right now,Troy. But know that someone cared for you. I don't know how and I dont when but, Troy you can get through this. Kaya please stop blaming yourself. Sending hugs.

After kung mag send ng another message sa kay Troy ay nilibang ko muna ang sarili ko sa panonood ng paborito kung Korean drama series na siyang kinababaliwan ko. At dahil sa sobrang na aliw ako kakapanood ay hindi ko namalayan na alas nwebe na pala ng gabi. 

Naisipan kung matulog ng maaga para maging maganda ang gising ko kinabukasan, kaya, pagkatapos kung manood ng isa pang episode ay natulog agad ako.

Maaga akong pumasok sa school. At naalala ko na hindi pala ako nakatanggap ng reply kay Troy kagabi, and I understand him for that. I'm not expecting for his reply anyway.

" Shane nakagawa ka na ng recipe mo?" ani Lucy.

Naghihintay kami sa Prof namin ngayon. Mag a alas- otso na kaya he should be here by now. Si Mr. Macaraig kasi 'yung tipo ng Professor na 10 or 15 minutes before the time ay nandito na classroom.

" The chicken recipe, you mean?"

" Oo 'yong kay Joyo the Great. This afternoon kaya yun ipapasa", pagdadabog ni Lucy.

Last week ko pa nagawa ang chicken recipe kaya wala na akong problema. Pero mukhang ang isang 'to ang meron.

" Hulaan ko, hindi ka pa nakagawa ng recipe mo 'no?" mas lalo lang bumasungot ang kanyang mukha.

" Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Inuuna pa kasi ang date kesa sa school works. Sige Lucy ipagpatuloy mo 'yan, at ng masapak ko ulit si Anton sa mukha niya", pangangaral ko sa kanya.

Lucy is smart kaya lang minsan hindi siniseryoso ang pag-aaral dahil mas palaging inuuna si Anton.

" Hoy! Desisyon ko ito 'no at hindi ako nagsisi sa mga oras na magkasama kami ng boyfriend ko", pagdedepinsa niya, ngunit inirapan ko lang siya.

" Shane pag-inggit.. pikit. Bitter ka lang siguro dahil wala kang love of your life 'yung tipong handa kang samahan siya kahit saan at kahit kailan sa anumang dahilan, a man who you imagine to spend your time with and a man worthy of your stupid recklessness ", madrama niyang saad.

" Corny mo! " nandidiring komento ko sa kanya.

At ang gaga ngingisi ngisi lang at inakbayan pa ako.

" Alam mo Shane, pag nagmahal ka walang corny-corny. If you're inlove Shane, wala kang ibang maiisip kundi siya lang, ang mga bagay na gagawin niyo na magpapasaya sa inyong dalawa", seryoso niyang paliwanag sa akin.

Umiling iling lang ako sa ka weirduhang pinagsasabi ni Lucy.

I've never been inlove kaya hindi ko kailanman naiisip o sumagi man lang sa isipan ko ang sinasabi ni Lucy.

Natapos na rin ang boring na discussion ng aming Professor. It's our lunch break already kaya naman I'm expecting Bryle to approach me, pero hindi niya ginawa.

Nakita ko siya na nakaupo lang sa silya niya not moving. Kaya naman ay ako na ang lumapit sa kanya.

" Bryle lunch na tayo,wala si Lucy kaya tayong dalawa na lang muna ngayon" anyaya ko sa kanya.

But he just stares at me. I don't know what's his problem.

" Bryle, may problem ba?" naninibago kasi ako sa kanya. Parang siyang malungkot at galit at the same time.

" Sinundan kita kahapon" mahinang sambit niya at nag iwas ng tingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Does that mean na nakita niya ako with Troy? E ano naman ngayon kung nakita niya? Anong connect nun sa ugaling ipinapakita niya ngayon?

" Bryle, kinausap ko lang si Troy, naawa ako sa tao dahil sa nangyari sa kapatid niya"

Why I am even explaining to him!

" Right! Kinausap" mariing bigkas niya sa huling salita.

I don't know but his like a mad and jealous boyfriend right now. And I don't like it!

" Let's go" nagtataka ko siyang tinignan dahil sa biglaang pag- anyaya niya sa akin.

I'm confused with him.

" Shane tara na sa canteen" nakangiti niyang sabi sa akin tsaka ako inakbayan.

Wtf! A sudden change of mood ganon?

Hilaw akong ngumiti sa kanya pabalik.

Saktong paglabas namin sa classroom ay nagtama ang paningin namin ni Troy. Nakasandal siya ngayon sa pader kaharap ng classroom namin.

I'm glad he's better than yesterday.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at kita ko kung paano napunta ang mapanuri niyang mata sa brasong naka akbay sa akin. At agad niyang idinirekta  sa akin ang madilim niyang tingin at tsaka ako tinaasan ng kilay.

Shit! I slowly remove Bryle's hand at pagharap ko kay Troy, nakatalikod na siya at nagsimulang lumakad paalis.

And the plastic his holding didn't escape my sight. Siguro nagdala siya ng lunch para sa akin, kagaya ng ginawa niya noon. It's making me feel guilty right now.

Nakaramdam si Bryle na gusto kung sundan si Troy kaya naman ay..

" Just follow him Shane", mahinang saad nito.

I'm stuck between the two! I know na kahit sinabi ni Bryle sa akin na sundan si Troy ay may parte parin sa kanya na gusto akong makasama sa tanghalian.

But for Troy, kung hindi ko siya susundan ngayon ay hindi ko alam. He was here pero hindi ko sigurado kung ako ba talaga ang sadya niya.

But that lunch is intended for me... I guess?

" I'm sorry Bryle.. bawi na lang ako sa susunod", malungkot na sabi ko sa kanya bago sinundan si Troy.

Mabilis ang lakad ni Troy kaya naman ay tinakbo ko ang distansya na namamagitan sa aming dalawa, para mahabol ko siya.

Kinalabit ko ang damit niya ng na abutan ko siya. Nandito kami ngayon sa may bench sa malaking puno ng acacia.

May mga estudyante ring naka upo sa mga bench, kumakain ang iba at ang ay tumatambay lang.

Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ako ng masama.

" Sorry, di ko alam na pupunta ka pala", agarang sabi ko sa kanya kahit hinihingal pa ako sa mabilis na pagtakbo.

" Bakit? Kung nalaman mo ba na pupunta ako, di kita makikita na kasama 'yung lalaki na yun? " mariing sabi niya.

Tiningala ko siya, ngunit nag iwas lamang siya ng tingin sa akin.

" Bryle ang pangalan ng tao, Troy, and we really are close friends. This past two weeks kami talaga ang magkasama during lunch time kasama si Lucy."

" Yeah, Bryle it is. Kaya pala hindi mo ako hinanap noon kasi may Bryle ka naman pala ngayon", makahulugan niyang bato sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

What the hell was he talking about!

" Manliligaw ba talaga kita Troy? Kasi kung oo, then you should not stop just because you saw me with other guy. Ano natatakot ka? Ni hindi nga nanliligaw sa akin 'yun e, ano titiklop ka? Dahil lang kay Bryle? Edi stop courting me! Simple as that. " There, I finally spill the beans!

Hinarap niya ako at tiningnan direkta  sa aking mata. Kita ko ang hirap niyang paglunok niya at ang pagbasa niya ng kanyang labi.

" No, hindi ako natatakot, hindi ako tumitiklop at higit sa lahat hindi ako susuko....", he said seriously that it sends shivers down my spine.

Ramdam ko kung paanong bumilis ang pagtibok ng puso ko kasabay ng salitang kanyang ibinato. My heart is beating frantically like its going to explode anytime.

Nag iwas siya ng tingin at parang hirap pang dugtungan ang kanyang sasabihin. Habang ako ay nanatiling parang nakalutang sa ere.

I was shock when he reached for my hands. Hinawakan niya ang mga ito at tiningnan ako ng seryoso sa mata. My breathing hitched or I think I'm barely breathing at this moment.

" I'm just... just.. jealous, Shane, but that doesn't mean I'll stop courting you"

Aatakihin na ata ako nito sa puso! Dahil sa huling linyang binitawan niya para sa akin. Nag- iinit ang pisngi ko, at para akong naiihi sa kilig at sa di ko malamang nararamdaman.

" Itaga mo pa sa bato Shane, hindi ako susuko para sayo.. pangako"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status