Share

Chapter 8

It's Saturday at niyaya ako ni Troy lumabas, of course it's our first date, but not as a couple though.

Alas otso na at ang usapan namin ay

8: 30 am. Pero nandito pa rin ako sa kwarto nakaharap sa salamin at hirap  sa pagpipili ng damit na susuotin.

I don't know but there's a part of me to impress him with my clothes that I will be wearing today, that's why it's kinda difficult for me to choose.

" Hayst, ito na nga lang " sabay kuha ng isang floral puff sleeve dress.

I like it, hapit na hapit ito sa aking katawan at hindi masyadong maikli para sa akin. I just paired it with my white doll shoes.

Nag lagay ako ng konting liptint at hinayaang nakalugay ang mahabang buhok.

" Ma, alis na po ako", paalam ko kay mama na nasa kusina nagluluto for the orders.

" Okay ingat ka, Shane! Tsaka huwag kang pagabi, kung pwede e hatid ka ng ka date mo dito pag-uwi", sagot ni mama sa malakas na boses.

Kagabi ko pa nasabi kay mama na may lakad ako at pumayag naman siya. Pero hindi ako nakapag paalam kay papa kasi nag-overtime ulit siya. These past few days, malimit ko na lang nakaka- usap si papa.

" At tsaka wag mong kalimutan e text Papa mo",paalala ni mama.

" Opo ma! Bye.", paalam ko sa kanya.

Nag text si Troy sa akin na magkita na lang daw kami sa Robinson Mall. Kaya naman ng nakarating na ako ay palinga-linga ako para mahanap siya.

I was busy searching for him ng nakita ko si Bryle mag-isa.

Kinawayan ko siya, at lumingon naman siya sa banda ko pero ng nakita niya na ako ay agad siyang tumalikod at  umalis ng hindi man lang ako pinansin.

Pagkatapos nung pangyayari na sinundan ko si Troy ay hindi na ako masyadong pinapansin ni Bryle. Everytime I asked him to go with us to canteen or to the library para mag review ay marami siyang palusot para di makasama.

Gustuhin ko man tanungin sa kanya kung ano ang problema, ngunit di ko ginawa. I was just wondering because we're friends, and I treasure our moment together with Lucy.

" There you are" I heard a familiar voice at my back.

When I turned around I see Troy in his plain white shirt and shorts. He looks simple but he's handsome as hell.

Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

" Kanina ka pa ba?"

" No.. I mean sakto lang" I was feeling nervous kasi it's my first time to date someone.

Alam mo yun.. nag-iinit ang mukha ko at kinakabahan ako, kung wala pa sigurong aircon dito malamang ay pinagpapawisan na ako ng marami.

" You're blushing" tiningnan ko siya sa nanlalaking mata. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

" Hindi 'no naglagay lang ako ng konting blush on sa mukha ko" white lies to save my ass here.

" Anyway, you're extra beautiful today" komento niya sabay tingin sa aking suot at pabalik sa aking mukha.

Mas lalo tuloy nag init ang pisngi ko. It's a different feeling to be complimented from the person you expected.

" Let's go.. punta tayong Daiso may bibilhin ako" anyaya niya sa akin.

Nag una na akong maglakad sa kanya. Maraming tao sa mall kaya medyo conscious ako of everything.

I can see in my peripheral vision that Troy is trying to keep with my pace.

Mas lumapit pa siya sa akin kaya mas lalo lang naghuremintado ang puso ko.

" Can I get a hold of you hand?" he whispered.

I nodded immediately

Just wth! Talagang hindi pinag-isipan at pumayag agad! Hindi ko alam nakaka tanga din pala pag may ka date.

Ramdam ko ang kamay niya na dahan- dahang hinawakan ang kamay ko, habang nakatingin ng diretso.

I can feel a hallow feeling in my stomach!

Hawak kamay kaming sumakay sa escalator papuntang 2nd floor kung saan ang Daiso.

Para akong lutang na naglalakad because of the undescribable feeling I'm feeling with Troy holding my hand and being this close to me.

" This is the one that I told you about, ng nakita ko ito last week ikaw agad naalala ko"

Sabay pakita niya ng small black and white keychain of a girl in her uniform as a chef. It's simple and cute. And knowing that he remembered me when he saw this is overwhelming.

" It's cute" I said as I get one and examine the detail of it.

" I'll buy one for you"

Pagkatapos ay binayaran niya sa counter. I also buy Majorico chocolate wafer roll and he's willing to pay for it kaya I let him be.

" Here" sabay abot niya sa keychain.

He was smiling at me an expression in which his eyes brighten and the corners of his mouth curve slightly upward.

Tinanggap ko ito at nginitian din siya.

" Shane, I will give this to you as a tiny piece to remind you to keep chasing your dream"

" Thank you Troy. I will treasure this as much as I treasure my dream" I said whole heartedly.

" Okay lang ba sayo kung mag Jollibee na lang tayo o baka gusto mo sa Mang Inasal? "

Palakad-lakad kami habang kinakain ang shawarma na binili niya. I was having a good time with him, not until I saw a man I that I wasn't expecting to see here.

It's my father! May kasamang babae and they seem close with each other!

Nilingon ako ni Troy ng huminto ako sa paglakad. And as much as I want to explain to him ay hinala ko na lang siya at pumunta sa ibang direksyon.

" Ah... Troy siguro sa Mang Inasal na lang.. halikana nasa baba yun" before he could even ask me I grab his hand again and started walking in a faster paced.

Akala ko ba busy sa pagtratrabaho si papa kaya hindi siya naka uwi kagabi. But I just saw him here with a woman! 

Is my father lying to us!? Nagsisinungaling ba si papa at bakit!?

Alam kung naramdaman ni Troy ang pagkatulala ko. Kaya naman ay iniwaksin ko muna ang mga iniisip ko.

" Are you okay Shane? Parang namumutla ka?" concerned niyang tanong sa akin.

I just nod and give him an assuring smile.

" Ah oo... Okay lang ako siguro gutom lang 'to" pag iba ko ng usapan.

Tumango lang siya at medyo hindi naniwala sa sinabi ko.

" Okay ako na mag order, just wait for me here" tsaka sa umalis

I shouldn't ruin our first date with Troy. Alright! Whatever I'm thinking right now, I'll just forget it for a moment. Anyway, I will just asked papa later instead. 

" Hindi pala kita natanong kung anong order mo kaya I order you CM1, pork sisig and halo-halo na lang"

" It's okay Troy hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain" agad kung sagot sa kanya.

We start eating and asking question with each other.

" So, you mean to say na iniwan mo parents mo sa States at pumunta dito with your sister para dito mag-aral?" I asked a little bit curious of his life.

" Yes. Kaya nga noong namatay kapatid ko, si Aina... I took all the blame because the moment we decided to move here inako ko na.. I am responsible for her."

I can still his pain the way he tells it to me.

" Saan ka pala ngayon? Are you living alone then?" I asked trying to divert the topic.

" Sa isang apartment malapit sa university... and I'm not living alone kasama ko si Tine kababata ko, she's studying in the same university with Aina"

'Tine' the way he calls that name parang he's used to call that name.

Right! It's his kababata.

" Aaahh" I said it in a prolong way.

Kita ko ang pag ngisi niya, nakangiting umiling siya, parang natutuwa na hindi makapaniwala.

" Don't be jealous of her. Walang panama yun sayo. You know, we are just like a parallel that would never intersect"

Tama! Parallel hindi nag i-intersect. Pero our life cannot be compared to parallel. Hindi math ang buhay! 

" Para lang kaming haligi sa bahay ni Tine. Dapat nakatayo lang sa tamang posisyon o lugar, hindi pwedeng lumapit sa isa't isa kasi masisira ang pundasyon "

Okay! I think I'm  a little Jealous of that girl named Tine. At 'jealous' lang talaga naintindihan ko sa sinabi niya.

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sarili kong iniisip. But, when realization hits me, agad akong huminto sa pagtawa at umupo ng maayos.

" What? Me jealous? Ako talaga nagseselos? Wala kaya sa vocabulary ko yun 'no! Baka ikaw pa! Selos ka kay Bryle e"

I hit the right spot! Kita ko kung paano biglang nagbago ang kanyang ekspresyon pagkatapos ng sinabi ko.

I just turned the table Troy.

I let a soft chuckles because of the serious expression his showing. God! Mababaliw na nga siguro ako nito.

I admit that this date ables me to get to know more Troy. He's the man I never thought he'd be.

It's past 6 in the evening. Medyo natagalan kami kasi nanood pa kami ng bagong movie sa sinehan, which we really enjoy naman.

" Ihatid na kita sa inyo, dala ko kasi sasakyan ko ngayon", palabas na kami ngayon sa mall.

Sakto! At ang sabi ni mama ay kung pwede'y magpahatid ako sa kanya.

" Sige, hintayin na lang kita sa labas"

Paglabas ko ay madilim na. Because it's raining hard, good thing ay ihahatid ako ni Troy.

Nagulat ako ng huminto ang black na Aston Martin sa harapan ko. At kung hindi pa lumabas si Troy ay para akong tangang nakatayo lang.

" Sa harap ka na umupo" ng akmang papasok na ako sa backseat.

Iginiya niya ako papunta sa front seat. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya nagmamadali agad akong pumasok.

Ng naka upo na ako ay dinungaw niya ako. Inilapit niya ang pisngi niya sa mukha ko. Pigil ang hininga ko dahil sa sobrang lapit namin.

When I saw him not moving, at ang pisngi niya ay mas inilapit sa mukha ko ay walang akong ibang naiisip na dahilan sa ginagawa niya.

I kiss him in the cheek!

Napatingin siya sa akin at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. I see how his lips curve and how his eyes glisten with amusement.

At kung bakit ngayon ko lang na realize that he's up to my seat belt kaya ganoon ang posisyon. I don't know either!

" I-i'm... sorry akala ko kasi...", I stammered because of the wild beating of my heart. Para akong nabingi dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. 

I can hear him chuckling ng nakatayo na siya at nanatiling nasa gilid ng sasakyan at nakapamulsa.

That's so embarrassing!

Dinungaw niya muli ako.

" Damn Shane! You're giving me a heart attack",malambing na sambit niya.

Nag- iwas ako ng tingin sa kanya, I should be embarrassed by now but  my heart beats wildy because I'm feeling giddy.

November 21st, I kissed Troy Jaze on his cheek.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status