Share

The Unchosen Wife
The Unchosen Wife
Author: GirlInNight

Chapter 1

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang naglalakad  palapit sa lalaking naghihintay sa akin sa altar. Bagamat hindi siya nakangiti pero bakas naman sa mukha nito ang kagustuhang maikasal. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang makalapit sa kanya gayong abot-abot na kaba sa dibdib ko at ang takot na nararamdaman ko sapagkat hindi ko inisip na magagawa ko ito.

Dinatnan kong umiiyak si Laila sa condo na tinitirahan niya. Ito’y matapos na makarating sa kanya na ikakasal na siya sa taong hindi niya gusto. Isa pa, wala pa sa isip niya ang pag-aasawa kaya labis na lang sama ng loob na naramdaman niya. 

“Ayokong magpaksal, Rich! Tulungan mo akong i-convince sila mommy na huwag ituloy ang kasal. Please,” pakiusap niya sa akin. 

Pinsan ko siya at malapit kami sa isa’t isa kaya kilala ko na siya. Alam ko na kapag ayaw niya, ayaw niya. Naaawa ako sa kanya  at hindi ko alam kung paano siya matutulungan. 

“Sundin mo na lang sila, Lai. Alam mo naman na para rin iyon sa negosyo ninyo at para rin sa ’yo,” payo ko. 

Mapait siyang ngumiti at pinahid ang luha sa pisngi. “Ano nga bang aasahan ko sa isang mabait at masunurin na anak na tulad mo? Of course, puro mabubuti ituturo mo,” sambit niya at sinabayan pa ng irap. Napasimangot ako pero humalakhak lang siya. 

“Kidding aside! Halika rito.” Inakbayan niya ako at hinila ako palapit. “Hays, wala na siguro akong choice kundi pakasalan kung sino man ’yong lalaking ’yon?” sambit niya.

Napatingin ako sa kanya. Maging siya pala, hindi rin kilala ang pakakasalan. Akala ko sa amin lang hindi ipinaalam, maging sa kanya rin pala. 

“Akala ko nakita mo na o kilala mo na ang papakasalan mo?” tanong ko.

“Not yet, mamaya pa raw ipakikita sa akin,” sagot niya.

Tumango-tango ako nang sabay kaming mapaigtad dahil may kung ano’ng nag-vibrate sa inuupuan naming sofa.

“Si mom, she send the picture of the man I w...will m...marry.” Nanlalaki ang mga mata habang nagputol-putol pa niyamg sambit at tumingin sa akin. “OMG!” dagdag pa niya. Napakunot ang noo ko sa reaksiyon niya.

“Bakit?”

“Si Luke Gonzalez pala ang pakakasalan ko? Your long time crush,” saad niya at ihinarap sa akin ang cellphone niya at mukha nga ni Luke iyon.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon. Hindi ko lang basta crush si Luke, gustong-gusto ko rin siya. Alam iyon ni Lai, siya lang ang bukod tangi kong sinabihan tungkol sa nararamdaman ko kay Luke.

“Gosh. Hindi ko alam na si Luke ang magiging groom ko,” saad niya pero hindi ako umimik. Pakiramdam ko, gusto ko pigilan si Lai na magpakasal kahit ayaw naman niya talaga. Hindi ko maintindihan kung nagseselos ako o naiinggit.

“Huy, huwag ka umiyak, Rich. I will do something. Susubukan ko kausapin si mom, hindi naman kami naghihirap para kailanganin ang tulong ng ibang kompanya.” Natigilan ako sa sinabi niya at napahawak sa pisngi ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Ganoon ba ako kaapektado? Umiling ako sa kanya. “Huwag, alam mo naman na hindi papayag si tita. Isa pa, nasa pamilya na natin ang arrange marriag—” 

“Yes, but, I don’t want to get married. Gusto ko pa mag-enjoy…” Tumigil siya at tumitig sa akin. Pinunasan niya ang pisngi ko at hinawakan ako sa kamay.  

“May plano ako…pero, mangyayari lang iyon kung tutulungan mo ako.”

“A-ano’ng plano?” tanong ko.

Tumingin muna siya sa akin at nag-isip. “Bakit, papayag ka ba?” balik niyang tanong sa akin. 

“I...I don't know! Sabihin mo na lang kasi--”

“Ikaw ang um-attend sa kasal ko.” Hindi siya kumurap nang sabihin iyon.

“A-ano? Hindi pwede! Magagalit sila mommy sa akin at sila tita, lalo na si daddy.”

“Panandaliang galit lang iyon pero kung kami ang ikakasal, well, hindi man lifetime, eh, iyong ilang taon din kaming magsasama, paano ka? I know how much you like him...or love him,” saad niya.

Napatitig ako sa kanya at hindi maiwasang mapaisip sa kung ano iyong sinasabi niyang plano.

“Kung sakaling pumayag nga ako, p-paano natin gagawin ’yon? Sa invitations, sa simbahan, paano?” tanong ko. 

“That’s easy, cous! May name is Lairich, p’wedeng Rich lang ang gamitin ko sa invitation and sa simbahan, I can request it too to my mom. Hindi nalalayo ang pangalan mo sa akin, Erich Gaile. Ako ang mag-aasikaso ng marriage certificate at wedding invitations para hindi ka mabahala.” Hindi ko maiwasang mapatango at mamangha sa sinabi niya. Pero, ganoon ba talaga niya kaayaw muna magpakasal para maisip ang plano na ito? At hanggang saan ang pagmamahal ko sa isang tao para pumayag dito at suwayin ang daddy ko? 

“Paano kapag maglalakad na?”

“Tatakpan ang half ng face mo, only lips can be seen. Halos magkamukha rin naman tayo kaya hindi iyon mahahalata,” sambit niya. 

Tumango-tango ako. “Maglalagay ka rin ng earpiece para makausap kita upang hindi ka magkamali,” dagdag niya.

“So, ano, papayag ka ba? Tutulungan mo ba ako? Ikaw lang makakapagsalba sa akin--” Natigilan siya at napatitig sa akin. “Bakit?” takhang tanong ko. 

“There’s a consequences, Rich,” saad niya. Natigilan ako bigla sa sinabi niya. “Ano, G ka ba? Would you take the risk?” tanong pa niya.

Hindi ko maiwasang tanungin din ang sarili ko. Kakayanin ko ba ang consequences? Ang galit nila mommy at daddy? I used to know as a discipline and good daughter, how can they accept if I failed them. 

“Ayaw mo? Ayos lang naman sa akin, pero Rich, isang beses ka lang naman magkakamali at susuway kina tita at alam ko na para iyon sa kasiyahan mo. You’re pretty and kind woman, Luke will love you, I know. Okay, siguro tunog bad influence na ako rito pero ito lang talaga ang tulong na makakapagsalba sa akin, Rich. Please, help me!” 

Hindi ko alam kung ayaw ba niya magpakasal o gusto pero sa matinding pakiusap niya sa akin at ang nararamdaman ko para kay Luke ang nagdala sa akin sa desisyong ito. Na dahan-dahang lumalakad sa red carpet palapit sa taong mahal ko. Katulad ng naging plano ni Lai ay nagawa ko nga ito. Hindi ko alam ang ibang ginawa niya kung bakit pumayag sa ganito sina Tita Lalaine. Kung ako ang makakasaksi ng ganitong kasal, iisipin kong weird ito. And also this is the very first time na sumuway ako kina mommy at daddy. 

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko nang makalapit na kay Luke. Kahit may takip ang aking mga mata, nakita ko pa rin ang paglahad ng palad niya kina Tita Lalaine—Lai’s mom. Narinig ko pa sa earpiece na nag-sorry si Lai kaya nakaramdam ako ng konsensya pero hindi na ako puwedeng umatras.

“Please, alagaan mo sana ang anak namin, may katigasann man ang ulo niya pero ikaw na sana ang bahala sa kanya.”

“Isa lang ang masasabi ko, huwag mo sanang sasaktan ang anak ko.”

“I will.” Matigas ngunit may paggalang na sagot niya sa parents ni Lai. 

Gusto kong tumakas at takbuhan ang palad niya dahil sa konsensya ko pero sa tuwing naalala ko ang masayang mukha ng pinsan ko, nanghihina ako. Pasaway man si Lai pero maraming beses na niya akong natulungan kapag kailangan ko ng tulong at hindi ko siya narinig na nagreklamo, ngayon lang siya humingi ng tulong sa akin. 

Pumikit ako at huminga ng malalim bago tanggapin ang palad niya. This is it. Sa oras na tanggapin ko ito, tinatanggap ko na rin ang kung ano mang consequences ang makukuha ko. 

Nagsimula na ang seremonyas ng kasal at wala akong ibang nararamdaman kung hindi kaba at takot. Ganito ba talaga kapag unang beses na sumuway sa magulang? At ano kaya magiging reaksyon nina mommy at daddy kapag nalaman nila? Magagalit ba sila sa akin? Lalo na si Luke, ano kaya magiging reaksyon niya kung makita niyang iba ang ine-expect niyang pakasalan? Gusto ko sanang makita ang mukha niya kung masaya ba o nakasimangot pero hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil parang pinagpapawisan iyon. 

“Do you take Luke Gonzalez as your husband, for better or for worse…” Pakiramdam ko nabingi ako nang ako na tinatanong ni father. Mas dumoble na kaba at takot ko dahil kailangan ko ng magsalita. 

“Tinatanong ka ni father.” 

“Y-yes, father!”

Nagsalita si Lai sa earpiece kaya napapitlag ako at napasigaw pa sa pagsagot. Nakarinig ako ng tawanan pero hindi ko na lang iuon pinansin.

“You may now kiss your bride.” Tila tumigil ang mundo ko nang marinig ko iyon. Napalunok pa ako ng iangat na niya ang belo ko at halos hindi ako huminga. Kahit hindi ko siya nakikita dahil sa telang nakaharang, hindi ko pa rin maipagkakailang natatakot ako. Wala akong ibang pinagdarasal na matapos sana ang kasal na ito nang hindi ako nabubuking.

“Congratulations, Mr. and Mrs. Gonzalez!” anunsiyo ni Father. 

Nagpalakpakan silang lahat pero hindi ko magawa sumabay sa pagdiriwang nila dahil nakakaramdam ako ng kirot sa paa ko. Yumuko ako para sana silipin ang paa ko pero hindi ko pa man tuluyang nasisilip nang aksidenteng mahulog ang telang nakaharang sa mukha ko.

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita kong dahan-dahan iyong dinadampot ni Luke. Nanatili akong nakayuko dahil sa takot na dumadagundong sa dibdib ko. 

“Here.” Inalahad niya sa harapan ko ang tela habang unti-unting sinisilip ang mukha ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay bahagya siyang napaatras. 

“Oh my goodness!” Narinig kong reaksyon ni Tita Lalaine at mommy. 

“Who. Are. You?” Mahina ngunit matigas na tanong ni Luke. 

Nangilid ang mga luha ko at pakiramdam ko napipi ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya at hinanap agad sila mommy at daddy na natagpuan kong nakatingin sa akin habang bakas ang disappointment sa mga mukha nila. Hindi ko alam kung paano magso-sorry at kung paano sisimulan ang paliwanag gayong maraming tao rito. 

Madilim na ang titig sa akin ni Luke kaya lumapit sa akin si tita at mommy habang nilapitan naman siya ni Tito Larry, habang si dad ay lumapit sa magulang ni Allan na nalilito rin sa nangyayari. 

“What happened, Rich? Nasaan—” Nabitin sa ere ang sinasabi ni Tita Lalaine nang sumingit si mommy.

“Let’s not talk about it here, Lalaine. Masyadong maraming tao, baka makahalata sila. Tapos na naman ang kasal kaya umuwi na muna tayo at doon tayo mag-usap sa bahay,” bulong ni mom. Sumang-ayon naman si tita.

Pinagsabay pa rin kami ni Luke sa paglabas ng simbahan at pinilit kong ngumiti para hindi mahalata. 

Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng sasakyan ni Luke, together with my parents and with his parents na naguguluhan din sa nangyayari. Marahas nang tinanggal ni Luke ang coat na suot niya at ramdam ko ang galit niya.  

Tumingin ako kay daddy na may pagsusumamo pero disappointment lang ang nakita ko, pagkatapos ay umiwas na siya ng tingin. 

‘Sorry, dad. I failed you this time.’ Sa isip ko at pumikit na lang ako habang bumabyahe. 

‘I’m sorry, Rich. Nadamay ka pa sa magulong buhay ko,’ sambit ni Lai sa earpiece na suot ko pa rin hanggang ngayon, pero hindi na ako sumagot pa dahil gulong ginawa ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status