PAGDATING sa bahay, nagsiupuan ang mga oldies sa sofa habang si Luke ay hindi nagpapaba rito. No one knows kung saan siya pupunta. Umupo na lang ako sa tabi ni mommy.
Binabalot kami ng katahimikan hanggang sa si daddy na ang bumasag dito. “I’m sorry, Mr. and Mrs. Gonzalez. We didn’t know---”
Napatigil siya nang putulin siya ni Mrs. Gonzalez. “Drop the Mr. and Mrs. thingy, balae.” Ngumiti siya at saglit ako sinulyapan. “Okay lang naman sa amin kung siya ang naging asawa ni Luke, maybe Lai is not ready for this. Your daughter is pretty, kind and good woman. I know she can love and take care my son. Ang gusto lang naman namin ni Leo ay magkaroon ng disenteng asawa itong si Luke, lalo na at tumatanda na kami. And I’m happy na si Erich iyon, I really like you for my son since the very first day,” dagdag niya.
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa mga narinig ko pero hindi ko rin mapigilan maging malungkot dahil sa ginawa ko, hindi iyon nagustuhan ng parents ko. At tila naramdaman ni mommy na hindi ako komportable.
“Oh, siya, sa dining muna tayo para makakain. Nagpahanda na ako kanina bago tayo pumunta rito. Let's go,” saad ni mommy at kinindatan ako. Nakahinga ako ng maluwag doon, dahil kahit paano alam kong hindi galit sa akin si mommy.
“Alright. Maiwan muna namin kayo. Luke, mag-usap muna kayo,” sambit ni Tita Alice—his mom at sumunod na kay mommy.
Naiwan kaming dalawa sa sala ni Luke. Hindi ako bumago ng pwesto o upo dahil mas lalo akong kinabahan ngayong kami na lang dalawa ang magkasama.
“Disgusting.”
Napatingin ako kay Luke ng magsalita siya. Hindi ako nagtanong kung sino ang kausap niya dahil hindi naman siya nakatingin sa akin, pero nang mag-angat siya ng tingin at magtama ang mga mata namin, pakiramdam ko nabato ako sa kinauupuan ko. Lalo na ng magbitaw siya ng mga salita.
“You’re disgusting. I don't even know your name, then why are you marrying me. Ano’ng akala mo sa kasal, laro lang? Ganoon ka na ba ka-eager magkaasawa at kahit hindi naman para sa iyong kasal pinatos mo?” madiin ngunit malamig niyang sambit. Tumayo siya ng nakapamulsa at humarap sa akin. “Tandaan mo, hindi ko gusto ang kasal na ’to, kaya huwag kang magtataka kung hindi buhay prinsesa ang maging buhay mo sa akin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, tinalikuran niya ako at iniwang mag-isa sa sala.
Pumatak ang luha ko dahil sa sakit na naramdaman, dahil ayokong may makakita sa akin na umiiyak ako, nagmadali akong tumakbo papunta sa kwarto at doon ibinuhos ang lahat ng luha.
Kumuha ako ng notebook at ballpen.
August, 08, 2019. The day that our marriage happened. I am married to the man that I love even though he don't love me, he even don't know me. Because I am his unchosen wife.
Nang maisulat ko iyon, itinupi ko at inilagay na sa drawer. Nagpunas din ako ng luha at nagpakawala ng buntong-hininga saka humiga sa kama. “Sana paggising ko hindi na ganoon kasakit ang lahat.”
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko. Napabalikwas pa ako ng bangon at hinagilap agad ang phone ko. Nakita kong si Lai ang tumatawag at napatitig ako sa pangalan niya.
Alam kong nag-aalala siya sa akin pero alam naman namin pareho na ginusto ko rin ito. Kung ano man ang mangyari sa akin, labas si Lai doon. Hindi ko sinagot ang tawag niya. Ayokong marinig ang sasabihin niya, dahil alam kong magso-sorry lang siya at ayoko no’n. Ayokong question-in ang sarili ko kung tama ang ginawa ko, basta masaya akong akin na ngayon si Luke. My ultimate crush.
Nang ilapag ko ang cellphone, narinig ko naman na may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kaya tiningnan ko agad ang sarili ko sa salamin kung bakas ba na umiyak ako. Hindi naman kaya nagmadali na akong buksan ang pinto. Bumungad si mommy may na mayroong dalang pagkain na nasa tray.
“Mom.”
“Maybe you're hungry. Hindi ka pa kumakain kaya naisip kong dalhin na lang dito,” sambit niya. Pumasok siya sa loob at dumiretso sa kama.
“Nasaan na po sila Tita Alice at Tito Leo?” tanong ko.
“Kanina pa sila umalis. Sayang daw at wala tayong maayos na reception sa kasal ninyo.” Natahimik ako sa sinabi ni mom. Nakahihiya talaga ang nangyaring ito.
“Sorry, mom, for the first time in my entire life, ngayon ko lang kayo sinuway ni dad,” bulong ko. Napayuko ako dahil hindi ko kayang tingnan si mommy nang hindi nagi-guilty.
Pero naramdaman kong hinaplos niya ang kamay ko. “Look at me, darling. I am not mad. Nagulat, oo, kasi we’re expecting na ikaw ang maid of honor then malalaman na lang namin na ikaw pala ang bride,” ngumiti siya. “Kung may nararamdaman man ako ngayon, iyon ay panghihinayang dahil hindi ko man lang nagawang pilian ka ng wedding gown at handaan ng bongga," saad niya at tumawa. Natawa na lang din ako dahil alam kong may katotohanan iyon. Pero agad din naglaho ang ngiti ko nang maalala si dad.
“Mom, si daddy, alam kong galit siya sa ginawa ko,” saad ko.
“Temporary lang iyon, mawawala rin iyon kapag nakita niyang masaya ka. Basta sa ngayon, hayaan mo muna si daddy mo. Kumain ka na at magpahinga dahil bukas lilipat na kayo sa sarili ninyong bahay,” saad niya at tumayo. “I can't believe na at the age of twenty-two ka mag-aasawa. You're not my baby anymore,” ngumiti siya sa akin at maikling ngiti lang ang isinukli ko. “Goodnight, darling. I love you, sweetdreams.”
“Thank you, mommy. Good night.” Tumango lang siya at naglakad na palabas ng kwarto ko. Nang maiwan na akong mag-isa, sinimulan ko na rin kainin ang dinala ni mommy na adobo at konting rice.
Alam talaga ni mommy kung paano ako pakakalmahin. Adobo lang, okay na ako. That's her way to say everything’s gonna be okay.
Pero nang maalala ko ang sinabi ni Luke kanina, nalungkot na naman ako. At simula bukas, hindi ko alam ang mangyayari lalo na at kami na lang ang magkasama sa bahay. Bahay na sana’y para sa kanila ni Lai.
PAGKATAPOS kong maglinis ng bahay ay tumambay ako sa garden para magpahangin at hinihintay ko rin ang update ni mommy tungkol sa request ko. Kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko agad kong tiningnan iyon. I thought si mommy iyon but it was Tita Lalaine. Text message: Tita LalaErich, I am sorry but we can't accept your request. Ayaw pumayag ni Luke na lumipat ka. Nakaramdam ako ng inis kay Luke. Hindi ko na siya maintindihan. Ako na nga ang lumalayo sa kanya para wala kaming pagtatalo tapos ganito naman ginagawa niya. “Napakahirap intindihin ng lalaking iyon. Okay na kasi ako sa company namin bakit kinuha pa niya ako,” bulong ko sa sarili ko. Muling nag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon it was a text message from unknown number. Napakunot ang noo ko bago iyon basahin.Text message from: Unknown numberPumunta ka rito. I need you in my office. Wala akong secretary.Nang mabasa ko iyon, nalaman ko na kung kanino iyon galing. Napabuntonghininga na lang ako dahil wala na
Pagkatapos ko iayos ang schedule niya for appointments and meeting with the investors ay napatingin ako sa phone ko. May isang text doon kaya sinulyapan ko si Luke at nakita kong abala siya. Kaya kinuha ko ang cellphone at binasa ang text. Messages From: JaredHey! Where are you? Wala na agad sa work mo?Pagbasa ko. Siguro, pinuntahan ako nito sa trabaho o kaya nagtanong kina Jennifer. Speaking of Jennifer, hindi ko na pala sila nakausap mula nung huling pagkikita namin. Babawi na lang siguro ako sa next Saturday.Nagtipa ako ng reply para sa kanya at hindi ko pa man natatapos ang pagta-type, nag-ring ang telepono ng office. Agad kong sinagot dahil baka emergency iyon. “Hello po?”“Oras pa ng trabaho nagce-cellphone ka na? Pumunta ka rito. I need my schedule,” sabi sa kabilang linya. At walang iba kundi si Luke. Hindi na ako umimik at sumunod na lang. Dinala ko ang book kung saan ko isinulat ang schedule niya.“Ano’ng oras ang first meeting ko?” “Ten o’clock with Mr. Carlos,” sagot
Naramdaman ko na may dumamping palad sa pisngi ko. “Whay are you crying, Gaile?” tanong nito na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Agad kong pinahid ang luha ko at doon ko lang napansin na hindi na pala siya kumakanta at nakatingin na lang sa akin. “Gaile, may problema ba?” tanong niya. Napatitig ako sa kanya at kita ko ang pag-aalala niya. Muling nangilid ang luha ko ngunit umiling ako. “Impossibleng wala, alam kong mayroon. Ano ’yon? Tell me,” sambit nito ngunit nanatili akong tahimik. “Is it about Luke?” tanong nito. Natigilan alo kaya napabuntonghininga si Lai. “I knew it.”“I’m sorry, alam ko nasasaktan ka na and this is the consequences ng ginawa natin. Sorry dahil ikaw ang nagsa-suffer,” sambit niya kaya mabilis kong pinahid ang luha ko at umiling. “No, Lai, hindi ba at sinabi kong wala kang kasalanan. Ginusto ko ’to,” saad ko. “Oo nga pero ayokong nakikita kang ganiyan. Sinasaktan ka ba niya? O nasasaktan ka na?” Hindi ako umimik sa tanong niya kaya muli siyang nagsalita.
Chapter 11Maaga ako bumangon at dumiretso agad sa kusina, nakita kong may malamig na kanin kaya naisipan kong gawing fried rice iyon kaya dinurog ko na. Nagsaing pala si Luke kagabi pero nakakapagtaka at wala si April. Nagkibitbaikat na lang ako at isinalang na ang kawali para magprito ng itlog at hotdog. Tig-isang piraso lang ang lulutuin ko dahil nakaalis na si Luke, kung sakaling nandito siya ipagluluto ko siya kahit pa hindi ako sigurado kung kakainin niya. Sa kalagitnaan ng pag-aalmusal ko, biglang tumunog ang cellphone ko, it was Tita Lalaine. Napakunot ang noo ko bago ito sagutin. “Hello, tita?” “[Hello, Rich, huwag ka muna pumasok today, wala naman ako schedule today kaya pahinga ka muna, okay?]” Nagtaka ako sa sinabi ni tita kaya magtatanong pa sana ako pero narinig kong may sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay.“O-okay po,” sagot ko na lang at naputol na ang tawag. Napatingin ako sa sasakyan at nakita kong si mommy iyon. Kumaway siya bago pumasok sa loob, hindi na
“Erich, ready ka na?” Lumapit sa akin sina Jennifer, Maica at Shane. Pareho-pareho silang nakapostura na tila pumutok ang labi sa sobrang pula. At hindi na rin sila naka-office attire, nakapang party dress na. “Kailan kayo nag-change outfit?” imbes ay tanong ko sa kanila. “Kanina bago kami pumunta rito. So, let's go?” sagot ni Shane. “’Yan na ba ang suot mo?” tanong ni Maica at tumango ako. ”Okay lang ’yan, baka gusto lang niya mag-relax. Tara na,” wika ni Jennifer. “Sabagay, wala rin naman sa iyong pretty face na iinom ka sa isang bar,” wika ni Maica. Ngumiti na lang ako sa kanila at thankful dahil naiintindihan nila ako. Sabay-sabay na kaming lumabas ng company building para magtungo sa Twister Bar. Dahil walking distance lang naman ang bar, mabilis kaming nakarating doon at napa-wow ako nang pumasok kami sa loob. Totoo nga ang kuwento nila. Mayroon ngang second floor na para sa gustong mag-inom at sumayaw while sa baba naman ay kantahan. May mini stage at naghanay na mg
“[Hey, saan nagwo-work ang cousin ko?]” bungad na tanong ni Lai nang sagutin ang tawag ko. Kauuwi ko lang ng bahay at nanibago akong hindi ko dinatnan si Luke, maybe he's with that girl again. At maaaring nagde-date sila or something na hindi ko alam—“[Rich, still there?]” Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Lai. Muntik ko nang makalinutan na kausap ko nga pala siya. “Yeah, I’m working mom and dad's company. I'm the secretary of your mom,” sagot ko. “[Si mommy?]”“Yes, nasa out of town kasi sina mommy kaya siya muna binilinan to manage the company,” sambit ko pero natahimik siya. Akala ko hindi na siya magsasalita.“[ How's my mom? Okay lang ba siya? I miss her, Lai.]” Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya napangiti ako. Hindi dahil malungkot siya kundi ito na ang tamang oras para magkaayos sila. “She’s fine. And you know what, miss ka na rin niya. She feel sorry for what they’ve done to you. Lai, baka ito na rin ang oras para kausapin sila dahil wala naman mangyayari