Share

TUG: Chap 33

Order

"Ate, anong ginawa mo kagabi?" mahina kong tanong kay ate ng makasabay ko siyang makipag-umagahan kinabukasan. Si mama naman ay nagwawalis na sa labas at si papa naman ay pumasok na sa munisipyo para mag-trabaho.

Seryoso lang siyang nakatingin sa plato niya habang ngumunguya. Napainom ako ng gatas at nakatingin pa rin sa kanya, hinihintay ang sagot niya.

"Ate."

"Kinausap ko siya," I sighed and just shook my head. Tumayo na ako at hindi na tinapos ang kung ano mang sasabihin niya.

Papaalis na sana ako ng magpatuloy siya.

"Sinabi ko sa kanya na bumalik na lang ulit siya kapag seryoso na talaga siya sa'yo, Yenji. Mukhang wala siyang alam sa mga pinagse-send sa'yo."

Napailing ako at humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. "Imposible," I whispered and walked out of the house.

Naabutan ko si mama na patapos na sigurong mag-walis. "Ma, uuna na ako," I informed her. Umayos siya ng tayo.

"Sige, anak. Ingat ka. Tapos ka na bang mag-umagahan?"

"May natira pang kaunti, ma. Busog na ako," I
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status