Home / Mafia / The Unexpected Heir / Chapter 6: Meet the brother

Share

Chapter 6: Meet the brother

Author: IamLeilie
last update Last Updated: 2025-04-25 15:57:05

“Puff.”

Nabigla si Shaun na noon ay nakatutok sa laptop. Napaubo siya ng dalawang beses, at nang lingunin niya, nakita niya ang seryosong mukha ni Yesha. Bigla siyang natuwa sa batang ito.

"Gusto mo ba 'yan?" tanong niya, medyo aliw ang tono.

Tahimik na tumango si Yesha habang hawak-hawak ang makina sa kamay, seryoso ang mukha.

Ngumisi si Shaun, at may kapilyuhan sa kanyang gwapong mukha. "Pwede naman. Pero alam mo bang gamitin 'to? Ang mga ipad cellphone at laptop at computer, komplikadong mga  bagay 'yan. Hindi 'yan madaling maunawaan ng mga tulad mong bata."

Lumapit agad si Yesha at magalang na nagtanong, "Paano po ba ito gamitin?"

Naalala ni Shaun ang huling pagkakataong nagreklamo sa kanya si Angel habang umiiyak, dahil binully raw siya. Lalo siyang natuwa at lumaki ang ngiti sa labi. Tinawag niya si Yesha palapit, at pinakita ang laptop binuksan ang pahina ng program code at sinabi, "Tingnan mong mabuti. Yung mga magagandang larawan na nakikita mo, gawa 'yan sa mga letrang ito. Halimbawa..."

Habang nagsasalita, mabilis niyang tinipa ang keyboard. Lumitaw ang mga linya ng code na parang mga mahiwagang titik. Maya-maya, pinindot niya ang enter, at lumitaw ang isang bagong page.

"O, kita mo? Madali lang 'yan." Itinulak niya ang laptop sa harap ni Yesha, saka yumuko at pabulong na nagsabi, "Gusto mong subukan? Kahit tanga, maiintindihan 'to. Kung hindi mo magawa, ibig sabihin, bobo ka. Huwag mo na akong tawaging kuya, at kapag nakita mo ako sa labas, huwag mo na akong kilalanin. Gets?"

Nasa gilid ang butler, pawis na pawis.

Alam kasi ng butler kung gaano katalino si Shaun sa teknolohiya. Nakapag-aral pa ito sa Chinese Academy of Sciences ng isang taon, at halos propesyonal na ang kakayahan sa programming. Kaya naman, obvious na niloloko lang niya si Yesha.

Ganito rin ang ginawa niya kay Angel dati hanggang sa mapaiyak ito, at hanggang ngayon ay umiiwas pa rin sa kanya ang bata.

Napatingin ang butler kay Yesha. Galing pa probinsya ang bata baka nga ngayon lang ito nakakita ng computer. Lalong kinaawaan ang bata.

Nang makita ni Shaun na nakatitig pa rin sa screen si Yesha, tinulak niya ito ng bahagya, "Ano? Gawin mo na. Pinahiram ko na sa'yo ang precious kong laptop. Kung kapatid talaga kita, dapat magawa mo ito."

Napadikit si Yesha sa mesa at dahil sa height niya, parang nakapatong ang ulo niya sa keyboard. Natawa si Shaun at kinuha siya para iupo  ng maayos sa gaming chair. Pinaglaruan ni Yesha ang keyboard, pinindot ang ilang keys, at maingat na tinitigan ang mga letra sa screen.

Napa-krus ng mga binti si Shaun, sabik na sabik na makita si Yesha na magkamali at sumuko. Hinihintay na lang niya ang tamang oras para asarin ito.

Hindi pa talaga nakakagamit si Yesha ng laptop noon. Ang tanging pagkakataon lang na nakakita siya nito ay nung dumaan ang ilang kriminal sa border ng kanilang nayon. Alam niyang makapangyarihan ang bagay na ito at nakaka-access ng balita mula sa labas. Kaya agad siyang nainteresado.

Noong una, awkward pa siya sa keyboard, at hindi niya kabisado ang posisyon ng mga letra. Wala rin siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Pero mabilis siyang matuto, at magaling siyang umalala. Sa tulong ng mga imahe at logic ng pagkakasunod-sunod ng code, unti-unti siyang natutong mag-type.

Mabagal pa sa simula, pero nang kabisaduhin na ng kanyang utak ang layout ng keyboard, bumilis na rin ang kanyang mga daliri. Natututo na rin siyang mag-experiment ng mga kombinasyon habang nagtatype.

Akala ni Shaun ay nag lalaro  lang si Yesha. Pero nang makita niya ang code nito...

Nahulog ang hawak niyang chopsticks.

Nang pinindot ni Yesha ang enter key at lumabas ang bagong pahina, natulala si Shaun.

"Ikaw ba ang gumawa nito?" tanong niya, mabilis na kinuha ang Laptop para tingnan kung paano siya dinaya.

"Eh, hindi mo ba nakita kung anong tinype ko?" tanong ni Yesha, nagtataka.

"Hindi 'yan ang ibig ko sabihin!" halos mapasigaw na si Shaun. "Okay naman lahat, pero... ang dami mong typo error?!"

Tinuro niya ang mga mali. Tumango si Yesha, "Alam ko lang po kasi ay tagalog."

Hindi pa kasi siya nakapasok ng paaralan. Yung kaunting alam niyang salita ay mula sa mga code ng kanilang border communication.

Hindi na alam ni Shaun kung ano ang sasabihin.

Tinitigan niya si Yesha na parang nakakita ng multo. Sa sumunod na segundo, binuhat niya ito at mabilis na umakyat ng hagdan.

"Young master!" sigaw ng butler, takot na takot. "Bawal pong manakit, sabi ni master!"

"Manahimik ka!" sagot ni Shaun, sabay sara ng pinto.

Pinaupo niya si Yesha sa gaming chair, binuksan ang apat na malalaking screen, at pinakita ang codes.

"Anong kaya mong intindihin dito?"

Tinitigan ni Yesha ang mga screen. Kumplikado ang mga character, kakaiba ang mga kombinasyon. Habang tumatagal, napansin niya ang isang maling linya sa pangatlong screen.

"May mali dito," aniya, sabay turo.

Napakunot-noo si Shaun. "Saan?"

Tinapik ni Yesha ang screen, binura ang code, at nag-type ng panibago. Bago pa man siya pigilan ni Shaun, pinindot na niya ang enter.

"Hoy, huwag mong—!"

Bigla siyang naputol. Ang ginagawa nila ay parte ng hacker competition. Nasa gitna na sila ng intense na laban. Hindi siya natulog ng ilang araw, at ngayon, parang sinira lang ni Yesha ang lahat.

Akma na siyang magalit, nang biglang lumiwanag ang screen at lumabas ang salitang "WIN". Sumabay ang hiyawan mula sa kanyang teammates.

" Shaun, ang galing mo! Nahanap mo agad 'yung weak spot. Talo ang kalaban! Champion tayo!"

Napatitig si Shaun sa screen, nanlalaki ang mata.

Putcha.

Nang lingunin niya si Yesha, iba na ang tingin niya. Parang naliwanagan siya.

"Gusto mo pa ng laptop? Bibilhan kita," sabi niya, parang nahihiya pa.

Hindi alam ni Yesha ang tungkol sa laban, pero alam niyang nakatulong siya. Kaya tumango siya agad. "Oo, gusto ko."

"Okay, tara. Labas tayo."

Nagmamadaling nagbihis si Shaun at dinala si Yesha pababa.

Nasa may hagdan ang butler, at nang makitang ayos sila, napabuntong-hininga siya ng malalim. Pero nanlaki ang mata niya nang marinig ang balak ni Shaun na isama si Yesha sa labas.

Kilala kasi siya bilang sobrang talino pero mahirap pakisamahan. Hindi rin niya gusto ang adopted sister nilang si Angel, at madalas hindi kinakausap ang kahit sino sa bahay.

Pero ngayon, si Yesha na bagong dating pa lang, ay parang may mahika at napalapit agad sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Unexpected Heir   Chapter 13

    Hindi maiwasang madurog ang puso ni Shaun sa kaswal na paggamit ni Yesha ng salitang "patay." Napatingin siya kay Captain Kim nang may galit, sinisisi ito sa pagbukas ng malungkot na nakaraan ng bata.Ngunit maging si Captain Kim ay tila nahihiya. Nang tingnan niya si Yesha, isang batang mukhang nagdusa ng sobra sa murang edad, hindi niya mapigilang humanga. Sa kabila ng hirap, nagawa nitong panatilihin ang kabutihan sa puso at magpakita ng tapang na bihirang makita kahit sa mga nakatatanda.Sa huli, napagpasyahan ni Captain Kim na huwag nang magtanong pa. Tumayo siya kasama ang kanyang mga tauhan, muling nagpasalamat kay Yesha, at umalis nang may mabigat na damdamin."Anong klaseng mga tao sila? Hindi sila marunong humawak ng kaso, pinaghihinalaan nila ang sarili nilang mga tao." Masama ang loob ni Shaun kay Captain Kim at sa iba pa. Habang hinihila si Yesha pabalik sa bahay, patuloy siyang nagrereklamo. Pagtingin niya sa payat na pulso ni Yesha, agad niyang inutusan ang kusina na

  • The Unexpected Heir   Chapter 12

    Gusto ni Andi na makontrol niya si Yesha, kahit ayaw man niyang aminin ito nang diretso. Alam niyang kailangang manatili si Yesha bilang "anak" ng pamilya Moon upang mapanatili ang lihim na kanilang itinatago.Bago umalis, iniabot ni William ang kanyang number kay Yesha. "Kung may kailangan ka, tawagan mo ako." Tumango si Yesha at inilagay ang papel sa kanyang bulsa. Lagi niyang pinapahalagahan ang kabutihang ipinapakita sa kanya ni William.Nang makabalik sa bahay, si Shaun na lang ang sumama kay Yesha. Nagpaalam na sila dahil si Angel ay maiiwan sa hospital para sa karagdagang pagsusuri.Matapos makapag-shower ang dalawa, biglang dumating ang mga pulis upang kunin ang kanilang pahayag.Sa Sala ng pamilya Moon Bukod sa captain at taga record ng sasabihin ng dalawa bata, higit sa isang dosenang pulis ang nakatayo sa sala.Sa tapat ng sofa, nakakunot-noo si Shaun habang nagtatanong, "Kailangan ba talaga ng ganito karaming tao para sa pagkuha ng salaysay?" Kung hindi mo alam, maiis

  • The Unexpected Heir   Chapter 11

    Mabilis na kumilos si Yesha. Ang maliit niyang katawan ay parang hangin na dumaan sa gilid at likuran ng lalaki. Sa isang kisap ng malamig na liwanag mula sa kanyang kamay, mabilis niyang tinaga ang pulso ng lalaki. "Agh!" Kasabay ng sigaw, nalaglag ang baril mula sa kamay ng lalaki. Bumagsak siya sa sahig at nangisay. Napansin niyang may paparating na grupo ng mga tao. Isang bakas ng kawalang-pag-asa ang lumitaw sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas na ginamit niya upang hawakan ang gatilyo ng baril gamit ang kabilang kamay at itutok ito sa kanyang tiyan. Nang makita ang eksena na iyon, sumigaw ang mga pulis na nasa ilang metro ang layo "Lahat, dumapa!" Agad na dumapa ang lahat ng papalapit, nakatakip sa ulo ang kanilang mga kamay. Dahil hindi nila alam kung gaano kalakas ang posibleng pagsabog, ang pinakamadali na paraan para mapanatili ang kaligtasan ay ang pagdapa ng hindi dumami ang sugatan.Ngunit sa susunod na sandali, narinig ng lahat ang is

  • The Unexpected Heir   Chapter 10: Hostage

    Si William at Shaun ay yumuko at tumingin sa ibaba, ngunit ang maliit na katawan niya ay mabilis nang nagtago. Hindi lang ang lalaking may baril, kundi pati na rin ang mga tao sa paligid ay napansin ang kanyang presensya. Tumitig sila sa direksyon na iyon na may pagtataka, hindi alam kung ano ang nangyayari.Nakita ni Shaun si Yesha na nakaupo, maingat na gumagapang sa gitna ng mga tao, papalapit kina Mrs.Moon at Angel, dahan-dahan. Bigla niyang hinawakan ang braso ni William at nagsalita nang may kaba, “tama ba tong ginawa ko? Kababalik lang niya…”Alam niyang ang kanyang ama ay pera lamang ang mahalaga, at ang kanyang ina ay tiyak na mas gusto si Angel. Para sa kanya, ang batang ito ay bigla lamang niyang isinama sa lakad nang walang plano. “Sulit ba ang salitang ‘kapatid’ para sa panganib na ito?” tanong niya sa sarili.Lumingon si William upang tingnan siya ngunit hindi niya masabi na hindi iyon kanilang tunay na pamilya kundi nagpapanggap lamang. Ngunit sa sandaling ito, iisa l

  • The Unexpected Heir   Chapter 9: The holdaper

    Wala ng kailangan pa si Yesha, kaya umiling siya at gustong umuwi para magbasa nga mga libro na binili nila. Sa sandaling iyon, isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa first floor. Bang. "Ah!" Sa gitna ng sigawan ng mga tao, agad na nagtago si Yesha at yumuko. Ganoon din sina Shaun at William, na nagulat at kusang sumunod kay Yesha upang magtago sa ilalim ng salamin na harang."Anong tunog iyon?" reklamo ni Shaun habang nararamdaman ang sakit ng kanyang tainga. Biglang humarap si Yesha, itinaas ang daliri sa labi upang senyasan siyang tumahimik, saka bumulong, "Putok ng baril iyon."“Ano?” Sabay nagulat sina William at Shaun, at agad nilang sinundan ang tingin ni Yesha. Tama nga, nakita nila ang isang lalaking may suot na maskara at may hawak na baril na nakatutok sa mga tao."Manahimik kayong lahat!" sigaw ng lalaki habang binabasag ang salamin sa counter ng tindahan ng ginto. "Ilabas niyo ang lahat ng ginto, bilisan niyo!" Nanginginig na tumayo ang mga staff, itinaas a

  • The Unexpected Heir   Chapter 8: Ice cream

    Pagdating sa pag-aalaga ng mga bata, talagang mas maaasahan si William dahil sa kanyang pagiging maalalahanin at matiyaga.Matapos pumili ng libro, lumabas ang tatlo sa bookstore, at inaya ni William si Yesha na kumain ng ice cream."Hindi naman matamis iyon, ano ang masarap doon?" wika ni Shaun,habang umiikot ang mga mata, hindi mahilig sa matatamis. Nang lingunin niya ang paligid, napansin niyang ang dalawa ay nakatayo na sa pintuan ng ice cream store.Itinuro ni William ang menu at yumuko kay Yesha, "Mayroon ka bang favorite flavor?"Umiling si Yesha at nakatingin sa makulay na flavor sa menu, "Hindi pa ako nakakatikim nito."Narinig ito ni Shaun na nasa likuran lamang nila, at saglit siyang natigilan. Noon lamang niya napansin na ang bata ay payat, dry at sabog ang kulay nabo nitong buhok. Marahil ay hirap din ito kumain ng tama, kaya’t hindi nakakapagtaka na hindi pa ito nakakatikim ng ice cream.Saglit siyang nakaramdam ng pagkahiya sa sarili at naawa sa bata. Agad niyang hinawa

  • The Unexpected Heir   Chapter 7: William and Shaun

    Hindi sila tumigil habang papunta sila sa kotse.Si Shaun ay sobrang curious kay Yesha. Alam niyang hindi pa siya marunong magbasa ng marami, kaya ginamit niya ang kanyang cellphone para maghanap ng diksyunaryo at tinanong si Yesha kung makakabasa siya.Sa hindi inaasahang paraan, pagkatapos ng labing-dalawang minuto, nang makarating sila sa World Trade Center, natapos na ni Yesha ang buong diksyunaryo.Hindi makapaniwala si Shaun, kaya tinuro niya ang ilang mga salita sa tabi ng kalsada at pinabasa ito kay Yesha.Tiningnan lang ni Yesha ang mga ito, at hindi lang niya nabigkas nang tama, kundi naipaliwanag pa ang kahulugan ng mga salita at pati na rin ang mga katulad na salita.Nagulat si Shaun at hindi makapaniwala sa nakikita. "Paano nangyaring ganito? Meron bang ganitong uri ng genes sa pamilya namin?" Bulong niya sa sarili, naguguluhan.Ito ang unang pagkakataon ni Yesha na makapunta sa isang maraming tao at masiglang lugar. Sa totoo lang, kinakabahan pa siya. Tense na tense ang

  • The Unexpected Heir   Chapter 6: Meet the brother

    “Puff.”Nabigla si Shaun na noon ay nakatutok sa laptop. Napaubo siya ng dalawang beses, at nang lingunin niya, nakita niya ang seryosong mukha ni Yesha. Bigla siyang natuwa sa batang ito."Gusto mo ba 'yan?" tanong niya, medyo aliw ang tono.Tahimik na tumango si Yesha habang hawak-hawak ang makina sa kamay, seryoso ang mukha.Ngumisi si Shaun, at may kapilyuhan sa kanyang gwapong mukha. "Pwede naman. Pero alam mo bang gamitin 'to? Ang mga ipad cellphone at laptop at computer, komplikadong mga bagay 'yan. Hindi 'yan madaling maunawaan ng mga tulad mong bata."Lumapit agad si Yesha at magalang na nagtanong, "Paano po ba ito gamitin?"Naalala ni Shaun ang huling pagkakataong nagreklamo sa kanya si Angel habang umiiyak, dahil binully raw siya. Lalo siyang natuwa at lumaki ang ngiti sa labi. Tinawag niya si Yesha palapit, at pinakita ang laptop binuksan ang pahina ng program code at sinabi, "Tingnan mong mabuti. Yung mga magagandang larawan na nakikita mo, gawa 'yan sa mga letrang ito.

  • The Unexpected Heir   Chapter 5: New Home

    Saglit na napatigil si Andi, at nag salita "Sa second floor, ang kwarto malapit sa bintana." Tumango si Yesha,hindi lumingon at nagsimulang umakyat ng hagdan at hindi pinapansin ang lahat ng nakatingin habang naglalakad. Ang kanyang mga kilos ay mabilis kaya’t sa paningin ng iba ay bilga itong nawala at nang makita nila ay nasa second floor na ito. Tumayo si Mrs. Moon at niyayakap si Angel, ang dibdib ay nanginginig sa galit."Anong klase ng bata yan!? Ang bata pa niya, hindi marunong magbigay-galang sa matatanda. Wala siyang pinag-aralan at agad tinatrato ng ganito si Xoe!" Ang nangyari sa kanyang anak ay talagang hindi niya matanggap. Nang mawala ang bata, labis siyang nalungkot at matagal na hindi nakalabas sa kalungkutan. Salamat na lang at inampon nila si Xoe kaya’t unti-unti siyang nakabangon mula sa kalungkutan. Ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal kay Angel at pinagbibilinan ito na parang isang tunay na anak. Alam ni Andi Moon ang pinag daanan ng kanyang asawa kay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status