Share

Chapter III

Napatingin si Clement sa drawing niya sa papel. Portrait iyon ng babaeng nakilala niya sa bar. Dahil nitong nakakaraan nga ay ito lagi ang laman ng panaginip niya. Halos nakabisado niya na kasi ang mukha nito kaya hindi siya nahirapang iguhit ito.

Tinago muna ni Clement ang drawing bago siya tumayo at sinundan ang sekretarya. Sa labas lang ng opisina niya ang table nito. Gusto niyang magtanong dito dahil mukhang kilala nito ang babaeng iginuhit niya.

"Math!" tawag niya sa sekretarya pagbukas niya ng pinto kaso nagulat siya ng maabutan itong kausap si Cappucine na nakasimangot.

"Hi Clement!" agad siyang nilapitan ni Cappucine pagkakita sa kanya at akmang hahalik ito sa pisngi niya pero umiwas siya.

"Why are you here?" malamig na sabi niya dito.

"I just want to see you," nakangiting sagot nito.

Tinalikuran niya na ito at pumasok sa loob ng opisina pero ramdam niyang sumunod ito sa kanya. Naupo ito sa maliit na sofa sa gilid.

"Busy ka ba? Aayain sana kitang kumain ng lunch sa labas,"

"Tinatamad akong lumabas,"

"Magpapadeliver na lang ako kung gusto mo,"

"Ikaw bahala." Pagtatapos niya sa usapan.

Napadako naman ang mata niya sa ice cream na nasa table niya, kanina desidido siyang ubusin ito pero ngayon wala na siyang gana.

Pinindot niya ang maliit na button sa ilalim ng table niya na nakaconnect sa table ni Mathilde sa labas. Ito madalas ang ginagamit niya para tawagin ang sekretarya.

Wala pang isang minuto ay bumukas na ang pinto at pumasok sa loob si Mathilde. "Bakit Sir?" tanong nito sa kanya.

"Sa 'yo na lang hindi ko na kayang ubusin." Inabot niya dito ang lalagyan ng ice cream.

"Akala ko naubos mo na Sir eh,"

"Sabi mo 'di ba na kapag may natira ako sa 'yo na lang," nakangiting tugon niya dito.

"Salamat Sir, balik na ko dun," sabi nito bago lumabas.

Nahuli niya pa si Cappucine na pinagtaasan ng kilay si Mathilde. "Kaibigan ko siya at girlfriend siya ni Anthony,"

"S-sorry. Mukha kasi siyang nagpapacute sa 'yo."

Hindi niya na lang pinatulan ang sinabi ni Cappucine at pinagpatuloy na ang kanyang ginagawa. Isang oras pa ang ginugol niya bago tuluyang matapos ang mga papeles na pinipirmahan.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok si Mathilde kasunod ang isang delivery boy. Nakita niya pa sa gilid ng mata niya na nagulat si Cappucine dahil dito.

Pagkaayos ng pagkain sa maliit na lamesa ay agad na umalis ang delivery boy.

"Sa susunod matuto kang kumatok muna bago ka pumasok, Miss!" pagalit na sabi ni Cappucine sa sekretarya niya.

"Ganoon ho ba, Mam? Nagla-lock ho kasi si Sir Clement ng pinto paggumagawa siya ng milagro dito," mahinahong sagot nito kay Cappucine.

"Anong sinabi mo?!"

"Kada ho may babaeng kasama si Sir Clement dito nagla-lock siya ng pinto para hindi maistorbo kung ano mang ginagawa nila dito sa loob, since mukhang wala naman siyang balak gawin sa 'yo hindi niya nilock ang pinto. Gets niyo na po ba, Mam or ieelaborate ko pa po?"

Gustong matawa ni Clement sa pinagsasasabi ni Mathilde pero pinigilan niya na lang dahil baka pag-initan ito lalo ni Cappucine.

"Get out!" sigaw ni Cappucine kay Mathilde.

"Ok, Mam. Siya, sige Sir dito na ko sa labas and if ever you need something I am always here," ani Mathilde sabay kindat pa sa kanya.

"Damn that bitch!" galit na sabi ni Cappucine pagkalabas ni Mathilde.

Naupo na si Clement sa tabi ni Cappucine at sinimulang kumain. Mas importante ang pagkaing pinadeliver nito kesa pagtuunan niya ito ng pansin, lalo na at paborito niya ang ulam na kare-kare na tinernuhan pa ng alamang. Ito kasi madalas ang niluluto ng mommy niya sa kanya.

"Ang sabi ni Daddy tayong dalawa na daw ang bahala magplano kung kelan natin itutuloy ang kasal." Tila bumara ang pagkain sa lalamunan ni Clement dahil sa sinabi ni Cappucine, agad siyang kumuha ng tubig at ininom ito.

"Teka ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito ng masamid siya at marahang hinagod ang likod niya.

"H'wag mo kong hawakan!" Mabilis naman nitong inalis ang kamay sa likod niya.

"Ayaw mo bang pag-usapan ang kasal ngayon?"

"Ayaw kong makasal sa 'yo," diretsahang sagot niya dito.

"Pero Clement mahal na mahal kita," nakatingin ito sa kanya diretso sa mata.

"Kalokohan! Mahal na mahal daw pero iniwan,"

"Kaya nga nandito ako ngayon para balikan ka. May mabigat akong dahilan kung bakit ako biglang nawala. Sana mapatawad mo ako,"

"Bumalik after five years? Sige nga anong mabigat na dahilan 'yan?!" seryosong saad niya dito.

Napayuko lang ito at hindi makatingin sa kanya.

"I'm giving you the chance to explain your side. Come on speak up?! Inuulit ko, ano 'yang mabigat mong dahilan at hindi ka dumating sa dapat araw ng kasal natin five years ago?"

"I-it's because of Jay--"

As soon as Clement hear that name, he cut her off.

"What the hell?! Mentioning that son-of-bitch name is enough, Cappucine. Actually, sorry to tell you this but I don't love you anymore. You may now leave!"

Si Jay ay walang iba kundi ang childhood bestfriend ni Cappucine. Laging pinapaalalahanan ni Clement si Cappucine noon na umiwas sa lalaking 'yon dahil halata namang may gusto ito sa dalaga.

Isa lang ang nasisiguro ni Clement na wala na siyang nararamdaman pa kay Cappucine. Hindi lang siya makapaniwala na sasabihin ngayon ni Cappucine na kaya hindi ito sumipot sa kasal nila ay dahil sa lalaking 'yon.

Wala ng nagawa si Cappucine kaya umalis na ito na nagpailing na lang kay Clement.

Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ng sumarado ang pinto ay muli itong bumukas at iniluwa nito si Mathilde na nakangisi sa kanya.

"Ang bilis naman umalis no'n, Sir." Tukoy nito kay Cappucine.

"Binuwisit mo kasi," natatawang sagot niya dito. "Halika. Kain tayo,"

"Sige lang, Sir. Bigay 'yan sayo ng mapapangasawa mo, e," pang-aasar pa nito sa kanya.

"Siraulo!"

"Chill lang, Sir. I'm just stating the fact," natatawang sabi nito at akmang lalabas na ng pigilan niya.

"Bakit, Sir?"

"May tatanong sana ako sayo, Math," seryosong sabi ni Clement.

"Ano yun?"

"Kilala mo ba yung babae sa drawing ko?" bahagya pang nagulat si Mathilde sa tanong niya.

"Ah...ano kasi, hmm, ah eh--"

"So you know her?" putol niya dito.

"Yeah, pero paano niyo ba siya nakilala?" kaswal na tanong ni Mathilde.

"Hindi naman kami totally magkakilala, isang beses ko pa lang siyang nakita, actually. I'll find her cute, parang pwede tayong gumawa ng doll na facial features niya ang gagayahin, but I'm not quite sure about it and I don't know if that was possible. Sige na may gagawin ka pa ata."

Gustong pagtawanan ni Clement ang sarili dahil sa naisip niyang dahilan. Bagamat toy company ang pinapatakbo nila, wala naman silang mga doll na ginagawa.

Pagkalabas ni Mathilde agad niyang kinuha ang laptop at ilang pindot lang ay napunta na siya sa social media account nito. Matiyagang inisa-isa niya ang friend list ni Mathilde ngunit wala ang kanyang hinahanap. Ultimo ang bawat post nito ay inisa-isa niya at wala kahit isang tungkol sa taong hinahanap niya.

"Baka naman kakilala lang hindi sila close kaya ganoon," aniya.

Napasabunot na lang siya sa sarili. 'Bakit ba kasi hindi mo na lang tinanong yung pangalan?!'

Dahil hindi niya naman ito mahanap ay inabala niya na lang ang sarili sa paggawa ng iba't-ibang report regarding sa naging takbo ng company this month. Hindi pa man hinihingi ito ay gagawin na niya tutal kakailangan din naman ito.

Nag-unat si Clement ng mga braso ng matapos na nito ang ginagawa niya. "Sa wakas natapos na din!"

Pinindot niya ang maliit na button na nasa ilalim ng lamesa niya. Wala pang isang minuto ay bumukas na ang pinto at pumasok sa loob si Mathilde. "Bakit Sir?" tanong nito sa kanya.

"I'm hungry get us something to eat, please." Tinanguan lang siya ni Mathilde at agad na ding lumabas.

Hinawi naman ni Clement ang makapal na kurtina na tumatabing sa glass wall ng opisina niya. Madilim na pala sa labas hindi niya man lang namalayan. Napatingin naman siya sa wall clock, 7:13 pm na pala, overtime na naman sila. Hindi kasi pwedeng umuwi ang sekretarya niya hanggat hindi pa siya umuuwi, pero madalas naman ay pinapauna niya ito ng uwi, na sakto lang talaga na marami silang tinatapos nitong nakararaan.

Agad niyang kinuha ang cellphone niya at dinial ang number ni Mathilde na agad din namang sumagot.

["Yes, Sir?"] sabi nito sa kabilang linya.

"H'wag ka na palang bumili. Ayusin mo na yung gamit mo at sa labas na lang tayo kakain," sabi niya at pinatay na ang tawag.

Sa Thalia's dinala ni Clement si Mathilde para kumain ng dinner, ito din kasi ang paborito niyang restaurant.

"Thalia's? Kay Xryz ito diba?" nakangiting tanong ni Mathilde sa kanya pagkapasok nila sa loob ng restaurant, tinanguan lang niya ito bilang sagot.

"Good evening Mam and Sir!" magiliw na bati ng waiter pagkaupo nila sabay abot nito ng menu. "I'll be back in a minute to get your order Mam and Sir. Please excuse me."

"Anong gusto mo, Mathilde?" tanong niya kay Mathilde.

"Mukhang lahat naman masarap, Sir. Kahit ano na lang libre mo naman 'to," natatawang sabi nito at ibinaba na ang menu.

After a minute bumalik nga 'yong waiter kaya binigay na ni Clement ang order nila, halos lahat naman ng nasa menu natikman na ni Clement kaya alam na niya ang oorderin.

"Siya nga pala Sir inimbitahan ko si Anthony sa probinsya namin next week tapos narinig nila Klen at Xryz kaya gusto din nilang sumama, ikaw Sir sasama ka ba?"

"Bakit ilang araw ba kayo doon?"

"Isang linggo, Sir. Nakapagfile na din kasi ako ng vacation leave at naapproved na din iyon. Pero kung hindi ka naman sasama si Nika pansamantala ang hahalili sa'kin bilang sekretarya mo," sabi nito habang nagdudutdot sa cellphone at hindi man lang nakatingin sa kanya.

"Sumama ka na, Sir. Masaya naman do'n sa 'min tsaka wala doong Cappucine na pambwisit."

---

Nakaayos na lahat ng gamit sa sasakyan ni Anthony at handa na silang umalis kaso wala pa si Klen. Ngayon na kasi ang araw ng pagpunta nila sa probinsya, kung saan si Mathilde nakatira.

"Hindi ba sasama ang girlfriend mo?" tanong ni Clement kay Xryz.

"Hindi. Ikaw hindi mo ba isasama si Cappucine?" mabilis na tanong nito sa kanya pabalik.

"Tsk!"

"Ninong!" Sabay silang napatingin sa batang sumigaw.

"Keith, ikaw pala yan. Sasama ka pala sa 'min?" tanong niya sa cute na cute na batang si Keith at saka niya ito binuhat.

"Si papa nga po ayaw akong isama, ninong. Baka mamaya po may mga girl na lumapit sa kanya, lagot siya sa 'kin," napangiti siya sa sinabi ni Keith, anak ito ni Klen.

"Sumbong mo sa lola mo para paluin sa pwet ang papa mo,"

"Hoy, Kit! Kung anu-anong tinuturo mo sa anak ko. Akin na nga 'yan,"

"Papa, h'wag mo pong pagalitan ang Ninong ko baka hindi niya na ako bigyan ng maraming mga toys," natawa na lang siya sa sinabi ni Keith at ibinigay na ito kay Klen.

Ala-syete ng gabi sila umalis para hindi mainit ang biyahe. Puro kulitan lang ang nangyari sa buong biyahe nila dahil na din sa cute na cute na si Keith, masyado itong bibo at hindi nauubusan ng kwento.

Nakatulog si Clement sa biyahe at nagulat siya ng magising na nasa tapat sila ng bahay ng lola at lolo niya. Wala sa loob ng sasakyan si Mathilde at Anthony, samantalang tulog na tulog si Xryz at ang mag-amang Klen at Keith.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status