Share

Chapter IV

Author: YlatheDreamer
last update Last Updated: 2022-01-23 00:00:55

Dahan-dahan siyang bumaba sa sasakyan para hindi magising ang ibang kasama.

"Ano po?!" narinig niya pa ang boses ni Mathilde mula sa loob ng bahay ng Lola't Lolo niya nang makalapit na siya sa pinto.

"Hindi ba nasabi sa'yo ng magulang mo?" This time boses naman ng Lolo niya ang narinig niya.

"Hindi po, Tatay V."

Pumasok na si Clement sa pinto at naabutang nakaupo si Mathilde at Anthony sa maliit na sofa. Nakaupo naman ang Lola niya sa bangko sa gilid at nakatayo sa likod nito ang Lolo niya.

"Sir Clement intayin niyo--" naputol ang sasabihin ni Mathilde ng magsalita ang Lola niya.

"Apo!" masiglang sabi nito at lumapit sa kanya para yakapin siya.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin si Anthony sa kanila. "Apo niyo po si Clement?"

"Oo. Anak namin ang Mom niya, si Vannie," nakangiting sagot ng Lola niya. "Kilala niyo pala ang apo ko, Matmat?" baling nito kay Mathilde.

"Magkaibigan po kami at sa kanya po ako nagtatrabaho sa Maynila, secretary niya po ako," ani Mathilde. "Inimbitahan ko po silang magbakasyon dito sa lugar natin tutal fiesta na sa isang araw. Gusto ko din sanang supresahin sila Nanay kaso ako ang nasupresa,"

"Kausapin mo na lang bukas ang Nanay mo, pero ipagpabukas mo na ang pagpunta sa kanila. Dito na kayo matulog ngayong gabi. Baka tulog na din kasi ang mga tao sa Casa kung pupunta pa tayo d'on."

Tinawag muna ni Clement ang mga kaibigan na nasa sasakyan pa at pinapasok niya sa loob ng bahay. May dala naman silang mga pagkain kaya iyon na lang ang pinagsaluhan nilang lahat.

"Ay siya! Matmat, tumabi na kayo sa 'kin ni Keith matulog dito sa kabilang kwarto. Kayo naman Clement doon kayong lahat sa kwarto ni Vannie" anang Lola niya habang kumakain sila.

"Matutuwa si Fauvine pagnakita ka, Matmat," sabi ng Lolo niya kay Mathilde.

"Excited na din po akong makita ulit siya. Ang tagal ko na din po kasing hindi nakakauwi dito. May ikukwento daw nga po siya sa 'kin sabi niya nang huli kaming mag-usap sa cellphone, alam niyo naman po ang isang 'yon bihira lang humawak ng cellphone niya," nakangiting sabi ni Mathilde.

"Sinabi mo pa," natatawang sagot ng Lolo niya.

"Vanjo, mamaya na ang daldal! Hayaan mo na muna silang kumain. Dito na muna tayo."

Natawa na lang siya nang pingutin ng Lola niya ang Lolo niya.

Kinabukasan. Maaga silang gumising para pumunta sa Casa Lavar, dahil doon daw pansamantalang nanunuluyan ang pamilya niya. Ayon kasi kay Lolo Vanjo, isang buwan na daw ang nakakalipas ng palayasin ang pamilya ni Mathilde sa sarili nilang bahay which is ilang bahay lang naman ang layo sa bahay ng dalawang matanda. Pinalayas daw ang pamilya ni Mathilde dahil isinanla ng siraulo niyang ama ang bahay nila at dahil hindi ito nakabayad ay napunta na ito sa taong pinagsanlaan.

Sakay ng sasakyan ni Anthony ay nagpunta silang lahat sa Casa Lavar. Sanay na sila Mathilde at ang dalawang matanda lakarin ito pero dahil may kasama silang bisita pinili nilang sumakay, may kalayuan din kasi ito.

Nang nasa labas na sila ng malaking gate ng Casa bumaba saglit ang Lolo niya at kinausap ang dalawang bantay na agad namang binuksan ang malaking gate.

"Wow! Papa, castle po ba 'yon?" manghang tanong ni Keith sabay turo sa Casa Lavar sa 'di kalayuan.

"Iyan ang Casa Lavar, Hija. May mga bata diyan pwede mo silang makalaro," anang Lola Zeny.

"Talaga po? Ninong Tony bilisan niyo po magdrive."

Natawa na lang silang lahat sa sinabi ni Keith.

Sinalubong sila ng mga katulong ng makababa na sila sa sasakyan. May lumabas din na dalawang tao na bihis na bihis, ito marahil ang may ari ng Casa.

"Vina at Fernan gusto sana naming makita sila Nelly, nandito ang anak niya si Matmat," ani Lolo niya.

"Ay naku si Manong Vanjo hindi na nasanay, welcome na welcome kayo dito sa Casa. Teka ito na ba si Matmat? Aba ang laki na ng pinagbago mo at ang ganda-ganda mo," sabi nung matandang babae.

"Kayo ng bahala dito Manang Zeny at Manong Vanjo. May pupuntahan pa kami," sabi ng matandang lalaki. "Paki tawag mo nga si Fauvine at nandito kamo ang kaibigan niya," baling nito sa isang katulong.

Mabilis itong pumasok sa loob at ilang saglit lang lumabas ang isang babae. "Matmat!" sigaw nito at patakbong inakap si Mathilde. Kita niya kung paano ito napatigil nang magtagpo ang kanilang mga mata. Sa likod lang ni Mathilde siya nakatayo.

'Siya?'

"Manang, Manong, aalis na po kami," sabi pa ng matandang babae at sumakay na sa sasakyan nila.

"Grabe miss na miss na kita, Fauvine!" masayang sabi ni Mathilde sa babae na mabilis na nag-iwas sa kanya ng tingin. "Fau, parang tumaba ka!"

Hindi makapaniwala si Clement na nasa harap niya na muli ang babaeng laman lagi ng panaginip niya. Hindi niya alam kung ano bang mayroon dito at hindi niya ito makalimutan. Nagulat din siya sa itinawag dito ni Mathilde. Ibig sabihin pala ito yung babaeng sumundo sa kanya noong lasing na lasing ang Lolo niya at base sa pagkakaalala niya na "Fau" daw ang pangalan ng bestfriend ni Mathilde.

"Papa, pwede ba tayong pumasok sa loob?" namutawi ang boses ni Keith, kaya agad na humiwalay ang babae sa pagkakayakap kay Mathilde.

"Pasok kayong lahat sa loob. Tatawagin ko lang Matmat ang Nanay mo at mga kapatid mo," sabi nito at mabilis na pumasok sa loob.

Halos mapanganga silang lahat pagkapasok sa loob. Bumungad sa kanila ang napakalawak na sala, may apat na sofa na nakapalibot sa napakalaking flat screen television, may malaking bookshelf sa right corner, napapalibutan din ang buong sala ng iba't-ibang antique vases at ang pinakaagaw pansin ay ang painting na ang subject ay mag-asawang may buhat na baby, marahil ito ang dalawang taong sumalubong sa kanila kanina noong kabataan pa ng mga ito.

"Sa dinning area po tayo," magiliw na sabi ng isang katulong.

Duon niya lang napansin ang dalawang staircase sa magkabilang gilid at ang malaking chandelier na talaga namang nagpapakita ng karangyaan ng pamilyang nakatira dito.

Isang mahabang hallway ang dinaanan nila makalampas sa sala. Madami ding kwarto ang nilagpasan nila bago sila napunta sa dinning area.

'Tama nga ata si Keith isa itong castle!'

May mahabang dinning table sa gitna. Tantsa niya ay humigit-kumulang bente katao ang kapasidad nito.

"Maupo na po kayo," sabi ng isang babae na kadadating lang din. Nakasuot ito ng uniporme ng katulong kagaya ng iba.

Pagkaupo nila ay sunod-sunod na lumabas ang ilang mga katulong na may dalang mga pagkain at inihanda sa kanilang harapan.

"Nasaan si Faustine at Gray?" tanong ng babae na kadadating lang, ito marahil ang mayordoma ng Casa sa hinuha niya.

"Pababa na po sila. Kasama po ni Miss Fauvine," nakatungong sabi ng katulong.

"Anak!" dumating ang Nanay ni Mathilde at agad siya nitong yinakap, kasunod ang kanyang dalawang nakakabatang kapatid na lalaki.

Ilang saglit lang ang nakalipas ng may pumasok na dalawang bata at naupo kasama sila. Agad namang inasikaso ang dalawang bata ng katulong.

"Faustine, nasan si Fauvine?" anang Mayordoma.

"Iyon po," sagot ng bata habang nakaturo sa may pintuan.

Napatingin si Clement sa bagong dating. Naupo ito katabi ng dalawang bata na nasa harap niya lang.

"Fau, siya nga pala ito ang mga kaibigan ko sa Maynila. Ito si Xryz, si Klen at ang anak niyang si Keith..." una niyang tinuro si Xryz at kasunod ang mag-amang Klen at Keith. "ito naman si Sir Clement..." nagkatitigan silang dalawa ng ituro siya ni Mathilde. "at ito naman si Anthony, boyfriend ko."

Nakatitig parin siya dito kahit nag-iwas na ito ng tingin sa kanya. Sumubo ito ng kanin na may gulay at marahang nginuya, tinusok naman nito ang lechong manok gamit ang tinidor at kinagatan ito ng maliit. Matapos no'n ay bigla itong napatayo. "Pasensiya na, maiwan ko muna kayo dito," sabi nito bago dali-daling umalis. Sinundan din ito ni Mathilde.

Nang matapos silang kumain ay dumiretso sila sa likod ng Casa, bumungad sa kanila ang napakalawak na taniman ng palay at may ilang klase din ng gulay. Tanaw din nila ang nagtatayugang mga puno ng niyog sa kalayuan.

---

Samantalang, patakbong tinungo ni Fauvine ang kanyang kwarto at dumiretso sa cr, doon ay nagduduwal siya. Hindi niya alam kung bakit tila kakaiba ngayon ang lasa ng lechong manok na inihanda sa kanila. Ang totoo ay siya mismo ang naghabilin na magluto din nito dahil napag-alaman niya ngang may dadating silang bisita ngayong araw. Kagabi pa lang kasi ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Nanay Zeny na nandoon daw sila Mathilde sa bahay ng mga ito.

Naramdaman niya namang may humahagod sa likod niya. Hindi niya magawang lingunin kung sino ito dahil nahihirapan siya.

Agad niyang hinilamusan ang mukha at nagmumog nang tumigil na siya sa pagduwal. Mula sa salamin sa harap niya ay nakita niya si Mathilde na nakatayo sa likudan niya.

Naupo siya sa kanyang kama. Tahimik naman siyang sinundan ni Mathilde at naupo din sa kanyang harapan. "Fau, buntis ka ba?" seryosong tanong nito sa kanya.

"Hindi!" mabilis niyang sagot kay Mathilde, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. "...hindi ko alam."

Unti-unting gumuhit sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa huli niyang sinabi.

"Kung sakaling oo, sino ang ama?" tanong na naman nito.

"H'wag mo ng alalahanin 'yon. May asawa na siya ngayon. Isa lang itong pagkakamali kung sakaling buntis nga ako...malaking pagkakamali dahil nagpadala ako sa tukso."

"ANO?!"

"May asawa na siya ngayon," ulit niya pa.

"Anong pangalan niya?"

"Please, I don't want to talk about it. Sasabihin ko din sa 'yo, but please not this time," mabilis na sagot niya dito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XIX

    Hindi mapakali si Fauvine, matapos kasi nilang sabihin sa mga magulang niya, mga kaibigan at mga malalapit sa kanila ay hindi pa nila nababanggit ang plano nila ni Clement na magpakasal sa Daddy nito. Alam niyang tutol ito pero handa na siyang harapin ito alang-alang na din sa anak niya.Sa kasalukuyan binabagtas nila ang daan patungo sa school ni Chloe. Gustong siyang ipakilala ni Clement sa bata.“My treasure trove, are you alright?” nag-aalalang tanong ni Clement sa kaniya. “Yes, I’m fine, napagod lang siguro ako,” “Tingin mo tutuloy pa ba tayo o bukas na lang?” “Of course, excited din naman akong makilala si Chloe. I’ll rest later,” sabi niya at nginitian ito.Ang totoo kinakabahan siya sa kung ano ang magiging reaksyon ng bata sa kaniya.Ilang saglit pa bago sila tumigil sa tapat ng school ni Chloe. “I’ll pick her up. Wait us here,” paalam pa ni Clement sa kaniya bago lumabas sa sasakyan.Huminga siya ng malalim ng matanaw niya ng pabalik si Clement at kasama na nito si Chloe.

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVIII

    Nanlaki naman ang mga mata ni Clement at napuno ng saya. “B-buntis ka?” tila hindi pa makapaniwalang tanong nito.Imbis na sumagot sa tanong ni Clement, may kinuha siya sa loob ng bag. May kalakihan kasi ang bitbit niyang bag dahil nasa loob niyon ang regalo niya sa lalaki.“What’s this?” “Just open it,” Fauvine respond while rolling her eyes.Dahan-dahan namang binuksan ni Clement ang regalo niya at tila ayaw masira ang gift wrapper nito. Una nitong nilabas ang ultrasound result niya at matagal na pinakatitigan. Matapos magsawa ng mata sa ultrasound result ay inilabas na din nito ang kulay pink na baby dress.Nagulat naman si Fauvine ng pumatak ang luha ni Clement at parang batang umiyak.“Problema mo?! Don’t tell me, umiiyak ka dahil hindi na kayo makakapagsubuan ni Cappucine?!” “What the hell?! Of course not! Are you insane?” “Tingin mo ba baliw ako?!” nanggagalaiting sabi ni Fauvine at pinanlakihan pa ng mata si Clement.“That’s not what I meant. Sabi ko naman sa ‘yo ‘di ba, ika

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVII

    Kinakabahan si Fauvine sa hindi malamang dahilan habang palabas sila ng ospital. Sinamahan siya ni Mathilde para sabay nilang malaman kung ano ang kasarian ng kaniyang anak. Sa Manila kasi siya unang nagpacheck-up kaya tinuloy-tuloy niya na. Isa din sa dahilan ay nababaitan siya sa doktorang tumitingin sa kaniya at sa katunayan kaclose niya na ito ngayon.Isang buwan na din ng huli silang nagkita ni Clement, pero araw-araw naman ito nagpapadala ng bulaklak, pagkain at kung anu-ano pa. Araw-araw din siya nitong tinatawagan para kumustahin ang araw niya. Pero hindi niya alam kung bakit hindi ito bumibisita man lang sa kanila.“May naisip ka na bang pangalan ng baby mo?” biglang tanong ni Mathilde.“Parang gusto kong isunod kay Mamita Flor, pero gusto ko Floryn, para Flor rin,” natatawang sagot niya sa kaibigan.“Ang corny mo, Fau,” sagot ni Mathilde na inirapan pa siya.“Hoy! Maganda naman ang Floryn ah. Pero pag-iisipan ko pa kung lalagyan ko ng second name, ayoko kasing napakahaba ng

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVI

    “Nakakaawa kasi si Chloe. Nakita namin ni Matmat kung paano siya tratuhin ni Cappucine. Ang sabi pa niya laging galit sa kaniya ang mommy niya. Kulang sa pagmamahal ‘yong bata,” pangangatwiran niya sa mga ito.“Naiintindihan namin na concern ka kay Chloe, pero isipin mo din ang baby mo, Fau,” ani Mathilde. “Pag-iisipan ko.” Tanging naging sagot niya sa mga ito.---“Don’t worry healthy naman si baby. Reresetahan na din kita ng vitamins and you need to drink it regularly. Avoid stress and do regular check-ups. Maybe next month we can see the baby’s gender.” “Thank you po, Doc,” sabi ni Fauvine bago lumabas sa opisina ng doctor.Tatlong araw na ang nakalipas matapos niyang makausap si Clement. Inabala niya na lang ang sarili sa pag-aalaga sa sarili alang-alang na din sa kanyang anak na nasa sinapupunan niya. Tuwing maaalala niya kasi ang mga sinabi ni Clement sumasakit lang ang dibdib niya at hindi maiwasang maiyak.Dumaan muna siya sa super market para bumili ng mga gulay, prutas at

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XV

    “B-bakit?” kunot-noong tanong niya dito. ‘Napansin niya ba ang tiyan ko?’ “I forgot to mention this last time that I’m not after sex, but you looked fucking hot in that loose shirt your wearing,” Clement said in a husky voice that made her blushed a bit.‘What’s with this guy? 2 days ago hindi siya niya ako pinansin noong nakasalubong ko siya, ngayon naman kung kausapin niya ako ay parang walang nangyari.’ Pero napahinga parin siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Kinabahan kasi siya dahil baka nahalata na nitong buntis siya.Kahit gustong-gusto niyang makita si Clement ay wala naman siyang balak sabihin dito ang tungkol sa pagbubuntis siya. “Whatever!” tanging naging sagot niya na lang dito.Sakto namang dating ni Mathilde kasama ang isang lalaki. Kapwa sila may bitbit ng marahil pagkain, hinuha ni Fauvine. Lumapit naman agad si Clement dito at kinuha ang hawak ng lalaki at dumiretso na loob ng opisina nito.“Thank you, kuya,” sabi pa ni Mathilde bago makaalis ang lalaki. “Let’s

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XIV

    “It’s a long story. But please h’wag mong sasabihin sa kaniya. For the sake of his child to Cappucine,” “Nabanggit na sa ‘min ni Clement na sinabi daw sa kaniya ni Cappucine na may anak sila pero hindi niya parin ito ipinapakita hanggang ngayon sa kaniya,” sabi nito at sumimsim ng ice coffee na binili niya para dito. “But, you know what? This past few weeks, parang wala sa sarili niya si Clement. I mean nakakapanibago siya kasi lagi siyang tahimik nitong nakaraan tas minsan nga tulala pa. Parang ang lalim lagi ng iniisip niya,” “Ahm, Anthony, baka pwedeng h’wag na nating pag-usapan si Clement? Pasensiya na.” nahihiyang sabi niya sa binata. “I guess sabihin mo na lang ‘yong dapat mong sabihin tungkol kay Matmat,”“I don’t know what’s the real score between you two, pero kung ayan ang gusto mo, okay. Nag-aalala lang din kasi ako sa kaibigan ko,” paliwanag pa nito. “By the way, may tanong pala ako sa ‘yo,” “Ano ‘yon?” “Buntis din ba si Mathilde? Kasi noong nasa kubo mo kami, may napu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status