Share

Chapter V

Matapos nilang mag-usap ni Mathilde ay umalis ito saglit para bumili ng pregnancy test kit. Medyo natagalan pa ito bago makabalik, dahil malayo din kasi ang botika.

"Ayokong makita yung resulta ikaw ang tumingin at sabihin mo na lang sakin," aniya bago pumasok sa cr.

Mabilis din siyang lumabas pagkatapos at agad na binigay kay Mathilde ang test kit habang hindi pa lumalabas ang resulta nito.

'Kinakabahan ako.'

Walang reaksiyon siyang tinignan ni Mathilde na magsasalita na dapat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya agad nitong tinago ang kit sa bulsa nito.

"Ate Fau at ate Matmat, tawag po kayo sa baba," sabi ni Desa.

Sa kabilang banda, nakaupo sila Clement sa salas at hinihintay bumaba si Mathilde. Ilang saglit lang ang hinintay nila ng bumaba ito kasama si Fauvine.

"Love, sabi mo ipapasyal mo kami dito," sabi ni Anthony pagkalapit sa kanila ni Mathilde.

"Bakit hindi mo na lang sila isama sa kubo mo, Fau," singit ng Mayordoma sa usapan.

"Oo nga maganda doon. Ok lang ba, Fau?" tanong ni Mathilde dito.

"Okay sige," sabi nito ng nakangiti. Sa hindi malamang dahilan, napangiti din si Clement pagkakita sa nakangiti nitong mukha.

"Sige kayo'y lumakad na para hindi kayo gabihin," sabad ni Lola Zeny.

"Papa, pwede po bang dito muna ako sa kanila? Ang dami-dami po kasi nilang toys, maglalaro po kami. Promise po behave lang ako," sabi bigla ni Keith.

"Ako na lang mag-aalaga sa kanya, Klen," sabi uli ni Lola Zeny.

"Sige, behave ka dito Keith ha. Thank you po Lola Zeny," nakangiting ani Klen.

"Magdala kayo ng pamalit na damit," singit ulit ng mayordoma na tinanguan nilang lahat.

Nakasakay na silang lahat at si Fauvine na lang ang inaantay. Maya-maya lang ay lumabas na ito. "Sumunod na lang kayo sa 'kin, doon ako sasakay," sabi nito habang nakaturo sa nakaparadang big bike sa gilid ng Casa.

"Whoa! Kanya ba yang big bike na 'yan? R1 'yan diba? Tangina ang mahal!" manghang sabi ni Klen.

"Ah, oo, binigay 'yan ng Lolo niya noong graduation namin nang college," sagot ni Mathilde.

"Love, kaano-ano niya ba 'yong may ari nitong Casa?" tanong ni Anthony bago buhayin ang makina ng sasakyan.

"Si Fau? Well, siya lang naman ang kaisa-isang anak ng may ari ng Casa. Ang tagapagmana ng angkan ng Antonio-Lavar," excited na sagot ni Mathilde.

"Wala sa itsura niya ano? In a way na sobrang simple niya. Nakita naman natin yung parents niya kanina mukhang Don at Doña ang datingan, hindi pala, mas mukha silang King and Queen kanina nang nakatayo sila sa harap ng Casa, kulang na nga lang korona. Pero yung kaibigan mo sobrang simple, dinaig niya pa ang katulong," mahabang litanya ni Xryz

"Ganiyang talaga yan. Kaya nga close na close siya sa mga taga dito kasi sobrang bait niya at kagaya nga ng sabi mo na masyado siyang simple kaya palagay din ang loob sa kanya ng tao," sagot ulit ni Mathilde.

"Pero alam niyo familiar yung mukha niya. Parang nakita ko na siya dati," sabi pa ni Xryz.

"Kahit ako parang nakita ko na siya dati pero hindi ko maalala," ani Anthony.

"Baka naman kamukha niya lang kasi hindi naman 'yan halos umaalis dito sa lugar namin," kibit-balikat na sagot ni Mathilde.

Nakinig na lang si Clement sa sinabi ng mga kaibigan niya. Hindi niya alam paano sasabihin sa mga ito na siya yung babae sa bar na ipinapang-asar pa sa kaniya ng mga ito noong isang araw lang.

'Ano kayang dahilan kung bakit nandoon siya sa bar 'yon?'

Tumigil ang sasakyan nila sa parking lot ng fishport, pagkababa nila natanaw nila ang maraming bangka na nakahilera malapit sa dagat. Naglakad sila sa hilera ng mga bangka, halos kalahati sa mga bangka na naroon ay may nakasulat na Antonio-Lavar.

"Sa inyo yang mga bangka na yan?" curious na tanong niya kay Fauvine na tinanguan lang siya bilang sagot.

"Dito tayo." Tumigil sila sa isang may kalakihang bangka na nasa pampang. "Sakay na kayo may bibilhin lang ako saglit," sabi pa nito bago sila talikuran.

Nahirapan pa sila kung paano sasakay sa bangka mabuti na lang at tinuruan sila ni Mathilde.

"Matmat, palagay nga ng mga 'to." Biglang sulpot ni Fauvine na may kasamang dalawang lalaki na may bitbit na kung ano.

Itinulak ng dalawang lalaki ang bangka hanggang makaalis ito sa pampang at mabilis na sumampa pagkatapos.

"Nak, mukhang madami kang kasama ngayon ah," sabi ng isa sa lalaki, may katandaan na ito.

"Opo, Tay Kiko. Teka si Matmat po ito, hindi niyo na po ba nakilala?" Sabay turo ni Fauvine sa katabi.

"Ay siya nga? Mukhang hiyang na hiya ka sa Maynila, ang ganda ganda mo, kung sa bagay dati ka pa namang maganda hindi ka lang marunong magsuklay," natatawang sabi nito.

"Tay Kiko, naman!"

"Nobyo ka ba ni Matmat?" tanong pa nito kay Anthony na mabilis tumango. "Akalain mo nakabingwit ang bruha!"

Nagtawanan sila dahil sa hirit ng matanda.

"Teka, ikaw yung apo nila Pareng Vanjo diba?" biglang baling sa kanya nito. "May utang ka pang inom sa 'min," seryosong sabi nito.

"Tay Kiko, talaga masyadong mahilig sa inom. Papasyal lang po kami sa kubo ni Fau," sabad ni Mathilde.

Natatawang napakamot ito sa ulo bago tuluyang sinimulang paandarin ang bangka.

"Teka wala bang lifejacket?" tanong niya ng magsimula ng umusad ang bangka, hindi kasi siya marunong lumangoy.

"Wala. Pagnahulog ka sasagipin na lang kita," wala lang ang pagkakasabi sa kanya ni Fauvine pero tila namula ang pisngi niya.

'Sana malunod ako para i-cpr niya ako, with that I can taste her lips again!' Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa naisip niya.

"Kinilig si Kit oh," asar sa kanya ni Anthony.

"Fuck you!" sagot niya dito.

Matagal bago nila narating ang kubo nito na nasa isang maliit na isla. Gawa iyon sa purong kawayan base sa nakikita sa labas nito. Kita niya din ang mga solar panels na nakakabit sa bubong nito.

Isa-isa silang nagbabaan sa bangka at tumambad sa kanila ang pino at maputing buhangin.

"Kubo ang tawag niyo dito? Mas malaki pa nga ito sa bahay namin," sabi ni Klen pagkapasok nila sa loob.

"Kubo lang talaga siya dati. Pero as time goes by unti-unti siyang nadevelop hanggang sa maging ganto na ang itsura niya at halos lahat ng gamit dito gawa sa kawayan," sagot ni Fauvine.

"Mga Hija, Hijo, balikan na lang namin kayo mamaya," paalam ni Tay Kiko bago pinaandar ulit ang bangka.

"Siya magsaing na kayo boys!" natatawang sabi ni Mathilde.

"May rice cooker sa kusina, gayon din ang bigas, ang alam ko din may mga gulay pa sa ref, nilisin lang muna namin 'tong mga isda at ibang seafoods na binili ko kanina," ani Fauvine at naglakad na palabas.

Si Klen ang magsasaing, habang si Xryz naman ang magluluto.

"Teka, iihi lang ako," paalam niya sa mga ito.

Tinahak niya ang daan palabas. Itatanong niya sana kay Fauvine kung saan ang banyo. Malapit na siya sa pinto ng kamuntikan niya ng matapakan ang puting panyo sa lapag.

Ganoon na lang ang gulat niya ng may mahulog sa panyo ng pulutin niya ito. "Pregnancy test ito ah?"

Mabilis siyang bumalik sa kusina. "Mga bro kaninong panyo ito?" tanong niya sa mga ito at itinaas ang puting panyo.

"Kay Mathilde yan, bigay ko yan sa kanya," mabilis na sagot ni Anthony.

"Congratulations, your a father now!" masayang bati ni Clement kay Anthony.

"Huh? Pinagsasabi mo, Kit?" kunot noong tanong nito sa kanya.

"Nakita ko itong panyo niya with this thing" Pinakita niya ang pt sa mga kaibigan kaya nanlaki ang mga mata nito. "Dalawang guhit, ibig sabihin positive!" dagdag niya pa.

"Congrats, Bro!" bati sa kanya ni Xryz.

"Wow! Congratulations, Bro. I know what you feelin' right now" nakangiting sabi pa ni Klen kay Anthony.

"I don't know what to say but I'm very happy," masayang sabi ni Anthony sa kanila.

"Let's celebrate!" aniya.

"Ssshh! Huwag muna nating ipaalam sa kanya na alam na natin. I want to surprise her," masiglang sabi ni Anthony.

Nasa kalagitnaan sila ng pagpaplano kung paano sosorpresahin si Mathilde ng marinig nila na may papalapit sa kusina. "Oh shit nandiyan na sila!" sabi niya pa sa mga kaibigan at agad na hinagis niya ang pt kay Anthony na mabilis namang nasalo at itinago.

"Nakapagsaing na kayo?" tanong ni Mathilde ng tuluyan na itong makalapit sa kanila.

"Si Kit kasi kung anu-anong kinwento samin hindi tuloy kami nakapagsaing, Love," palusot ni Anthony.

"Oo nga nagkukwento siya tungkol sa mga babaeng dumaan sa kanya," patango-tango pang turan ni Klen

"Namimiss niya na nga daw ang mga babae na kinakama niya pagtinamaan siya ng init sa katawan," hirit ni Xryz.

'Siraulong mga hayop na kupal itong mga to! Kaibigan ko ba talaga ang mga h*******k na to?!'

"Naku Sir Clement magagalit niyan si Cappucine loves mo," natatawang sagot ni Mathilde.

Bahagya naman siyang napatingin kay Fauvine na nakatingin sa kaniya pero nang nakita nitong nakatingin siya agad itong nag-iwas ng tingin. "So, he's a playboy?" tanong ni Fauvine sa mga kaibigan niya.

"Oo. Chicks magnet,"

"Kissing monster, and,"

"Will surely bring any woman in heaven,"

Sunod-sunod na sabi ng kaibigan niya sabay tawa ng malakas.

"Ewan ko sa inyo magsaing na tayo!" sigaw niya sa mga ito kaya lalo siyang tinawanan.

Imbis na si Klen ang magsasaing naging siya na tuloy. Habang abala siya sa paghuhugas ng bigas ay pasimple niyang pinapanood sila Fauvine na naghihiwa ng mga sangkap na kailangang gamitin ni Xryz.

"Huwag mong titigan baka matunaw," gulat na napatingin siya kay Xryz na kalapit na niya pala.

"Pinagsasabi mo?!" mahinang sabi niya dito.

"Alam kong hinuhubaran mo na siya sa isip mo. Kung nakakamatay ang titig nung nasa labas pa lang tayo ng Casa Lavar patay na si Fauvine," bulong pa ni Xryz sa kanya saka siya kinindatan.

"Ulol. Imagination mo gago!"

"Clement wala na bang itatagal yan?! Paghuhugas lang ng bigas ang bagal mo!" pang-aasar ni Klen sa gilid.

Napatingin naman siya sa hinihugasan niyang bigas. 'Limang beses ko na ata itong nahugasan?! Clement focus sa ginagawa. Wag kay Fauvine!' inis na sabi ng isip niya. "Tsk!"

"Eto na oh!" sabi niya kay Klen.

"Fau, maliligo kami sa dagat. Ikaw sasama ka ba?" napalingon si Clement kay Mathilde nang magsalita ito.

"Ayoko pa, mamaya na lang siguro," mabilis na sagot ni Fauvine kay Mathilde.

---

Naiwan si Xryz sa kusina, siya ang nagluluto ng pagkain, isa din naman kasi itong chef kaya siya talaga ang inaasahan pagdating sa pagluluto. Si Mathilde, Anthony at Klen ay parang mga batang naglalaro na sa dagat. Habang si Fauvine ay nakaupo lang sa buhangin malapit sa pampang.

"Ano pang ginagawa mo dito? Sumunod ka na sa kanila," diretsahang sabi niya pagkakita niya kay Clement na nakatayo sa gilid.

"Hindi naman ako marunong lumangoy. Kaya sasamahan na lang kita dito," sagot nito sa kanya. "Ay siya nga pala, pwede ba magtanong?" dagdag pa nito.

"A-ano yun?" tila kumabog ang dibdib niya sa huling sinabi ni Clement.

"Naaalala mo pa ba ako?" tanong nito bago naupo malapit sa kanya.

"Seryoso ka ba sa tanong mo?!" asik niya dito.

"Sorry. Ibig sabihin nga naaalala mo pa ko,"

"Eh, ano ngayon?!"

"I'm just glad that I was able to see you again. Actually, binalikan kita kinabukasan doon sa bar, pero sarado na daw 'yon at hinuli daw ng pulis ang may ari," seryosong sabi ni Clement na nagpakunot naman sa noo si Fauvine.

"Bakit mo naman ako binalikan aber?!" taas kilay na sabi niya.

"Syempre para makita ka ulit," nakangiting sagot ni Clement.

"Hindi mo na naman ako kailangang makita pa. Hindi ba sinabi ko na sayo na hindi nga ako bayarang babae," sabi niya dito bago ito talikuran.

'Kung alam mo lang, isang bangungot ang nangyari sa 'kin kung paano ako napadpad sa lugar na 'yon!'

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Whenilyn Nebreja
Ganda Ng story ...️
goodnovel comment avatar
Whenilyn Nebreja
sanay walang bayad...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status