Share

Chapter II

"P**a. Nakakahiya yun ah," ani Clement sa sarili.

Matapos niyang magbihis ay lumabas na siya agad. Ang lola niya na lang ang naabutan niya sa sala.

"Halika na Clement sumama ka sa'min ng lolo mo,"

"Saan po kayo pupunta La?"

"Basta sumama ka na lang apo. Naghihintay na ang Lolo mo sa labas."

Wala na siyang nagawa ng hinila na siya ng lola niya palabas.

May kalayuan din ang nilakad nila bago sila lumiko sa maliit na bahay sa gitna ng bukid. "Bilisan mo apo. Makikikain tayo." Napangiwi siya ng marinig ang sinabi ng Lola niya.

"Mabel," tawag ng Lola niya doon sa babaeng nasa bungad.

"Ay nandito na pala kayo Ate Zeny. Nagkakasayahan na sila sa likod." Iginaya sila ni Mabel sa likod bahay nito.

Maraming tao sa likod bahay nito. May mga kumakanta sa videoke, may mga nag-iinuman sa gilid at may mga kumakain din.

Naupo sila sa bakanteng upuan. Medyo nahihiya si Clement dahil pinagtitinginan siya lahat ng tao doon. Inabutan na lang siya ng kanyang lola ng pagkain. Ang lolo niya naman ay dumiretso na sa mga nag-iinuman.

"Siya nga pala mga Pare hayun ang apo ko kay Vannie," nakangiting pagpapakilala sa kanya ng kanyang Lolo sa mga nag-iinom, na sa lakas ng pagkakasabi nito ay malamang narinig ng mga tao roon, sakto rin kasing tumigil ang tugtog ng videoke.

"Aba eto na ba ang anak ni Vannie? Aba binatang binata ka na ah. Teka may asawa ka na ba?" tanong ng isang matanda na malapit lang sa kanila nakaupo.

"Wala pa po," tugon niya dito.

"Aba dapat nag-aasawa ka na nang mabigyan mo na ng apo si Ka Zeny at Ka V." kantyaw ng isa pa.

Mabilis namang napalagay ang loob niya dahil mababait naman ang mga ito at ang sarap ng pagkaing handa, kahit na hindi niya naman alam kung ano bang meron at nagkakasiyahan ang mga tao dito. Inaaya rin siyang mag-inom ng mga lalakihan pero tumanggi siya dahil baka tanghaliin siya ng gising kinabukasan.

"Hindi pwedeng uminom ngayon 'yan dahil maaga pa siyang gigising bukas para umuwi sa Maynila," sabad ng lola niya sa mga namimilit sa kanya.

"Basta sa susunod pare makipag-inuman ka samin ha,"

"Oo naman," mabilis niyang sagot.

"Teka Mabel nasaan nga pala si Fauvine?" tanong ng Lola niya nang mapadaan si Mabel sa harap nila.

"Sumakit daw ang ulo. Siya pa naman ang nagpresinta na sunduin kayo kaso pagbalik dito nagpaalam agad na uuwi na daw siya kasi nga masakit daw ang ulo niya. Pero sinabihan ko na pagnawala ang sakit ng ulo niya ay pumarito siya," paliwanag ni Mabel.

Mabilis lumipas ang oras, nagkakasiyahan parin ang mga tao. Masyado na siyang nabuburyo kaya nagpasiya siyang umuna na ng umuwi.

Nanonood siya ng tv ng may kumatok sa pinto. Agad siyang tumayo para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

"Si tatay V. lasing na hindi kaya ni nanay Zeny iuwi mag-isa dito," nakayukong sabi ng babae pagbukas niya ng pinto, ni hindi niya makita ang mukha nito dahil nakaharang ang buhok nito.

"Sige susunduin ko sila. Patayin ko muna 'yong tv," nagmamadaling tugon niya dito at pinatay ang tv at kinuha niya din ang susi ng kotse niya, tutal may kalayuan din ang bahay na pinuntahan nila kanina.

Paglabas niya ay naglalakad na yung babae paalis. "Miss, sumabay ka na sakin!" aya niya doon sa babae pero hindi man lang siya nilingon nito kaya nakibit-balikat na lang siya.

Mabilis na pinaadar ni Clement ang kotse niya at tinungo ang bahay na pinuntahan nila kanina. Naririnig niya pa ang videoke na tumutugtog pagkababa niya sa sasakyan.

"Nandiyan ka na pala, hijo. Ang lolo mo lasing na," anang ni Mabel nang makita siya.

"La," tawag niya sa lola ng makalapit siya sa mga ito.

"Naku! Buti nandito ka na. Iyang Lolo mo hindi na kayang tumayo. Siya Mabel salamat sa pagkain, uuwi na kami,"

"Sige ho ate Zeny. Ingat kayo."

Tulong sila sa pag-akay sa lolo niya. Lasing na lasing ito at may kabagalan na ang lakad at pasuray-suray pa. Ilang minuto ang inabot nila bago tuluyang naisakay ito sa kotse.

"Susmaryosep ka, Vanjo!" ani lola niya ng makasakay na rin ito sa kotse at tumabi sa lolo niya.

Pahirapan din ang pagbaba nito sa kotse ng makauwi na sila. "Pasensiya ka na apo ha. Ganito talaga si Vanjo pagnasosobrahan ng inom," ani Lola niya ng maibaba na nila ang Lolo niya sa sasakyan.

"Sinong katulong niyo kay Lolo pagnakakainom siya ng sobra?"

"Minsan yung mga kasama niyang mag-inom at minsan si Fauvine tinutulungan ako."

Matapos maihiga ni Clement ang Lolo niya ay nagtungo na siya sa silid ng ina upang matulog. Samantala, naging abala naman ang Lola niya sa paglilinis sa asawa.

Ang tagal ng nakatitig sa kisame ni Clement, ngunit hindi parin siya dinadalaw ng antok.

Sumagi na naman sa isipan niya ang babaeng laging laman ng panaginip niya nitong nakaraan. Ang totoo simula ng araw na 'yon ay hindi na ito mawala sa isipan niya. 'Tawag lang ng laman siguro 'to!' Pagkukumbinsi niya sa sarili.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may kumatok. "Clement hijo? Gising ka pa ba?" narinig niya ang Lola niya.

"Opo, La," Pinagbuksan niya ito ng pinto at nakitang may dala itong isang baso ng gatas.

"Inumin mo 'to apo ng makatulog ka ng maayos," Tinanggap niya agad ang binigay nitong gatas.

Tumalikod na ang Lola niya at binuksan ang tv. Sumunod siya dito at naupo sa sofa. "Alam mo La, si Mom din lagi akong pinagtitimpla ng gatas dati. Nagagalit pa nga ako sa kanya minsan kasi masyado niya kong ginagawang bata,"

Napangiti ang Lola niya dahil sa sinabi niya. "Syempre naman mahal na mahal ka ni Vannie. Alam mo ba dati bawat nangyayari sa buhay niyo ay ikinukwento niya sa'min. Nakakamiss talaga si Vannie"

"Mahal na mahal din naman po kayo ni Mom, La," sabi niya dito ng nakangiti.

"Mahal na mahal din namin si Vannie. Teka apo inumin mo na yang gatas mo at ng makatulog ka na,"

"Ay siya nga po pala, La. Sino yung babaeng sumundo sakin kanina?"

"Ay si Fauvine 'yon. Bakit?"

"May pagkaweird po siya hano? Kasi nung pagbukas ko po sa pinto nakaharang 'yong buhok niya sa mukha niya, kagaya ng mga white lady sa horror movie. Inaya ko nga din siyang sumabay sakin kanina sa kotse pagpunta sa inyo pero hindi ako pinansin," nakakunot noong tanong ni Clement sa matanda.

"Hindi mo yun mapapasakay sa kotse at sa kahit na anong sasakyang de aircon dahil nahihilo siya, pero minsan kapag napipilitan siya ay pinapabuksan niya na lang ang bintana ng sasakyan. Baka naman kaya nakaharang ang buhok niya sa mukha kanina ay dahil nahihiya sayo, nakita ka kasi niyang nadulas kanina," mahabang paliwanag ng Lola niya.

Naalala niya na naman tuloy na nadulas siya kanina at siya pala ang bisita kanina ng Lolo at Lola niya kaya sigurado ngang nakita nito ang pagkadulas niya.

Kinabukasan. Madaling araw pa lang ay nakagayak na si Clement. Kailangang maaga para hindi siya matraffic lalu na't lunes.

Nang makarating na siya sa bahay, nagpahinga lang siya saglit at naghanda na para pumasok sa trabaho.

"Clement, Hijo. San ka natulog kagabi?" nag-aalalang tanong ni Manang Elsie pagkakita sa kanya nang bumaba siya.

"Kanila Lola po, Manang," Magalang niyang sagot dito.

"Ganoon ba? Hinahanap ka kasi ng Dad mo kagabi. Nagpunta din nga pala dito si Cappucine at ang mga kaibigan mo,"

"Manang kailangan ko ng pumasok," mabilis na sabi niya dito para hindi na humaba ang kwento nito.

"Teka hindi ka ba mag-aagahan muna?"

"Sa office na po,"

"Sige mag-ingat ka sa pagmamaneho."

Sinalubong siya ng tambak na papeles na kailangan niyang pirmahan pagkadating niya sa opisina. "Good morning, Sir," bungad ni Mathilde.

"Anong good sa dami nito?" Tukoy niya sa maraming papeles.

"Ang aga ang init ng ulo ha? Breakfast?" natatawang saad nito.

"Yes, please. I want fried rice," nakangiting tugon niya sa sekretarya.

Pagkalabas ni Mathilde sa opisina ay biglang tumunog ang cellphone niya.

Cappucine Calling...

["Hello Clement? How are you? Bakit wala ka kagabi?"] masiglang bungad nito pagkasagot niya ng tawag.

"Wala kang pakialam. Pwede ba wag kang tatawag sakin ng umaga!" inis na sagot niya dito.

["Gusto lang naman kitang kumustahin. Later I'm gonna go there"]

"Bahala ka sa buhay mo," maagap na inend call niya na pagkatapos.

'Ang aga-aga naninira ng araw!'

Nang makabalik si Mathilde ay agad na nilantakan ni Clement ang dala nitong pagkain.

"Hinay-hinay lang! Hindi naman halatang gutom na gutom ka Sir ah," ani Mathilde bago lumabas sa opisina niya pero hindi niya ito pinansin.

Nagugutom na naman talaga siya kanina pa kaso ayaw niyang maabutan siya ng asawa ng ama niya at ng mga anak nito. Ayaw niyang nakakasabay kumain ang bagong pamilya ng ama dahil nawawalan lang siya ng gana.

Ilang oras ng pumipirma ng papeles si Clement pero hindi niya pa rin ito natatapos, hindi naman kasi basta-basta ang ginagawa niya, dahil kailangan niya pang basahing maigi ang mga ito bago pirmahan. Marami pa siyang kailangang pirmahan pero bigla na lang siyang tinamad ng maalala ang ex-girlfriend na si Cappucine. Napatitig na lang siya sa labas ng glass wall ng opisina niya.

Ayaw niyang matuloy ang kasal nila ni Cappucine pero anong magagawa niya? Mas matimbang ang pera sa ama kumpara sa kanyang anak nito. Pera ang dahilan kung bakit sila ikakasal. Dahil kung ikakasal daw sila mas makikilala ang kumpanya nila, hindi lang dito sa Pilipinas kun'di maging sa ibang bansa. Cappucine's parents has connections abroad.

"Sir, ice cream gusto mo?" Nagulat siya ng biglang magsalita si Mathilde, hindi niya man lang kasi namalayan ang pagpasok nito sa opisina niya. "Sinilip kasi kita kanina Sir tas nakita kitang tulala diyan kaya binilan kita ng ice cream. Pagkinain mo ito lahat sigurado tanggal ang stress mo," seryosong sabi pa ni Mathilde.

"Seryoso ka ba? Baka naman mapaos ako sa dami nito," nakangiting tanong niya dito.

"Oo naman Sir. Pero if ever na may matira ka akin na lang ha"

"Hati na lang tayo," sabi ni Clement at naglagay ng ice cream sa maliit na cup na dala din ni Mathilde. Matapos mapuno ang cup ay ibinigay niya na ito.

"Grabe ka naman Sir ang konti naman ng sakin. Isang galloon kaya yan!" reklamo ni Mathilde pero isang matamis na ngiti lang ang sinagot ni Clement sa kanya. "Para ka palang si Fau,"

"Sino naman 'yon?" tanong ni Clement habang ineenjoy ang pagkain ng ice cream. Minsan lang siya kumain ng matamis kaya talagang nag eenjoy siya ngayon sa pagkain ng ice cream.

"Bestfriend ko," masiglang sagot ni Mathilde. Sinimulan na din nito ang pagkain ng ice cream.

"Sa tinagal-tagal nating magkasamang magtrabaho ang konti pa lang ng alam ko tungkol sayo. Ang tagal na din pala nating magkaibigan pero never kang nagkwento tungkol sa buhay mo," seryoso pang sabi ni Clement kay Mathilde habang sarap na sarap sa ice cream.

"Masyadong madrama ang buhay ko, Sir," agarang sagot nito.

"Hindi bagay sa mukha mo kung ganoon," natatawang komento ni Clement dito.

Napakunot naman ang noo ni Mathilde dahil sa sinabi ni Clement. "Ano namang kinalaman ng mukha ko?" paangil na tanong nito.

"Wala naman, lagi ka kasing masaya. Parehas kayo ni Anthony na laging nakangiti at ang hilig mang-asar. Kelan nga pala kayo ikakasal?" napatingin pa si Clement sa ice cream na kinakain na napapangalahati na niya pala.

"Wala ka na dun, Sir. Eh ikaw Sir kelan ka ikakasal?" pang-aasar din sa kaniya ni Mathilde.

"Baka gusto mo ng mawalan ng trabaho?" napangiti naman si Mahilde sa naging turan niya dito. Kahit kelan talaga ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang pagpapakasal, kahit pa nalalapit na naman talaga siyang ikasal ngayon. "H'wag mo kong nginingiti-ngitian ng ganyan!"

"Parang binibiro lang naman kita Sir," natatawang saad pa ni Mathilde. "Ang kalat naman ng opisina mo Sir!" sabi pa nito ng mapatingin sa mga papel na nahulog mula sa table niya.

Isa-isang tinitignan ni Mathilde ang mga papel dahil baka may nasamang importanteng papeles doon, pero puros scratch paper lang ang napulot nito.

"Ako ng bahala diyan lumabas ka na." Pagtataboy ni Clement kay Mathilde. Napatingin pa siya dito dahil hindi siya nito sinunod at nakatitig lang ito sa hawak na mga papel. Sinilip niya ang tinitignan nito at laking gulat niya ng makita na yung drawing niya iyon.

"Akin na nga yan!" mabilis niyang inagaw ang drawing sa kamay nito.

"Teka si ano yan ah—ay wala" bigla na lang itong tumalikod at lumabas ng opisina niya.

'I think she knows her.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status