Share

Ika-labing isang Kabanata-The neglected Wife

Hindi ko tuluyang isinara ang pinto ng guest room na pinasukan ko upang malaman ng un-invited guest namin na naroon ako. Sabi ko'y sumunod siya sa akin, maliban sa gusto kong malaman kung ano ang pakay niya kay Lance ay gusto ko rin na makilala siya nang personal.

Ang alam ko'y inimbitahan siya ni Lance sa kasal namin subalit hindi siya dumalo. Busy raw, nasa ibang bansa at hindi makagawa nang paraan upang makauwi.

Reasons!

Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa gawi ng pintuan nang maramdaman kong nagsara 'yon.

Nakatayo na ang babaeng nagngangalang Jeyn sa may harapan ko at nakatitig sa akin.

Good thing na isinuot ko ang bigay ni Lance na pink na sun dress. Hindi ako nagmukhang 'lowkey' sa pagiging modelo niya.

"Jeyn right? Nice meeting you," saad ko nang hindi man lang kumukurap.

"Yes. Same with you Mrs. B-Benedicto."

Nangunot ang noo ko sa pagkakabigkas niya ng bago kong apelyido, she is stuttering.

Ngumiti ako. Ngiti na napuno ng buong kaplastikan sa kaniya. Aywan ko ba pero naiinis ako sa presensiya niya, hindi ko naman siya personally na kakilala at ngayon lang kami nagkaharap kahit pa sabihin na matalik siyang kaibigan ng asawa ko.

Pasimple ko na pinasasadan ang hitsura niya mula ulo hanggang paa. Maganda nga siya.

Pero ayoko sa kaniya!

"You can relay to me what you need to say to my husband. He's busy." Wow, straight english nag peg ko, kunwari sosyal.

"I'm sorry, but this is a personal matter-"

"How personal?" Intrigera ako, bakit ba?

"Please, it's just a matter of . . ." she paused "friendship."

Tumango ako sa sinabi niya. "Okay sige, tatawagin ko siya para sa 'yo."

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi sa tinuran kong 'yon. Humakbang siya palapit sa akin, ngunit hindi ko hinayaan na mas makalapit siya kaya nagsalita na ako ulit. "But-" putol ko saglit sabay titig sa kaniya. Natigil rin ang ginagawa niyang paglapit sa akin.

"Will you give my husband a little more space?" deretsang sabi ko rito Hindi sumagot si Jeyn, tanging ang mapagtanong na mga mata niya lang ang ang isinagot niya sa akin.

"Alam mo na, hindi na si Lance katulad ng dati na open para sa 'yo 24/7. Pamilyado na siya ngayon, so I hope na bibigyan mo siya ng kaluwagan sa buhay. " prangka kung prangka na 'to.

Alam ko ang takbo ng buhay ni Lance noong hindi pa siya ikinakasal. Hindi naman sinabi ni Lance lahat sa akin, ako ang mismong kumalap ng impormasyon. Mabuti at loyal sa akin assistant ko, siya ang nag 'isplok' nang lahat sa akin.

Lance is like a dog na hawak ng Jeyn na ito sa leeg. Maybe she knew Lance is madly inlove with her. This bitch is an attention seeker, too. Gustong-gusto ata niya na hinahabol siya ng 'bestfriend' niya, kaya nagpapahabol din.

At ito namang asawa ko, isang daan ring tanga, kalalaking tao, nagpapauto? Juskolord!

Hanggang sa umabot pa ang kahibangan niya sa wedding proposal na tinanggihan naman ng luka. Kaso, sorry na lang siya, ako na ang napakasalan, wala na siyang karapatang humabol pa.

Hello na lang sa sinayang niya.

"Insecure ka ba?" Muntikan na akong mapahagalpak sa tawa nang tinanong niya ako nang gano'n? Like, hello, nasa tamang pag-iisip pa ba ang babae na 'to ngayon?

"Excuse me?" Nakataas pa ang isa kong kilay.

"Can we just go straight forward? You know, me and L.A were bestfriend since grade school. So how dare you untie our bond? Or even lessen it? I know him more done you."

Ngayon alam ko na, maliban sa pagiging attention seeker ay mayabang din ang babae na 'to. Her smile says everything. Ang kaninang mukhang anghel niyang postura ay napalitan ng sa ingratang demonyita.

"I am more capable of being Mrs. Benedicto not you. Naanakan ka lang naman." Then she smirk.

Napabuga ako ng hangin at ngumiti na naka-angat ang kaliwang parte ng aking labi. Ang kapal ng mukha ng babae na 'to, puwede kaya akong umisa ng sampal. Isa lang talaga, promise!

"Ang lakas naman ng loob mo na magsabi nang ganiyan. Kung capable ka, edi sana hindi mo tinanggihan ang kasal na inalok niya sa 'yo. Funny." Hindi ko na pinag-isipan pa ang mga sinabi ko, e ano kung matamaan ang ego niya.

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko, for sure sapul na sapul siya sa puso'y isipan. I just want to laugh right now.

"So, sabihin mo na lang sa akin ang sasabihin mo sa A-SA-WA ko. Hindi ko na pala gustong tawagin siya para sa isang katulad mo. Hipokritang modelo." Syllabicated talaga ang pagkakabigkas ko sa word na ASAWA at medyo pabulong lang ng huling dalawang salita.

Nagtagisan na lang kami ng tingin ni Jeyn. Siyempre hindi rin ako nagpatinag, 'no. No'ng una akala ko pu-puwede kaming maging magkaibigan, tutal wala naman ako feelings kay Lance. Naisip ko pa na puwede kong tulungan ang asawa ko sa kaniya. Kasi nga, after birth ay mag-hihiwalay din naman kami, 'di ba?

Eh, ang kaso, sa nakikita kong ugali ng babae na 'to ngayon ay diskumpiyado na ako. It's a no na!

"Okay, wala ka na ata talagang sasabihin, aalis na ako." Nagsimula na akong maglakad, nilagpasan ko na siya at nakahanda nang pihitin ang seradura ng pintuan nang ibinuka niya ang kaniyang bibig at nagsaysay ng nais niya.

"Let me borrow your husband, Mrs. Benedicto. Twice a week."

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. What is she talking about? Borrowing my husband? Srsly.

"I need Lance, please . . ."

Now she's pleasing me? Huh!

Ngunit mas nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko. Otomatik na naikilos ko ang aking mga paa, pero nagpigil ako at hindi ko siya tuluyang nilapitan.

"Ano'ng g-ginagawa mo, tumayo k-ka nga riyan." Hindi naman sa natatakot ako kaya nagkandabulol-bulol ang aking pagsasalita. It's just that, hindi ako santo para luhuran ng sino man.

"J-just let me be w-with Lance k-kahit ilang araw lang. I promise to return him to you." I saw her tears began to fall from her eyes to cheeks. Naguguluhan ako sa babae na 'to, hindi ko alam kung pina-prank niya ba ako o ano.

"Let me be with him hanggang sa kaya ko pa."

Nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi niya. Ganito ba talaga siya ka-desperada para kay Lance? Parehas kaya sila nang nararamdaman ng asawa ko, tapos ay in-denial lang talaga siya? Then ngayon na nalaman niyang hindi na siya pu-puwede kay Lance ay maghahabol na siya?

Tuluyan akong lumapit kay Jeyn, naiinis ako sa kaniya pero hindi pa rin magandang tignan na gawin niya ang ganito. Babae rin ako, at ayoko naman na may katulad ko na bababa ang tingin sa sarili nila.

"Tumayo ka na riyan." Nilagyan ko ng otoridad ang boses ko para matinag siya at sumunod sa sinabi ko.

Pero matigas nga ata talaga ang ulo niya, hindi siya nakinig sa akin. Nanatili lang siya sa puwesto niya't nakayuko.

Naghihintay ba siya ng pasko rito?

Hanggang sa natuon na ang tingin ko sa aking likuran. Narinig ko kasi ang pagbukas ng pintuan na kanina'y bubuksan ko na sana. At ang gulat na gulat na hitsura ni Lance ang tumambad sa akin.

"Lance—"

"What are you doing?" Lance voice bombarded to the four corners of the room. Pero hindi 'yon ang mas ikinagulat ko sa lahat, Lance pushed me.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa niyang 'yon. Hindi naman malakas ang ginawa niyang 'yon pero kasi nagulat pa rin ako. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba, at ang tiyan ko kaagad ang naisipan kong haplusin.

Mabilis pa sa kidlat na dinaluhan niya ang kaniyang matalik na kaibigan at tinanong kung ano ang nangyari at kung okay lang ba ito.

Like what? Wala naman akong ginawang masama sa babae na 'yon para tanungin niya kung okay lang siya.

That Jeyn never said a word, she just hugged Lance. At ang magaling kong asawa naman ay tumugon din ng yakap dito.

Am I invisible right now?

Lance then escorted the girl, ni-hindi lumingon sa akin. Grabe!

"Lance." I tried calling him pero hindi siya tumugon.

Hanggang sa tuluyan nitong isara ang pintuan at makalabas sila ng silid. I was left alone, thinking.

Upon being left, I realized one thing. This situation is very difficult, I am the wife but I am the one neglected.

Poor me, bakit pa kasi ako pumasok sa ganitong sitwasyon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status