Hindi ko tuluyang isinara ang pinto ng guest room na pinasukan ko upang malaman ng un-invited guest namin na naroon ako. Sabi ko'y sumunod siya sa akin, maliban sa gusto kong malaman kung ano ang pakay niya kay Lance ay gusto ko rin na makilala siya nang personal. Ang alam ko'y inimbitahan siya ni Lance sa kasal namin subalit hindi siya dumalo. Busy raw, nasa ibang bansa at hindi makagawa nang paraan upang makauwi. Reasons!Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa gawi ng pintuan nang maramdaman kong nagsara 'yon.Nakatayo na ang babaeng nagngangalang Jeyn sa may harapan ko at nakatitig sa akin.Good thing na isinuot ko ang bigay ni Lance na pink na sun dress. Hindi ako nagmukhang 'lowkey' sa pagiging modelo niya. "Jeyn right? Nice meeting you," saad ko nang hindi man lang kumukurap. "Yes. Same with you Mrs. B-Benedicto." Nangunot ang noo ko sa pagkakabigkas niya ng bago kong apelyido, she is stuttering. Ngumiti ako. Ngiti na napuno ng buong kaplastikan sa kaniya. Aywan ko ba
Mula nang samahan ni Lance si Jeyn palabas ng silid ay hindi ko na siya nahagilap pa. Natapos na ang maghapon ay hindi pa rin siya umuuwi, ang sabi ni Manong driver na si Mang Jun ay ihinatid daw ni Lance ang kaibigan niya. At kailangan pa ba talaga niyang gawin ang bagay na 'yon? Hindi na niya inisip ang sarili niya? Gusto pa niyang utu-utuin siya ng babae na 'yon? Halata naman sa Jeyn na 'yon kung gaano niya isinisiksik ang sarili kay Lance, siguro'y tuwang-tuwa siya kapag hinahabol siya ng lalaki. Nasa harapan na ako ng hapagkainan, hindi maganda ang pakiramdam ko nang dahil sa inis kanina pa. Masama mang sumimangot sa harapan ng hapag-kainan ngunit hindi ko mapigilan. Ilang beses kong na-itama nang malakas ang gamit na kubyertos sa mababasaging pinggan na gamit ko. Ilang beses ding nagbanggaan ang mga ngipin ko sa pagnguya ng malinamnam na piraso ng karne na galing sa menudo na niluto ng mga kitchen cook para sa amin. "Ma'am, may gusto pa po ba kayo?" Binalingan ko ng tingin an
Nagising ako na wala na si Lance sa bahay. Ang sabi ng mga maids ay maaga raw itong pumasok. As in maaga talaga? Samantalang seven in the morning ako nagising, so alas sais ba ay dapat nasa opisina na siya? Hindi ko alam kung siya ba ang magbubukas ng building nila o ano e. Wala man lang iniwan na kung ano para sa akin, kahit habilin man lang gano'n? 'Pero ba't naman nga niya ako pahahabilinan, e war nga pala kami.'Pinilit kong makatulog kaagad kagabi kahit na hindi ako kumportable na mag-isa sa silid, wala man lang akong kasama kahit teddy bears. Hindi ako sanay! Kaya naman heto, medyo bangag ako ngayon. Pero gumayak pa rin ako papasok ng trabaho ko, ngunit bago tuluyang dumiretso sa bakeshop ay minabuti kong dumaan muna sa isang sikat na fast food chain. Bigla akong nagcrave sa pancake at fries. Natakam ako ng ilapag ko na ang aking binili sa katabing upuan, gusto ko nang kainin 'yon ngayon mismo. Kung hindi lang dahil sa busina na galing sa likurang sasakyan ay hindi ako matatau
Lance's POV"Sir?" Natawag ang pansin ko ng aking bagong hired na secretary na si Mr. Lee. Mahigit isang buwan na siyang nagta-trabaho sa akin matapos kong papuntahin ang dati kong sekretarya na si Nanci sa asawa ko. That woman, Onie, doesn't have someone she can trust on. Sariling kilos lang siya, magmula sa pagpapalakad sa maliit nitong bussiness hanggang sa personal na schedule ng buhay niya. So, I decided to assign Nanci to her, she should not be stressed, as it would affect the baby, my child."Sir. Ms. Corpuz just sent a text message for you." Inabot ko ang telepono na inilahad na niya sa may harapan ko. Jeyn wanted to meet me after office hours. It drew a wide line in my lips. I really wanted to spend more time with her. She's so precious to me. Eversince, we were at grade school our bond never cut off. She is all for me.Kaya naman kahit na mali ay nakikipagkita pa rin ako sa kaniya. if only she accepted my proposal that night ay hindi sana makakagulo ng ganito. Hindi siguro
Onie. Nakapangalumbaba ako habang nakatanaw sa labas ng aking bakeshop. Dapat ay nakauwi na ako sa bahay, ang kaso'y bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Kung kailan wala akong dalang payong, at isa pang kamalas-malasan na nangyari'y na flat pa ang gulong ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung mayroon bang empleyado o customer ang may galit sa akin kaya binutas ang gulong ng 'baby' ko. O sadyang balahura lang talaga ako sa pagpark niyon kanina. Huli na nang mapansin ko ang problema, wala naman akong gamit para maayos ang sirang tire, at mas lalong wala akong excess tire ngayon. Grabe! It was really a bad day talaga. Hindi ko na rin inabala ang mga empleyado ko regarding my problem dahil maghapon na silang nagtrabaho, this should be their rest time naman. Pinaki-usapan ko na lamang si Manong security na hintayin ako kahit saglit pa hanggang sa dumating lang si Lance. I texted him naman na baka puwede niya akong sunduin dito sa shop. At saka on the first place, siya ang unang nagsen
Chapter Sixteen"Maupo ka muna." Hindi ko sigurado kung nasa tamang sistema ba ang utak ko o nagkaroon ako bigla ng diperensiya sa pag-iisip. Kinuwestiyon ko rin naman ang sarili ko pero huli na, dahil sa lahat ng puwede kong gawin bakit ang pagdala pa kay Aldrin sa Condominium ko ang aking ginawa. I mean, maaari naman na nagpasalamat na lang ako at naghintay na may dumaang taxi hanggang sa makauwi. O kaya naman e, tuluyan na lang sana akong nagpahatid sa bahay namin.Pero bakit dito pa talaga? Mukha akong tanga sa pagtatanong sa aking sarili, pero isang dahilan lang ang isinasagot sa akin ng aking utak.'Naiinis ako sa asawa ko't ayaw ko siyang makita, paasa siya, hindi ko naman si Aldrin puwedeng papuntahin sa village namin, tiyak na makakarating kay Lance oras na makapasok ang sasakyan nito ro'n. Good thing at hindi ko pa binibitiwan ang condo unit ko. Masama man na magdala ng lalaki sa unit ko'y ginawa ko pa rin, guilty ako sa sugat niya sa may bandang labi. Hind ata ako makakatu
Naimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang bigla kong pagsipa, nanaginip na naman ako na nahuhulog. Walang kabuhay-buhay na naupo ako mula sa pagkakahiga, inilihis ang aking naniningkit pang mata sa telepono na nasa side table. 32 messages received.20 missed calls.15 emails received.It was already seven in the morning, as my phone clock stated. Bumangon ako't dumiretso sa banyo. I didn't even bother open the messages and calls I received. I took my morning shower, and planning to have a breakfast on the nearby fastfood before going straight to work. I missed this life, iyong wala akong ibang iisipin kundi sarili ko lang. Pinatutuyo ko ang aking buhok habang nakaharap sa malawak na salamin na nasa loob ng comfort room. I tied it up neatly para hindi mabanas mamaya kapag tanghali na. I am brushing the upper part of my teeth when I suddenly run my eyes to my tummy. It's been three months at lumilitaw na nang bahagya ang umbok sa aking tiyan. Marahan na hinaplos ko 'yon at
Napakainit ng 'atmosphere' sa loob ng kotse ng asawa ko. Panay ang busina niya sa mga sasakyan na nabubuntutan namin ngayon. Matapos niyang bigyan ng isang malutong na suntok si Aldrin at kaladkarin palabas ng unit ko'y ako naman ang hinila niya palabas do'n at dinala sa parking lot, at pinapasok sa kotse. Pinaharurot niya kaagad ang sasakyan, saka ko lang napansin na wala siyang kasamang driver ngayon. Nagulat ako sa muli niyang pagbusina, konti na lang ay makakakuha na ng kaaway ang lalaki na 'to. Simula kanina'y hindi pa ako nagsasalita, hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.'Should I say sorry to him dahil sa nagdala ako ng lalaki sa Condo ko?' Umiling-iling ako, pero wala naman akong ginagawang masama para mag-sorry, Aldrin just helped me . . . na hindi niya nagawa bilang asawa ko. "Puwede bang magdahan-dahan ka? Gusto mo na bang mamatay? Kung oo man ang sagot, go . . . pero 'wag mo 'kong idamay." Nagtaray pa rin ako sa kaniya. Hindi lang siya ang puwedeng