Nahanap mo na ba siya?" Tanong ko sa secretary kong si Hudson.
"Oo, nakatira siya sa Santa Monica Village." Sagot niya, great! Now I know where I can find her. Ibinaba ko ang ballpen ko, saka tumayo para kunin sa kabilang table ang paboritong flower bouquet ni Eunice."Okay I want you to give her this bouquet and this letter." Luther Pov... Pagkatapos naming mag-usap ni Hudson,ay umalis na siya, at iniwan akong nakatulala habang nag-iisip, dahil simula nang magkita kami ulit ni Eunice sa isang bar ay lagi na siyang nasa isip ko. Kaya nagdadalawang-isip na tuloy ako kung itutuloy ko pa ba ang annulment namin o hindi na. "Anong iniisip mo?" Tanong ni Monica na nagpa wala sa isip ko tungkol sa annulment. "Wala lang, kakatapos lang ng meeting ko with the board members. Tara kain na tayo." Sabi ko at gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Kausap ko si Ezra sa isang video call nang may narinig akong tao sa labas ng gate, kung saan ako nakaupo."Teka lang ha? May titingnan lang ako saglit." sabi ko kay Ezra at naglakad na ako papunta sa gate namin. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya, he's so decent in his suit. Ipinakita niya sa akin ang mga bulaklak na hawak niya at isang puting sobre na hawak din niya "I came to give this to you. Please accept this, dahil malayo pa ang binyahe ko mahatid ko lang sayo ito. Binuksan ko ang gate at binigay naman kaagad nito ang bulaklak at ang puting sobre. Nakokonsensya din kasi ako kung hindi ko tatanggapin.''Salamat dito.'' "You're welcome, alis na ako." Sinabi niya. "Ano yan, Kanino galing yan?" Tanong ni Ezra na nakakunot ang noo at halatang nagseselos. Tinabi ko muna yung bulaklak, para makausap ulit si Ezra."Ewan ko, binigay lang sakin nung lalaki." "Sa susunod, kapag may nagbigay sayo ng bulaklak, huwag mong tanggapin okay? Dahil ako lang ang may karapatang magbigay sayo niyan." "Okay, babe." "Babe, I need to go. Magsisimula na ang taping namin. Promise kapag natapos na kami rito, ay sasamahan na kita dyan sa pilipinas. Mahal na mahal kita don't forget that.''Ani Ezra, at mabilis na nag flying kiss. I'm sure ang pula na talaga ng pisngi ko ngayon. "Okay, bye babe. Ingat ka sa taping, I love you too." Eunice Pov… Pagkatapos naming mag-usap ni Ezra, ay kinuha ko ang bulaklak at ang puting sobre at kaagad na pumasok ng bahay umupo rin muna ako sa sofa at nilagay ang bulaklak sa lamesa. Sino kaya ang nagpadala sa kanya ng bulaklak na ito sa akin? Tanging tanong ko sa sarili ko, kinuha ko ang puting sobre at agad na tiningnan ang sulat sa loob. Pero nagulat ako nang makita kong galing iyon kay Luther. Ito ba ang paraan niya para istorbohin ako, ano pa ba ang gusto niya? Mga tanong na hindi ko masagot. Kaya naisipan kong puntahan si Ellaine sa boutique namin. "Daddy! Sabay na po tayong kumain." Bati sa akin ni Isaac pagdating ko ng bahay ngumiti ako at kaagad na lumapit sa kanya na ikinagulat niya. Simula kasi ng naghiwalay kami ni Eunice, lagi kong iniiwan si Isaac, sa bahay dahil binigay ko lahat ng oras ko kay Monica at sa trabaho ko. "Son, how are you and how is school?"Tanong ko sa kanya, kahit busog na ako ay pinilit ko pa rin kumain. Makita ko lang ang anak ko na nakangiti. "Okay lang dad, pero minsan nalulungkot ako kasi wala akong kaibigan. Lumipat na kasi si Prince sa Canada." "Ganun ba. Gusto mo bang pumunta tayo ng arcade bukas? I can cancel my meeting tomorrow." Sabi ko, pero sabi niya hindi. "After your meeting Daddy, I can wait naman po, Pwede naman tayong maglaro rito sa bahay at manood ng movie dito, habang kumakain ng paborito nating popcorn. Mas importante po kasi ang work mo." Nalungkot ako sa sagot ng anak ko. Dahil hindi niya namana sa akin ang ugali niya na 'yon. Sigurado akong namana niya ang kabaitan niya kay Eunice. "You're a very kind son. Alright, after my meeting tomorrow, I'll be home right away. So go ahead and go to sleep. I'll wash the dishes here." "Okay, dad." "Manang, accompany Isaac to his room and change his clothes into his favorite spongebob terno pajamas." "Okay sir, alis na tayo Isaac." Narinig kung ni Manang sa anak ko. "Gabi na, bakit ka nandito? Akala ko bukas ka pa pupunta rito." Nagtataka na tanong sa akin ni Ellaine. "I want to sleep here. Pero kung ayaw mo, uuwi na lang ako. Sa bahay na lang ako iinom." Ipinakita ko sa kanya ang Vodka na hawak ko. Agad namang lumiwanag ang mukha ni Elaine, at mabilis na kinuha ang Vodka sa kamay ko. Naaawa ako sa kanya, simula nung iniwan siya ng ama ni Isaiah, ay gabi-gabi lagi siyang naglalasing, pero napag-isip niya na mali yung ginagawa niya at naisip niya rin ang anak niya. "When is Ezra going to be here?" "Maybe he'll be in Vietnam for a while,kasi hindi pa siya tapos mag-taping doon." Ezra is a Hollywood actor pero nasa Vietnam sila nag-shooting ngayon para sa bago niyang pelikula, At dahil model ako doon at may business din ako doon, nagpasya siyang mag-travel pabalik-balik para lang makita ako. At kaya naman tinanggap niya ang pelikula ay para mas mapalapit siya sa akin. Ganyan magmahal ang isang Ezra Monteclaro "But he promise me, after ng taping niya ay sasamahan niya na ako rito sa pilipinas." I said again to Ellaine. "Napakaswerte mo sa kanya besh, kasi nag hiwalay na kayo noon pero nagkabalikan kayo. Kaya sure na talaga ako na si Ezra, ang nakatadhana sayo.” "Actually tama ka. And I am satisfied with him, and his love."Masayang sabi ko naman Lumapit ako kay Eunice at tinanong siya." Baka may kaibigan si Ezra, pakilala mo naman sa akin para maging makulay ulit ang buhay pag-ibig ko." I look at Ellaine seriously and try not to laugh at her jokes."Oo. Pero may girlfriends na sila. I'm sorry, okay?" "Ouch! Nadurog kaagad ang puso ko sa sinabi mo. Pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Kaya sa ngayon ay i-enjoy ko na lang ang pagiging single mom ko." Paakyat na sana ako ng hagdan ng may biglang tumawag sa phone ko from an unknown number."Monica, it's me John. Come back, please! I love you so much." "I'm sorry, John, pero hindi na kita mahal. Papakasalan ko si Luther." mahinang sabi ko sa kanya dahil baka marinig kami ni Luther. "Kailangan mong bumalik sa akin. Akin ka lang Monica! kaya hindi ako titigil hanggat hindi ka mapapasa akin ulit. Tandaan mo yan!' Agad kung pinatay ang phone at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.Eunice pov Pagkatapos kunin dito ni Ms Ramirez ang pinagawa niyang gown ay naisip ko na lumabas muna ng boutique at ma upo sandali sa isang bench at masaya rin akong napa ngiti habang pinagmamasdan ko ang ibat-ibang uri ng mga bulaklak na nasa harapan ko ngayon ang ganda kasi nila pagmasdan lalo na ang ibat-ibang kulay ng mga ito. Kung hindi nyo kasi naitatanong ay mahilig talaga ako sa mga bulaklak at sa amoy ng mga ito. At habang nakatingin lang ako sa mga mga bulaklak ay bigla ko namang naisip si Ezra, at ang mga panahon na lagi niya akong dinadalhan ng mga bulaklak sa condo ko at sa tuwing may photoshoot ako sa Vietnam, at isa ‘yon sa pinaka namimiss kong ginagawa niya. But suddenly bigla na lang siyang hindi na nagparamdam sa text at sa tawag. At ang isang linggo na sinabi niyang hindi niya ako matawagan ay tila ba aabutin na ito ng dalawang linggo or di kaya isang buwan pero wag naman sanang mangyari itong mga nasa isip ko. Lalo na ang sinabi ni Staffi, na baka raw may iba
“Anak, okay ka lang?”Nag-aalala na tanong ni Mom. I also saw dad frowning. “Sorry sa pakikialam ha, pero tatanungin na kita. Ano ba ang pinag-awayan ninyo ni Monica?”Muling Tanong ni Mom. Napahilamus muna ako ng mga kamay ko sa mukha bago ko sagutin ang tanong ni Mom “Galing ako sa KAREDAD BAR na pagmamay-ari ni Kelvin para sunduin sana si Monica. But Kelvin insisted na wag muna akong umuwi dahil sumasayaw pa si Monica sa dance floor. Ngunit bigla namang nakita ni Kelvin si Eunice at ang mga kaibigan nito, kaya naman Kelvin ask Eunice and her friends if we can join them in the same table at pumayag naman sila. Until Monica saw me talking to Eunice at dahil sa selos at galit niya ay kaagad niyang sinabunutan si Eunice. Hanggang sa nagalit na rin si Eunice at sinabunutan si Monica." Pagpapaliwanag ko kay mom at halus hindi sila makapaniwala ni dad na magagawa iyon ni Monica kay Eunice. Ayaw pa naman ni mom na may nanakit kay Eunice. "Kawawa naman si Eunice, okay lang kaya siya anak?
“Sorry, kusa lang kasi na lumabas iyon sa bibig ko. Alam ko naman na walang ibang babae si Ezra. Busy lang talaga siya sa career niya bilang artista. And I know na para sa future nyo ang ginagawa niya.”Pag bawi naman ni Staffi, sa mga na sabi niya kanina na nagpagaan naman ng loob ko. “Ganyan nga. Think positive always!”Sambit ni Ellaine. Halatang lasing na. Bilib din talaga ako sa babaeng ito. Parang tubig na lang kasi sa kanya ang alak. Habang nag-uusap kami ay may taong biglang lumapit sa amin at iyon ay si Kelvin at kasama niya ngayon ay si Luther. “It's been awhile Eunice, kumusta ka na? I remember we meet at tita Lucia’s birthday kaso nga lang hindi tayo nag uusap.” “Okay naman ako Kelvin, busy parin sa boutique.”Sagot ko habang ang atensyon ko ay nasa hawak kung baso. “I'm glad that you're okay. Can we join you?”Kelvin ask. Habang hinihintay ang pagpayag namin. “Okay na naman kayo ni Luther, di ba?”Dugtong niya pa.Ngumiti at tumango naman si Ellaine at pinayagan
''Bestie! I heard na may bagong open daw na bar dyan sa malapit. KAREDAD BAR yata 'yon. Tara punta tayong apat.''Suhestiyon ni Staffi na kaagad naman sinang-ayonan ng dalawang si Ethan at Ellaine. ''Parang gusto ko yan Akkla. How about you Eunice?''Ellaine ask. ''Hindi ko alam, parang gusto ko na kasi matulog.''Sagot ko naman pero tila hindi sila naging sanga-ayun sa naging sagot ko. ''Mamaya kana matulog Bestie, Let's go to KAREDAD's BAR, muna.''Pamimilit naman sa akin ni Staffi, kaya sumama na lang ako dahil kailangan din kasi ni Ellaine ang magsaya. ''Okay sige sasama na ako pero sandali lang tayo don, okay?''Kako na sinang-ayonan naman nila. Luther Villareal pov. Kaagad akong nagpunta ng KAREDAD BAR ng nareceive ko ang text ni Kelvin, nandon daw si Monica at ang mga kaibigan nito .May gana pa talaga siyang magliwaliw ng ganitong oras kasama ang mga kaibigan niya? Mabuti na lang talaga at medyo malapit lang ang bar na sinabi ni Kelvin. At pagdating ko nga ay kaagad naman ak
John Gregore Pov.‘’John lasing kana. Matulog kana.’’Nag-aalala na boses ni Sheldon ng makita niyang tumunga na naman ng alak ang kaibigan niyang si John. ‘’Just let me get drunk, Sheldon.’’Sambit ni John habang itinataas ang alak na hawak niya para hindi ito maagaw ni Sheldon sa kanya.Kaya lang naman naglalasing si John, ay dahil hindi niya matanggap na pinagpalit siya ng dati niyang kasintahan na si Monica sa isang mayaman na businessman na si Luther na nagmamay-ari ng mga sikat na condominium sa Pilipinas. Kaya naman para hindi niya maramdaman ang sakit na dulot sa kanya ni Monica, ay ang alak ang naging sandigan ni John at ang kaibigan nitong si Sheldon, na kailanman ay hindi siya nito iniwan. At kahit labag man sa kalooban ni Sheldon ang bumalik si John sa Pilipinas ay mas pinili niya pa rin na samahan ang kaibigan niyang si John na bumalik sila ng Pilipinas. Natatakot kasi si Sheldon na baka may gawin na masama si John, dahil iba kasi ito kapag nagmahal, hindi ito pumapayag na
''Bakit nakasimangot ka dyan?''Tanong ko ng makabalik na si Luther sa loob ng arcade. Napasinghap naman siya at walang ganang na upo sa tabi ko ''It's about Monica.'' He answered ''Nag-away na naman kayo?''I ask. ''Yes, lagi na lang kasi siyang galit because she wants me to divorce you, Eunice. But I can't do it.'' “Luther, willing naman ako to sign our annulment eh, para hindi na kayo mag-away ni Monica, dahil alam kong ‘yan lang naman ang dahilan nang ikinagagalit niya at isa pa–I’m engaged to Ezra, pero hindi naman kami pwede na magpakasal. Dahil sa mata ng batas ay kasal pa tayong dalawa.’’I seriously said, ngunit lungkot naman ang nakita kong expression sa mukha ni Luther. Gusto ko lang naman din kasi na maging prangka sa kanya para hindi na siya umasa na magkakabalikan pa kami ulit. ‘’Tawagin mo na akong selfish Eunice, Pero hindi ako papayag na maikasal kayong dalawa ng lalaking ‘yon.’’Laglag balikat naman akong nakatingin kay Luther at sa anak ko at kay Isaiah na papalap