Sa gabing iyon na inalok siya ni Alec ng kasal, pakiramdam ni Tatiana ay nasa ulap siya—hindi pa rin lubos na makapaniwala. Muling nanariwa sa kanyang isipan ang eksenang tila kinuha mula sa isang pelikula.
“Will you marry me, Tatiana Angeles?” tanong ni Alec habang nakaluhod, hawak ang isang eleganteng singsing na may makinang na diamante sa gitna. At bago pa man niya namalayang pumapatak na ang kanyang luha, tumango siya habang tumatawa at umiyak. “Yes… Yes, Alec!” Ang mga salitang iyon ay tila panata mula sa puso niya—isang panatang matagal na niyang pinangarap na sabihin. Isang “oo” na sinabayan ng pagtibok ng kanyang pusong punong-puno ng pag-ibig. Kinabukasan. Pagkagising ni Tatiana ay tila hindi pa rin siya makapaniwala. Nakatitig siya sa singsing sa kanyang daliri, kinikiskis pa nga niya ang mata para lang masiguradong hindi siya nananaginip. “Seryoso ba ‘to?” bulong niya sa sarili habang nakangiti. Nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Arian. “Hello?” bungad niya. “Girl! Totoo ba?! TOTOONG IKAW NA ANG FIANCÉE NI ALEC DELA VEGA?!” Napatawa si Tatiana. “Oo… Totoo.” “Ay kabog! Grabe! Tatiana, finally! Alam mo ba kung gaano ako kinilig nung pinadala mo ‘yung picture ng proposal kagabi?! Ang ganda mo! At si Alec— Diyos ko, parang kinasal na kayo sa itsura niyo!” “Alam mo ‘yung pakiramdam na parang natupad lahat ng dasal mo?” Mahinang sagot ni Tatiana, halos maluha na naman. “Matagal mo nang pangarap ‘yan, Tati,” sagot ni Arian. “At kung may karapat-dapat na babae para sa isang Alec Dela Vega, ikaw ‘yon. I’m so happy for you.” “Salamat, Arian. Salamat talaga.” Pagkababa ng tawag, hindi pa rin maalis ang ngiti ni Tatiana. Bumaba siya para kumain ng almusal at nadatnan ang mommy at daddy niyang nakaupo na sa mesa. “Good morning, anak!” bati ng mommy niya. “Mukhang blooming ang bride-to-be.” “Bride-to-be,” ulit ng daddy niya habang binabati siya ng ngiti. “Hindi na talaga bata ang anak natin, Mommy.” Napaupo si Tatiana at nagulat nang mapansin na may handang simpleng bouquet sa tabi ng kanyang plato. “Surprise namin ‘yan,” ani Mommy. “We’re so happy for you, anak. Matagal ka nang may espesyal na lugar sa puso ni Alec. Kitang-kita namin kung paano ka niya tinitingnan, lalo na nitong mga huling buwan.” “Hindi ko po talaga inasahan na mangyayari ‘to… lahat parang panaginip lang,” sambit ni Tatiana habang hawak ang mga bulaklak. “Basta siguraduhin mo lang na masaya ka, anak. At alam naming mamahalin ka ni Alec,” dagdag pa ng kaniyang ama. Sa araw-araw na lumilipas pagkatapos ng proposal. Wala pang formal engagement party, wala pang wedding plans, pero ang bawat araw ay punong-puno ng tamis. Si Alec ay tila mas naging maalaga, mas expressive, at mas present sa bawat oras. May mga gabing magkausap sila sa telepono hanggang madaling araw, pinag-uusapan ang mga alaala, mga plano, at simpleng mga bagay. “Naalala mo nung grade school ka pa, lagi mong sinusundan-sundan si Kuya Justin ko?” biro ni Alec minsan. “Grabe ka! Bata pa ako nun no!” sabay tawa ni Tatiana. “Pero kahit noon pa, sayo ako tumitingin.” Tumigil siya sa pagtawa. “Talaga ba?” “Oo. Di lang halata. Pero ikaw ‘yung laging andiyan—hindi ka naghahanap ng atensyon, pero nararamdaman kitang mabuti.” Ang mga linyang iyon ay paulit-ulit na umuukit sa puso ni Tatiana. Hindi lang siya pinansin ni Alec—minahal siya nito, kahit hindi pa niya alam. Minsan ay dadalaw si Alec sa bahay nila nang walang paabiso, bitbit ang paborito niyang milk tea o kaya ay isang libro na tingin nito ay magugustuhan niya. Hindi ito palaging engrande—pero ramdam niya ang tunay na intensyon. Maalaga. Maingat. Tunay. Isang gabi, sa ilalim ng mga bituin. Magkasama silang dalawa sa veranda ng bahay nina Alec. May hawak siyang wine habang nakasandal kay Alec. “Kung totoo lang lahat ‘to…” mahina niyang sambit. Napatingin si Alec sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” “Parang… parang sobra. Parang ‘di ko deserve lahat ng ‘to.” Tumitig si Alec sa kanya. “Tati… deserve mo lahat ng pagmamahal sa mundo. At kung may kaya akong ibigay, ibibigay ko. Dahil ikaw ang pipiliin at mamahalin ko araw-araw.” Lumuha si Tatiana. Hindi dahil sa lungkot—kundi dahil sa sobrang saya. Yung tipong akala mo hindi ka na muling iibig pa… pero ngayon, punong-puno ng pag-ibig ang paligid mo. Kinabukasan. Habang nasa kwarto siya, nakatambay sa kama at may hawak na planner, napapangiti si Tatiana sa bawat buklat. Hindi pa niya sinisimulan ang wedding plans, pero parang gusto na niyang mag-sketch ng simpleng gown designs. Hindi dahil excited siya sa kasal, kundi dahil gusto niyang maging bahagi ng bawat detalye ng kanilang forever. Pero sa kabila ng kasiyahan, may isang parte ng puso niyang natatakot. Paano kung panaginip lang lahat ng ito? Paano kung isang araw, magising siya at wala na ang lahat? Pero sa tuwing makikita niya si Alec—ang paraan ng paghawak nito sa kamay niya, ang lambing ng bawat tingin, at ang paraan ng pagsabi nitong “I love you”—lahat ng takot ay natutunaw. Ito na ba ang kapalaran? O may nakahandang pagsubok sa hinaharap? Para kay Tatiana, isa lang ang sigurado: Sa puso niya, nagdesisyon na siya. Mamahalin niya si Alec—hindi dahil sa matagal na niya itong minahal, kundi dahil ngayon, minamahal din siya nito pabalik. At iyon ang pinakamagandang bahagi ng lahat. Hindi pa rin makapaniwala si Tatiana. Habang nakahiga siya sa kanyang kama, hawak pa rin niya ang maliit na kahon kung saan naroon ang singsing na inialay sa kanya ni Alec. Ilang ulit niya itong binuksan at sinarado, na para bang sinusuri kung totoo nga ba ang lahat. Wala pa ring kupas ang ngiti sa kanyang labi—hindi mapapawi ng kahit anong pagdududa o takot ang kasiyahan niyang damang-dama hanggang sa kaluluwa. “Fiancée… ako na ang fiancée ni Alec Dela Vega…” bulong niya sa sarili, at saka napahagikgik sa tuwa. Sa isip niya, parang isang eksena ito mula sa isang fairytale na matagal na niyang pinapangarap. Sino ba siya para mapasakanya ang puso ng lalaking pinapangarap ng karamihan? At higit pa roon, siya pa ang pinili nito na makasama sa habang-buhay. Bigla niyang naalala ang mga sandaling magkasama sila ni Alec sa mga nakalipas na linggo—mga simpleng lakad, mga usapan tungkol sa buhay, sa hinaharap, at pati ang mga titig nito na parang sinasabi: “Ikaw lang.” Unti-unti, naramdaman niya kung paanong ang pangarap niyang ito ay naging totoo, kahit parang imposible. Kinabukasan, nagkita ulit sila sa isang brunch café. Sa labas sila naupo, sa ilalim ng lilim ng mga puting payong habang malumanay ang simoy ng hangin. Tulad ng dati, pinakiramdaman ni Tatiana ang bawat kilos ni Alec—paano ito ngumiti, kung paanong laging alam kung kailan siya tititigan ng matagal, at kung paano nito mahigpit na hinahawakan ang kanyang kamay—na para bang hindi na muling bibitaw. “Hindi pa rin ako makapaniwala,” wika ni Tatiana habang nakatingin sa kamay niyang may suot nang singsing. “Na… ako ‘yung pinili mo.” Napangiti si Alec, saka lumapit nang bahagya para ayusin ang hibla ng kanyang buhok. “Tati… ikaw ang palaging pinili ng puso ko. Hindi mo lang alam kung gaano kita hinangaan, kahit pa noon pa.” Napakurap si Tatiana. Noon pa? “Akala ko ako lang ‘yung lihim na humahanga sa’yo,” sagot niya, napapangiti. “Matagal na kitang gusto. Pero inintay kong lumakas ang loob mo. Ayokong pilitin. Gusto ko… kusa kang lalapit kapag handa ka na. At ngayon, andito ka na.” Hindi napigilan ni Tatiana ang luhang tumulo sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi ito dahil sa lungkot, kundi dahil sa labis na kasiyahan—isang damdaming parang matagal na niyang pinigilan at ngayon ay malaya nang umaagos. Hinawakan siya ni Alec sa magkabilang pisngi, saka dahan-dahang hinalikan sa noo. “Wala ka nang dapat ikatakot. Ako na ang bahala sa’yo,” bulong nito. Sa mga sumunod na araw, halos araw-araw silang magkasama. Minsan, sinasamahan siya ni Alec sa mga site visit ng kanilang kompanya. Minsan naman, si Tatiana ang bumibisita sa opisina ni Alec, may dalang kape at maliit na baon. Para silang dalawang kaluluwang matagal nang naghahanap ng isa’t isa, at ngayong natagpuan na nila ang bawat isa, ayaw na nilang maghiwalay pa. Isang gabi, habang nakasandal si Tatiana sa balikat ni Alec sa loob ng sasakyan, natanaw nila ang mga ilaw ng siyudad sa malayo. Tahimik lang sila. Hindi kailangan ng salita. Pero ramdam ang tibok ng kanilang mga puso—parehong kontento, parehong puno ng pag-asa. “Masaya ka ba?” tanong ni Alec, bahagyang yumuko para matingnan ang kanyang mukha. Ngumiti si Tatiana, at dahan-dahang tumango. “Sobrang saya. Parang ayoko nang magising kung panaginip lang ‘to.” Hinawakan ni Alec ang kanyang kamay at hinigpitan ang pagkakahawak. “Hindi ito panaginip. Totoo ito, Tati. Ikaw at ako. Habang-buhay.” At doon, sa katahimikan ng gabi, habang nakatanaw sa mga bituin, tuluyan nang nilamon ni Tatiana ang ideya na ang matagal niyang pangarap ay isa na ngayong katotohanan. Sa wakas, narito na siya sa simula ng kanyang “forever.”Nagising si Tatiana kinabukasan nang maaga—mas maaga kaysa sa sikat ng araw, mas maaga kaysa sa paggising ng alinman sa mga kasambahay. Tahimik ang buong mansyon, tila ba binibigyan siya ng pagkakataong huminga bago muling pumasok sa mundong hindi na kanya. Tumitig siya sa kisame. Wala nang luha. Wala nang sumbat. Wala nang tanong kung bakit ganito ang nangyari sa kanila ni Alec. Sa halip, may kakaibang kapayapaan sa dibdib niya, kahit pa duguan ang puso. Bumangon siya mula sa kama at umupo sa gilid. Tumingin siya sa paligid ng kwartong minsang naging tahanan ng mga pangarap niya. Ngunit ngayon, kahit gaano ito kaganda, pakiramdam niya’y isa na lang itong kulungan—mamahaling bilangguan na unti-unting sumasakal sa kanyang pagkatao. Kinuha niya ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isang inimpake ang kanyang mga gamit. Hindi na niya dinala ang lahat. Wala nang saysay ang mamahaling bag, ang designer shoes, o ang mga damit na minsang pinili ni Alec para sa kanya. Ang mga isinuot niya sa
Tahimik ang mansyon. Tahimik ang buong gabi—pero sa loob ng dibdib ni Tatiana, may sigawan. May unos na pilit niyang nilulunok. Wala siyang ginawa kundi ang maging mabait. Maging maunawain. Maging asawa. Maging kabiyak. Maging sapat. Pero nasusukat pala ang kabaitan. At sa bawat panlalait, sa bawat pananahimik ni Alec, sa bawat pagtawa ni Arian habang nakatayo sa loob ng bahay na minsan niyang pinangarap na maging tahanan, ay parang binibiyak ang puso niya ng paunti-unti. Hindi siya sigaw nang sigaw. Hindi siya yung tipo ng babae na nagwawala kapag nasasaktan. Hindi siya nagbabato ng gamit. Ang tanging armas niya ay ang katahimikang matagal nang hindi pinapansin. Pero ngayong gabi, hindi na niya alam kung saan pa huhugot ng kabaitan. Isang umaga. Maaga siyang nagising, gaya ng dati. Inayos ang sarili, bumaba para mag-almusal, kahit na wala siyang gana. Naabutan niya sa kusina si Arian, nakangiti pa sa mga kasambahay, tila sanay na sanay na sa bahay na parang siya na ang may-ari.
Bilog na ang araw nang magising si Tatiana, pero ang mundo niya’y nananatiling kulay abo. Dati, ang mga umagang tulad nito’y puno ng pangarap—ang ngiti ni Alec, ang halik sa noo, ang banayad na yakap bago pumasok sa trabaho. Ngayon, kahit liwanag ng araw ay parang pasakit na rin, dahil pinapaalala nitong gising na siya sa isang bangungot. Tumayo siya sa harap ng salamin. Ang babaeng nakatingin pabalik sa kanya ay hindi na ang dating Tatiana. Wala na ang pagkamangha sa mata niya, wala na ang pagkakabighani sa ideyang siya ang “piling” babae. Ang natira na lang ay isang mapagmatyag na matang nagsimulang makita ang katotohanan—hindi lang si Alec, kundi pati ang sarili niya. Sa baba, naroon na naman si Arian. Naglalakad na parang siya ang may-ari ng bahay. Umakyat ang iritasyon sa dibdib ni Tatiana, pero hindi na ito tulad ng dati. Hindi na ito sakit na humihila pababa sa kanya—ito’y apoy na unti-unti nang tinutunaw ang lahat ng ilusyon. “Good morning, Mrs. Dela Vega,” ani Arian, may m
Tahimik ang buong mansyon sa umagang iyon. Nakaharap si Tatiana sa salamin. Ang babaeng nasa harap niya ay may mapupulang mata, tuyong labi, at maputlang kutis. “Hindi ako ang nawala, Alec. Ikaw ang bumitaw.” Bulong niya iyon sa repleksyon, ngunit iyon ang kauna-unahang beses na tinanggap niyang hindi siya ang may pagkukulang. Sa kabila ng lahat ng pagkukubli, ng lahat ng pagpikit sa katotohanan, sa kabila ng pagkapit sa mga pangakong unti-unting napunta sa kasinungalingan—siya pa rin ang iniwan, niloko, at binalewala. Lumabas siya ng kwarto na tila may panibagong lakas. Tahimik lang ang mga kasambahay, pero ramdam nila ang pagbabago sa kilos ni Tatiana. Hindi na siya ang mahinhin at palaging nakatungo. Ngayon, nakatingin siya ng diretso, at may bigat ang bawat yapak. Nasa sala si Alec, hawak ang baso ng kape habang abalang nagbabasa ng dokumento. Hindi siya lumingon kahit pumasok si Tatiana sa silid. Pero si Tatiana, hindi nag-atubili. Tumayo siya sa harap nito. “Gusto
Umaga na naman, at tahimik ang paligid. Ramdam na ang mga sinag ng araw na pilit pumapasok sa makakapal na kurtina ng silid nila Alec at Tatiana, ngunit sa kabila ng liwanag, nananatiling madilim ang pakiramdam ni Tatiana. Nakahiga siya sa kama, mag-isa na naman. Wala si Alec. Wala rin ang init ng katawan nitong dati’y nagbibigay sa kanya ng kahit kaunting seguridad. Ang unan sa tabi niya ay malamig. Tulad ng trato nito sa kanya. Gusto niyang bumangon, pero mabigat ang katawan niya. Parang may bakal na nakakabit sa bawat bahagi ng laman. Nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahang ipinatong sa tiyan ang palad, saka ipinikit ang mga mata. “Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa ito makakaya…” Ngunit ilang saglit pa’y bumangon din siya. Nagsuot siya ng robe at lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala si Alec. Wala ring kahit sinong kasambahay sa paligid. Tila lahat ay nagbigay-daan sa katahimikan—o sa pagkasira. Dumiretso siya sa kusina. Kumuha ng isang tasa ng
Tahimik ang buong mansyon, para bang natutulog din ito sa bigat ng mga lihim na hindi na kayang itago. Sa gitna ng katahimikan, naroon si Tatiana—nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, at nakapikit ang mga mata na tila pinipilit pigilan ang isa na namang luha. Ilang araw na ang lumipas mula ng gabing iyon. Ilang umaga na ang dumaan na hindi niya katabi si Alec. Hindi dahil wala ito sa bahay, kundi dahil siya na mismo ang humiling ng distansya. Pero kahit gano’n, kahit nasa kabilang kwarto lang ito, ang sakit ay parang suntok sa dibdib sa bawat hakbang ni Alec sa hallway, sa bawat pagbukas ng pinto, sa bawat ‘di sinasadyang pagkakabangga ng kanilang mga mata. Naroon pa rin si Arian, minsan ay tila gustong lumapit, pero natatakot. Maingat ang kilos nito, laging may ngiti kapag nakaharap si Tatiana, pero alam niyang pareho lang silang nanghuhula sa galaw ng isa’t isa. Wala na ang dating natural na samahan. Nag-iba na ang lahat. “I trusted you both,” bulong ni Tatiana sa sarili, habang pi