Sa mga sumunod na araw matapos ang biglaang pagkikita nila ni Alec sa café, tila hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Tatiana. Parang sinulatan ng langit ang bawat araw niya ng kilig at bagong pag-asa. Habang abala siya sa paggawa ng mga initial design concepts para sa rest house, paminsan-minsan ay natutulala siya, iniisip ang mga sulyap, ngiti, at mga tanong ni Alec noong huling meeting nila.
“Arian!” tawag ni Tatiana habang papasok sa kwarto ng matalik na kaibigan. “Whew! Mukhang masaya ang aura mo ngayon, ha,” nakangiting sabi ni Arian habang binubuksan ang isang bag ng snacks. “Hay nako, ‘di ko na alam kung paano ko itatago pa,” pabirong sagot ni Tatiana. “Alec. He’s… being so nice lately. Parang ang sweet niya. Parang… may something.” Napatawa si Arian at agad lumapit, kinurot ng bahagya ang pisngi ni Tatiana. “Sabi ko na nga ba eh. Noon pa lang, may pakiramdam na ako na hindi lang ikaw ang may lihim na pagtingin.” “Baliw ka talaga!” Nahihiyang sagot ni Tatiana, pero hindi maipagkakaila ang pamumula ng kanyang pisngi. “Pero totoo ba? Baka naman kasi mabait lang talaga siya.” “Friend,” sabay hawak ni Arian sa kamay niya, “kung mabait lang, hindi ka hahanapin para sa personal na project. Hindi ka titigan na parang ikaw lang ang babae sa mundo. At hindi siya tatawag ng every night para lang i-follow up ang progress ng design mo kahit pwede naman siyang mag-email, diba?” Napangiti si Tatiana. Totoo nga naman. Hindi lang isang beses kundi madalas siyang tawagan ni Alec nitong mga nakaraang araw—madalas tungkol sa project, pero palagi itong may kasamang kwento, tanong, o pasimpleng biro na nag-iiwan ng kilig. “Tatiana, what do you think about this color palette?” tanong ni Alec minsan sa call. “Also… gusto mo ba ng coffee tomorrow? For… design inspiration, of course.” At syempre, hindi siya tumanggi. Isang Linggo Pagkatapos. Mainit ang hangin ng hapon habang tinatahak ni Tatiana ang daan patungong Tagaytay. Personal siyang inimbitahan ni Alec para mag-ocular visit sa rest house. Hindi naman bago ang ganitong setup, pero bakit parang sobra siyang kinakabahan? Pagdating sa lugar, isang tanawin ng nature at eleganteng rustic architecture ang bumungad sa kanya. Naroon na si Alec, nakasuot ng simple pero klaseng polo, at mukhang may tinatago sa likod ng ngiti. “Welcome,” bati nito. “Ready ka na bang pasukin ang bahay ng mga pangarap?” Napatawa si Tatiana. “Wow ha. Baka ’yung bahay lang ng pangarap mo, hindi kasama ang tao?” Ngumiti si Alec at humakbang palapit. “Malay mo… kasama.” Nag-iwas ng tingin si Tatiana, pinipigilang kiligin. Pumasok sila sa rest house at inikot ang bawat sulok. Habang nagtatalakay ng mga plano, napansin niyang tila may ibang sigla si Alec. Mas expressive ito, mas malapit. Hanggang sa umabot sila sa balcony, kung saan naghihintay ang isang set-up na hindi niya inaasahan—candles, fairy lights, roses, at isang maliit na mesa para sa dalawa. “Alec… ano ‘to?” mahina niyang tanong. Lumapit si Alec at inabot ang kamay niya. “Tatiana… alam kong matagal na tayong magkaibigan. Pero sa totoo lang, hindi ko na kayang itago pa.” Napahinto ang mundo ni Tatiana. Ang puso niya’y tila tumalon sa tindi ng kaba. “I’ve watched you grow, and in every season of your life, you’ve inspired me. Sa dami ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ‘yung hindi ko malimutan. Sa bawat design mo, sa bawat ngiti mo, I see something more—something I want in my life, permanently.” Bumunot si Alec ng maliit na kahon mula sa bulsa. “Tatiana Angeles… will you be my girlfriend?” Nanlaki ang mga mata niya. Hindi proposal ng kasal, pero para sa kanya, ito na ang pinakamatamis na tanong na matagal na niyang pinangarap. “O-oo,” bulong niya, sabay tango, habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Tumayo si Alec, ngumiti, at niyakap siya ng mahigpit. “Akala ko ako lang ang nangangarap… pero totoo pala. Ikaw at ako.” Matagal nang inaasam ni Tatiana ang sandaling ito—ang marinig mula mismo kay Alec Dela Vega na espesyal siya. At ngayon, habang nakatayo siya sa harap ng lalaking matagal na niyang iniibig, habang yakap siya nito at iniuugnay ang kanilang mga puso sa isang simpleng tanong, tila naging musika sa hangin ang bawat tibok ng kanyang puso. “Akala ko ako lang ang nangangarap… pero totoo pala. Ikaw at ako,” bulong ni Alec sa kanyang tainga, mahigpit ang pagkakayakap. Hindi alam ni Tatiana kung paano niya pipigilan ang mga luha ng tuwa na unti-unting dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Hindi ito luha ng lungkot, kundi luha ng tagumpay—ng panalangin na unti-unting tinutupad ng tadhana. Matapos ang proposal, naupo sila sa may balcony kung saan inihain ang simpleng dinner na pinaghandaang mabuti ni Alec. Hindi ito marangya, pero ramdam ni Tatiana ang bawat detalye—mula sa mga paborito niyang pagkain, hanggang sa playlist ng soft instrumentals na tila tugma sa tibok ng kanyang puso. Habang kumakain sila, hindi mapigilan ni Tatiana ang mga tanong na matagal na niyang kinikimkim. “Bakit ngayon lang?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili. Napangiti si Alec at ibinaba ang kubyertos. “Kasi noon, I wasn’t sure. Ang daming nangyayari sa buhay ko—trabaho, pamilya, responsibilidad. At ikaw… ikaw ’yung tipo ng babae na hindi ko kayang saktan dahil lang sa hindi pa ako handa.” Napayuko si Tatiana. “Iniisip ko nga, baka talagang hanggang tingin lang ako sa’yo.” “That’s the problem,” sagot ni Alec, sabay hawak sa kamay niya. “Ang tagal kong tumingin. Pero ngayon, gusto ko nang kumilos.” Kinilig si Tatiana, pero agad din itong sinundan ng kaba. “Alec… sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Baka kasi… baka akala mo lang…” Tinitigan siya ng binata, seryoso. “Tatiana, I’m not the kind of man who says things I don’t mean. And I wouldn’t ask you to be mine if I wasn’t sure.” Muling lumambot ang puso ni Tatiana. Sa mga matang ‘yon—matatalim pero laging may tagong init kapag siya ang kaharap—doon niya muling nakita ang matagal na niyang pinaniniwalaang posibilidad. Paghatid sa kanya ni Alec sa may kotse, bigla itong huminto, saka muling hinarap siya. “Wait. May isa pa akong nakalimutang sabihin.” Napakunot ang noo ni Tatiana. “Ano pa?” Lumapit si Alec, saka bumulong, “Starting tonight… this is official. Ikaw ang girlfriend ng isang Dela Vega.” Natawa si Tatiana. “Ang yabang mo.” “Hindi yabang. Totoo lang. Proud ako sa’yo,” sagot niya, sabay halik sa noo ni Tatiana. At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Tatiana na hindi na siya nangangarap lang. Mabilis lumipas ang mga araw matapos ang kanilang “official” na relasyon. Sa una, parang naninibago pa si Tatiana—hindi pa rin makapaniwala na ang binatang matagal niyang inibig ay siya na ngayong tumatawag sa kanya ng “baby,” “hon,” at minsan pa nga ay “love.” “Good morning, love. Have you eaten?” text ni Alec tuwing umaga. Minsan ay pupuntahan pa siya nito sa bahay, may dalang bulaklak o pagkain mula sa paborito nilang café. At sa bawat pagkakataong magkasama sila, ramdam ni Tatiana na mahalaga siya—na hindi lang siya iniibig kundi iniingatan din. Sa mga dinner with friends and business colleagues ni Alec, palagi siyang ipinapakilala nito bilang “my girlfriend, the brilliant designer.” Proud ito sa kanya, at laging may hawak sa kanyang kamay sa bawat pagtitipon. Si Arian naman, panay ang tukso. “Sabi ko sa’yo eh! May patutunguhan talaga ‘yang titig ni Alec dati! O ngayon, girlfriend na!” Napapangiti na lang si Tatiana, pero sa likod ng ngiti niya, unti-unti ring pumapasok ang takot. Hindi dahil ayaw niya. Kundi dahil natatakot siyang mawala ang lahat sa isang iglap. Habang nagpapahinga sila ni Alec sa private villa ng pamilya Dela Vega sa Batangas, tumitig ito sa kanya at biglang nagtanong. “Do you see yourself marrying me someday?” Nanlaki ang mata ni Tatiana. “Ha?” Ngumiti si Alec, sabay higa sa tabi niya. “Hindi proposal ’to, relax. Curious lang ako. Kasi ako… I think I’m already seeing my future with you.” Hindi alam ni Tatiana kung paano sasagutin iyon. Masyadong maaga pa. Masyadong mabilis. Pero sa puso niya, alam niyang oo. Kahit ilang taon pa, ilang buwan, ilang linggo—basta si Alec, palagi siyang may sagot na “oo.” Linggo ng gabi, habang abala si Tatiana sa pag-aayos ng kanyang design drafts, biglang may dumating na mensahe. 📩 Alec: “Be ready in 30 mins. Formal wear. I’ll pick you up.” Nagulat si Tatiana. “Ha?! Saan tayo pupunta?!” 📩 Alec: “Secret. Basta maganda ka, as always.” Sa loob ng kalahating oras, dumating si Alec, nakasuot ng dark navy suit at may dalang isang eleganteng bouquet ng red and white roses. Agad niya itong inalalayan papasok sa kotse. “Ang ganda mo,” bulong nito. Habang nasa biyahe, tahimik lang si Alec. Si Tatiana naman, hindi mapigilang kabahan. Hindi niya alam kung dinner lang ba ito, o may mas malalim pa. Pagdating nila sa isang private garden venue na puno ng fairy lights, musika, at eleganteng set-up, tumigil ang sasakyan. “What is this, Alec?” bulong ni Tatiana habang umaakyat sila sa hagdang may petals at ilaw. Pagdating sa gitna ng hardin, huminto si Alec, saka hinarap siya. “Surprise ulit,” nakangiti nitong sabi. At sa harap ng mga ilaw, musika, at ilalim ng buwan, muling lumuhod si Alec. Hindi na para lang tanungin kung girlfriend siya nito. Kundi higit pa. “Tati… I know we just started. But I’ve waited so long to tell you this. And I don’t want to waste more time. I want this forever. Will you marry me someday? If not now, maybe when you’re ready… but I want you to know—I’m ready.” Natigilan si Tatiana. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya alam kung paano siya nakatayo. Parang lahat ng dugo sa katawan niya’y umakyat sa kanyang pisngi. Hindi pa ito ang literal na wedding proposal, pero ito na ang hudyat na seryoso si Alec—seryoso sa relasyon nila. Seryoso sa kanya. Nakatitig lang si Tatiana kay Alec. Walang salita, pero unti-unting bumagsak ang luha sa kanyang mga mata—luha ng tuwa, ng kilig, ng pag-ibig na matagal niyang itinago. Lumuhod din siya, sabay yakap sa binata. “Oo, Alec. Kapag dumating ang tamang panahon… oo.”Nagising si Tatiana kinabukasan nang maaga—mas maaga kaysa sa sikat ng araw, mas maaga kaysa sa paggising ng alinman sa mga kasambahay. Tahimik ang buong mansyon, tila ba binibigyan siya ng pagkakataong huminga bago muling pumasok sa mundong hindi na kanya. Tumitig siya sa kisame. Wala nang luha. Wala nang sumbat. Wala nang tanong kung bakit ganito ang nangyari sa kanila ni Alec. Sa halip, may kakaibang kapayapaan sa dibdib niya, kahit pa duguan ang puso. Bumangon siya mula sa kama at umupo sa gilid. Tumingin siya sa paligid ng kwartong minsang naging tahanan ng mga pangarap niya. Ngunit ngayon, kahit gaano ito kaganda, pakiramdam niya’y isa na lang itong kulungan—mamahaling bilangguan na unti-unting sumasakal sa kanyang pagkatao. Kinuha niya ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isang inimpake ang kanyang mga gamit. Hindi na niya dinala ang lahat. Wala nang saysay ang mamahaling bag, ang designer shoes, o ang mga damit na minsang pinili ni Alec para sa kanya. Ang mga isinuot niya sa
Tahimik ang mansyon. Tahimik ang buong gabi—pero sa loob ng dibdib ni Tatiana, may sigawan. May unos na pilit niyang nilulunok. Wala siyang ginawa kundi ang maging mabait. Maging maunawain. Maging asawa. Maging kabiyak. Maging sapat. Pero nasusukat pala ang kabaitan. At sa bawat panlalait, sa bawat pananahimik ni Alec, sa bawat pagtawa ni Arian habang nakatayo sa loob ng bahay na minsan niyang pinangarap na maging tahanan, ay parang binibiyak ang puso niya ng paunti-unti. Hindi siya sigaw nang sigaw. Hindi siya yung tipo ng babae na nagwawala kapag nasasaktan. Hindi siya nagbabato ng gamit. Ang tanging armas niya ay ang katahimikang matagal nang hindi pinapansin. Pero ngayong gabi, hindi na niya alam kung saan pa huhugot ng kabaitan. Isang umaga. Maaga siyang nagising, gaya ng dati. Inayos ang sarili, bumaba para mag-almusal, kahit na wala siyang gana. Naabutan niya sa kusina si Arian, nakangiti pa sa mga kasambahay, tila sanay na sanay na sa bahay na parang siya na ang may-ari.
Bilog na ang araw nang magising si Tatiana, pero ang mundo niya’y nananatiling kulay abo. Dati, ang mga umagang tulad nito’y puno ng pangarap—ang ngiti ni Alec, ang halik sa noo, ang banayad na yakap bago pumasok sa trabaho. Ngayon, kahit liwanag ng araw ay parang pasakit na rin, dahil pinapaalala nitong gising na siya sa isang bangungot. Tumayo siya sa harap ng salamin. Ang babaeng nakatingin pabalik sa kanya ay hindi na ang dating Tatiana. Wala na ang pagkamangha sa mata niya, wala na ang pagkakabighani sa ideyang siya ang “piling” babae. Ang natira na lang ay isang mapagmatyag na matang nagsimulang makita ang katotohanan—hindi lang si Alec, kundi pati ang sarili niya. Sa baba, naroon na naman si Arian. Naglalakad na parang siya ang may-ari ng bahay. Umakyat ang iritasyon sa dibdib ni Tatiana, pero hindi na ito tulad ng dati. Hindi na ito sakit na humihila pababa sa kanya—ito’y apoy na unti-unti nang tinutunaw ang lahat ng ilusyon. “Good morning, Mrs. Dela Vega,” ani Arian, may m
Tahimik ang buong mansyon sa umagang iyon. Nakaharap si Tatiana sa salamin. Ang babaeng nasa harap niya ay may mapupulang mata, tuyong labi, at maputlang kutis. “Hindi ako ang nawala, Alec. Ikaw ang bumitaw.” Bulong niya iyon sa repleksyon, ngunit iyon ang kauna-unahang beses na tinanggap niyang hindi siya ang may pagkukulang. Sa kabila ng lahat ng pagkukubli, ng lahat ng pagpikit sa katotohanan, sa kabila ng pagkapit sa mga pangakong unti-unting napunta sa kasinungalingan—siya pa rin ang iniwan, niloko, at binalewala. Lumabas siya ng kwarto na tila may panibagong lakas. Tahimik lang ang mga kasambahay, pero ramdam nila ang pagbabago sa kilos ni Tatiana. Hindi na siya ang mahinhin at palaging nakatungo. Ngayon, nakatingin siya ng diretso, at may bigat ang bawat yapak. Nasa sala si Alec, hawak ang baso ng kape habang abalang nagbabasa ng dokumento. Hindi siya lumingon kahit pumasok si Tatiana sa silid. Pero si Tatiana, hindi nag-atubili. Tumayo siya sa harap nito. “Gusto
Umaga na naman, at tahimik ang paligid. Ramdam na ang mga sinag ng araw na pilit pumapasok sa makakapal na kurtina ng silid nila Alec at Tatiana, ngunit sa kabila ng liwanag, nananatiling madilim ang pakiramdam ni Tatiana. Nakahiga siya sa kama, mag-isa na naman. Wala si Alec. Wala rin ang init ng katawan nitong dati’y nagbibigay sa kanya ng kahit kaunting seguridad. Ang unan sa tabi niya ay malamig. Tulad ng trato nito sa kanya. Gusto niyang bumangon, pero mabigat ang katawan niya. Parang may bakal na nakakabit sa bawat bahagi ng laman. Nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahang ipinatong sa tiyan ang palad, saka ipinikit ang mga mata. “Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa ito makakaya…” Ngunit ilang saglit pa’y bumangon din siya. Nagsuot siya ng robe at lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala si Alec. Wala ring kahit sinong kasambahay sa paligid. Tila lahat ay nagbigay-daan sa katahimikan—o sa pagkasira. Dumiretso siya sa kusina. Kumuha ng isang tasa ng
Tahimik ang buong mansyon, para bang natutulog din ito sa bigat ng mga lihim na hindi na kayang itago. Sa gitna ng katahimikan, naroon si Tatiana—nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, at nakapikit ang mga mata na tila pinipilit pigilan ang isa na namang luha. Ilang araw na ang lumipas mula ng gabing iyon. Ilang umaga na ang dumaan na hindi niya katabi si Alec. Hindi dahil wala ito sa bahay, kundi dahil siya na mismo ang humiling ng distansya. Pero kahit gano’n, kahit nasa kabilang kwarto lang ito, ang sakit ay parang suntok sa dibdib sa bawat hakbang ni Alec sa hallway, sa bawat pagbukas ng pinto, sa bawat ‘di sinasadyang pagkakabangga ng kanilang mga mata. Naroon pa rin si Arian, minsan ay tila gustong lumapit, pero natatakot. Maingat ang kilos nito, laging may ngiti kapag nakaharap si Tatiana, pero alam niyang pareho lang silang nanghuhula sa galaw ng isa’t isa. Wala na ang dating natural na samahan. Nag-iba na ang lahat. “I trusted you both,” bulong ni Tatiana sa sarili, habang pi