“Tatiana Angeles… future Mrs. Dela Vega,” bulong ni Tatiana sa salamin habang inaayos ang sarili. Namumula ang pisngi niya sa tuwa at kilig, lalo na’t sa araw na ito ay sisimulan na nila ni Alec ang kanilang wedding preparations. Sa bawat kibot ng kanyang labi ay may ngiting hindi mabura—ngiting punong-puno ng pag-ibig, pag-asa, at paniniwalang siya ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Mula pa sa pagkabata, pangarap na talaga ni Tatiana ang maging bride. May notebook pa siya noon kung saan iginuhit niya ang damit pangkasal, mga bulaklak, hanggang sa music playlist sa kanyang imahinasyon. Pero ngayon, hindi na lang ito panaginip. Totoong-totoo na. Iba na ang saya kapag ang mga pinangarap mo ay unti-unting nagkakabuhay. Nang dumating si Alec upang sunduin siya, agad siyang sinalubong ng matamis nitong ngiti. Suot nito ang isang simpleng puting polo at khaki pants, pero kahit pa ganoon kasimple, para kay Tatiana, siya pa rin ang pinakagwapo sa lahat. Bawat kilos at tingin ni Al
Sa gabing iyon na inalok siya ni Alec ng kasal, pakiramdam ni Tatiana ay nasa ulap siya—hindi pa rin lubos na makapaniwala. Muling nanariwa sa kanyang isipan ang eksenang tila kinuha mula sa isang pelikula. “Will you marry me, Tatiana Angeles?” tanong ni Alec habang nakaluhod, hawak ang isang eleganteng singsing na may makinang na diamante sa gitna. At bago pa man niya namalayang pumapatak na ang kanyang luha, tumango siya habang tumatawa at umiyak. “Yes… Yes, Alec!” Ang mga salitang iyon ay tila panata mula sa puso niya—isang panatang matagal na niyang pinangarap na sabihin. Isang “oo” na sinabayan ng pagtibok ng kanyang pusong punong-puno ng pag-ibig. Kinabukasan. Pagkagising ni Tatiana ay tila hindi pa rin siya makapaniwala. Nakatitig siya sa singsing sa kanyang daliri, kinikiskis pa nga niya ang mata para lang masiguradong hindi siya nananaginip. “Seryoso ba ‘to?” bulong niya sa sarili habang nakangiti. Nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Arian. “Hello?” bungad niya.
Sa mga sumunod na araw matapos ang biglaang pagkikita nila ni Alec sa café, tila hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Tatiana. Parang sinulatan ng langit ang bawat araw niya ng kilig at bagong pag-asa. Habang abala siya sa paggawa ng mga initial design concepts para sa rest house, paminsan-minsan ay natutulala siya, iniisip ang mga sulyap, ngiti, at mga tanong ni Alec noong huling meeting nila. “Arian!” tawag ni Tatiana habang papasok sa kwarto ng matalik na kaibigan. “Whew! Mukhang masaya ang aura mo ngayon, ha,” nakangiting sabi ni Arian habang binubuksan ang isang bag ng snacks. “Hay nako, ‘di ko na alam kung paano ko itatago pa,” pabirong sagot ni Tatiana. “Alec. He’s… being so nice lately. Parang ang sweet niya. Parang… may something.” Napatawa si Arian at agad lumapit, kinurot ng bahagya ang pisngi ni Tatiana. “Sabi ko na nga ba eh. Noon pa lang, may pakiramdam na ako na hindi lang ikaw ang may lihim na pagtingin.” “Baliw ka talaga!” Nahihiyang sagot ni Tatiana, pero hindi mai
Ang araw ng graduation ay parang panaginip lang. Ang apat na taon na akala ni Tatiana ay hinding-hindi niya malalampasan, ngayo’y parte na lang ng kanyang nakaraan. Nasa bulwagan pa lang siya, hawak ang diploma, ngunit tila wala siya sa sarili. Ang lahat ay abala sa pagkuha ng litrato, yakapan, at iyakan. Si Arian ay abala rin kasama ang pamilya nito, kaya si Tatiana ay sandaling nanahimik sa isang gilid, hawak ang kanyang bouquet at nakatingin sa dami ng taong nagsasaya. Maya-maya, may malamig ngunit pamilyar na boses ang sumingit sa kanyang tahimik na sandali. “Congratulations, Tatiana.” Muntik na niyang mabitawan ang bulaklak. Paglingon niya—nandoon si Alec. Nakangiti, at sa kamay nito ay may hawak ring maliit na bouquet ng sunflower. Simpleng suot lang—white polo at dark jeans—pero parang model pa rin kung kumilos at ngumiti. “Alec…” mahinang sambit ni Tatiana. “Akala ko… akala ko hindi ka makakarating.” “Of course I would,” sagot nito, sabay abot ng bulaklak. “I told you,
Lumipas ang ilang taon. Sa wakas, college student na si Tatiana Angeles. Nakuha niya ang kursong Business Administration—hindi lang dahil iyon ang gusto ng Daddy niya, kundi dahil nais din niyang mas maintindihan ang mundo kung saan gumagalaw si Alec Dela Vega. Kung noon ay pangarap lamang ang makasunod sa yapak ng mga Dela Vega, ngayon ay unti-unti na niyang nilalapitan ang mundong iyon. Pero higit sa lahat—kahit hindi niya inaamin sa iba—ang bawat hakbang na ginagawa niya ay laging may halong pag-asa na balang araw, mas mapapalapit pa siya sa lalaking minahal niya ng tahimik sa napakahabang panahon. “College life, here we go!” sigaw ni Arian habang magkakapit-balikat silang naglalakad papasok sa university gates. Masayang-masaya silang dalawa, at mahahalata ang excitement sa kanilang mga mukha. Tila, matagala nang hinintay na tumuntong sila sa college. “Hindi ako makapaniwala na ito na ‘yon,” sabi ni Tatiana. “Tapos na tayo sa high school phase ng ‘daydream about Alec eve
Mabilis na lumipas ang mga buwan. Sa bawat araw na dumadaan, lalong tumitibay ang damdamin ni Tatiana para kay Alec Dela Vega. Matapos ang hapunang iyon, hindi na sila muling nagkita. Ngunit sapat na ang gabing iyon para magkaroon siya ng panibagong sigla. Isang sulyap. Isang pagngiti. Isang simpleng “You’ve changed”—at para kay Tatiana, iyon ay sapat nang patunay na may kaunting puwang siya sa alaala ng binata. Ngunit habang lumalalim ang kanyang nararamdaman, mas dumarami ring hadlang—at mas lumilinaw kung gaano kahirap makalapit sa isang lalaking sinasamba ng napakarami. “Uy, Tati!” tawag ni Arian habang hawak-hawak ang phone. “Trending na naman si Alec. May bagong business collab daw with international partners.” Tumabi si Tatiana sa kanya, tahimik na tiningnan ang litrato ni Alec sa screen. Suot nito ang isang dark grey suit, nakatayo sa podium na para bang siya ang hari ng mundo. May confidence, may tapang, at may gilas. Halos hindi siya kapani-paniwala. “Alam mo, parang hi