Share

CHAPTER 30: The Alpha to the rescue

Hindi maiwasin ni Xelize ang makaramdam ng lungkot habang nakatitig siya kay Vladimir. Ang mga titig nitong binibigay sa kaniya ay mas malamig pa sa yelo kung tutuusin.

"Hindi niya ba ako kilala?" usal ni Xelize sa kaniyang isipan.

"Oh, Vladimir..." mapang-akit na tawag ni Eudorah.

Dahan dahan namang napalingon si Vladimir kay Eudorah at isang ngiti ng kalokohan ang binigay nito sa kaniya. Dahan dahan nitong inilapit ang bibig sa tainga ni Vladimir at bumulong, nagtataka naman si Xelize dahil hindi niya marinig ang sinabi nito kahit anong gawing pilit niya.

"Anong nangyayari?" tanong niya sa kaniyang sarili.

Maya maya ay naglakad palapit sa kanila si Vladimir na ikinaalerto ng ibang kasama ni Xelize.

"Vladimir–" naputol ang pagsigaw ni Xelize at ang paglapit nito nang pigilan siya ng mga kasama nito.

"Xelize, hindi siya si Vladimir. Kung hindi ako nagkakamali," napatigil sa pagsasalita si Claud at tiningnan sina Tanler at Eudorah bago ulit nagpatuloy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status