Share

Chapter 33: Xelize, wake up...

Still Astrid's POV.

"Saan na tayo pupunta ngayon?"

Napukaw ang atensiyon ko sa biglaang pagtanong ni Kefton. Buhat-buhat na nito si Xelize na wala pa ding malay.

"Hindi ko alam pero kailangan muna natin makaalis sa lugar na ito..." sabi ni Zarovich at nauna ng maglakad sa amin.

Sumunod na din kami sa kaniya palabas ng eskwelahang ito. Pagkalabas namin ay agad kaming napatigil sa papalapit na sasakyan. Napakunot naman ang noo ko at napatingin kila Kefton na ganoon din tulad ko na nagtataka. Maya-maya ay bumagal ang malaking sasakyan at tumigil sa harapan namin. Bumaba ang isang grupo ng mga kabataan, apat na lalake at isang babae na ngumunguya pa ito.

"Kailangan niyo ba ng tulong?" tanong ng babae.

Dahan-dahan kaming napatango sa kaniya. Mukhang napansin nito ang kasama namin na sugatan.

"Sakay na kayo sa likod," 'ika nito at pumasok sa loob ng kotse.

"Sasama ba tayo?" nagtatakang tanong ni Liriko.

"We need some help, baka alam nila kung paano makahanap ng gamot para kay Xelize," saad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status