Pagkatapos kong maligo ay naisuot ko na rin sa wakas ang uniporme ko para sa araw na tatawagin na ‘kong isang ganap na Vampire Hunter. Nangiti ako nang makita ko ang sarili ko suot ang unipormeng puti na may emblem ng carolus rex. Kasunod kong inilagay ay ang aking vest kung saan sa susunod ay lalagyan na ng mga pin depende sa ‘king makukuhang karangalan. Ang dark blue vest na ito rin ay suksukan ng iba’t ibang anti-vampire weapon.
Huminga ako nang malalim.
Marahil sa ‘king mukha ay wala akong pilat. Pero ang katawan ko ay marami na no’n. May mga pilat na maghihilom at maglalaho pagdating ng ilang araw, pilat na buwan ang itatagal, mayroon ding taon mamamalagi, at pilat na panghabang-buhay.
Pero mayroong pilat ako na patuloy na nananariwa at magagamot lamang iyon kung makapaghihiganti ako.
“Young Master, malapit na ‘ko sa mga pumaslang sa ‘yo. Pangako, ipaghihiganti kita.” Mariin kong sabi. Ito ang pan
Hindi ako nakatulog nang mahaba sa mga lumipas na araw. Tuwing pipikit ako ay naaalala ko ang marka sa likuran ng isa sa mga bampira. Ngayon, tinutugis na ang mga ito. Pero napag-alaman na ang bawat isa sa mga anak na tinatawag nang lider ng mga ito ay maraming tagasunod. Ibig sabihin ay pangkat-pangkat pa rin ang kalalabanin nila.Araw-araw mayroon ding namamatay na Vampire Hunter.Karamihan sa pinapatay na Vampire Hunter ay natatagpuang nakasaksak sa mataas na matulis na kahoy. Karumal-dumal na pagpatay. Dahil din doon, naging malaking usapin na nang daigdig ang tungkol sa mga bampira at ang nagbabantang pananakop ng mga ito.Iyon bang kahit anong dami ng mga Vampire Hunter, maging ang bilang ng mga pag-aaral na isinagawa namin para lamang mas magkaroon ng matibay na anti-vampire weapon at mga impormasyon na magagamit sa kanila, para bang ang resulta ay nabigo kami, dahil ngayon, malinaw nang malaking kalaban ang mga miyembro ng Ashes and Blood.Sa sumu
Parang alam na alam niya ang bawat sulok ng gusaling pinagdausan ng party.Ayon sa ‘ming source, ang lugar ay personal na pag-aari ng pamilya Dela Fuerte, isang bilyonaryong pamilya. Nagkakaroon nang maraming pagdaraos dito dahil tumatanggap sila ng fee. Ilang beses na ring naganap ang mga party rito at talagang bigatin tuwing may kaganapan.Hila-hila pa rin ako ng bampira.Dinala niya ‘ko sa bahagi ng hardin kung saan mayroong matataas na mga puno at halaman. Base sa kilos niya, hindi ito ang unang beses na napunta siya rito.“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko.“Huwag kang magsalita nang magsalita, gawin na natin dahil padating na ang boss,” aniya kasabay nang pagkabig sa ‘king balikat.Malakas ang kanyang katawan. Nang mag-angat ako ng tingin ay saglit na nagpula ang mga mata niya. Ang pagiging mahilig niyang umamoy at bumuntong-hininga ay gawain ng mga bampira sa kanilang bagong kakilala na gu
Lumapit siya sa ‘kin. Nakailang hakbang siya patungo sa ‘kin.Hindi ko alam pero wala akong nararamdamang takot o panganib sa kanya.Marahil dahil ‘yon sa mga mata niya at taas.Kung buhay ang Young Master marahil hindi sila nagkakalayo.Salamat sa maskara niya, parang kaharap ko ang lalaking nawalay sa ‘kin.Tumungo siya sa ‘kin kaya sinamaan ko siya nang tingin.“Bakit maraming Vampire Hunter, anong plano niya?”Nagulat ako sa naging tanong niya, pero hindi ako nagpahalata.Nginitian niya ‘ko, iyong ngiti na ‘yon, maaaring iba naman talaga ang paraan niya sa Young Master, pero sa katulad kong uhaw na masilayan uli ang lalaking nawala sa ‘kin, pakiramdam ko lahat ng galaw ng lalaking ‘to, maging ang kanyang boses ay mula sa ‘king minamahal na Royal Blood Vampire. Pero masyadong malamig ang dating ng boses ng lalaking ‘to.Sumandal siya malapit
“Mabuti at kahit hindi tayo natuloy may maganda naman mangyayari sa ‘tin,” sabi ni Vince.“Ngayon na nga lang din uli ako nakalabas,” nangingiting sagot ko.Sumabay kami sa bus na naghahatid palabas at papasok sa Carolus Rex. Mayroong sampung bus ang nagpaparoo’t parito lamang palabas at paloob.Nag-aya ng date si Vince at pinagbigyan ko naman. Alam kong hindi ko siya dapat palaging binabalewala. Kung tutuusin ay may nararamdaman naman na talaga ‘ko kay Vince, siguro mas mararamdaman ko lang iyong malaking damdamin para sa kanya kapag natapos ko na ang paghihiganti ko. Sa ngayon, gusto ko muna na kahit sa ganito kasimpleng bagay maibigay ko sa kanya.Nanood kami ng sine, ito ang unang beses na nakapasok ako sinehan.Malaki ang screen at maganda ang kuwento dahil action and fantasy, siya ‘yong namili.Nag-uusap kami kung minsan tungkol sa pinapanood namin, nakikitawa sa mga nakakatawang sc
“Maayos ka lang ba?”Ilang ulit na ‘yong itinatanong sa ‘kin ni Arisa.Magulo pa rin ang aming silid. Pinakiusapan ko muna siyang ‘wag munang ipagsabi ang nangyari.Mula sa pagkakaupo ay marahan akong nahiga sa ‘king kama. Nag-aalala ang hitsura ni Arisa.“May nangyari ba sa ‘yo? Nasaktan ka ba?” ulit niya.“Wala, may gumugulo lang sa ‘kin ngayon,” mahinang sagot ko.“Kailangan ko pa ring iparating ang nangyari sa silid natin—““Naiintindihan ko.”“Nakita mo ba ang gumawa nito? Sa tingin mo ba ay bampira?”“Hindi ko alam, hindi ko alam kung totoo rin ang nakita ko, naguguluhan ako.”Hindi ko na siya pinansin.Tinalikuran ko na siya at nagtalukbong.Ang dibdib ko parang binibiyak. Alam kong baka halusinasyon lamang ang tungkol sa Young Master. Hindi ko pa rin talaga tanggap ang
Nang makarating ang kabilang grupo ay nakita nilang marami na ang nakabagsak. Nakipaglaban din sila sa mga nasa labas na mga bampira. Una nilang kinuha ang mga sugatan dahil ang utos ay bumalik na rin sila kaagad.“Mayro’n pa sa loob, hindi sila ma-contact dalawa pero baka buhay pa. Bilisan ninyo!” Utos ng isang lalaking kapitan.Kaagad na sumunod ang tatlo sa kabilang grupo.“Kailangan nating bumalik,” sabi ni Taurus, ang kapitan sa kabilang grupo.“Salamat,” ani Rosse ang kapitan nina Anastacia. “Naroon pa ang dalawa sa ‘min sa loob,” nahihirapan man ay pilit ‘yong sinabi ni Rosse.“Nagpapunta na kami, dalian natin muna dahil iyong dugo ninyo ang nagbibigay sa kanila nang mas malakas na paraan nang paglaban. Ang hitsura ng mga bampira ay mukhang hayok na hayok na,” ani Taurus.Pumayag naman si Rosse. Hindi niya alam kung ilan ang bumagsak sa k
Nagising si Anastacia na ang unang bumungad sa kanya ang nag-aalalang hitsura ni Vince.“Anne,” tawag nito sa kanya.Nasa kulay puting silid siya.Nakasaklay si Vince at maayos na ang hitsura nito, mukhang nabigyang lunas na ang mga sugat nito.Babangon sana si Anastacia pero hindi niya magawa, parang nakapabigat nang buo niyang katawan. Hindi rin niya maalala kung ano ang nangyari at bakit siya humantong doon.“Anne, kumusta?” tanong ni Vince.Tiningnan ni Anastacia si Vince. “M-masakit ang buo kong katawan, blurred din ang alaala ko pa.”“Kung gano’n, hindi mo naaalala ‘yong huling nangyari?”Napailing si Anastacia. “Babalik din ‘to, baka dahil kagigising ko lang.”“Ilang araw ka ring walang malay. Iyong iba sa ‘tin nakaligtas pero iyong iba,” umiling siya.Nabigla si Anastacia at nalungkot din.&
“Alam ko na kung nasaan siya.”Kaagad namang sumigla ang hitsura ni Kaya nang sabihin ‘yon ni Calix sa kanya.Nasa lugar sila ng New World pero hinahanap nila sa daigdig ng mga tao si Anastacia. Sa kubo na ‘yon sila naninirahang dalawa, isa ‘yon sa isla na malapit sa Freed Market.“Nasaan siya?”“Isa na siyang Vampire Hunter.”Nabigla naman si Kaya sa narinig.“V-Vampire Hunter? S-si Anastacia?!” Gulat na gulat ‘to.“Hindi rin ako makapaniwala,” nangiti nang alanganin si Calix. “Mas magugulat ka pa kung nasaang grupo siya.”“Nasaan?”“Carolus Rex,” anito.Nanlaki ang mata ni Kaya.“S-sigurado ka ba? Baka kamukha lang ‘yon ni Anastacia.”“Sigurado ako,” ani Calix.Naupo sila sa sofa.“Nakita ko siya sa hospital mismo, isa lamang &lsqu