Share

DUNGEON

Agad akong tumakbo palapit sa kulungan. 

"Lenora!"

Gulat itong napatingin sa akin pati ang katulong sa tabi ko. Halata sa mukha nila na hindi nila ako inaasahan sa lugar na ito.

"Yue-"

"What are you doing here, Yueno?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses na nanggaling sa likuran ko. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagulat at napaharap doon. Natagpuan ko roon ang nakahalukipkip na si Damien na direktang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako nagpatinag kahit nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko. 

"Bakit nakakulong dito si Lenora?" sigaw ko. Kumulo ang dugo ko sa isiping, kaya nakakulong dito si Lenora ay dahil sa akin.

"This is her punishment," walang buhay na sagot ni Damien sa akin. Nakaka-sense ako ng disgusto sa kanya. Malakas ang kutob kong ayaw nya sakin. Maya-maya ay naglakad ito palapit sa kinalulugaran namin. Yumuko at umatras ang katulong pero nanatili akong nakatayo roon. Ngayong alam ko na ang katayuan ko dito sa mundong ito ay nabawasan na kahit papaano ang takot ko. Nang makalapit sa pinto ng selda ay binuksan nito iyon. 

"Pwede ka nang lumabas," malamig na turan nito sa kapatid. 

Nakahinga ako ng maluwat sa sinabi nito kahit na medyo nainis ako sa tono ng pananalita nito. Pagkasabi noon ay agad ding tumalikod ang huli saka parang bula na bigla nalang nawala. 

Nang mawala ito sa paningin namin ay doon lang lumabas ang paika-ikang si Lenora na siya ko namang ipinagtaka. Agad akong lumapit sa tabi nya at inalalayan siya. Doon ko namasdan ang itsura nito sa malamlam na ilaw ng mga kandila na nagsisilbing liwanag sa paligid. 

Nahigit ko ang hininga ng mamasdan ko ang aktwal na itsura ni Lenora. 

"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ko dito pero wala akong nakuhang sagot. Nakatulala lamang siya. 

Kahit na galing sa labanan kahapon ay hindi ganito kalala ang sinapit niya non. Namumutla ang mukha, sandamakmak na galos sa binti, braso at mukha. Putok din ang dating pulang-pula nyang labi na ngayon ay maputla pa sa suha. Ang buhok nitong sabog-sabog ay tumatabing sa dating maamo niyang mukha na ngayon ay animo gusgusing bata sa kalsada. Para syang pinahirapan. Eto ba ang sinasabi nilang nagpapagaling? Dahil ba ito sa akin? Bakit nila kailangang gawin ito sa pamilya nila?

Bigla ay parang gusto kong manlumo. How can they do this to her? 

Hindi pa kami nakaka-ilang hakbang ng sa isang kisap-mata ay nasa harap ko na si Alaric. Nakatayo lamang siya sa harap ko habang nakatitig sa mga mata ko. Bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi ko malaman kung dahil sa tinitimpi kong galit o dahil sa mariing pagtitig ng lalaking nasa harap ko. Parang mas nakakalamang ang una.

Walang sali-salitang kinuha nya si Lenora saka binuhat. Ngunit hindi ito umalis at nanatili pa rin sa harap ko. Nabaling ang tingin ko kay Lenora na ngayon ay nakapikit na sa bisig ni Alaric. Doon na nagsiklab ang galit ko.

"Akala ko ba pamilya kayo?" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Kahit na pakiramdam ko na hindi si Alaric ang may gawa nito, hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na maibunton sa kanya ang sama ng loob at guilt na nararamdaman ko.

"Bakit ganito ang sinapit ni Lenora? Dahil lang ba sa inilabas nya ako kaya nyo sya pinahirapan ng ganito? Anong klaseng nilalang kayo?" Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng ilang butil ng luha sa mga mata ko. Naaawa ako kay Lenora. Halos ibuwis nya ang buhay mailigtas lang ako pero heto pa din ang sinapit niya. "Bakit kailangang umabot sa ganito?"

It’s been four days since that horrible incident happened. Since Lenora got imprisoned by her so-called family. Mula ng araw na yun, hindi na ulit ako nagtangkang lumalabas pa ng kwarto. Although, hindi naman nila ini-invade ang space ko. Magkagayunman, masama pa rin ng loob ko sa mga Cayman dahil sa ginawa nila kay Lenora. Oo at may utang na loob ako sa kanila dahil sa pagliligtas nila sa buhay ko pero si Lenora ang may malaking part sa pagliligtas sakin. Hindi ba dapat na pasalamatan pa nila ito dahil ginawa pa rin nito ang makakaya para iligtas ako? Bakit kailangan nilang ikulong at pahirapan pa si Lenora na para siyang hindi parte ng pamilya? 

Nagpupuyos pa rin ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang itsura nito. Humugot ako ng malalim na hininga. Noong isang araw lang ay sinubukan akong kausapin ni Cassius pero hindi ko siya hinarap. Nanatili lang sya sa labas ng pinto ko. Although he didn’t try to barge in, he remained standing there talking. Explaining their side of why they did that to Lenora but I didn’t listen. Sabagay, habang panahon naman na akong walang tiwala sa kanila. Why bother trusting them now?

Kaya heto ako ngayon, mag-gagabi na pero nakahilata pa rin sa kama. Kakatapos ko lang basahin ang librong ipinakuha ko sa isang maid kahapon pagkatapos niya akong dalhan ng pagkain. Well, I prefer this though kaysa makihalubilo sa pamilya na iyon. I don’t even care if Mathilde hears my thoughts, I just loothe them. Hindi makatao ang ginawa nila. Kahit na hindi sila tao. 

Nasa ganoon akong kaisipan ng bigla kong maramdaman ang paglundo ng kama. Mabilis pa sa alas kwatro akong napabangon sa kama habang nanlalaki ang mata. Sino ba naman ang hindi magugulat at matatakot kung biglang lumundo ang kama mo samantalang nag-iisa ka lang sa kwarto. Naibuga ko ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan ng makita ko ang prenteng si Alaric na nakaupo sa kanto ng kama ko habang nagpipigil ng tawang nakatingin sa akin. Ngaling-ngaling ko sanang singhalan ang lalaking ito kung hindi lang ako napigilan ng nakakatulala nyang ngiti. Teka, parang ngayon ko lang nakitang nakangiti ito aa? Lalo pala siyang gumagwapo kapag nakangiti. 

Bigla akong natauhan ng makitang unti-unting napapalitan ng pilyong ngisi ang kaninang pigil na tawa nya. Maya-maya ay inabot nito ang baba ko saka kunwa’y isinara ang bibig ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Parang bigla ko tuloy gustong batukan ang sarili ko. Galit ka sa pamilya nila self, ano ba? Wag marupok! Nakakita ka lang ng gwapo bumigay ka na agad!

“Baka pasukan ng langaw,” anito na sinundan ng malakas na pagtawa. Takte, lalo yata akong natulala. He is a greek god indeed. Pati tunog ng tawa niya ay nakakadagdag sa kagwapuhan ng lalaking ito. How can he be so handsome naman?

Literal na napailing ako sa sarili. “Anong ginagawa mo dito?” singhal ko bilang pagtatakip sa kahihiyan. “Hindi ba malinaw na ayokong makausap ang kahit na sino sa inyo?”

Hindi naman ito natinag sa pagsinghal ko. Sa halip ay tumayo lang ito saka naglibot sa kwarto ko. Pinagmamasdan ang mga dekorasyong nandoon. Mabuti nalang at nagawa ko iyong ayusin noong ikalawang araw na nagkulong ako dito kung hindi ay nakakahiya kung makikita niyang kalat-kalat ang mga gamit ko. 

“Well I just want to check on you since from now on I will be in charge to watch over you,” anito ng biglang sumulpot sa harap ko. Laking gulat ko nang ilang sentimetro nalang ang layo ng mga mukha namin. My breath hitched as my eyes landed on his. Napakaganda noon sa malapitan. It felt as though it was luring me, pulling me till I drowned in it. But there was something hidden beneath its depth that can’t be easily deciphered. There was darkness in the midst of it, telling you that you can no longer turn back. 

Kagad akong nagbaling sa iba ng tingin. Bigla kasi akong nailang. Nakita kong ganoon din ang ginawa niya mula sa sulok ng aking mata. Marahil ay naramdaman din niya ang awkwardness kaya siya tumayo ng tuwid at ipinagpatuloy ang pagmamasid sa sillid. Did he do that on purpose? Or on impulse? 

I still can't help but admire his well built physique while he had his back at me. Kung hindi lang sana ako nabubwisit sa pamilya hindi ko pipigilan ang sarili kong pagpantasyahan ito ee. It's not that I blame him. Well, he still saved my life many times. Sayang nga lang at hindi nya iyon ginawa out of his own will kung hindi ay dahil sa obligasyon. 

"Go to sleep now. I'll watch over you." He suddenly turns to me. His voice snapped me out of my reverie. What did he just say? 

Bigla akong kinabahan sa realisasyon. Gusto nya na akong matulog? Para ano? Para gawan ng masama? Ano kayang binabalak nya? 

"Don't give me that look," he said as he walked towards me. Hindi ko alam kung aatras ba ako o matutulala nalang sa kanya habang unti-unti syang papalapit sa akin. 

"Wala akong gagawin sa iyo," anito saka bahagyang humagikgik. "You're thinking too much that it corrupts your head." 

"W-wala naman akong sinabi," kaila ko kahit masyadong obvious ang naging reaksyon ko. Nag-init bigla ang pisngi ko sa pagkapahiya. I boldly thought that Alaric would kill me. Despite the fact na siya ang naging tagapagligtas ko. Pero nakita nga lang ba niya sa reaksyon ko, o dahil nababasa nya rin ang nasa isip ko?

Bago pa man ito tuluyang makalapit sa akin ay dali-dali kong hinablot ang kumot saka diretchong nahiga at nagtalukbong. I don't want to see his face. Nakakailang. Lalo na ang mga titig nya na tila ba hinahalukay ang kaloob-looban ko. 

Pinakiramdaman ko ang paligid ng makalipas ang ilang sandali ay wala akong naramdamang lumapit sa akin. Umalis na kaya sya? Kung umalis na sya ay mainam dahil hindi ko nasisigurong makakatulog ako habang nandito siya. Dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakataklob sa akin saka unti-unting iginala ang tingin sa kwarto. 

"You're looking for me?" 

Halos mapatalon ako pababa ng kama dahil sa gulat ng makita syang nasa kabilang dulo noon. Nakaupo habang nakasandal ang likod sa headboard ng kama at hawak ang isa sa mga libro ko. Wala sa loob na napahawak pa ako sa dibdib. Napakalakas ng kabog noon na tila ba gusto ng lumabas. Gusto yata akong magkasakit sa puso nito.

"Umalis ka na, Alaric. Magpapahinga na ako."

"Go ahead and sleep. I'll stay here watching you," anito sabay lipat ng pahina sa hawak na libro. 

Tinitigan ko siya at ganun din ang ginawa nya. Nailang ako pero hindi ako nagbaba ng tingin. Nais kong ipakitang hindi ko siya uurungan. 

Maya-maya pa'y siya ang unang nagbaba ng tingin at ibinaling muli sa libro ang atensyon. 

"Matulog ka na. Hindi ako aalis kahit anong gawin mo," pinal na sabi nito. 

Mukhang wala na akong magagawa kundi ang hayaan nalang siya. Mukha rin naman siyang hindi papatinag. Muli akong bumalik sa paghiga saka nagtalukbong ng kumot. Good thing na aircon dito kung hindi siguradong huhulas ako. Wala pa naman akong balak magtanggal ng talukbong. Baka mamaya makita pa nya akong tulo-laway habang natutulog, mahirap na. Sana nga lang ay makatulog ako kahit nandito siya. Kung sa bagay, kahit na hindi naging maganda ang impresyon ng pamilya nya, hindi ko pa rin maikakaila na palagay pa rin ang kalooban ko kay Alaric. Marahil ay dahil na rin sa siya ang laging nagliligtas sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status