Share

MAGES OF MAGJI

“Y-you can erase memories?”

Tumango ito. “That was the only memory I wiped out of Kirius but the most were yours.” hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. “Nagsimula iyon nang isang beses kang maka-encounter ng isang pack ng rogue. Maliit ka pa noon and you were on a camping trip. Sa pagkakatanda ko ay girls scout nga ba ang tawag doon? Whatever you call that. Late night na iyon at sa kung anong dahilan ay bigla ka nalang lumabas ng tent nyo. Hindi ka napansing lumabas ng mga teachers kaya’t walang nakakaalam na umalis ka. Aalis na dapat ako noon dahil ipinapatawag daw ako ng amain ko pero ng makita kitang nag-i-sleep walking ay masyado akong natuwa sa pinaggagawa mo kaya pinanood muna kita. Until you came to your senses and started crying. Takbo ka ng takbo sa kung saan-saan, naghahanap ng daan pabalik pero paikot-ikot ka lang. Pinag-iisipan ko pa kung tutulungan kita noon pero bago pa man din ako kumilos ay may isang pack ng rogue ang nakahanap sayo dahil na rin sa bango ng dugo mo, doon ko napansin na hindi mo suot ang kwintas mo.” 

Kung ganoon ay totoo ang sinabi ni Mathilde. The necklace conceal my scent. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya habang pilitl na inaalala ang mga sinasabi nito. “Pababayaan na sana kita that time. It’ll be an easy job for me if those rogues killed you. Pero nang madapa ka at susunggaban ka na ng mga iyon ay tila may sariling utak ang katawan ko at pinaslang silang lahat. I killed my own kind just to save a clumsy little girl. I must be out of my mind. That moment i’ve got the chance but then, nang lapitan kita ay tumahan ka. Hindi ka man lang natakot sa akin at sa halip ay  itinanong kung wala na ba ang mga humahabol sayo.” 

Natigilan akong bigla ng sabihin niya iyon. Naalala ko ang nangyari sa panaginip ko. Kung ganoon ay totoo iyong nangyari. Hindi lang iyon simpleng panaginip na mula pagkabata hanggang pagtanda ay napapanaginipan ko. “That’s when I decided to just wipe off your memory. I don’t know what came over me, but before I did that I whispered something to you-”

“I’ll come for you,” putol ko sa sasabihin niya. Siya naman ngayon ang natilihan. Pagtataka ang nakalarawan sa mukha niya. “Palagi ko iyong napapanaginipan Kieran. Mula pagkabata hanggang sa magdalaga ako. Kaya pala noong una kang magpakita sa akin sa kwarto pakiramdam ko ay matagal na kitang kilala. Na parang nakita ko na ang mga matang iyan pero nakasisiguro akong hindi ka lang isang rogue.”

Ngumiti ito. “Mukhang hindi tuluyang umipekto ang pagbura ko sa memorya mo.”

“Iyon lang ba ang tanging pagkakataong iniligtas mo ko?”

“No.” Umiling pa ito bago nagpatuloy. “Ilang beses pa iyong nasundan. Ang huli ay nitong bago ka maging Dovana.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ikaw ang nagliligtas sa akin noon?”

Tumango lamang ito. Napamaang ako. “Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?” singhal ko sa kanya. “All these time, si Alaric ang iniisip kong nagligtas sa akin, iyon pala ay nagkamali ako.”

Nakatingin lamang ito sa akin habang para akong tanga na naiinis sa sarili ko dahil mali na naman ako ng akala. Kung ganoon ay sa kanya pala ako dapat magpasalamat at hindi kay Alaric. 

Napakarami nang nagawa ni Keiran para sa akin. Pero ako ay wala pa. Walang ginawa kundi ang pag-isipan siya ng masama. Nakakainis. Wala na yata akong iisiping matino. 

“Anong plano mo ngayon?” biglang tanong nito. 

Napa-isip naman ako agad sa sinabi niya. Naging seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin. Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan ang plano ko. Hindi ko kasi maiwasang kalimutan ang ibang bagay kapag kasama ko siya. 

“Hindi pa alam. Hindi ko pa napag-iisipan pero gusto kong pagdusahan ng mga Cayman ang ginawa nila sa Papa ko. Hindi makatarungan ang ginawa nila. At kung ang mga Cayman ang mga blood traitors, siguro ay marapat lamang na makarating iyon sa Ȁlteste.”

“Pero malaki ang tiwala ng  Ȁlteste sa kanila?”

“Kung ganoon ay kailangan ko ng matibay na ebidensya bilang katibayan ng pagtataksil nila. Mahaba-habang panahon na silang malaya. Ano ba naman kung puputulin na ang kalayaang iyon.”

Nangunot ang noo ni Kieran at tila nagpa-isip ng malalim. “Malaking bato ang gusto mong banggain, tesoro. Pero hindi kita hahayaang mag-isa. Masyadong mapanganib ang gagawin mo at kung magkakamali ka ay maaaring buhay mo ang kapalit. Isa pa ay kung ganoon ang binabalak mo, kailangan mong bumalik sa mansyon ng mga Cayman para sa ebidensyang gusto mong makita.”

“Ano namang klaseng ebidensya iyon?” tanong ko na hindi lang para kay Kieran kundi para rin sa sarili. 

“Wala ka bang nakitang kahit anong papeles o bagay na sa tingin mo kaduda-duda?”

Pilit kong ibinalik ang ala-ala sa panahong naroon pa ako sa bahay ng mga Cayman. Natilihan naman ako ng may maalala.

“Sa study room. May nakita akong papeles doon na may nakalagay na impormasyon tulong sa pamilya namin. Bawat isa sa amin ay mayroon noon. Ang kay Papa ay may pulang ekis. Pati  ang family picture namin ay naroon at may ekis din na pula sa mukha ni Papa. Malakas ang kutob kong may kinalaman iyon sa pamilya namin. Sa tingin ko ay sapat ng ebidensya iyon para pagdudahan sila ng  Ȁlteste.

“Napakadelikado ng gusto mong gawin,” mariing saad nito habang nakakunot ang noo at walang puknat ang pagtitig sa akin. Para bang inaarok niya ang kaibuturan ko. “Alam mo ba ang maaaring kapalit ng gusto mong gawin? Maaari mo itong ikamatay, tesoro.”

Alam ko iyon. Pero kung iyon lang ang paraan para maparusahan ang mga may kasalanan ay gagawin ko. Alang-alang sa Papa ko at kay Kirius. Ngumiti ako ng matamis kay Kieran. “Alam ko namang hindi mo ako pababayaan.”

Hindi agad siya sumagot sa akin at mas lalo akong pinagkatitigan. Maya-maya pa ay kinabig na naman niya ako palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Agad naman akong gumanti ng yakap. Hinding-hindi ko pagsasawaan ang mga yakap ni Kieran. 

“Never forget that, tesoro,” maramdaming bulong nito. “Mamamatay muna ako, bago ka nila magalaw.”

Nagtatalon na naman sa tuwa ang puso ko. Kahit hindi niya iyon sabihin ay alam kong iyon ang gagawin niya pero hindi ko rin hahayaang umabot sa ganon ang lahat. Kung hindi ko man nagawang protektahan si Kirius, ay gagawin ko iyon kay Kieran. Gagawin ko lahat huwag lang siyang mamatay.

Lumalalim na ang gabi at narito pa rin kami sa taas ng puno. Dahil sa taas noon ay para bang napakalapit ko lang sa buwan. Na para bang kahit abutin ko iyon ng kamay ay maaabot ko. Napakaganda ng niyon ngayong gabi. Parang noong gabing una kaming nagtungo rito. Noong unang beses niya akong hinalikan. 

“Hindi pa ba tayo bababa?” untag ko kay Kieran.

Tinaasan naman ako ng kilay nito sa tanong ko. “Gusto mo na ba?”

Nag-isip pa ako saglit bago muling tumingin sa kaniya. “Hindi naman sa ganon. Na-a-appreciate ko naman ang ganda ng paligid kahit nasa baba. Nakakalula kasi dito. At saka kanina ko pa gustong masuka.”

Bumunghalit naman ito ng tawa saka agad akong hinaklit palapit sa kaniya. Walang sabi-sabi itong tumayo saka ako binuhat. 

“Close your eyes,” utos nito.

Madali ko namang ipinikit ang mga mata saka nangunyapit muli sa leeg niya. Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na nasa baba na kami. Ewan ko ba. May automatic sensory yata ang katawan ko at nalalaman agad nito kung mataas ba ang kinalulugaran namin o mababa. Nang imulat ko ang mga mata ay nasiguro ko nga ang hinala. Nakababa agad kami ng wala pang ilang segundo.

Dahan-dahan niya akong ibinaba. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa mga mata niya. Palagi nalang kasi nitong pinupukaw ang kuryosidad ko. 

“Kieran,” tawag ko sa pansin niya.

“My lady?”

Hayun na naman siya sa my lady na iyon. Kung alam lang niya na pakiramdam ko ay pag-aari ko na talaga siya sa tuwing tinatawag niya ako noon.

“Bakit pula ang mga mata mo katulad ng sa mga rogue?”

Nakita ko naman itong napa-isip. “A, dahil isa akong rogue?” 

Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Well, stating the obvious?”

Tumawa naman ito sa isinagot ko saka dumukwang para magpantay ang mga mukha namin. “I am a high ranking rogue.”

Kitang-kita ko kung paanong ang pilyong ngiti ni Kieran ay mabilis napalitan ng madilim na anyo. Tumalim bigla ang mga mata nito at sumungaw ang pangil. Parehong-pareho nito ang Kieran na nakita ko noong panahong nakita ko Kirius sa bisig niya. Halo-halong kilabot, takot, at kaba ang naramdaman ko. Ngunit sa pagtataka ko ay hindi iyon para sa akin. Mabilis niyang iniharang ang sarili sa harap ko na tila ba pinoprotektahan sa kung anong hindi ko naman makita. 

Magtatanong na sana ako kay Kieran ng tila may bola ng ilaw ang muntik ng makahagip sa mata ko kung hindi lang mabilis kumilos si Kieran na binuhat ako at iniilag. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa takot. Nang ibaba ako ni Kieran ay nakita ko ang sugat sa braso nito na gawa ng pagdaplis ng kung anong liwanag na iyon. 

“Maswerte ka at naka-ilag ka, bampira.”

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Sa may bukana ng kagubatang nakapaligid sa parang ay unti-unting nagsilabasan ang mga mages ng Magji. Nahigit ko ang hininga ng makitang hindi lamang iyon iisa kundi isang hukbo ng mga mages sa pangunguna ng tiyahin ko. Kung ganoon ay sa kanya nanggaling ang liwanag na muntik ng bumulag sa akin. Lalo akong nilukob ng takot para kay Kieran. Masyado silang marami para labanan niya at isa pa ay ayokong may masaktan kahit isa sa kanila. 

Mabilis kong iniharang ang sarili ko kay Kieran. Alam kong hindi ako sasaktan ng mga mages lalo na ng tita ko pero nakasisiguro akong hindi nila palalagpasin si Kieran. 

“Yue,” sigaw ni Oswald na tinanggal ang hood niya.

Naramdaman ko ang biglang pagiging agresibo ni Kieran kaya’t mas lalo ko itong ikinubli sa likod ko kahit na hindi sapat ang laki ko para itago siya. 

“Anong ginagawa mo, Yue?” sigaw ni tiya. Muli na namang namumuo ang panibagong bola ng liwanag sa mga kamay niya. “Huwag kang matakot sa kaniya, Yue, narito kami para iligtas ka. Hindi namin hahayaang masaktan ka pa niya.”

“Walang nasaktan, tiya. Hindi ako nasaktan at mas lalong hindi ako sasaktan ni Kieran,” pagpapakalma ko rito. Nagbabaka-sakaling itigil niya ang pag-atake niya. 

“Minamanipula ka lang niya, Yue. Huwag kang maniwala sa kung anong sinasabi niya sayo.”

“Matino ang isip ko tiya. At hindi ko kailangang mamanipula para lang masabing hindi ako sasaktan ni Kieran.”

“Kung ganoon ay lumakad ka papunta sa amin,” sigaw ni Oswald. “Sumama ka na sa amin, Yue, para wala na ring masaktan.”

Nakita ko ang pagbuo ng liwanag sa kamay ng bawat mages na naroon. Tila ano mang oras ay handa nilang atakihin si Kieran. At nasisiguro kong hindi nila ito paaalisin ng buhay. Kailangan kong mag-isip ng paraan. 

“Kailangan mong makaalis ng ligtas dito Kieran,” bulong ko dito.

“Hindi kita iiwan dito,” matigas niyang sabi. 

Humarap ako dito at tinignan siya nang direkta sa mga mata. “Hindi nila ako sasaktan, Kieran. Tiyahin ko ang isa sa kanila kaya malabo iyong mangyar--”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil mabilis akong niyakap ni Kieran at inilagan ang bola ng liwanag na muntik na namang tumama sa akin. Nang makalayo kami ni Kieran doon ay narinig ko pa ang tiyahin ko na sumigaw kung sino ang may gawa noon. Dahil doon ay nakakuha ng pagkakataon si Kieran para makatakas kami ngunit bago pa man iyon mangyari ay bigla kaming huminto sa ere kasabay ng mga alitaptap na naroon na hindi na gumagalaw. Ramdam ko ay paninigas ni Kieran. Alam kong gumagamit na naman sila ng mahika. Agad akong kinabahan ng makita kong nahihirapan ito. Maya-maya pa ay biglang nawala ang enerhiyang nakabalot sa paligid at maging kay Kieran at mabilis kaming bumulusok pababa. Agad akong niyakap ni Kieran bago pa man din kami sumayad sa lupa. Napadaing ito ng malakas ng bumagsak kami.

Mabilis akong bumabangon at dinaluhan ito pero nanatili lang itong nakahiga at tila namimilipit sa sakit. Ramdam ko ang panibagong enerhiyang nanggagaling sa mahikang lumulukob kay Kieran. 

“Kieran, anong nangyayari?” puno ng takot na tanong ko dito. “Kieran!”

 “Te-teso-ro,” narinig ko pang sambit nito bago muling mamilipit sa sakit. Agad akong nag-isip ng maaaring gawin pero wala akong maisip. Mabilis akong lumingon kila tiya. 

“Sasama na ako sa inyo, parang awa niyo na tama na,” pagmamakaawa ko sa kanila. Nagbabakasakaling makinig sila. 

Nag-init bigla ang mga mata ko at parang gusto ko na muling umiyak. Kakasabi ko lang kanina na hindi ko siya hahayaang masaktan pero heto ay namimilipit siya sa sakit. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Mangyayari na naman ba ang nangyari kay Kirius?

Naramdaman ko ang paglapit ni Oswald sa amin. Alam kong kukunin niya ako kay Kieran. Ayokong malayo sa kaniya pero kailangan kong gawin para makaligtas siya. Bago pa man tuluyang makalapit si Oswald ay yumuko ako kay Kieran.

“You need to live,” bulong ko dito. “I love you.”

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi bago tumayo at dahan-dahang lumapit kay Oswald. Kailangan kong makasigurong hindi nila sasaktan si Kieran. Nang mag-abot na kami ay huminto ako sa paglalakad at nilingon si Kieran. Namimilipit pa rin ito sa sakit. 

“Ang sabi niyo ay ititigil niya na ang spell na ginamit niyo sa kaniya kapag sumama na ako sa inyo,” matalim kong turan sa kanila. 

Mariin kong tinitigan si Oswald at kapagdaka ay itinaas ang isang kamay at itinapat kay Kieran. Ramdam ko ang enerhiyang nanggagaling doon. Ilang sandali pa ay nakita kong tumigil sa pamimilipit si Kieran at unti-unting bumangon. Madilim pa rin ang mukha nito at matalim ang matang nakatingin sa gawi ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay nasisiguro kong hindi iyon para sa akin. 

Buong akala ko ay naintindihan na ako ni Kieran at tatakas na siya ngunit ng hawakan ako ni Oswald sa braso at hilahin ay duon na naging agresibo ito. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Mabilis na gumalaw si Kieran palapit sa amin ngunit bago pa ako nito mahawakan ay mabilis din itong lumutang sa ere at nabalot ng parang isang bula. Saka tila may kidlat na nagsisipag liparan sa loob noon na sa tuwing tatamaan si Kieran ay nag-iiwan iyon ng sugat. Hindi pa nakontento ang mga ito at nagbitaw muli ng panibagong spell. Tuluyan na akong nanghina at napaupo sa damuhan nang muling mamilipit sa sakit si Kieran. 

“Tiya, tama na,” sigaw ko. “Parang awa niyo na tama na.”

Pero kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi pa rin sila tumigil. Hindi sila nakinig. Sa panggigilalas ko ay sa muling pagtama ng malakidlat na iyon kay Kieran ay tila iyon kutsilyong tumarak sa tagiliran nito. Agad na nahilam ng luha ang mga mata ko at naikuyom ko ang kamao. Buong akala ko ay hindi sila katulad ng mga bampira na basta nalang pumapatay ng mga inosente pero tila nagkamali na naman ako. Kailangan ba na lahat nalang ng mahal ko ay nasasaktan ng dahil sa akin?

Sa desperasyon kong iligtas si Kieran ay ginawa ko ang pinaka-unang bagay na alam kong magpapatigil sa kanila. Mabilis ang kilos kong hinablot ang pinakamatalim na bagay na nakita ko. Kinuha ko ang punyal na nakasukbit sa bewang ni Oswald saka agad na lumayo dito at  walang takot na itinutok iyon sa leeg ko.

Kung walang silang takot pumatay. Hindi rin sila natatakot na pabayaan nalang akong mamatay. Mabilis akong lumapit kay Kieran habang nananatiling nakatutok sa leeg ko ang punyal. Matalim ang mga matang tinitigan ko ang mga walang awang mages ng Magji. 

“Patayin niyo siya, mawawalan kayo ng Dovana,” buong tapang kong sabi sa kanila.

“Yue.”

Nang makita kong magbibitaw ng panibagong spell si tiya ay idiniin ko ang dulo noon sa leeg ko. Ramdam ko ang pagbaon ng talim nito roon at nasisiguro kong may pumatak na roong dugo. Hindi ako matatakot na itarak iyon sa leeg ko kung iyon lang ang magiging daan para makaligtas si Kieran.

Nakita kong itinaas ni tiya ang kamay. Senyales marahil ng pagpapatigil nito sa mga mages. Agad na nawala ang kung ano mang nakabalot kay Kieran. Sugatan itong bumagsak sa lupa. Madali akong lumapit doon na hindi inaalis ay punyal sa leeg ko. Muli kong iniharang ang sarili sa harap ni Kieran. 

Maya-maya pa ay naramdaman kong tumayo ito at isinandig ang ulo sa ulo ko pero nananatili akong nakatingin sa mga mages. Nakita kong umakma na naman sila kaya mas ibinaon ko iyon sa leeg ko. Ngayon ay mas marami ng dugo ang tumagas mula roon. Alam kong naaapektohan niyon si Kieran. Sana nga lang ay paglabanan niya ang tukso. 

“Tesoro, I smell your blood,” anito sa hirap na hirap na tinig.

“Huwag mong intindihin ang dugo. Tumakas ka na,” bulong ko dito.

“Hindi ang dugo ang mas iniintindi ko kundi ikaw,” asik nito saka muling dumaing.

“Huwag mo akong intindihin, hindi nila ako sasaktan. Ang mas mahalaga ay makaalis ka dito ng buhay. Dahil hindi ako nakakasigurong bubuhayin ka nila. Pero kailangan muna nila akong mapatay bago nila iyon magawa.”

“Yue.” 

“Alis na dali!” singhal ko ng ayaw pa niyang kumilos.

“I’ll come for you, tesoro.” Iyon lang at hindi ko na naramdaman ang presensya nito sa likod ko. Marahil ay nakaalis na ito. Nang lingunin ko iyon ay tuluyan na nga siyang nawala. Noon ko lang binitawan ang punyal na hawak ko. 

Noon ako mabilis na nilapitan ni tiya ngunit mabilis ko siyang itinaboy. Matalim pa rin ang naging tingin ko sa kanila. Sinira nila ang paniniwala ko sa kanilang hindi nila kayang manakit ng mga inosente. Bago pa man sila tuluyang makalapit ay nagsimula na akong maglakad. Maging ng masalubong ko sila ay hindi ako huminto sa halip ay nilagpasan ko lamang sila. Alam kong gusto lamang nila akong iligtas pero hindi sapat na dahilang iyon para saktan nila ang taong mahal ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status