*Kieran*
Mula nang umuwi kami ng Magji ay bihira ko nalamang makita si Yueno. Kung hindi kasi ito isinasama ng tiya niya para sanayin ay nasa piling naman ito ng mama niya. Pakiramdam ko tuloy ay parang gusto kong pagsisihan na iniuwi ko siya dito. Kung naroroon lang sana kami sa bahay ay solong-solo ko siya, hindi tulad dito na tila ayaw kaming pagsamahin. Pakiramdam ko tuloy ay parang ginagawa ng pamilya niya ang lahat upang mailayo siya sa akin.
Ipinilig ko ang ulo sa kung anong naiisip. Kung sabagay ay ilang araw ding nawala si Yue at isa pa ay kagagaling lamang niya sa kapahamakan kaya't hindi ko rin sila masisisi kung ayaw nilang mawala sa paningin nila ang dalaga. Ayokong maging makasarili, ang kaso nga lang ay nami-miss ko na si Yue. Tatlong araw ko na ring hindi ito nakakasama. Pakiramdam
*Yueno*Nahimas ko ang batok habang umaakyat ng hagdan. Pakiramdam ko kasi ay parang nangalay iyon sa maghapon na lumipas. Parang napakahaba noon. Napakarami kasing ipinagawa sa akin ni tiya. Pagsasanay daw iyon para makontrol at magamit ko ng mabuti ang kapangyarihan ko. Magiging malaking tulong daw iyon lalo na sa nalalapit kong pagbalik sa mansyon ng mga Cayman. Ilang araw din iyong na-delay dahil sa mga nangyari.Napahugot ako ng hininga. Mula ng umuwi kami dito ay hindi ko na muling nakasama si Kieran. Muntik pa nga akong mainis kay tiya dahil sa tuwing magkikita kami ni Kieran ay lagi nalamang akong hihilahin nito at sasabihan na magsanay ako ng magsanay. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niya kaming magkasama ni Kieran. Isa pa ay madalang din kasi itong lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko tuloy ay pa
Mabigat ang pakiramdam ko habang nakatingin ako sa magarang mansyon na iyon sa hindi kalayuan. Heto na ang magiging umpisa ng misyon ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinukutuban na naman ako ng hindi maganda. Naramdaman ko ang paggagap sa kamay ko kaya't napalingon ako dito. Natagpuan ko ang mga mata ni Kieran na nakatitig sa akin. Bigla tuloy nagwala ang puso ko kasabay ng panlalambot ng tuhod ko. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nya na animo ay may gustong sabihin ngunit tila may kung anong pumipigil rito."Mag-iingat ka," mahinang turan niya saka ako dinampian ng magaang halik sa ulo.Napatango nalang ako bilang sagot. Para kasing naumid ang dila ko at kay bigat ng pakiramdam ko na para bang may kakaiba sa gawi ng pagsasalita niya. Parang bigla akong natakot. Gumapang ang kaba sa dibdib
Nagulat ako ng biglang nawala sa paningin ko si Alaric ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang yakapin nya ako ng mahigpit. Hindi ko kasi inaasahang ganito nya ako sasalubungin. Mukhang na-miss ako ng tagapagbantay ko. Hindi rin naman nagtagal at ginantihan ko rin ang yakap nya. Kung sabagay ay siya rin kasi ang lagi kong kasama noon kaya marahil ay nakasanayan na rin niya."I missed you," bulong pa nito. Muntik pa akong kilabutan dahil halos idikit na nito ang bibig sa tainga ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang kaya't dahan-dahan ko rin siyang itinulak para gumawa ng distansya sa pagitan namin.Ewan ko ba kung bakit bigla nalang akong nailang kay Alaric. Iba kasi ang pakiramdam ko sa kinilos nya. Parang magkakaiba. Bahagyang ipinilig ko ang ulo at hinamig ang sarili bago siya harapin.
"Welcome back, Yueno," bungad ni Idris nang tuluyan na kaming malalapit. Agad itong tumayo at lumapit para salubungin kami samantalang ang tatlo ay nagsitayo na rin. "Natutuwa ako at ligtas kang nakabalik sa amin. Ang balita namin ay inatake ng mga rogue ang Magji."Hindi ko naman magawang pagdudahan ang pag-alalang nasa mga mata niya. Ngayong alam ko na ang buong istorya ng nakaraan nila ni tiya ay di ko mapigilang matuwa sa kanya. Alam kong hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si tiya Arsellis. Nakakalungkot lang napakaraming humahadlang sa pag-iibigan nila. Kaya't kung sakali man sigurong humingi siya sa akin ng tulong upang makita si tiya ay hindi ako magdadalawang-isip na tutulungan siya."Ayos lang ako. Maraming salamat," sagot ko rito na sinamahan pa ng maliit na ngiti. Gusto ko sanang isago
Nakaupo lang ako sa gitna ng kama habang nakayukyok sa mga braso. Naririto ako sa kwartong inilaan sa akin ng mga Ȁlteste. Malalim na rin ang gabi pero hindi ko parin magawang makatulog. Malaki ang kwarto ngunit hindi ko ma-appreciate dahil ginugulo ang isip ko ng mga salitang binitiwan ni Alaric. Maging ang itsura niya kanina ay hindi ko makalimutan. Kanina pa rin ako isip ng isip kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi talaga pwede pero hanggang ngayon ay blangko pa rin ang utak ko. Imbes na sa plano na sana naroon ang isip ko ay dumadagdag pa si Alaric. Ayoko namang umabot kami sa puntong iiwasan ko nalang siya.Napahugot ako ng malalim na hininga saka bumaba sa kama. Lalabas na muna siguro ako at magpapahangin. Baka sakaling umayos ang utak ko. Sana nga lang ay hindi ko makasalubong si Alaric. Hindi ko alam kung nasaang kwarto ito namamahinga pero sana hindi niya ako maisipa
Tanghali na ng magising ako kinabukasan. Mag-uumaga na rin kasi ng makabalik ako sa kwarto. Masyadong napalalim ang usapan namin ni Idris kagabi. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ngunit nanatili lamang doong nakaupo. Hindi ko sukat akalaing ganoon pala magmahal si Idris. Napapangiti pa rin ako kapag naiisip ko kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay tiya. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagkakaiba ng mga lahi ay may nabubuo pa rin ganito. Isang wagas na pagmamahal na handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya. Sa panahon ngayon ay napakahirap ng makahanap ng totoong pagmamahal. Napakaswerte ni tiya.Pero nakakalungkot lang isipin na kailangan nilang magkahiwalay dahil sa kaguluhan at hindi pagkakaintindihan ng mga lahi. Ang pagkahayok nila sa kapangyarihan ang siyang nagiging dahilan ng lahat. Ano bang mayroon sa mundo at gustong-gusto nilang mapasakanila?"Yue.
Madilim ang paligid. Wala akong makita. Patay na ba ako? Pero pakiramdam ko ay napakakirot ng katawan ko. Hindi dapat kung patay na ay wala ng nararamdamang sakit? Isa pa ay bakit madilim? Hindi ba ako sa langit napunta? Siguro ay masyado ng mabigat ang mga kasalanan ko kaya ganoon.Nakakarinig din ako ng mga ingay na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Noong una ay mahina lamang iyon hanggang sa palakas ng palakas. Talaga bang maingay ang paligid pag namatay na? Kung hindi ako nagkakamali ay mga boses ng lalaki ang naririnig ko. Pero hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko para lang mapadaing sa tindi ng sakit na gumapang sa kabuuan ko. Pakiramdam ko ay para akong na-hazing. Kahit saang parte ay kumikirot. Pigil-pigil ko rin ang hininga matiis lamang ang sakit.Lalon
"Elyxald Von," usal ko na halos pabulong na.Naalala kong bigla ang sinabi ni tiya na madalas na pagpunta ni Cassius sa Palazzo noon. Kung ganoon ay si Elyxald pala ang pinupuntahan nito. Ibig sabihin ay matagal na siyang nagtatraydor. Ito rin ang pinuno ng mga rogue. Sa mas lalo ko pang pagtataka ay hindi lumuhod dito si Kieran."Maligayang pagdating," bati ni Cassius habang nakayuko pa rin.Hindi naman iyon pinansin ni Elyxald sa halip ay tinapik sa balikat si Kieran nang makapasok sa kulungan at makalapit dito."Magaling, anak. Hindi ako nagkamali sa iyo."Natigagal ako ng marinig ang tinuran nito. "A-anak?" Hindi ko namalayang dumulas sa dila ko."Hindi mo ba alam na