LOGIN
Isang araw na naman ang lilipas at sa trabaho ko lang ginugugol ang oras ko. Pauwi na ako mula sa aking trabaho, at hindi ko alam kung masaya ako o malungkot.
Masaya akong nagtatrabaho sa isa sa malaki at successful na kompanya sa Pilipinas ang Viscount Winery Inc., isa akong sales and marketing officer sa kumpanya. Dugo at pawis ang puhunan ko upang makapasok sa kumpanya na ito. Mahirap lang kami at ginapang ko ang pag aaral ko upang makapagtapos ng marketing management. “Visconti Winery is facing a backlash, former employee is trying to take the company down..” Dinig ko sa nadaanang tindahan na kasalukuyang nanonood ng TV. Mukhang may malaking issue ngayon sa company. Agad akong kinabahan at nangamba, hindi pwedeng bumagsak ang kompanya. Wala pa akong napapatunayan, isang taon palang ako dito magmula nang ako ay mag internship sa parehong kompanya. Naging working student ako upang tustusan ang sariling pag aaral maging ng aking kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Masaya akong narito sa estado ng buhay ko ngunit may lungkot parin sa nanunuot sa loob ko. Malungkot dahil hindi ko man lang nagawa ang mga karaniwang ginagawa ng mga kaedaran ko, hindi ko kailanman naranasan na maging isang normal na dalaga noon ako’y mag high school at college dahil sa hirap ng buhay. Pero kinailangan kong gawin yon upang mabuhay kaming dalawang magkapatid. “ O, Guadalupe! Isa nalang!” sigaw ng konduktor ng bus. Agad akong sumakay at umupo sa bakanteng upuan matapos ay umalis na ang bus. Ang siksikang tao sa bus, amoy ng kapwa ko pasahero, at tunog ng sasakyan at maingay na paligid ang araw-araw kong hinaharap. Ito ang isa sa mga dumadagdag sa lungkot at pagod na nararamdaman ko, pero sanay na ako sa araw-araw na walang pinagbago. “Kuya isang Guada lang” sabay abot ko ng bayad sa konduktor. Habang nakatingin sa labas ng bintana iniisip ko na kung ano-ano ang mga gagawin ko pagdating ng bahay. Inisa-isa ko ang mga gawaing kailangan kong gawin. Kailangan kong magsalang ng labahin pag-uwi dahil isang uniform lang ang mayroon ako, wala na akong problema sa pagkain dahil nakatoka nayon sa aking kapatid na magluluto pag uwi niya ng eskwelahan. “O! Sa mga baba ng guada malapit na!” Agad akong naghanda ng pag baba dahil malapit na akong bumaba. “Dito nalang po” Pagbaba ko’y makikita agad ang dumi, gulo, at ingay ng lugar. Konting lakad lang ay pumara na ako ng tricycle papunta sa bahay. “Kuya, sa may sampaguita st. lang po” sabay abot ng bayad ko. “Special na ba to ma’am o maghihintay pa tayo ng pasahero?” umiling ako agad at hindi naman ako special, naghihintay na lang kami ng pasahero pang sasakay. Nang mapuno na ang tricycle ay umandar na ito. “Para po!” Pagbaba ko ay napansin kong may nagkakagulo sa labas ng aming bahay, dali dali akong lumapit at nagtanong sa aming kapitbahay. “Aling Myrna, ano pong nangyayari?” “Ayy Amor! Mabuti at andito kana, nagkakagulo sa inyo at iyong tatay mo andodoon nag pang abot sila ng tiyuhin mo” pagkarinig ko noon ay biglang tumigil ang mundo ko may kung anong mapait na likido ang umakyat sa lalamunan ko at nanginig ang katawan ko. Dali-dali akong pumasok sa bahay at nakita ang isang taong naging dahilan ng paghihirap ko, paghihirap naming magkapatid at paghihirap ng aking tiya at tiyo. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman. Pagkakita ko sa kanya ay bumalik sakin lahat. Nanlalamig ang buo kong katawan habang sunod sunod ang alaalang bumabalik sakin. 10 years old palang ako nang kami ay iwan ng aking ina, maliwanag sa memorya ko kung paano siya nawalan ng buhay pagkapanganak sa aking kapatid. “Mahal! lumaban ka, hindi ko kayang mawala ka” palahaw ng aking ama habang kami ay nasa ospital. “mama-” iyak kong tawag sa aking ina nang siya ay tuluyan ng namaalam. Hindi kinaya ng aking ama ang nangyari kaya kahit kapapanganak palang ng aking kapatid ay halos ang tiyahin ko na ang nag alaga dito, tila nawalan ng saysay ang buhay ng tatay ko dahil sa nangyari. Isang araw nalang ay iniwan din kami ng tatay ko. Hindi ko alam na hindi na pala niya kami babalikan, ang alam ko lang ay aalis sya sandali at babalik din agad. Iyon na pala ang huli naming pagkikita. Simula noon ay ang tiya Annette at tiyo Mark na ang nag alaga sa amin, at lubos ko iyong ipi nagpapasalamat. Kahit sila ay kapos din ay hindi nila kami pinabayaan ng kapatid ko, sila na ang nagsilbing mga magulang sa aming mag kapatid. Gabi gabi akong nagdadasal na sana ay bumalik na ang tatay namin para kuhanin kami ulit dahil sa hirap ng buhay, nahihiya na akong maging pabigat pa sa aking mga tiyo at tiya. Hanggang sa isang araw ay nawalan na ako ng pag asa at tuluyang kinalimutan ang ama. “Amore, alam kong malaki ang kasalanan ng tatay mo sainyong magkapatid, ako na ang humihingi ng dispensa dahil iniwan niya kayo” hindi ko makakalimutan ang sinabi ng aking tiyo noong bata pa ako, na tumatak sa akin hanggang ngayon. Hindi ko pa maintindihan noon kung bakit kami nagawang iwan ng tatay namin, ngunit kalaunan ay hindi ko na ito inisip at nagpatuloy nalang. Sobrang swerte naming magkapatid dahil nandyan sila upang ipaunawa samin ang buhay at handang gumabay sa amin hanggang sa kami ay lumaki at mag kaisip. At ngayong nakikita ko siya dito mismo sa bahay kung saan niya kami iniwang magkapatid, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman at kung anong sasabihin ko, tila napako ako sa kinatatayuan ko. “Anak” salitang kailan man ay hindi ko naisip na maririnig ko muli mula sa aking sariling ama. napaatras ako ng lapitan niya ako. “Anak, andito na si papa” nangilid ang mga luha ko at tinignan siya ng nagtataka, bakit ngayon ka lang? gusto kong sambitin ngunit hindi ko na bigkas. hinanap ng mata ko ang kapatid ko maging ang aking tiyo at tiya. Pati sila ay hindi ko mawari ang mga reaksyon sa pagbabalik ng aming ama. Si Solo ay nakatingin sa aming ama at hindi ko maipinta ang mukha nito. “Bakit ka andito?” lakas loob kong tanong sakaniya “anak, sorry at iniwan ko kayo” umiiyak nitong sabi “di ko ginustong iwan kayo, hindi ko kinaya ng mawala ang mama niyo kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko, sana mapatawad ninyo ako” “hindi rin ho namin alam ang gagawin namin dahil bata palang kaming iwan ninyo!” “mawalang galang na ho pero hindi na ho namin kayo kailangan, makakaalis na kayo” sambit ko ng diretso sakaniya at iginiya siya sa pintong nakabukas. umiiyak ang aking ama, at balak pang magsalita ngunit pinigil na ito ng aking tiyo. “Kuya, tama na. Umalis kana muna, hindi pa handa ang mga batang makita ka” saad nito, at inakay ito palabas ng bahay. paglabas nito ay nanghihina ang aking mga tuhod at tuluyang bumagsak ang mga luhang pinipigil ko kanina pa. “ate..” lumapit sakin ang aking kapatid “Solo, ipasok mo ang ate mo sa kwarto at dadalhan ko kayo ng tubig at makakakain, doon muna kayo, sige na” sabi ng aking tiyahin. bakas din sa mukha nito ang pag aalala at lungkot sa mga nangyari. Umakyat kami ng aking kapatid sa aming kwarto. “ate ayos ka lang?” napatingin ako sa kapatid ko at tumango “oo, ayos lang. Wag kang mag alala, hindi na yun babalik dito” “wala naman akong pakialam sa kanya” matapang na anito “hindi na natin siya kailangan sa buhay natin, ngayon pa, na malaki na tayo saka pa siya babalik? anong akala niya sa atin hayop na pwedeng iwanan at balikan kung kailan niya gugustuhin” mahabang sabi ko kay Solo Tama, hindi na dapat siya bumalik pa. Hindi na namin siya kailangan. Kaya na namin tumayo sa sarili naming mga paa, sa totoo lang ay kaya na naming bumukod na magkapatid, ayaw palang kami pabukudin ng aming tiya at mag ipon nalang muna kami. Pero may sapat na ipon na ako para sa aming dalawa at handa na akong bumukod. may kumatok sa pintuan at binuksan ito, pumasok ang aking tiya at inabot sa akin ang tubig. “anak, alam kong nabibigla ka pa sa ngayon. Pero gusto ko lamang sabihin sainyong magkapatid na tatay ninyo pa rin iyon, pero malalaki na kayo at may sariling pag iisip na, kaya kung ano man ang magiging desisyon ninyo ay susuportahan namin kayo ng tiyo niyo” sabay hawak nito sa aking kamay. “salamat po, tiya. pero hindi po kami sasama sa kanya, dito lang kami” sagot ko “oo nga po tiya, hayaan niyo po siya, wag niyo na pong papupuntahin dito yon!” sagot naman ng kapatid ko “Solo! ikaw nga’y huwag ganyan magsalita, ikaw talagang bata ka” saba’y pingot ng tiya sa tenga ni solo na nag pangiti sakin. laking pasasalamat ko talagang andiyan sila para saming magkapatid. Gusto kong yumaman agad para masuklian ko lahat ng paghihirap nila sa amin. Habang nag uusap kami ay bigla namang kalabog ng p***o at humahangos na tumakbo si Anton sa bahay “Nay! Tay! amore! solo! asan na yung nanggugulo dito!?” sigaw nito na nagpatawa saming magkapatid Si Anton ang anak nila tiya at tiyo, tanggap niya kami bilang kapatid at kailan man ay hindi nagreklamo kung bakit kami nakikitira sa kanila. “isa ka pang bata ka! anong oras na at ngayon ka lang umuwi? san ka nanaman nanggaling ha??” sigaw ng tiya sa anak niya tinawanan naman namin siyang magkapatid habang pinipingot siya ng ina. Panandaliang nawala sa isip ko ang aking ama noong gabing iyon. Kumain kami ng matiwasay at tahimik sa lamesa na tila may kanya-kanyang iniisip. “Breaking News! Viscount Winery Inc., is facing its downfall. One of the old employees exposed the corruption and a big amount of money the company has been taking in the past years. Live outside the company here's Nelson bringing us the latest news!” nakabukas ang TV at nakuha nito ang aking atensyon ng mabanggit nanaman ang aming kumpanya, at nagulat ako sa balita. Nahaharap ngayon ang company sa isang malaking issue na maaaring makasira dito, agad akong kinabahan sa mga mangyayari agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang aming group chat sa office dahil kalat na ang issue nationwide. sunod sunod ang notifications na natanggap ko kasunod ng pagputok ng balita sa TV. “beeehh nabalitaan mo na ba?” message ni Daphne sakin “oo, totoo ba ‘yon?” reply ko sa kanya “eto na nga ang chika! may traydor sa company at nag spluk sa media ng issue, kwento ko sayo bukas sa office ang tea!” gaga talaga tong kaibigan ko, parang masaya pang may issue ang kompanya. Hindi pwedeng bumagsak ang kompanya, nakasalalay dito ang trabaho ko at kailangang kailangan ko itong trabaho na’to. “ate, mukhang may problema din kayo sa office ahh, magpahinga kana at ako ng bahala sa hugasin” “ oo nga, mukhang malaki ang issue na ‘yan kailangan mo ng lakas para pumasok bukas, wag ka ng mag isip ng kung ano-ano ngayon, matulog kana” saad ni Anton habang tinataboy ako sa lamesa “oo na, sige na tatayo nako. Tiya, tiyo ako’y mauuna pong matulog” “o siya sige magpahinga kana at alam kong pagod ka” sabi ni tiyo. Umakyat na ako at naghanda ng matulog para may lakas kinabukasan. Hindi ko rin kinalimutang magsalang ng labahin dahil wala kong isusuot bukas. Pinilit kong matulog ngayon kahit na maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan, pinilit kong ipikit nalang muna ang aking mata para maging handa sa panibagong hamon ng buhay kinabukasan.As she walked out of my office, I lifted my head and sigh.“this is gonna be hella fun” I smirked.The way she banters with me is cute, hmm. Let's see how long you will be like that. I need to focus on fixing this fucking issue. It actually makes my head hurt just by seeing the reports, the company is actually in a much more serious situation now that I see it. There are more rats than I expected.I have to meet the investors to be able to trap the rats. That way it stops infesting this little company. The phone rings on my table.“Hello, Sir it's time for the meeting with the investors. The conference room is ready.” It's the little girl, doing her job.I didn't notice the time.“I’ll be there, let them wait a minute” I dropped the call.I went to the cabinet and made sure to get the proposal I have about the restructure. I made sure that no one will resist this offer. If they did, it's their loss, not mine. I don't need useless investors. I walked out of my office and saw that s
Tinatamad akong pumasok ngayon dahil hindi ko alam kung anong monster ang haharap sa akin mamaya. “ugh! antanga tanga mo naman kase Amore, kung bakit naman kase nauunang umiral ‘yang kamalditahan mo eh!” sabay pukpok ko sa ulo ko nang magising nako sa katotohanan. “Ate! wala ka bang pasok? balita ko dumating yung may ari ng Visconti Group ah, gwapo ba ‘te? gusto kong ibato ‘tong unan sa pagmumukha ng kapatid ko. Sinamaan ko siya ng tingin.“panget!” sigaw ko sa kanya.“sungit naman neto ang aga aga eh, bumababa kana daw at kumain sabi ni tita, pasok nako” sabi nito at umalis na papunta sa eskwela.“ingat”Kailangan ko na talagang mag ayos kung hindi ay malelate ako. Mukhang ayaw pa naman nong lalaki na ‘yon ang late, lalo pa akong mapasama sa paningin niya, leche!Nakarating naman ako ng maaga sa office at dumiretso na ako sa office ng senior para iconfirm kung tuloy ba ‘tong pagiging secretary ko. Kumatok ako sa pinto.“Good morning po Ms. Cha..”pumasok ako sa office nya at ngu
“fuck! this stupid girl!” I was planning to go to the office tomorrow but I decided to go straight here today right after I landed. But fuck! My clothes were stained by this stupid employee in the company. I should have just waited for tomorrow. And now she just walked away without even compensating me for my shirt. “useless employees” wala na bang maayos na empleyado ‘tong kompanya na’to?Hindi lang ata issue ang kailangan kong ayusin dito, maging ang structure kailangan ding ayusin. Ugh! That girl needs a lesson.That girl, she's insanely beautiful but rotten to the core. What a useless girl. I saw her ID, her name is Amore Celestine.“Hello, Philip. I am at the company now, deliver a new set of clothes and I need you to come right now.” I called my secretary and I immediately went to the head office.“Mr. Visconti, it's a pleasure to have you here in the company!” the bald president said as he walked near me and gave his hand.I accepted his hand as a gesture of respect to old p
“Sisteeerrr! kanina pa kita hinihintay!” sigaw ni Daphne ng makarating ako sa office.Medyo nalate ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi at ngayon kumikirot ang ulo ko sa lakas ng boses nitong si Daphne.inirapan ko ito sa pagkairita “ano nanaman ba?”“ito naman ang sungit ang aga-aga!”“ huwag kang magulo daph at masakit ang ulo ko, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi” saad ko dito habang inaayos ang gamit sa aking work station upang mag handa na sa trabaho.“dahil ba ‘yan sa issue?” usisa nito“oo! kaya manahimik kana” angil ko sa kanya “eto na nga girl, ayon sa aking source ay pupunta daw dito personally ang CEO ng Visconti Group!!!”Napatingin ako sa sinabi niya, mukhang malaking issue nga itong nangyari ngayon dahil ang CEO na mismo ng Visconti Group ang pupunta para ayusin ito. Mabuti naman kung ganoon, ibig sabihin mabilis din itong maaayos, pag naayos agad wala na akong iisipin pa. “talaga?” sagot ko kay Daph“oo girl! like omg!!! sobrang mala greek god ang kagwapu
Isang araw na naman ang lilipas at sa trabaho ko lang ginugugol ang oras ko. Pauwi na ako mula sa aking trabaho, at hindi ko alam kung masaya ako o malungkot. Masaya akong nagtatrabaho sa isa sa malaki at successful na kompanya sa Pilipinas ang Viscount Winery Inc., isa akong sales and marketing officer sa kumpanya. Dugo at pawis ang puhunan ko upang makapasok sa kumpanya na ito. Mahirap lang kami at ginapang ko ang pag aaral ko upang makapagtapos ng marketing management. “Visconti Winery is facing a backlash, former employee is trying to take the company down..”Dinig ko sa nadaanang tindahan na kasalukuyang nanonood ng TV. Mukhang may malaking issue ngayon sa company. Agad akong kinabahan at nangamba, hindi pwedeng bumagsak ang kompanya. Wala pa akong napapatunayan, isang taon palang ako dito magmula nang ako ay mag internship sa parehong kompanya.Naging working student ako upang tustusan ang sariling pag aaral maging ng aking kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Masaya akong







