MAY KARAMIHAN din ang mga tao sa birthday party ni Bastie. Malawak ang koneksyon ng mga magulang ng binata. Mula sa negosyo maging sa pulitika. Ang ama nito ay minsan ding naging Alkalde katulad ng kanyang ama. Ngunit hindi nagtagal ang mga ito sa pulitiko. Ang ama ng binata ay tinapos lang ang isang termino at hindi na muling pumasok sa pulitika. Samantalang ang kanyang ama ay kaagad bumaba sa pwesto nang hindi tinatapos ang termino. Iyon ay noong mga panahong pumanaw ang kanyang ate.
Kaagad siyang lumapit sa mesa ng mga kaibigan. Si Jade, Erie, Dean at Jayden lang ang naroroon. Kaagad namang napuna ni Jade na tila may hinahanap siya.
"Yung birthday celebrant pumasok lang sandali sa loob at lalabas din daw kaagad." Anito at makahulugan siyang tiningnan.
"Nandito na pala ang Dyosa." Ani Dean at kinindatan siya. Naka
NANG MALAPIT na sila sa mesa ng mga kaibigan nila ay marahas na hinatak niya ang kamay mula kay Bastie. Sa gawing iyon ay walang masyadong tao. Kanina pa siya nagtitimpi. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras."Muffin..." Sambit ng binata."What is that all about?" Mahina ngunit may diin sa bawat salita na tanong niya rito."We need to talk...." Anito na tila nagsusumamo."Then talk now!" Medyo napalakas yata ang sagot niya dahil may mga ilang bisitang lumingon sa gawi nila.Kaagad silang nilapitan ng mga kaibigan nila. "Mas mabuti pang sa loob nalang natin pag-usapan." Anito at dinaluhan siya at pilit pinapa-kalma."Bastie?" Si Erie iyon na mukhang naghihintay
"LET'S GIVE HER some time. She made sure that she's fine." Tinig iyon ni Jade ng makabalik sa library. Hinabol nito kanina si Ice, ngunit mukhang hindi nito naabutan ang kaibigan. Kahit papaano ay medyo napanatag ang kanyang loob dahil tiniyak ni Jade na safe ang dalaga. Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. Nagtapat siya ng nararamdaman para kay Ice dahil unti-unti ng nagiging malinaw sa kanya na hindi lang niya ito simpleng gusto, kundi mahal na niya ang dalaga. Sa bawat araw na nag-aalala siya para sa dalaga ay hindi niya namalayang unti-unti na siyang nahuhulog rito. Bale wala ang pagsusungit at pagtataray nito sa kanya. Hindi naging sagabal iyon upang lubusang mahulog ang kanyang damdamin sa dalaga.
ALAM NIYANG KANINA pa naiinis si Ice sa kanya. Kasalukuyan na silang papasok sa kanilang unibersidad. Sinundo niya ito at halatang pilit lang na sumakay ito sa kanyang sasakyan kanina. Sa tuwing magtatama ang paningin nila ay palagi siya nitong sinisimangutan na ginagantihan naman niya ng ngiti.Alerto din siya sa paligid. Sa hindi maipaliwanag na dahilan lalong sumidhi ang pagnanais niyang ma-protektahan ang dalaga."Alam mo naiinis na ako sayo? Dinaig mo pa ang anino ko!" Huminto ang dalaga sa parteng hindi masyadong dinadaanan ng mga estudyante.Nagkibit-balikat lang siya. Sa mga nakalipas na taong magkaibigan sila ng dalaga ay napag-aralan na rin niya kung paano pakitunguhan ang dalaga. Hindi nga lang niya alam kung itinuturing siyang kaibigan ng dalaga. Hindi sila malapit sa isa't
NANG SA TINGIN ni Ice ay nai-luha na niya ang lahat, she switch on her phone at kaagad siyang nakatanggap ng mensahe mula sa mommy niya. Pinapauwi na siya nito at ng magkausap daw sila kasama ang kanyang ama.Kahit na may galit siya sa kanyang ama, ay nirerespeto pa rin niya ito. May mga pagkakataong sumasagot siya oo, ngunit may mga pagkakataon ding sinusunod niya ito kahit ayaw niya. Kagaya nalamang noong pilitin siyang maging boyfriend si Bastie. Muli ay may nalasahan siyang pait ng maalala ang binata.Ilang saglit pa ay nasa bahay na siya. Kaagad siyang sinalubong ng kanyang mommy at daddy. Kitang kita niya kung gaano kabalisa ang mga ito. Mukhang alalang alala ang mga ito sa kanya. At kung titingnan ng mabuti, mas balisa ang kanyang ama.Malungkot siyang tumingin sa ama.
PUMUNTA NG boutique si Ice ng wala kahit anino ni Bastie. Her father insisted on having a driver/bodyguard for her own safety. Hindi na siya nakipag-argumento pa sa kanyang ama dahil nag-aalala lang ito sa kaligtasan niya.Naninibago siya buhat kaninang umaga. Kagabi nga halos hindi siya makatulog dahil hindi niya alam kung paano sisimulan na kausapin si Bastie. Kailangan niyang humingi ng tawad sa binata.Wala sa loob na napatingin siya sa sofa kung saan madalas umupo ang binata. She saw him waving at her and winked at her. Then he faded away. Mariin siyang napapikit.Hindi niya dapat iniisip ang binata. Gusto lang naman niyang mag-sorry dito. Iyon lang naman."Talaga ba te?"Siguro naninibago lang siya dahil siyam
NASA ISANG ORAS ng naghihintay si Ice sa opisina ni Bastie. Wala pa raw ang binata. Tumingin siya sa wrist watch niya pasado alas diyes na ng umaga. Kaagad siyang pinatuloy ng receptionist at sekretarya ng binata sa opisina nito. Dahil iyon nga daw ang bilin nito dati. Hindi siya mapakali, hindi siya sanay sa ganito. Medyo kinakabahan din siya. Kanina pa siya nag-eensayo ng sasabihin. "Uhm.. look.. I'm sorry..." Bumuga siya ng malakas na hangin. "Ang pangit parang napipilitan lang ako." She cleared her throat. "Sorry na?" Napabuntong hininga siya. "Ang sagwa parang pabebe naman ako masyado." Patuloy na kausap niya sa sarili. Paano nga ba niya sisimulan ang paghingi ng tawad sa binata? Hindi rin siya sigurado kung gusto siyang makita ngayon ng binata, dahil sa mga nak
NAPAGPASYAHAN NI ICE na dumaan ng Hanggang Ngayon Café nang araw na iyon. Kaagad siyang sinalubong ni Jade pagpasok palang niya ng café."Libre to ha." Biro niya sa kaibigan."Kailan ba kita pinagbayad?" She beamed."Kaya nga ayaw kong araw arawin baka sabihin mo nananamantala ako." Aniya rito."Nabayaran mo na nga at ako pa ngayon ang may utang dahil free ang gown ko." Ani Jade.Yeah, she was right. Libre lang ang gown na ginawa niya para sa kasal nito. It's one of her gifts to the couple.Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan. Nag-go-glow ito. Halatang masaya ito sa buhay may asawa."O bakit mo ako tinitingnan ng ganya
SI DARREN ANG driver nila papuntang Zambales. Ayon kay Jayden tutuloy sila sa bahay bakasyunan ng pinsan nito sa may Pundaquit. Wala siyang masyadong alam sa Zambales maliban sa nandoon ang famous na Mt. Pinatubo at masarap at mura ang mga mangga doon. Kaya ipinangako niyang bibili siya ng maraming hinog na mangga. Ripe mangoes are one of her favorites.Sina Erie, Jade at Bastie nalang ang hinihintay nila. Kasama na niya sina Jayden at Dean. Hindi maawat sa pag-a-asaran ang dalawa."Ice sino ang panalo sa OOTD ngayon? Si Dean o ako?" Pangungulit ni Jayden. Kanina tinatanong siya kung sinong mas gwapo tapos sinong mas hunk, ngayon naman outfit of the day!"Alam niyo kayong dalawa, pag-umpugin ko kaya mga ulo niyo?" Biro niya sa dalawa."Ang KJ naman ng Diyosa na 'to